Nakauwi na siya sa boarding house nila. Siya nalang mag-isa dahil kakauwi lang ni Megan ng Pinas. Pagkapasok sa loob ay inilapag niya sa may computer table ang bitbit niya kaninang cellophane na may lamang red horse in can.
Heto na naman yung kalungkutang nararamdaman niya tuwing nag-iisa lang siya. Kapag nag-iisa siya ay laging umaatake ang lungkot sa kanyang sarili. Kaya naman naisipan niyang bumili ng pampatulog kanina sa may convenience store sa may malapit sa kanilang tinitirhan ni Megan.
Kaya naman kumuha na siya ng beer at dali dali binubuksan, nakakain na din naman siya kanina sa restaurant na pinapasukan. Paupo na siya sa higaan habang nagtitipa ng mga mensahe niya sa messenger sa kachat niyang si Megan. Kararating lang nito sa Pinas. Buti pa yung friend niya.
Hindi na raw ito magpapasundo sa tita niya at hindi na tutuloy doon sapagkat may nag-offer na raw kamo rito ng accomodation.
Char!!!!! Chat niya sa kaibigan habang nilalagok naman niya ang beer at nagtitipa ang kanang kamay ng mensahe para sa kaibigan. Tawang tawa siya sa chinat rito. Baka ibang offer na yung kasunod.
Hinihintay niya yung reply nito. Typing message pa yung nababasa niya kaya naman nilagok niya ulit yung beer in can at pakiramdam niya nangalahati na yung laman doon. Pero yung kachat niya ang tagal pa ring makareply.
Hoy! Chat niya ulit.
Agad naman pumasok ang napakahaba nitong reply. Na wala daw at magkaibigan lang ang mga ito. Huwag daw kamo abusuhin ang kabaitan ng binata at hanggang kaibigan lang daw ang turing ng mga ito sa isa’t isa. At tatlong buwan lang naman daw at aalis na siya at babalik ulit sa Dubai.
Kaya naman napatanga siya!
Dai ha, napaka defensive naman. With laughing emoji pa. Siya sige dai hangad ko ang iyong kaligayahan.
Tange! Friend nga lang!
Hehehe oo na oo na. Pagkasend ay pumunta nalang siya sa may f*******: page ulit at nag-i-scroll ng newsfeed, at kinuha niya ulit ang inilapag na inumin kanina at niisang lagok nalang niya iyun at naubos na ang laman.
Kumuha siya ulit sa may supot at binuksan. Tatlo kasi ang binili niya. Apaka niya talaga!
Natatawa siya habang nag-i-scrool. Ang daming ganap kasi sa Pinas. Pakiramdam niya ayaw niya munang umuwi kaso kailangan dahil din sa permit niya. Mag-aapat na taon na iyun. Dalawa sila ng kaibigan niyang si Megan ang pinalad na makapag-cross country sa bansang kinaroroonan nila ngayon at maswerteng nagkaroon ng magagandang trabaho sa Dubai.
Pakiramdam niya hinihila na siya ng antok, maya maya. Nakadalawang can na siya ng beer. Kaya naman binuksan na niya ng mabilisan ang pangatlo at inisang lagok nalang hanggang sa nakaramdam na siya ng tuluyan na antok.
Kinabukasan maaga na naman siyang gumising para sa pagpasok sa trabaho. As usual, kape na naman siya sa umaga at minsan hindi na nag-aalmusal. Sa gabi naman beer in can. Natatawa nalang talaga siya sa sarili niya sa mga paborito niyang mga inumin. Naiisip niya, healthy pa ba siya nito? Masarap naman siya kung natutulog. Pero sa pagkain hindi siya gaanong mahilig sa gulay. Mga pili piling gulay lang kinakain niya. Kaya sobrang payat siya na nakadagdag sa kanyang tangkad. Buti nalang mestisahin siya dahil baka magmukha na siyang kapre sa katangkaran niya.
Siguro kung mag-aayos siya?papasa siyang Binibining Pilipinas. Kaso, hindi niya talaga type magpaganda. Simple lang siya kung mag-ayos, at gumagamit siya ng reading glass.
Nasa kalagitnaan siya ng pakikipag-usap sa isang customer sa may table 8 bitbit ang tablet na tinitipa ang order ng mga ito nang mapansin niya ang isang matangkad na lalaki sa may labas. Kita niya kung gaano ka mestisohin at artistahin ang dating nito na parang pamilyar sa kanya, transparent din kasi ang glass wall ng kanilang restaurant kaya kita niya ang mga taong nasa labas.
Hindi niya mapigilang mapatitig dito at hindi na napansin ang customer sa mga sinasabi nito.
“Halo!” Pinitik pa ng customer ang daliri nito na kausap niya kanina.
Kaya naman bigla siyang natauhan. At iniwasan na ng tingin bigla ang lalaking nasa labas. Bigla na rin pala itong nawala. At saka binaling ulit sa customer ang pansin. Nag-apology pa siya rito dahil parang badtrip na ang hitsura. Buti naman at napakiusapan niya ulit.
Kaya naman tuloy tuloy na siya sa kitchen area para follow up ulit ang order. Baka lalo pang mabadtrip ang nasa table 8 kung mabagal din ang nasa kusina.
Ang lalaki naman kasing iyun eh?! Maktol niya sa sarili.
NASA may mall na siya at hinihintay ang girlfriend niya, pero parang wala yata itong planong siputin siya. Halos isang oras na siyang naghihintay dito sa mall. Umu-o na naman ito kagabi na magkikita sila sa isang mall, pero ngayon hindi na niya makontak ito. Baka may emergency, dahil busy din naman kasi ito sa trabaho sa isang hotel.
Nakaramdam siya ng gutom kaya naman naglakad lakad siya sa may food corner hanggang sa mga nakahelerang restaurant. Pero parang nawalan siya ng gana dahil sa kay Shirley. Dapat sana sinabi nalang nito na cancel ang pagkikita nila. Uuwi na naman siya ng Pinas kinabukasan kaya naisipan niyang ayaing magdate ang girlfriend at balak niyang manood sila ng cine. Pero ito siya ngayon nag-iisa.
Habang naglalakad siya, pakiramdam niya halos nakatitig ang mga babaeng nakakasalubong niya. Hindi din naman kasi niya mapigilan, dahil sa bukod sa matangkad siya alam niyang biniyayaan din siya ng magandang mukha at mestisong dating katulad ng tatay niya na may ibang lahi. Kaya siya ay half American at half Filipino. Alam niya ring artistahin siya, pero hindi niya ginagamit ang kagwapohan niya para makakuha ng maraming babae na alam niyang mapapaikot niya sa mga kamay lalo pa’t alam niyang maraming magkakagusto sa kanya. Nananatili pa rin siyang faithful sa girlfriend niyang si Shirley sa loob ng tatlong taon nilang mag-on. Dahil ayaw niya matulad sa tatay niyang kung sino sino lang ang naging babae kaya marami siyang kapatid sa labas. Kahit sabihin pa nating ang nanay niya lang ang pinakasalan. Galit pa rin ang tingin niya rito lalo pa’t nasasaktan nito ang nanay niya. Ginagamit nito ang kagandahang lalaki at kayamanan nito para mapaikot ang kung sino sinong babae sa mga palad nito, at pagkatapos anakan ay baliwala nalang. Kaya naipangako ni Billy Hudson sa sarili na ayaw niyang tumulad sa tatay niya.