Chapter 18 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ THIRD PERSON P.O.V Maaga pa lang, nasa karinderya na si Tate. Bukod sa pagiging reseller ng Avon products, nagpa-part-time din siya dito kapag wala siyang ginagawa. Kakatapos lamang ng kanilang graduation, at kinakailangan niyang makaipon para sa board exam na balak niyang kunin upang makapag-apply agad ng trabaho dito sa maynila. Sa taas kasi ng standard ng mga hiring ngayon hindi siya pasok sa hinahanap ng mga ito na eligibility bilang empleyado kaya kailangan niya talagang magbanat ng buto para sa mg taong umaasa sa kanya lalong-lalo ng mg kasamahan niyang mga bata sa kumbento. Mabilis ang kanyang kilos habang inihahatid ang mga libreng sabaw sa mga mesa ng mga customer na kumakain sa lamesa. Ayaw niyang magkaroon ng masaman

