Chapter 33 R-18 MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ TATE P.O.V Nagimbal ako sa sinabi sa akin ni Jacob. What? Ako daw kumakapit sa mayayaman? Kailan pa ako nagkaroon ng sugar daddy o anumang mayamang lalaki para sabihan niya ako ng gano’n? Kung kanina kaba ang nararamdaman ko sa kanya, ngayon biglang uminit ang tainga at ulo ko sa walang preno niyang bunganga. Baka nakalimutan yata niya na siya ang manloloko at paulit-ulit akong niloloko. Naningkit ang mga mata ko sa inis ng lumingon ako sa kanya. Itinaas niya pa ang kilay niya na para bang siya ang nasa tama at katawa-tawa ako. "As if naman kilala mo ako para pagsabihan mo ng ganyan," sagot ko at binigyan ng matalim na tingin si Jacob. "Why? Am I wrong—" "Yes! You're wrong!" putol ko kaagad sa sasabihin niya. Ayoko na magkaro

