Chapter 5
R-18+
MATURE CONTENT
READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗
THIRD PERSON POV
"Pero, ma'am—" reklamo sana ni Tate ngunit binigyan siya ng masamang tingin ng kanilang teacher.
"Why? Is there a problem na naging partner mo si Mr. Valois, Ms. Fiore?" tanong nito, bakas sa boses ang bahagyang iritasyon,nakatikwas pa ang kilay nito ng tingnan siya nito.
"Bakit ako na lang!" singit naman ng isang kaklaseng babae ni Tate.
"You shut up, Megan," saway ng teacher nila, dahilan para mapasimangot si Megan na halatang may gusto sa lalaki at panay pa cute nito mula pa yata kanina.
"Ahh, wala naman po," sagot na lang ni Tate. Imbis na mapahaba pa ang usapan, pinili niyang manahimik. Napilitang tanggapin ng sistema niya na si Jacob ang katabi niya at magiging parnter niya , kahit hindi siya kompotable. Ibinigay na ng teacher ang task para sa kanilang activity, pero hindi siya makapag-focus. Naiilang siya sa presensya ni Jacob, lalo’t gusto niyang maglaho na lang at makalimutan ang nangyari sa kanila na alam niyang kahit kailan markado na sa pagkatao niya yun. Nahihiya siya sa sarili dahil ang totoo, siya ang nag-initiate ng lahat, kaya humantong sila sa isang mainit na tagpo.
"Are you listening?" bulong ni Jacob sa kanya. Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa kanyang tainga,palihim niyang hinimas ang kanyang braso dahil nagsitayuan ang kanyang mga balahibo.
"I am, kaya huwag kang istorbo, makinig ka ng sa iyo," masungit niyang sagot. Pilit niyang ipinapakitang hindi siya apektado sa paglapit nito sa kanya.
"It seems you're not comfortable with my presence," hirit pa rin nito.
"Duh, isip mo lang ‘yan," sagot niya, kahit lihim na napaismid sa sinabi nito. Kapal nito!
Sigaw ng utak niya.
Tumawa si Jacob, at naamoy niya ang amoy mint nitong hininga. Shuta naman, bakit ba umiba bigla ang pakiramdam ko? Napakagat-labi siya sa naisip, pinipilit burahin sa alaala ang halik nito. Nagpadyak pa siya nang palihim sa ilalim ng desk dahil naiinis siya sa sarili. Erase, erase!
Pagkatapos ng klase, bago pa man tumunog ang bell, nagmamadali nang lumabas si Tate. Ayaw niyang maabutan ni Jacob. Parang eksena sa pelikula na iniisip niyang baka habulin siya nito, pero agad niyang pinutol ang ilusyon. As if naman hahabol siya. Hindi naman ako kahabol-habol, lalo na’t nakuha na niya ang pinaka-ingat-ingatan ko.
Pagkababa ng hagdan, dumiretso siya palabas ng school. Kinuha niya ang phone at tinext si Mila na mauuna na siya. Dadaan pa siya sa mga suki para maningil. Mabuti na lang at hindi mahirap singilin ang mga ito pag araw ng bayaran. Dumaan din siya sa bilihan ng ulam at bigas, kahit may stock pa sila. Ayaw niyang magkulang ang mga bata sa bahay ampunan at kawawa na naman sila Sister Emma pag nagkataon.Actually kawawa sila na maghihintay na naman ng ayuda.
Pagdating sa kumbento dumeretso siya sa mahabang lamesa at inilapag ang dala,Nakit niya si Sister Emma at nagmano siya dito na abala sa paglilinis ng mga kandilang natunaw na sa may altar.
"Oh, ginabi ka na, Tate," bati nito.
"Opo, Sister Emma. Dumaan po kasi ako sa groceries," sagot niya at inilapag din ang bag sa mesa at kumuha ng tubig sa despenser.
"Ang dami mo namang binili. Naku, Tate, hindi mo naman kailangang gumastos ng ganito. Mayroon pa naman tayo rito. Itabi mo na lang ang pera mo, baka kailanganin mo sa school."
Ngumiti si Tate at hinawakan ang kamay ni Sister Emma.
"Okey lang ho, Sister. Mayroon pa naman akong pera, saka yakang-yaka ko po ito."
Napaangat ang kilay ni Sister Emma.
"Ano ‘yong yakang-yaka na sinasabi mo?"
Napatawa si Tate. "Ibig ko pong sabihin, kayang-kaya ko po ‘yong gastos."
"Ikaw talagang bata ka," natatawang sabi ni Sister Emma, pero may halong pagbabanta ang tingin. "Huwag kang magbibigkas ng kung ano-ano rito pag nasa harapan ka ng mga bata at baka gayahin, alamo naman ang mag iyon."
Tumango si Tate.
"Opo, Sister. Hindi ko po nakakalimutan ang mga bilin ninyo."
"Ah, siya nga pala, Sister," dagdag niya, "may activity po kami bukas sa labas ng school, outdoor po iyun. Isang araw at isang gabi po Sister."
Hindi muna sumagot si Sister Emma kaya kinabahan si Tate dahil baka hindi siya payagan.
"Malayo ba?" pagkuway tanong nito, na halatang nag-aalala.
"Hindi naman ho, dito lang po sa Maynila."
"Baka naman—"
"Sister Emma, hayaan niyo na si Tate. Alam naman niya ang ginagawa niya," biglang singit ni Sister Lita, na nasa may lababo at nakikinig lang sa kanila.
