Magpapasundo sana siya kay Alex ng agad siyang nakarating sa Pilipinas, pero si RJ ang sumundo. Ayaw niya kasing abalahin ito dahil may housemate itong tipong tipo nito. Si Siomai girl, kahit ilang beses man e-deny ni RJ na hindi nito type si Megan alam niyang ang mga tipo ni Megan ang type ng kanyang kaibigan. Sana naman magtino na ito, kung saka sakali.
Agad siyang nag hop-in sa passenger seat ng mailagay na niya ang lahat ng mga gamit sa compartment.
“SO how’s your girl?” Tanong ni Billy ng nakasampa na siya sa loob ng sasakyan ni RJ.
Kita niya ang pagkunot ng noo nito, habang nakatoon na ang mata nito sa pagmamaneho.
“Your siomai girl?” Patuloy niya.
“She’s not my girl.” Tipid nitong sagot.
“Really? Si RJ, nagpatira ng isang maganda, hot and seksing babae sa kanyang bahay pero hindi niya naging babae? Wow!!! How amazing? First time in the history.” Aniyang tawang tawa hindi talaga siya makapaniwala.
“Really! Naawa lang ako, dahil wala siyang kamag-anak dito. And she don’t want to go back in Cagayan muna daw. So, why not?”
“So tell me bro?” Aniyang hindi pa rin makapaniwala sa kaibigan. “Sa katulad ni Megan, kahit ba sa hinagap hindi mo maisip na baka magustuhan mo siya? Hindi naman malayong mangyari yun. I know Megan is a kind of your type. Maganda, sexy, at sabi mo magaling magluto at baka din siguro kumanta?”
Napatawa ito ng pagak. At wala siyang nakuhang sagot mula sa kaibigan. Nakatuon lang ang mata nito sa pagmamaneho. Kilala na talaga niya itong napakatahimik lang, pero napakatinik. Hindi din ito madaldal katulad niya puno ng kyuryosidad sa sarili. At kung ano anong kapilyohan ang nasa utak.
“Come on, bro? Answer me.” Kulit niya ulit dito.
“Hindi niya ako type. Alam mo naman ako, hindi sa pagmamayabang babae ang unang lumalapit sa akin. Pag gusto mo, come on. Pag-ayaw mo di hindi naman ako namimilit.”
“So you mean hindi man lang ito nagpapakita sa iyo ng motibo?” Aniyang hindi pa rin makapaniwala. “Baka nagpapakipot lang?”
“Megan is not kind of girl na easy to get.” Anitong dini-describe siguro nito sa isipan ang dalaga.
“Wow! So now you complementing her. That means you like her.”
“Billy, it doesn’t mean I complement people because I like them. It’s because I respect them. At hindi naman ako nambabastos ng babae. Kung go on with a flaw ka, lets go kung hindi eh deh ‘wag. Ganyan si Megan and isa pa I like her as a friend not as a woman.”
“Oh I see. I see?” Aniyang himig hindi pa rin makapaniwala.
“Maiba tayo bro. Kailan tayo pupunta sa The hangouts na tin?” Iniba nito ang usapan.
“Bukas bro, magpapahinga na muna ako ngayon at may jetlag pa ako. Bukas ng gabi susunduin kita sa unit mo.” Sagot niya. “At isama natin si Megan.”
“I see how? Kung gusto niya. Si Alexander lang ang kikitain natin.”
“How about Ken?” Tanong niya.
“Nasa Bicol sila ng asawa niya umuwi.”
“Wow! Talagang nakapag-asawa na rin yung kaibigan na ting yun.”
“Sabi ni Alex eh. Si Jude nga din eh.” Sabi nito.
“Si Jude? Wala na yung balak umuwi dito at baka makapag-asawa din yun dito ng Pilipina. Takot lang non umuwi baka biglang singilin nong pinadalhan siya ng pera.” Aniyang tawang tawa.
Meron pa rin talagang uto uto sa mundo. Alam din naman niyang may kapilyuhan ang isa niyang kaibigan na yun.
Hanggang sa nakarating na sila ng condo niya sa Makate. Malapit lang din sa condo nito at mas pinili nitong samahan muna siya hanggang kinagabihan.
Nagising siya kinagabihan na wala na si RJ sa unit niya. Sa sobrang pagod niya, pagkatapos ng inorder nilang pizza kanina ay natulog lang siya buong araw.
Nadismaya siya ng in-on niya ang cellphone niya at kinonek sa wifi ay wala parin siyang reply mula sa girlfriend. Kahit seen ay wala siyang makita sa chat niya sa messenger. Ano na kaya nangyari dito? Ayaw niyang mag-isip ng masama, may tiwala naman siya sa girlfriend niya. Ang inaalala lang niya ay baka may nangyaring hindi maganda rito. Kaya naman hindi na siya nagpaligoy ligoy pa at kinapalan na niyang kontakin ang kaibigan nitong si Amor. Kasamahan din nito sa trabaho. Hindi sila magkaibigan sa f*******: pero alam niyang kaibigan ito ng girlfriend niya. Minsan nakita na niya itong kasama ni Shirley ng ihatid niya sa pinagtatrabahuang hotel. At kilala na din siya nito.
“Hi, Amor! Care to chat?” Bungad niya sa chat rito sa messenger. Sana lang matanggap na nito agad ang request niya.
Pagkalipas ng sampung minuto ay nakatanggap siya ng reply rito. At nakilala naman siya dahil totoong pangalan niya ang nakalagay sa f*******: account niya.
“Billy!” Una nitong reply. “Sure.”
“Kmsta? Anjan ba si She?”
“Ahmmmmm.....nasa breaktime. Yaan mo at ipapaalam ko sa kanya na nagchat ka.”
“Okies! Tnx.”
Pagkareply ay ipinatong na niya sa bedside table ang cellphone at tumayo na para makapagshower. Pakiramdam niya umaalog pa ang buong katawan niya dahil sa sinakyan na eroplano. Pero mas um-okay na siya ngayon kaysa kanina. Maliligo muna siya para tuluyang mahimasmasan.
Pagkaligoy nakatanggap siya ng messenger call. Nakatapis pa siya ng tuwalya ng dali dali niyang sagutin ang video call na iyon.
Si Amor!
Pagkasagot ay ang mukha ng girlfriend niyang si Shirley ang nabungaran.
“Hon?” Aniya agad ng sagutin niya ang video call nito.
“Hon, I’m so sorry dahil hindi mo ko makontak. Nawala kasi ang cellphone ko noong nakaraang araw ng makikipagkita sana ako sa iyo sa mall.” Anito sa malungkot na mukha. Naka-uniform ito ng pang receptionist at kahit sa malungkot na mukha ay maganda pa rin ito.
“It’s okay, Hon. I am fine now.” Totoong na relief siya ng makausap ang girlfriend. “Buti nalang at nakontak ko si Amor. Nawala na yung pag-alala ko.”
“Ako nga din eh. Worried na worried na. Hindi ko naman kasi alam kung kanino ako manghihiram ng cellphone. Salamat naman at nakontak mo yung kaibigan ko. Hayaan mo at bibili ulit ako ng bagong cellphone sa makalawa sa sahuran namin.”
“Okay, Hon. Kokontakin ko yung kakilala ko diyan at padadalhan kita ng bagong cellphone.”
Malapad lang itong ngumiti pagkapasalamat. Marami rami pa silang napag-usapan ng girlfriend niya at dahil ginamit lang nito ang ilang minutong breaktime para makausap siya. Miss na miss na niya ito.