Chapter 6: Fancy meeting you!

1079 Words
Naka black light sweater collar with mock shirt lang siya at ripped jeans na puti. With matching converse. Nakalugay lang din ang hanggang balikat niyang buhok na medyo pinawave lang niya. Nakalip gloss at eyeliner lang nilagay niya sa mukha. Ganyan lang nakasanayan niya tuwing naghahang-out sila ni Megan. Hindi nalang din siya nagsuot ng salamin para naman kapag nalasing na siya'y walang sagabal. Pinagplanohan talaga! Nag-aya kasi ang kaìbigan nito na isasama sila ni Megan na maghahang out ngayong gabi. Sapat na naman ang pahinga niya para humataw ulit total at nasa Pilipinas na naman siya at magagawa na naman niya ang nakahiligan. Kahit pa nga at nasa Dubai sila ay lagi niyang inaaya ang kaibigan na maghang out paminsan minsan para mawala naman ang kaboringan nila sa buhay. Nasa loob na sila ng The hangouts na pag-aari pala ni RJ at sa iba pang mga kaibigan nito na magkasosyo din sa negosyo. Magkatabi silang nakaupo ng kaibigan sa mahabang couch malapit sa screen sa loob ng VIP. Dahil inukupado na ng dalawang nilalang na kasama nila na mga kaibigan raw ni RJ ang dalawang babaeng kasama nila na mukhang ewan ang karugtong na upuan sa inuupuan nila. Okay lang naman kung mukhang ewan kung hindi din mukhang ewan ang mga ugali ng mga nito. Napaka ipokrita ng mga ito dahil ramdam niya ang inis ng mga ito sa kanila ng kaibigan niya, iwan niya hindi naman nila inaano ang mga ito lagi nalang nakairap lalo na si Irene na kasama ni Clarissa. Mukha naman itong bangkay. Kanina pa ang mga ito sa loob ng sasakyan mukhang hindi sila feel na kasama. Keber ko!Parang sawa din 'tong makalingkis si Clarissa kay RJ, kaya naman ang mukha ni Megan parang punyal kung makatingin sa dalawang naglalandian. Natatawa siya kay RJ kasi mukhang ewan ang mga isinama nito. Baka siguro mukhang ewan lang din ang mga parating daw na kaibigan nito na sina Billy at Alex na hinihintay nilang dumating. Pinagdiskitahan nalang nilang inumin muna ang bote ng Monkey Shoulder na inorder ni RJ para sa kanila. Mahilig siya sa alak pero pangkaraniwan lang, hindi tulad nito iba ang lasa. Lasang mamahalin. Manamis namis na medyo mainit sa lalamunan. Kaya naman masarap. Mukhang mapapalaban siya ng husto lalo pa't nagustuhan niya ang lasa. Wala silang imikan ni Megan dahil ramdam niya ang pagkainis nito. At alam niya kung bakit. Dahil gusto lang naman nito ang lalaking nakikipaglandian sa isang haliparot. Ngali ngali na niyang agawin ang microphone kina Clarissa at Irene para ibigay kay Megan. Naririndi na siya sa mga boses ng mga ito. Ngunit nakikiramdam lang muna siya at alam niyang mas may malaking ibubuga 'tong kaibigan niya kapag tinanggal na ang blazer nito at kakanta. Nakatuon lang muna ang pansin niya sa basong may lamang inumin. Pagkainom niya'y ilalapag na sana niya ang ininumang baso'y biglang napako ang pansin niya sa pintu na bumukas at kahit dim light ay kitang kita niya ang unang lalaking pumasok doon. Nagulat siya at parang namangha ng makita ang mukha ng lalaki na kamukha lang naman ng unang lalaking hinangaan niya sa tanang buhay niya. Si Dao Ming Si. Ang first love niya na ultimate crush niya noong siya'y teenager palang. Ang bidang lalaking tinatawag nilang F4 sa telenovelang Taiwanese Series na Meteor Garden. Simula ng mapanood niya ang telenovelang ito ay ang tanging bidang lalaki na si Dao Ming Si lang ang unang lalaking nakitaan niya ng malaking gusto. Pero mas lalo siyang nagulat sa sumunod na lalaking pumasok sa pinto na iyun. Ang lalaking bigla nalang nagpabilis sa puso niya. Kahit minsan lang niya ito nakita, pangalawa? O pangatlong beses na ito ngayon. Hindi niya mapigilang bigla nalang kumabog ang puso niya ng ganun. At isa pala ito sa mga kaibigan ni RJ. Ang lalaking hindi niya alam kung hahangaan dahil sa angkin nitong kagandahang lalaki o kaiinisan dahil sa ginawa nitong katangahang pagbangga na dahilan ng pagtapon ng kanyang kape. Hinding hindi niya talaga makakalimutan ang mukha nito. "Hi, girls." Bati nito na may ngiti pa sa labi. Ganun din si Dao Ming Si na kasunod na nito ay nakangiti at bumati na rin. "Hi, Billy, hi Alex." Si Clarissa na may ubod ng ngiti at parang pinangangalandakan pa ang hinaharap masyado. Kaya naman kitang kita niya ang matalim na tingin ng kaibigan niya rito. Nawala na sa pansin niya ang ultimate crush niya noong kabataan pa niya. Nasundan lang niya ng tingin ito na tumabi kay Megan na nasa dulo na ng upuan. Mas lalong hindi niya alam ang nararamdaman ngayon ng tumabi ang simpatiko este hambog or tanga pala na lalaki na ito. Napasinghap pa siya ng malanghap niya ang mabangong perfume nito. What the heck! Napamura pa siya dahil sa ang bango talaga nito, nasa tabi lang niya kasi. Napangiti pa nga ito bago umupo, pero hindi lang siya umimik parang napairap pa siya 'ata. Keber ko! Napapagitnaan nila ito ni bangkay este Irene pala. “Hanep bro?” Ani nito kay RJ. “Akala ko ba resto bar ito? Ginawa mong club ah?” Anito habang tawang tawa. “Hi Megan?” Napabaling ito sa kaibigan niya kaya naman muntik na magtagpo ang mga labi nila malapit na malapit na kasi. Kaya sumikdo na naman ang puso niya. Kay bango naman ng hininga nito. “Sino kasama mo? Boyfriend mo?” Tanong ulit nito sa kaibigan sabay simpatikong sumulyap sa kanya. Punyeta! Biglang kumulo dugo niya sa tanong nito. “Ah kaibigan ko nga pala si Mikey.” Pakilala ni Megan sa kanya sa dalawang bagong dating. “Babae siya hindi siya lalaki.” “Ah akala ko kasi babae din ang hanap.” Dugtong na naman nitong sa tabi niya na sabay tawa. Di lang tawa kundi tawang tawa. Kaya naman lalong kumulo dugo niya mula talampakan hanggang ulo na yata. Ngali ngali na niyang sikohin ito. Nasa tabi lang niya eh. Mas lalo siyang nainis ng sabay din tumawa ang dalawang hitad na kasama ni RJ. Nagpipigil lang siya at alam naman niyang joke lang 'yun. Kaya naman kung anong nararamdaman niyang bumibilis ang t***k ng puso niya sa lalaking hambog na ito ay titigilan na niya. Hindi nalang niya ininda si Billy. Dahil lalo lang siyang mapipikon sa kadaldalan nito. Pinagpatuloy nalang nila ang pag-iinuman at ini-enjoy ang gabing iyun. Lalo na ng kumanta ang kaibigan niyang si Megan na lalong nagpabighani ng gabi nila dahil sa ganda ng boses nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD