Episode 6
R-18+
MATURE CONTENT
READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗
THIRD PERSON POV
Nasa kalagitnaang row ng bus si Tate. Wala siyang katabi at panay sulyap sa mga kaklase niyang naghaharutan sa likuran, kabilang na si Mila, na panay pa-cute sa katabi nitong si Inigo. Alas-singko na ng hapon at nasa biyahe na sila papuntang Tanay, Rizal, kung saan gaganapin ang kanilang student outdoor activities.
Kanina pa hinahanap ng kanyang mga mata si Jacob ngunit sigurado siyang wala ito sa loob ng bus. Bakit hindi siya sumama? Tanong niya sa sarili. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nalungkot sa isiping iyon. Kagabi, pinatay na niya ang tawag nito matapos siya nitong pagtripan sa kalagitnaan ng gabi. Sa huli, pinili niyang matulog muna at mahaba pa ang biyahe kaysa isipin ang lalaking iyon.
Nag-text naman siya kay Sister Emma na sa Rizal pala sila pupunta. Medyo malayo ito sa Maynila, pero sinigurado niyang ligtas siya upang hindi na ito mag-alala. Isinuot niya ang kanyang earphones saka pumikit.
TANAY, RIZAL
"Hey, baba na!"
Naalimpungatan pa si Tate nang may sumigaw. Napatuwid siya ng upo nang makitang nagsisibabaan na ang kanyang mga kaklase. Agad niyang sinuot ang kanyang backpack at tumayo. Anong oras na ba ito, at bakit ang dilim na? Bumaba siya ng bus at sinalubong sila ng malamig na klima ng Tanay. Napayakap siya sa sarili at saka isinuot ang kanyang makapal na jacket.
"Tate, dito!" Tawag sa kanya ni Mila.
"Ah, o-oo." Agad na pinuntahan niya ang kaibigan at sumabay sa lakad nito.
"Magtipon-tipon kayo at may sasabihin si Professor Gil sa inyo," tawag sa kanila ng isa sa mga adviser nilang kasama.
"Bale ganito, since it's 8 PM na at alam kong lahat tayo ay hindi pa nakakain, bukas na natin sisimulan ang mga activities. Nagpareserve kami ng kainan dito lang sa malapit, doon muna tayo kakain. Pagkatapos, i-assemble niyo na ang inyong mga tent at matulog na tayo. Bukas na natin pag-uusapan ang mga rules regarding sa activities, naiintindihan?"
"Yes, Professor Gil!" sabay-sabay nilang sagot.
Tinungo nila ang kainan na sinasabi at sabay-sabay silang kumain. Pagkatapos, nag-ayos sila ni Mila ng kanilang tent na provided ng kanilang school. Dalawa silang magkabuddy dito. Habang abala ang lahat sa pag-a-assemble, dumating naman ang isang itim na Ferrari. Napasilaw siya nang tumama sa kanya ang ilaw nito kaya napataas siya ng kamay upang takpan ang kanyang mukha.
Napanganga si Tate nang makitang bumaba mula rito ang isang matangkad na lalaki. Napalunok siya nang mamukhaan ito. Jacob?
Hindi siya nakagalaw habang titig na titig sa gwapo nitong mukha. Agad naman itong sinalubong ng ilang mga kaklase nila, lalo na ni Megan, na agad humawak sa braso ng lalaki. Nang tumingin si Jacob sa gawi niya, mabilis siyang nagbawi ng tingin.shuta!
"Ang gwapo, no?" Kinikilig na sabi ni Mila, na titig na titig din kay Jacob.
"Hindi naman. Tara na, bilisan natin para makapagpahinga na tayo." agad na kontra niya dito.
"Ikaw talaga. Gwapo naman talaga si Jacob. Kaya nga lang, hindi naman natin abot ang standard niyan sa babae."
Hinila niya si Mila papunta sa kanila at saka inasikaso ang tent. Nang matapos, ipinasok nila ang kanilang gamit sa loob. Malaki ito at maluwag kaya hindi sila magiging siksikan ni Mila.Pagkatapos maghilamos at mag-toothbrush sa comfort room, napansin ni Tate ang madilim na paligid. Dalawang bombilya lamang sa gitna ng fireplace ang nagbibigay-liwanag. Sa dulo, naroon ang kanilang mga teacher na abala sa pagkukuwentuhan. Naglakad na siya pabalik sa tent nang tawagin siya ni Megan.
"Tate, come here!"
"H-huh? Naku, ayoko. Magpapahinga na ako," tanggi niya, ngunit nagkasalubong ang mata nila ni Jacob. Bigla siyang kinabahan sa paraan ng pagtitig nito kaya agad na binawi ang tingin.
Humalukipkip si Megan, na parang bata pang nag-pout. "Ang KJ mo naman! Tingnan mo sila teacher, oh, nag-e-enjoy!"
Wala siyang nagawa nang lumapit ito at hatakin siya nito papunta sa bilog na mesa kung saan naroon ang iba pang mga estudyante. Napatingin siya kay Jacob, at nagulat nang makitang titig na titig ito sa kanya. Mabilis niyang iniwas ang tingin, dahil bigla siyang nahiya sa lalaki.
"Okey, kumpleto na tayo. Since nandito na si Tate, ikaw na ang magpaikot ng bote!"
"Huh?"
"Tate, let’s have fun! Truth or dare lang naman ito. Promise, mag-e-enjoy ka!"
Wala siyang nagawa kundi sumunod. Tumayo siya at pinaikot ang bote. Sa kanya ito tumapat, at sabay-sabay na nagtilian sina Megan at ilang mga kasamhana nito. Tinaasan siya ng kilay ni Mila, na parang tinatanong kung okey lang ba siya. Tumango lang siya nang bahagya.
