Chapter 18 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ THIRD PERSON P.O.V "Who, Lo?" takang tanong ni Jacob sa abwelo. Kunot na kunot ang noo niya dahil hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o nagsasabi ng totoo sa kanya dahil mukhang ang lakas ng trip ng abwelo niya ngayon. "Forty years ago, I met this friend of mine. Isa siyang Datu na naninirahan sa isang napakatagong lugar. This place was very secretive and yet puno ng karangyaan. At my age that time, mahilig akong mag-hiking until I discovered this very beautiful village. It was covered by moss as their camouflage, at walang basta- basta nakakapasok dito." Huminto si Don Benedicto sa pagsasalita at saka bumuntonghininga. Habang si Jacob naman ay naguluhan pa rin sa mga sinasabi sinabi nito. "What happened next?" he asked dah