Napabuntong-hininga si Sister Emma. "Hay, naku, Tate. Alam mo naman kung gaano ako kinakabahan at nag-aalala kapag nawawalay ka rito. Sanay ako na nandito ka lang."
Hinawakan niya ang kamay ni Sister Emma at ngumiti.
" Sister, Kaya ko ho, " nakangiti at puno ng assurance na sabi niya sa Madre.
Alam niyang tama si Sister Emma. Simula noong maliit pa siya, ito na ang naging nanay-nanayan niya. Pero nalungkot siya sa isiping hindi niya napigilan ang sarili noon at pinagkatiwala ang puri sa hindi kilalang lalaki, kaya nawala ang iniingatan niyang puri. Bumigat ang dibdib niya dahil sa guilt. Kung puwede lang niyang ibalik ang oras, gagawin niya huwag lang magtagpo muli ang landas nila ni Jacob.
"Sige, basta mag-iingat ka," bilin ni Sister Emma.
"Salamat po, Sister Emma," magalang na sagot ni Tate, saka tinapunan ng ngiti si Sister Lita, na nag-thumbs up pa sa kanya.
Pagpasok niya sa silid, inayos niya ang mga dadalhin para bukas. Mura at simple lang ang mga gamit niya: sabon, toothpaste, at chichirya. Hindi niya maiwasang mahiya minsan, lalo na’t pinagtitinginan siya ng mga kaklase dahil mumurahin ang gamit niya at nayayaman ang mga ito, pero naaalala niya lagi ang sabi ni Sister Emma: Basta malinis ang konsensya mo, wala kang dapat ikahiya lalo na pag wala ka naman inaapakang tao.
Habang isinisilid niya ang gamit sa lumang backpack, napatigil siya. Napakunot-noo nang maalala si Jacob. s**t, bakit ba hindi mawala sa isip ko ang mukha niya? Inis na napasabunot siya sa sarili at nagpagulong-gulong sa kama dahil sa sobrang inis sa lalaki. Uminom siya ng tubig para kumalma, nang mag-ring ang phone niya. Si Mila.
Tumikhim muna siya bago sumagot.
"Hello?" sagot niya.
"Oy, Tate! Nakapag-empake ka na ba?" agad na tanong nito.
"A-ah, oo. Nagsisimula na."
"Naku, excited na ako para bukas! Alam mo ba kung bakit?" halatang kinikinilig pa ito sa kabilang linya.
"Bakit?"
"Partner ko si Inigo!" mahinang tili nito.
Napairap si Tate. Kaya naman pala dahil partner nito ang crush na si Inigo.
"Oy, may jowa ‘yan, Mila. Ano ka ba?"
"Hmm! hindi naman yun asawa noh! Bahala na! "
" Ano ka ba, pag ikaw ma broken-broken diyan sinasabi ko sa iyo"
" Hindi naman ako bibigay doon agad no!,
Oh, sige na. Balik na ako sa pag-aayos."
Naputol ang tawag nito. Napailing si Tate at napatingin na lang sa phone.Oo nga, hindi naman siy kagaya ni Mila, na bumigay agad.Kaysa magsumiksik sa utak niya ang lalaki pinilit niyang magpakabusy para mawala ito sa isip niya.Nilinis na rin niya ang kanayng silid saka nagpalit ng kubre kama.Bukas ng gabi pa naman ang activities nila may oras pa siyang maglaba maghapon bukas at tumuong sa kumbento.
Humiga siya saka ng open ng kanyang messages,bigla siyang napaupo ng mabasa ang text message ni Jacob.
" Excited for tomorrow, It's me Jacob ?"
Paano naman nakuha ng kulugo ka ito ang kanyang number?
Gigil ka nagtype siya pabalik.
-Wala akong kilalang Jacob, sino ka?
-You forgot?, How about bumalik tayo sa club kung saan tayo unang nagka hmm sex....-
Sa gulat napabitaw si Tate sa hawak na phone.Napahawak siya sa kanyang dibdib at para yata siyang atakehin sa sobrang t***k ng kanyang puso.Laki siyang kumbento at hindi siy sanay na makipagbulagaran ng salita sa kahit na kanino.Inabot niya ulit ang phone saka dinelete ang message nito,mahirap na.
- Bastos! reply niya dito.
Napaigtad siya ng mag ring ang phone niya at nakitang tumatawag ito.Sa sobrang inis niya sa lalaki ay binilock niya ito agad-agad.Humiga siyang muli at sinuot sa tainga ang kanyang headphone para magkinig na lang ng music hanggang makatulog.
Naalimpungatan pa siya ng mag vibrate ang phone niya,nakatulugan na niya pala.Unknown ang nakalagay sa caller.Pinidot niya ang answer button at antok pa na sinagot ito.
" H-hello"
" Hi, You block me"
Kumunot ang noo ni Tate sa kausap.Jacob?
" Sino ito? tanong pa rin niya kahit pa may idea naman siya kung sino ito.
" It's me-
" Kung wala kang balak matulog, patulugin mo ako, Alas tress na ng madaling araw, ano bang gusto mo?" Iritable niyang sabi sa lalaki.Nakatulog na nga siya lahat-lahat pero ang isang ito ayaw siyang patahimikin and worst pa tumawag sa alanganing oras.
Binabaan niya ito ng phone at pinatay ang tawag nito.