Her Regret

1412 Words
Chapter 3 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ TATE POV Kalampag sa kwarto ko ang nagpagising sa akin mula sa pagtulog. Antok pa akong nagmulat ng mata at nabungaran ko si Mila. Inis ang nakarehistrong ekspresyon sa mukha niya habang hinihila ang kumot ko. "Tate, ano ba! Kahapon pa ako tumatawag sa’yo. Hindi mo sinasagot ang tawag ko, hindi ka rin pumasok kanina kaya pinuntahan na kita." Umungol ako at tinakpan ang mukha ko ng unan. Anong oras na ba? "Tate," yugyog niya Mila. "Mila, inaantok pa ako," sabi ko at nanatiling nakasubsob ang mukha sa unan. "Hello, it's 6:30 PM na, Tate," sabi niya, at kahit hindi ako tumingin, alam kong nakairap na naman ito at nakapamaywang. Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang sinabi niya at palihim na napadaing dahil sa biglaang kirot ng baba ko.shit! "Huh?" "Oo, pinapagising ka na sa akin ni Sister Emma. Mula daw kasi dumating ka, tulog ka na maghapon." Bumangon ako, binuksan ang bintana, at tumingin sa paligid. Tama nga, at madilim na. Mabuti na lang Sabado ngayon at iisa lang ang subject ko, kaya hindi ko na kailangang mag-panic na hindi nakapasok.Yun nga lang nakakahiya kila sister Emma wala man lang ako nagawa. Napahilamos ako sa mukha ko at malalim na napabuntong-hininga. Tinitigan ako ni Mila mula ulo hanggang paa. "So, saan ka nga galing kagabi, Tate?" seryosong tanong nito sa akin, tinitingnan ako ng diretso sa mata. Shuta, babae 'to, aaminin ko na ba? tanong ko sa sarili ko. "Ito na nga kasi Mila, inakit ako kagabi nila Dian. Hindi ko natanggihan kaya napapunta ako sa bar," pabulong kong sabi sa kanya baka marinig naman nila sister Emma sa labas. "Ha!" exaggerated niyang sagot at napatayo pa talaga. "Shh, baka marinig tayo ni Sister Emma. Nagsinungaling kasi ako at madaling araw na ako nakauwi." "Oh, tapos anong nangyari sa'yo? Nalasing ka ba?" Tumango ako. Napahawak siya sa noo niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Tapos?" "Anong tapos? Siyempre wala, umuwi ako. Iniwan ko sila," irap ko dito, kunyari para hindi niya mahalata na may tinatago akong sikreto sa kanya. "Ay nako, Tate, baka naman sumasama ka na kung kani-kanino diyan ha, matagal na akong walang tiwala diyan sa Dian na iyan ha , landing-landi kung makadikit sa lalaki akala mo linta" "Huy, Ano ka ba bunganga mo talaga, siyempre hindi noh," tanggi ko. Mukha namang nakumbinsi ko ito at nag-stay pa ito ng ilang oras sa kwarto ko saka kami lumabas. Pinilit kong ayusin ang lakad ko, baka mahalata niya na paika-ika pa akong maglakad. Shuta, ‘yung lalaking iyon, laki-laki kasi ng ano. Dumiretso ako sa kusina, sumandok ng pagkain, at nakaramdam na rin talaga ako ng gutom. Sakto naman lumabas si Sister Emma. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya at parang nahihiya ako sa nagawa kong pagkakamali kahit hindi naman niya alam. Hinayaan niya akong kumain kasama si Mila. Nang matapos kami, tinawag niya ako papasok sa loob ng kumbento. Sinenyasan ko si Mila na umuwi na muna at mukhang makakatanggap ako ng sermon ngayong gabi.Mabuti naman pala at hindi ito natanong si Mila kung nasan ako kagabi. Tumabi ako kay Sister Emma nang makita ko siyang nakaluhod sa unang hilera ng upuan, nakapikit at nagdarasal. Kaya pumikit na rin ako at taimtim na nanalangin. Naramdaman kong tapos na siya kaya tinapos ko na rin at nagkrus saka tumabi ng upo sa kanya. "Tate, hindi ka naman nagsisinungaling sa akin, hindi ba?" pagkuway tanong nito. Hindi ako lumingon kay Sister Emma dahil ayaw kong makita niya sa mga mata ko ang guilt na bumalot sa buong mukha ko. "Tate," tawag niya ulit kaya lumingon ako sa kanya. "Ah, Sister, nagsasabi po ako ng totoo. Galing po talaga ako sa bahay ng kaklase ko at gumawa kami ng thesis," mababa ang boses ko nang sabihin ito at nilalamon ako ng guilt. Nag-iwas ako ng tingin kay Sister Emma at yumuko, pasimpleng pinunasan ang luha na tumulo dahil sa sobrang kahihiyan ko sa sarili kong katangahan at nagsinungling ako. Ayaw kong magsinungaling pero hindi ko rin kayang sabihin ang totoo dahil kabilin-bilinan niya sa akin na sagrado ang p********e at