Chapter 2: Vacation Fee

1144 Words
“Mikaela Galitcha!” Tawag ng manager nila sa Chinese Restaurant na pinagtatrabahuan. Kararating lang din niya galing airport. Kaya nagmamadali naman siyang nagpalit ng uniform niya na kinuha pa niya sa kanyang locker. Nakadalawang beses siyang nagbook ng sasakyan kanina papunta dito sa workplace nila. Dahilan sa naganap kanina kaya nakapagbook ulit siya, dahil kinancel nong nauna niyang booking. Natagalan kasi siya sa pagsunod sa lalaking yun. Alam niyang nakita na naman siya ng manager niya kanina kaya inaasar na naman siya nitong napaka alaskador. Kaya naman nasanay na siya, di tulad ng dati na napipikon siya agad. “Hoy Galitcha!” Anito na bumungad sa kanya sa may pintuan sa kalalabas pa lang niya sa C.R. “Ano?!” Sigaw at singhal niya ito habang inaayos ang apron sa harap ng damit niya. “Bakit ba gustong gusto mong naririnig ang epilyedo mo Galitcha?” Umpisang asar na naman nito. “Tanga ka ba?kita mo kabibihis ko lang? Ano ba kailangan mo?” “Utang na loob Galitcha mag-asawa ka na? Para naman mapalitan na yang epilyedo mo.” Asar ulit nito. “So anong magandang epilyedo?” Aniyang nakataas ang kilay na nakatingin dito. “Revira.” Anitong nagpapacute pa. Ganito lage tong manager niya. Nagpapahaging sa kanya pero alam niyang inaasar lang siya nito. “Naku huwag nalang!” Aniyang sinipat muna ang mukha sa harap ng salamin. “Alam mo bang ang mga Revira ang may-ara ng isang sikat na punerarya sa amin? Kaya di bale ng Galitcha nalang ako.” “O baka naman mas gusto mga ibang lahi? Tulad ng Karim? O di kaya Surya?” Sabay ngisi sa kanya. Tukoy nito sa mga kasamahan nilang mga pakistani at indian sa trabaho. Kaya naman tiningnan niya ito ng matatalim na tingin. “Bukod nga pala sa may ari ng punerarya ang epilyedo mo Ronie may ari ka rin pala ng sikat na mental hospital sa lugar namin kaya umayos ka.” Sabay alis at tinalikuran na ang gago niyang manager. Narinig naman niyang bumunghalit ito ng tawa. “Oo nga pala pinapatawag ka ni Bossing.” Narinig naman niya pero hindi na siya sumagot. Alam naman niyang ito yung sadya ng lalaking manager na si Ronie sa kanya. Siguro ipinapatawag na siya ng Boss nilang intsik para sa hinihingi niyang vacation fee dahil next week na ang alis niya pauwi ng Pilipinas. Binaybay niya ang maliit na komedor sa daanan na iyun papunta ng opisina ng boss nilang si Sir Shawn. Isang binatang intsik na may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuan nila. Pareho sila ni Megan, restaurant din pero ang kaibigan niya assistant chef na at siya naman ay supervisor. Matagal na rin kasi siyang nagtatrabaho sa restaurant sa isang sikat na mall dito sa Dubai. Simula noong nag cross country sila ni Megan at napadpad sila sa Dubai apat na taon na ang nakalipas. Dito na rin sila nagkaroon ng pag-asa, hindi tulad ng dati sa Saudi Arabia sobrang nakakapagod at nakakaabuso sa katawan ang trabaho. Kaya naman hindi sila nagsisisisi nang mapadpad sila sa Dubai. Bukod sa stress free sila ay malaya pa silang nakakagala at nakakawala ng problema sa buhay ang pagiging malaya. Kumatok muna siya bago pumasok sa loob ng opisina ni boss Shawn Chua. Gwapong gwapo itong boss nila at super bait pa. At bukod pa doon ay single din. Binuyo na rin niya ito kay Megan dati ngunit katulad din niya ay hindi rin ito type ng kaibigan. Hindi din naman nito type ang kaibigan niya kundi siya ang gusto nito. Alam niyang hindi direktahan pero nagpapahiwatig palagi sa kanya. Pero siya, ewan, kahit gaano kagwapo at kayaman nito waley pa rin eh?! Saan kaya gawa itong puso niya? Ba’t parang ang tibay ng bato? Sinubukan din niyang gumusto sa isang babae, dahil baka tomboy nga siya pero wala pa rin. Siguro isang beses lang siyang nagkagusto sa tanang buhay niya. Yung crush na crush niyang taiwanese actor na si Dao Ming Si o Jerry Yan sa totoong buhay. Pero iba iyun. Pwera nalang kanina yung nakita niyang gwapong lalake. First time niyang nagagwapohan sa isang lalaki na ganun. “Come in.” Ani ng boss niya mula sa loob ng opisina nito. Kaya naman itinulak niya ang dahon ng pinto at bumulandra sa kanya ang malawak na opisinang iyun na may dalawang taong naglalampungan. Nakita niya yung boss niyang nakaupo sa swivel chair nito na may nakakandong na babae. Sexy at maganda. “Ah..please be seated there at the couch first baby.” Pakiusap nito sa babae saka tumayo naman ang inutusan sabay tilapon ng tingin sa kanya. “Please be seated Mikey.” Tumalima naman siya sa itinurong visitor chair sa harap ng desk nito. Sabay tingin ulit sa boss niya na nakatingin naman sa magandang babaeng nakilapaglampungan sa lalaking kaharap kanina. Mukhang pilipina yata itong babae, na first time dinala ng boss niya rito sa opisina. Sino kaya ito? Girlfriend nito? Pero wala na naman siyang pakialam doon. Buti nalang hindi niya type ang boss. Ganito pala ito. Tuluyang turn off na ito sa kanya. Pero buti nalang kahit busted ito sa kanya ay professional pa rin ang turing nila sa isa’t isa. “Boss,” aniya ng tumingin ito sa kanya. “Miss Galitcha.” Panigunda ni Shawn. Bigla naman niyang narinig na may natawa. Kaya sabay silang napatingin ni Shawn sa gawi nito. “Shirley please do something there and don’t interrupt us okay baby?” Nagkibit balikat lang ito sabay ngisi. Kaya alam na niya kung ba’t napatawa ito. Dahil sa epilyedo niya at Shirley pala ang pangalan nito ibig sabihin pilipina nga ito. “By the way Mikey. Next week is your flight already right?” Sabay tingin sa kanya. “Yes boss.” Aniyang tumingin at napatango tango din dito. “And about your requesting the vf is...” anitong may dinukot sa ilalim ng drawer nito. Pagkakuha nito ay sabay abot sa kanya. “Here it is. This is because you work with me for long time is very excellent. I gave you vacation fee and your two months salary. But, i give the one month first after two months your vacation from Philippines then only I will give to you your another one month salary.” Napangiti lang siya. Kahit naman ganito itong amo niyang intsik ay okay lang dahil malaking tulong na rin itong ibinigay sa kanya. Kaya naman inabot na niya ang ibinigay nito at nagpasalamat ng marami. Nagbeso beso pa sila ng boss niya bago siya umalis sa loob ng opisina nito. Sabay talikod niya sa mga ito ng lumapit ang babaeng kung makakapit sa boss niya na parang linta ay nakatanggap pa siya ng kakaibang irap. Na iwan niya kung para saan? Kaya hindi nalang niya pinatulan atleast may maganda din balita mula sa boss ang natanggap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD