Chapter 3
R-18+
MATURE CONTENT
READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗
THIRD PERSON POV
Kumatok muna si Tate bago binuksan ang pintuan ng opisina ni Mrs. Dimaguiba. Binati niya ito saka inabot ang test paper sa guro.
"Ah ma'am, ibabalik ko na po ito sa inyo," sabay abot niya sa pinahiram nitong libro. "Maraming salamat po."
Inabot naman nito ang libro saka inilapag sa katabing table nito.
"It's okay, sige na," sagot nito agad na para bang pinapaalis na siya. Agad na umalis si Tate sa opisina at tinahak ang kahabaan ng hallway papunta sa rooftop ng school. Ito ang paborito niyang tambayan kapag wala siyang klase. Mamaya pa naman ang susunod niyang subject na pang alas-dos, kaya dito muna siya magpapahangin at nakakapag-isip siya ng maayos lalo ngayon hindi mawala-wala sa isip niya ang nangyari sa kanya noong biyenes.
Lumapit siya sa sementong pader ng rooftop na hanggang baywang niya ang taas at pinagmasdan ang kabuuan ng ibaba. Kita niya mula rito ang taas ng gusali at ang lawak ng buong paaralan. Mayaman ang pamilya ng may-ari nito—isang mag-asawang abogado at architect umano na never naman nilang nakita sa personal. Mabuti na lang at nakapasok siya dito kahit mataas ang tuition fee. Patago niyang binibenta ang mga produkto ng Avon na dinadala niya dahil bawal ang mga ito sa loob ng paaralan.
Naiintindihan niya si Mrs. Dimaguiba kung bakit ayaw nitong mag-absent siya. Alam kasi nito na ulila siya at pinagsikapan lang nina Sister Emma na makapasok siya dito. Akala ng mga ito, magmamadre siya, pero alam ni Tate sa sarili niya na baka hindi ang pagiging madre ang kanyang calling—lalo na ngayon at hindi na siya birhen.Napapikit siya at dumipa ng dumaan ang preskong hangin sa kanyang mukha at ninamnam ang kapreskuhan ng hangin.
Naramdaman niyang may tumabi sa kanya, ngunit hindi siya nag-abalang lumingon pa.Lagi naman kasi ito tambayan ng iba yun nga lang sa mga masisipag lang umakyat ng hagdan kagaya niya ang kadalasang nakikita niya, pero ngayon mukhang wala masyadong studyante dito.
"Are you still feeling sour?" isang baritonong boses ang narinig niya, kaya napalingon siya sa may-ari ng boses.
"Jacob?" sigaw ng kanyang utak, pero walang salitang lumabas sa kanyang bibig dala ng pinagsamang gulat at kaba pero hindi niya pinahalata.
"Anong 'sour' ang sinasabi mo?" pataray niyang sagot kahit may idea naman siya kung anong ibig nitong sabihin.
"Kung may nararamdaman ka pa bang sakit... sa ano mo." ulit nito sabay nguso sa may parte niya.
"Excuse me?" nagulat siya sa bulgar na bunganga nito. Laki siya sa kumbento, kaya hindi siya sanay makarinig ng mga malalaswang salita, lalo na patungkol sa kanya.
"Hindi kita kilala. Bakit mo ako tinatanong ng ganyan? Nagkita na ba tayo ha?" pilit niyang tanggi kahit alam niya sa sarili niya na ito nga ang lalaking nakaulayaw niya at ito na rin yata ang pinakamakisig na lalaking nakita niya sa tanang buhay niya.Sige lang deny mo iyan Tate at nakakahiya , bulong niya sa sarili.
Tumawa lang ito nang makita ang gulat na ekspresyon ni Tate.
"Why, may sinabi ba akong mali? Kinukumusta lang kita kung okay ka."
"At bakit naman sa tingin mo hindi ako magiging okay?"
"I think you know the answer." kindat nito sa kanya.
"Sino ka ba? Hindi kita kilala para basta ka na lang susulpot sa tabi ko at magtatanong ng mga bagay na hindi ko alam." napipika na talaga siya dito.
Humalakhak ito na ikinagulat ni Tate.
"Stop acting like you don’t know me. Pagkatapos mong ibigay ang sarili mo sa akin at masarapan sa ginawa ko, imposibleng wala kang maalala." Ngumisi ito kinindatan pa siya ulit.
Nangilabot si Tate sa narinig niya. So, alam ni Jacob na siya ang nakasama nito noong Biyernes ng gabi? Hindi!
"Bastos ka!" Isang malakas na sampal ang binigay niya sa lalaki. Hindi niya alam kung dahil sa hiya o sa insultong dulot ng sinabi nito, kaya bumangon ang galit sa kanyang pagkatao.
Nagulat si Jacob sa ginawa niya at napahawak sa kanyang panga, tumitig ito sa kanya nang may madilim na ekspresyon sa mukha.
Bigla siyang hinaklit nito at hinila papunta sa braso niya. Ni-lock nito ang mga kamay niya sa likod at siniil siya ng halik sa labi. Gulat na hindi nakagalaw si Tate dahil sa biglaang aksyon ni Jacob. Nang makabawi siya, binigyan niya ito ulit ng isang malakas na sampal.
"Bastos ka!" Umiiyak niyang sabi sa lalaki, ngunit hinawakan ulit nito ang kanyang mga braso at ni-lock sa likod upang hindi siya makagalaw.
"It was the first time na may sumampal sa mukha ko, you brave woman. But I think it's okay na sampalin mo ako, kasi I realized na it was your first time at masakit talaga maunahan. Kaya hayaan kitang makabawi." Bulong nito habang dinila-dilaan ang labi ni Tate.
Nangilabot siya at umiwas sa mukha nito. Akala niya ay hindi siya maalala ng lalaki, ngunit kabaligtaran pala.
Nang bitawan siya nito, agad siyang tumakbo pababa ng hagdan, hingal na hingal nang makarating sa baba. Nagmamadali siyang pumunta sa canteen at naghahanap ng bakanteng mesa. Kumuha siya ng malamig na tubig sa water dispenser ng canteen dahil biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. Umupo siya sa tagong bahagi ng canteen at napasambit ng "Ave Maria" sa sobrang kaba.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng takot. Mula nang maging estudyante siya sa De Valois School, naging maayos ang kanyang buhay. Ngayon siya naniwala na kung kailan ka giginhawa ay saka naman tatamaan ng pagsubok. Pakiramdam ni Tate, ito na ang pagsubok niya. Sa iilang buwan na natitira bago ang kanyang graduation, bigla pang dumating sa buhay niya ang anak ng may-ari ng paaralan na si Jacob De Valois. Apelyido pa lang ay pang-mayaman na, at baka nga kapamilya pa ito ng mga nababasa niyang pinakamayayamang pamilya sa Pransya.
"Oh hi, Tate!" Nakangiting bati ni Dian sa kanya nang makita siya. Shucks, nandito na naman ang bruhang ito, perwisyo sa buhay niya. Dahil sa kanila, nawalan siya ng p********e.
Alumpihit na ngumiti si Tate sa grupo ni Dian, mga "mean girls" sa kanilang campus. Lumapit si Dian sa kanya at hinila siya.
"Halika, join ka sa mesa namin. Ikaw kasi, tinakasan mo kami noong Friday night; bigla ka na lang nawala," pabebe nitong sabi. Sabay-sabay namang napa-"Ohh" ang tatlong kasama nito.
"Ah, Dian, may gagawin pa kasi ako. Pwede sa susunod na lang?"
Tinaas ni Dian ang isang kilay niya.
"Iniiwasan mo na ba kami, Tate?"
"Ah, hindi naman. May gagawin lang talaga ako," akmang aalis na siya nang hilahin ulit siya nito.
"Dian, teka—"
"Hey, Jacob," tawag nito sa lalaking naglalakad papunta sa mesa kung saan sila nakatayo. Natigilan si Tate at napatitig sa lalaking makalaglag-panga sa kaguwapuhan. Anong panama ng mga napapanood niyang mga bida sa Netflix sa phone ni Mila? Matangkad ito, tinatayang nasa 6 feet ang taas, may magandang hubog ng katawan at halatang batak sa gym—proven dahil nahawakan niya ang matigas nitong abs, kasama ang malaki nitong kargada na pumunit sa kanyang p********e. Matangos ang ilong, may magandang korte ng labi, at ang mga mata nitong nangungusap kung tumingin, pero may tinatagong kapangyarihan na tila nakakabighani. Kahit sinong babae, tiyak na mahihirapang tumanggi kay Jacob De Valois, ang binansagang "most handsome" sa buong campus. Kilala ito da school nila lalo't anak ito ng may-ari kaya ito rin ang nalagay malaking billboard sa labas ng school nila kung saan indicated ang rules ang regulations ng school.
