Chapter 32 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ THIRD PERSON P.O.V Nanginginig pa rin ang mga tuhod ni Tate nang lumabas siya mula sa opisina ni Jacob. Para siyang kakapusin ng hininga dahil sa presensya ng lalaki. Kaya hingal na hingal siya ng bumalik sa pwesto niya at napainom ng tubig mula sa mineral water na nasa mesa niya. "Tate," kalabit sa kanya ni Loida. "Ay kabayo!" napasigaw napasigaw siya sa gulat ng bigla itong sumulpot sa tabi niya. "Oy, ako lang ‘to!" sabi ni Loida, kunot ang noo at nakapamaywang habang nakatitig kay Tate. "San ka galing at parang ang putla mo? Sino’ng humabol sa’yo?" nagtataka nitong tanong ng makita ang itsura niya. "Ah, sa taas, sa office ni sir ," sagot niya kay Loida. Nanlaki ang mata nito saka napatakip ng kamay sa bibig. "Oh my