"Since ikaw na, Tate, ako na ang magtatanong!" Maarte ang tono ni Megan habang nakatitig sa kanya."Ithamar Fiero, I would like to ask,Are you still a virgin?"
Napatikhim ang ilang kaklase nila at palihim na nagtatawanan ang mga ibang babae habang si Tate ay nanlaki ang mga mata sa tanong ni Megan.Literal na nagulat.Bulgaran?
"H-ha?"
"Pinili ko na ang truth para sa iyo, kaya ito ang tanong ko. Hindi ba lumaki ka sa kumbento? Gusto lang namin malaman." Halata sa boses ni Megan ang determinasyon nitong malaman ang sagot niya. "So, are you?" tinaasan siya nito ng kilay na halatang gusto siyang pahiyaain sa harap ng karamihan.
"Of course no! Virgin iyang kaibigan ko eh. Wala naman naging jowa iyan ever." Si Mila ang sumagot para sa kanya, sabay kuha ng bote at pinaikot ito. Inismiran siya ni Megan na halatang nainis.
"I’m not asking you."
"Well, ako ang sasagot," depensang tugon ni Mila.
"Hey, tama na iyan! Oh, alam na natin na virgin pa itong si Tate," sabi ni Katrina, ang kanilang class president, na pumagitna sa naging sagutan ng dalawa.
Pakiwari ni Tate, pulang-pula ang kanyang mukha sa sandaling iyon. Hindi siya makatingin sa paligid dahil sa hiya. She unintentionally glanced at Jacob and saw him staring intently at her. When he noticed her looking, he raised an eyebrow as if silently asking, "Are you really still a virgin?"
Agad siyang nagbawi ng tingin at nag-excuse. Habang ang iba ay abala sa paglalaro ng truth or dare, pasimple siyang pumasok sa tent. Doon niya pinakawalan ang malalim na buntong-hininga. Sumilip siya mula sa zipper ng tent at nakita niyang nakayakap si Megan sa braso ni Jacob habang nagtatawanan ang mga ito. Muli niyang sinara ang zipper at binagsak niya ang kanyang katawan sa papag at pumikit.
Ilang oras din siyang nakatulog nang maramdaman niyang pumasok si Mila sa tent. Humikab ito at tumabi sa kanya. Kinuha ni Tate ang kanyang cellphone mula sa gilid at nakita niyang pasado alas-dose na pala ng gabi. Narinig niya ang mahina nitong paghilik. Naiihi na siya kaya dahan-dahan siyang lumabas ng tent.
Tahimik ang buong paligid. Ang tanging maririnig ay ang huni lang ng mga kuliglig. Dumaan siya sa madilim na bahagi ng tent area, napansin niyang maliwanag lamang sa gitna kung saan may ilaw. Sa di-kalayuan, tanaw niya si Professor Gil na nakatayo habang may kausap sa telepono. Baka siya ang nakatokang magbantay ngayon. Napayakap siya sa sarili dahil sa lamig habang papunta sa comfort room.
Pagkatapos mag-CR, palabas na siya nang bigla siyang nagulat. May tumakip sa kanyang bibig at hinila siya papunta sa madilim na bahagi ng lugar.Nagpumiglas siya sa brasong yumakap sa katawan niya.
"Shhh, quiet. It’s me."
Agad niyang nakilala ang boses ni Jacob, na dahan-dahang tinanggal ang kamay nitong nakatakip sa kanyang bibig.
"Anong ginagawa mo, ha?" Pabulong ngunit mariin niyang tanong.
"I said quiet," sagot nito nang mahina, ngunit hindi pa rin siya binibitawan.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Following you."
"What?!"
"Come—"
"Teka, saan mo ba ako dadalhin?"
Nagmatigas siya at pilit na hinihila ang braso sa lalaki.
"Just follow me, will you?" madiing sabi nito, ngunit mahina pa rin ang boses.
Hindi siya nakatanggi nang hatakin siya nito. Napatigil silang dalawa nang mapadaan sila sa isang tent kung saan nakita nilang may naglalampungan na kaklase nila—sina Inigo at Katrina. Gulat na napatingin si Tate kay Jacob, na hawak pa rin ang kanyang braso.
" Don't mind them,"
"Bitawan mo ako! Babalik na ako sa tent namin!"
Imbes na sumagot, hinatak pa siya nito papunta sa mas madilim na bahagi ng lugar. Doon niya napansin ang nakaparadang kotse nito.
"Anong gagawin natin dito? Bitawan mo ako!" Pilit niyang binawi ang kanyang braso ngunit ayaw talaga siyang pakawalan ng lalaki.
"I just need to talk to you."
"My God, Mr. De Valois! Pwede naman bukas, hindi ba? Mamaya makita tayo dito ng mga professor—"
"They won’t mind."
"And why?"
"‘Cause I’m Jacob De Valois."
"Ang yabang mo."
"I don’t care. Lahat naman kayo ganyan ang tingin sa akin."
Hindi siya nakasagot. Napalunok siya at medyo nakaramdam ng guilt dahil sa nasabi sa lalaki. Binuksan nito ang kotse at pinapasok siya. Nang makapasok siya, pumasok ito sa kabilang side at ni-lock ang mga pinto.
"Mali ito. Hindi mo ako dapat dinadala dito para lang kausapin."
"Sino bang nagsabi sa’yo na mag-uusap lang tayo?" Nakangiti itong tumitig sa kanya. Kitang-kita niya ang pantay-pantay nitong mga ngipin na animo’y lalo pang pinapaganda ng ngiti nito.Nanindig ang balahibo sa buong katawan ni Tate dahil sa narinig mula kay Jacob.
"Ano—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang isinandal ni Jacob sa upuan at siniil ng halik sa labi.