"Hey," bati nito kay Dian pero kay Tate nakatingin. "Problem?"
"Ah, nothing. Ito kasing si Tate, tinanong ko lang kung bakit nawala noong Friday night. Hinanap namin siya, pero hindi namin makita. Gusto pa naman sana siyang isayaw ni Luis.
OMG!, Tate baka naman iba na ang kasayaw mo, "
Humalakhak ang mga kasama nito.Nakita ni Tate na kumunot ang noo ni Jacob, pero hindi ito umimik. Binitawan na siya ni Dian at yumakap ito kay Jacob. Hindi sinasadyang napatingin si Tate sa kanila kaya nagkasalubong ang mata nila ni Jacob. Agad niyang binawi ang tingin, lalo pa't halatang si Dian lang ang kumakapit dito, at mukhang wala namang interes si Jacob sa babae.Mabilis siyang nakahanap ng pagkakataon para makaiwas.
"Excuse me," nagpaalam siya saka nagmamadaling umalis sa lugar na iyon. Nakasalubong niya si Mila sa hallway papunta ito ng canteen.
"Tate, saan ang punta mo? Kumain ka na ba?"
"Oo, Mila. Nauna na akong kumain. Gutom na kasi ako," pagsisinungaling niya dito.Nako Tate, inaraw -araw mo na nang magsinungaling ah, kastigo niya sa sarili.
"Ganun ba? Akala ko pa naman makakasabay kita."
"Sorry, gutom na kasi ako kanina kaya kumain na ako," aniya.
"Sige na nga, kakain muna ako," nakanguso niyang sabi.
Nang nakaalis na si Mila, agad na pumunta si Tate sa last period niya sa hapong iyon. Isang oras din siyang tumambay sa loob ng room bago nagsipagpasukan ang iba niyang kaklase. Bakante ang katabing upuan niya, kaya nang may umupo dito, hindi na siya nag-abala pang lumingon.Pumasok ang kanilang Adviser sa Science isa sa paboritong subject ni Tate mahilig kasi siya sa mga experiment at mag explore ng mga bagay-bagay kaya nga ang hindi alam ng lahat maliban sa kanya isa siyang magaling na pintor dahil gusto niyang kumukuha siya ng idea lalo sa nature at mga tinatagong sikreto ng mga bagay-bagay sa langit kagaya ng moon and star's.
Ang lala lang ng imagination niya kaya minsan kapapasobra siya ng isip.
" Binubully ka ba nina Dian?" may bumulong sa tainga niya at kilala niya ang boses nito kung sino ito kahit hindi pa siya lumingon.
" Ano,?" Bakit ba nandito ka na naman?
" Bakit hindi, eh subject ko din ito?"
" Nakakairita ka, "padabog niyang sagot kay Jacob na halos idikit na ang siko nito sa siko niya.
Sa gilid ng kanyang mata nakita niyang nakangiti ito.
" Hindi ka naman naiirita noong gabi" banat na naman nito.
Hindi napigilan ni Tate na hindi ito kurutin sa sobrang inis niya sa lalaki.
" Ouch!" hiyaw nito pero hindi gaanong malakas.
"Ms Fiore, Mr De Valois! nkikinig ba kayo!"
Narinig na lang nilang sinigawan na sila ng kanilang adviser sa unahan kaya lahat ng kaklase nila sa kanila nakatingingin.
"Nagtatanong lang ako kay Ms. Fiore," alibi ni Jacob. Inirapan sila ng kanilang adviser.
"So, as I was saying, ang thesis ninyo ay sa labas natin gaganapin. Since gagraduate na kayo, gusto kong ma-experience ninyo ang matulog sa labas ng school at magkaroon ng activities outside. But we have to do it in pairs. Sa gabi, ang mga babae ay magkakasama sa iisang tent, hiwalay sa mga boys. Pero pwede mag-pair ang girls at boys sa araw ng activities, since marami ang bilang ng mga girls. And please, ayaw ko ng magulo. Kaya kung gusto ninyo ma-experience ang ganitong outside activities, mag-behave kayo."
Lahat ay nag-hiyawan sa sinabi ni Mrs. Santos. Bibihira kasi magkaroon ng ganitong outside campus activities sa kanila dahil sa sobrang higpit ng school. Pero hindi natuwa si Tate, dahil baka hindi siya payagan nila Sister Emma.
"Ms. Fiore and Mr. De Valois, since kayo ang magkatabi diyan, kayo na ang magiging partner."
"Ha?!"