dapat nilalaan lang sa magiging asawa. "Ayaw ko na nagsisinungaling ka sa akin, Tate. Hindi habang-buhay ay nandito ako sa tabi mo. Dito ka na lumaki at ayaw kong mapariwara ka , ito ang unang beses na pinag-alala mo ako ng sobra," naging garalgal ang boses nito at halatang pinipigilan lang ang iyak. "Opo, Sister Emma, sorry po sa hindi ko pagpapaalam sa inyo," umiiyak na ako habang niyayakap siya. Ang iyak ko ngayon ay hindi dahil sa nagsinungaling ako kundi sa pagsuway sa kagustuhan niyang mapabuti ako. Ang hina kong tao dahil nagpadala ako sa tukso ng demonyo. Nakalimot ako at hindi ko napanindigan ang sarili ko. Iniwan na ako ni Sister Emma at naiwan akong nakaupo. Taimtim kong ipinagdasal ang lahat at palihim na iniyakan ang nagawa kong kasalanan. Linggo ngayon at lahat kami nasa kumbento, nakikinig sa sermon ni Father. Hindi ko alam, ngunit parang tumama sa akin ang lahat ng salita niya tungkol sa pagpapahalaga ng katawan ng isang babae at pag-aasawa. Ngayon ko pinagsisihan ang mga desisyon ko sa buhay kung bakit pa ako sumama sa mga happy-go-lucky kong mga kaklase. Nang matapos ang misa, tinulungan ko si Sister Emma maglinis ng kumbento, pati na rin sa likod ng gusali na tinutuluyan namin lahat. Para maalis sa isip ko ang mga nangyari sa akin, nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtatanim ng halaman sa harap at likod ng kumbento kasama ang mga bata na tiga-abot ng mga kailangang gamit kagaya ng pitsel, hose, at mga binhi ng iba’t ibang pananim. Bukas may pasok na at nahihiya ako; hindi ko alam paano haharapin ang mga kaklase ko at sana walang nakakita sa akin na pumasok sa isa sa mga kwarto ng bar. Lunes na at maaga kaming pumasok ni Mila dahil may mga hahabulin pa kaming report at ako, may exam ako kay Mrs. Dimaguiba. Kagabi pinag-aralan ko talaga lahat ng kailangan kong aralin dahil gusto kong makabawi sa mga araw na hindi ko sineryoso ang subject nito. Naghiwalay na kami ni Mila kanina dahil ito may ibang subjects din na e-examinan. Sa library ako pinapunta ni Mrs Dimaguiba at doon daw niya ibibigay s akin ang test paper at ng makarating pinili ko ang dulong upuan ng library para medyo tago sa ibang estudyante. Ayaw ko kasi na masyadong exposed ako at nahihiya ako. Pumili na lang ako ng librong babasahin habang hinihintay si Mrs. Dimaguiba. Akmang kukunin ko na ang libro nang may humila din dito sa kabila. Hinila ko ito pabalik sa akin. Nakuha ko ito at nabitawan ng tao sa kabila. Sinilip ko kung sino ito at nagtama ang aming paningin. Familiar! Shuta, si Jacob ito. Napaatras ako sa gulat.Hindi! Kailangan ko nang makaalis. Nagmamadali akong bumalik sa mesa kung saan ako nakaupo kanina at kinuha ang luma kong shoulder bag. Sakto naman na dumating si Mrs. Dimaguiba at inabot sa akin ang test papers. "Oh, no cheating Ms. Fiore, alam mo naman ang rules sa school na ito," sabi niya. Tumango ako sa kanya at nagpasalamat. Iniwan ako ni Mrs. Dimaguiba kaya pabuntong-hiningang napaupo ako ulit sa silya. Natakot akong lumingon baka makita ko ulit ang mokong na 'yun. Susmaryosep naman, taimtim kong dasal. Nag-focus na lang ako sa ginawa ko pero kahit anong pilit ko, para na akong nawala sa sarili. "Tate, wag kang tanga, may exam ka," sabi ko sa sarili at sinubukang mag-focus ulit. No cheating pa naman daw sabi ni Mrs. Dimaguiba. Malamang, at ang school na ito ay puno ng CCTV sa bawat sulok, pati sa library, halos lima ang CCTV sa loob. Paano ka pa makakapandaya? Buti na nga lang nailapit pa ako sa school na ito ng isang kakilalang guro ni Sister Emma at nakakuha ng scholarship. Kung hindi, baka di ako makakapagtapos. Kaya nga pinagsisikapan ko talaga ang pag-aaral. Nga lang, parang gagraduate na lang ako, saka naman nangyari ang… hays. Kamot ko sa ulo habang naaalala ang nangyari noong Biyernes. May konting hapdi pa rin akong nararamdaman hanggang ngayon, pero kaya na at hindi na gaano kasakit kagaya kahapon na parang namaga pa. Pinilit kong tapusin ang ginagawa ko at mag-focus sa binabasa ko. Sana lang talaga hindi ka muli mag krus ang landas namin ng Jacob na yun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD