Chapter 5: Welcome back Philippines: She

1033 Words
Kararating lang niya ng Pilipinas agad niyang hinanap ang exit at hinanap din ang kaibigang si Megan na susundo sa kanya sa NAIA. Sabi din nito na ito na ang tatawag sa tita Pat niya. Nang makalabas na siyay agad na niyang natanaw ito, nakangiti habang kumakaway sa kanya. Mabilis niyang tinulak ang cart na nilagyan ng mga bagahe at gamit niya. Nakangiti din siya at niyakap agad ng makita ito. Miss na miss na niya ang kaibigan. “Hi dai, kumusta?” Aniya. “Okay pa rin. Ikaw diyan?” Anitong ngiting ngiti. “Okay lang din.” Saka kumalas sila sa isa’t isa. “Iba talaga ang amoy ng Pinas ano?” “Kaya nga.” Anitong iginiya na siyang lumabas. "Lets go hinihintay na tayo ni RJ." “Ha?” Aniyang namilog ang mga mata. At parang nanonokso. “Hala ka dai ha? Kinareer mo na talaga si papa R.” Sabay tawa. “Ikaw talaga. Kaibigan lang kami.” Parang namula ata to. “Naku! Magsisimula yan sa kaibigan hanggang sa nagkaíbigan.” Aniyang tawang tawa habang tulak tulak ang cart palabas. Pagkalabas nilay agad nilang nakita ang sasakyan na naghihintay sa kanila. Natulala pa siya habang nakikitang pababa ang taong nagmamaneho ng sasakyan na yun. Aminin man niya't sa hindi gwapo talaga ang lalaking type ng kaibigan niya. Sa tanang buhay na magkasama sila ni Megan ngayon lang niya nakitang blooming ito. At dahil yun sa knight and shining armor nito. Masaya siya para sa kaibigan niya na nagkakagusto na ito ng isang tulad ni RJ. Ang tanging hiling lang niya na sanay huwag itong paglaruan lang ng lalaking ito. Habang nagbabyahe sila napadaan muna silang kumain dahil nag-aya si RJ. Pagkakain ay agad na silang umuwi sa Pasay, sa bahay ng tita Pat niya. Excited siyang makita ulit ito. Dahil miss na miss na niya ito. Ito lang ang tanging pamilya na naiwan sa kanya at gumabay. Malaki ang naitulong nito sa kanya. Kaya mahal na mahal niya ito. Panganay na kapatid ito ng ina niyang yumao. Pagkarating nila sa bahay ng tita niya ay agad niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi. Mangiyak ngiyak pa ito ng makita siyang muli. "Welcome back, hija!" Anito ng kumalas na sa pagkakayakap. Sinipat pa siya nito mula ulo hanggang paa. Na may paniningning sa mga mata. Alam niyang nangis yun ng pagkasabik muli na makita siya. "Miss na miss na kita. Salamat naman at nakabalik ka na sa Pilipinas." "Miss na miss na rin kita tita Pat." Aniya pagkakalas sa pagkakayakap sa tiyahin. "Sana for good na ang pag-uwi mo dito." Sabay tawa. "Sanay hindi mo na maisipan pang iwan akong muli." Parang hinaplos ng malamig na kamay ang kanyang puso pagkarinig sa mga katagang yun mula sa tita Pat niya. Kaya naman hindi niya mapigilang mapaiyak at niyakap ulit ito ng mahigpit. Agad din naman gumanti ito ng yakap at napahagolhol na. Nakatunghay lang ang kaibigan niyang si Megan at ang knight and shining armor nitong si RJ. Pagkakalas sabay pa silang nagtawanan ng tita niya ng makita ang nakatunghay na dalawa. Inaya ng tita niya ang lalaking kasama nila ngunit nagmamadali itong tumanggi at nagpaalam. Samantalang si Megan ay dito muna matutulog sa kanila. Mainit namang tinanggap ng tita Pat niya ang kaibigan. Kinagabihan pagkatapos nilang maghapunan tatlo ay magkatabi ulit silang natulog ni Megan sa kwartong inilaan sa kanya ng tita niya. “Oyyy?” Tukso agad ni Mikey sa kaibigan pagkapasok nila sa kwarto niya. Habang binubuksan niya ang mga dala dalang gamit. “May pahatid hatid pa talaga ha. At may pakain pa teh?” “Naku! Ano naman ngayon?” Anito. “Naku Megan! Alam na this.” Aniyang nakangisi pa. “Anong alam na this?” Anitong tinutulungang buksan din ang mga dala niyang mga gamit para ayusin. “Kung hindi kayo ni RJ siguro may feelings na?” “Wala ah. Magkaibigan nga lang kami.” “Naku dai, wag mong sabihing hindi ka affected sa hitsura na yun ni RJ?” Patuloy niyang tukso rito dahil namumula na. “Hindi!” “Hindi nga? Sure ka?” “Sure!” Anito. “Oy dai tingnan mo nga ilong mo oh?” Sabay turo niya sa ilong nito. “Humahaba.” Kaya tawang tawa siya rito. “Heh! Tigil tigilan mo ako Mikey.” Anitong napapatawa na rin. Pero namumula. Mula paman noong magkakilala sila ng kaibigan niya alam na niya ang ugali nito. Ngayon lang niya nakitang masaya ito sa isang lalaki. At hindi niya mapigilang maging masaya para dito. Pero siya? Kailan kaya niya matatagpuan ang lalaking para sa kanya? Yung hindi siya lolokohin at paglalaruan lang? Meron kayang lalaking ganun? Yung lalaking hindi katulad ng tatay niya? Na pagkatapos paglaruan ang ina niya ay basta basta nalang iniwan at inanakan. Kaya nga takot siyang magmahal at tumanggap ng lalaki sa buhay niya dahil ayaw na ayaw niyang matulad sa nanay niya nabigo lang dahil sa walang kwentang pag-ibig sa isang maling lalaki. Ganun pamay hindi niya mapigilang magtanim ng sama ng loob sa tunay na ama, ang tanging ipinagdarasal lang niya na sanay hindi pagtagpuin ang landas nila ng tunay na ama, dahil hindi niya talaga matatanggap ang ginawa nito sa ina niyang yumao. Namatay ng dahil lang sa depression sa lalaking niloko lang ito. Pasalamat nalang siya at napunta siya sa kapatid ng mama niya. At ito ang tita Patricia niya, nasa tamang gabay siya nito. Pinaaral, pinakain at binihisan, kaya ganti niya sa pagsusumikap ay para rito kaya naman nakapagpundar na ito ng bahay at negosyo nito. Na siya ang nagbigay ng kosa. Kulang pa ang binigay niya dahil walang katumbas ang binigay nito sa kanya. Utang na loob niya ang buhay sa tita Pat niya na naging ikalawa na niyang magulang simula pa ng isilang siya sa mundong ito. Pagkatapos nilang magligpit ng mga dala niyang mga gamit at pasalubong ay agad silang natulog ng kaibigan niyang si Megan. Pagkahigay ramdam niya talaga ang pagod na katawan sa paglapat ng likod niya sa malambot na kama. Wala pa sigurong limang minutoy nakatulog na siya. Ganun siya palatulog kahit kape ng kape at alak ng alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD