VIVIAN'S POV:
NAKATIRA kami sa probinsya ng Nueva-Vizcaya. Lima kaming magkakapatid at ako ang pang-apat. Tatlo kaming nag-aaral sa aming magkakapatid. Ang ate ko kasi ay nang makapagtapos ito ng high school ay huminto na. Mabarkada kasi ito at doon na nga umuuwi sa mga pinsan namin. Ang dalawang kuya ko naman ay parehong nasa fourth year high school na. Nagkasabay sila kasi huminto ng dalawang taon noon ang isang kuya namin. Kaya naabutan ito ng isa ko pang kuya. Habang ako ay nasa third year na. May bunso kami pero nasa apat na taon pa lang ito. Sampung taon din ang layo ng agwat namin dahil unexpected na nasundan pa ako.
Simple lang ang pamumuhay namin dito sa probinsya. Gardening ang pangunahing hanap buhay ng mga tao dito. Hindi ko naman kinakahiya na anak ako ng farmer. Dahil marangal ang trabaho ng ama namin at napakasipag niya para hindi kami magutom na mga anak niya.
Alam kong nahihirapan sila ni nanay lalo na sa mga gastusin sa amin. Pero kahit gano'n, nagagawa pa rin nilang maglambingan at biruan lalo na kapag nasa harapan nila kami.
NAALIMPUNGATAN ako sa sunod-sunod na pagkalampag ni nanay sa playwood na pinto nitong silid ko! Pupungas-pungas akong napabangon na napakusot-kusot ng mga nanlalabo kong matang kulang pa sa tulog.
"Biyang! Anong oras na! Male-late ka na sa skwela mong bata ka!" sigaw ni nanay mula sa labas.
Kakamot-kamot ako sa buhok kong sabog-sabog na bumangon ng katre kahit inaantok pa.
"Biyang!" muling kalampag nito.
"Eto na po," maktol ko na pinagbuksan itong nakapamewang at taas ng kilay. May dala-dala pang sandok na itinuktok sa ulo ko. "Nay!" nagrereklamong ungol ko.
"Nand'yan na si Migo at Siobe sa labas. Nakabihis na sila! Pero ikaw kalat pa ang mga muta at natuyong laway mo sa mukha!" sermon nito na kay aga-aga.
Namilog ang mga mata kong kaagad napahilamos ng palad sa mukha na ikinangisi naman nito.
“Nay naman e!” maktol ko na wala naman akong muta sa mga mata.
Tatawa-tawa itong nagtungo ng kusina na ikinabusangot ko. Napasunod naman ako dito na tumuloy sa cr namin sa likod nitong bahay para makaligo.
Pakanta-kanta ako habang naliligo nang mapansin kong. . . wala akong dalang tuwalya! Napalunok akong natampal ang noo dahil nakababad na sa planggana ang pinagbihisan ko!
"Naman Vivian! Kay aga-aga mong lutang!" kastigo ko sa sarili.
"Vi?"
Napatalon ako sa gulat nang kumatok si Migo sa labas nitong cr! Muli na namang hindi maipaliwanag ang kabog ng puso ko na pinuntahan pa ako nito dito sa banyo gayong alam naman niyang naliligo ako!
"M-Migo?"
Nilapat ko ang tainga sa may pinto. Muli naman itong kumatok na tinawag ako.
"Vi, towel mo."
Namilog ang mga mata kong napatutop ng palad sa bibig! Dala niya ang towel ko? Pumasok ba siya sa silid ko? Nag-init ang mukha ko sa kaisipang pumasok siya sa silid kong sabog-sabog ang kumot, unan at banig ko doon! Kainis! Nakakahiya!
"A-akin na,” alanganing saad ko na niliitan lang ang pagkakasiwang ng pinto at nilabas ang kamay na inaabot ang towel dito.
Mahina itong natawa na ipinatong ang towel sa kamay ko.
"Sandali may nakalimutan ka pa," pigil nito nang akmang isasara ko na ang pinto. "Ano 'to, Vi? Sa'yo 'to? Seryoso, size mo 'to? Parang pang-walong taong gulang lang a," nanunudyong saad nito.
Na-curious akong inilabas ang ulong sumilip sa nakasiwang na pinto na namilog ng mga matang makitang hawak nito ang baby bra at so-en panty kong nakangisi!
"Akin na ‘yan!" tili ko na hinablot dito ang mga ‘yon dahil pinapaikot-ikot lang naman nito sa hintuturo ang panty ko!
Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa kaisipang nahawakan niya ang mga underwear ko! Napahalakhak itong naiiling sa akin na ikinairap ko dito at pabalang pinagsarhan ng pinto. Lalo naman itong natawa sa inasta ko!
"Kainis!" impit kong tili na napapadyak ng paa sa sobrang inis at hiya na rin!
NAKABUSANGOT akong lumabas ng silid ko matapos kong magbihis ng uniporme namin sa school.
"Bilisan mo na d'yan, Biyang! Kumain ka na dito!" sigaw pa ni nanay na akala mo naman ay nasa kabilang bahay ang kausap sa lakas ng boses.
Nasulyapan ko naman sa labas si Siobe at Migo na nakaupo na sa mio motor ni Migo. Inaangkas niya kasi kami ni Siobe dahil sa bayan pa ang skwelahang pinapasukan namin at high school na kami. Hindi naman kaya nila nanay na mag-boarding house ako sa bayan kaya malaking tulong si Migo na siyang sinasakyan namin ni Siobe papasok at pauwi ng eskwela. Dahil hindi na namin poproblemahin ang pamasahe.
"Ang kupad-kupad mo talagang bata ka. Habang dinadagdag ka, lalo kang kumukupad. Para kang pagong kung kumilos, Biyang. Masyado bang mabigat ang pempem mo at hindi mo mabuhat-buhat," panenermon nitong ikinangiwi ko.
Ang dalawang kapatid kong nag-aaral din ay sa bayan na kasi sila nakatira. May tito kami doon kaya sa kanila tumutuloy sina kuya sa tuwing weekdays. Umuuwi naman sila dito sa bahay sa tuwing weekend para matulungan si tatay sa mga pananim nitong gulay. Maagang umaalis si tatay na nagtutungo sa garden namin at mag-isa itong umaasikaso doon lalo na sa tuwing weekdays. Si nanay naman ay naiiwan dito sa bahay at inaalagaan ang bunso naming apat na taon pa lamang.
“Nay, ano pong ulam?” tanong ko na lumapit na ditong naghahain ng agahan namin.
"Pagtyagahan mo na muna ‘yan, anak." anito na nagtimpla ng kape ko.
Napangiti ako na kumuha na sa sinangag at pritong itlog na nakahain sa mesa. Kumuha din ako ng pritong tuyo at inilapit sa harapan ko ang suka at sili na sawsawan. May pritong talong din at noodles na may halong dahon ng malunggay.
"Sus. E paborito ko nga po ang mga ito, Nay.” Nakangiting sagot ko na pinasigla ang tono.
Ngumiti ito pero hindi abot sa mga mata. Bakas doon ang lungkot habang nakamata sa akin.
"Bilisan mo na, nakakahiya kay Migo. Nakikisabay ka na nga lang sa kanya e," anito na sinabayan na rin akong kumain.
“Bakit niyo nga pala hinayaang pumasok si Migo sa silid ko, Nay? Pinakuha niyo ba sa kanya ang damit at towel ko?” tanong ko na maalala si Migo.
“Ano ngayon? Nakiinom siya e. Naalala ko naman wala kang dalang nagtungo sa banyo. Kaya nakisuyo na ako sa kanya at nagluluto ako ng baon mo. Dinala naman niya ang gamit mo a. Bakit naninita ka pa d'yan,” sagot nito na kalong ang bunso namin at sinusubuan din.
“Nakakahiya po kasi,” mahinang sagot ko dito na napataas ng kilay.
“Na ano? Na makita niyang ang kalat ng silid mo? E alam naman ni Migo na burara ka at hindi marunong mag-ayos ng silid at mga gamit mo,” sagot naman nito na lalong ikinabusangot ko.
MATAPOS naming kumain ay nagsipilyo na muna ako. Inilagay naman ni nanay sa bag ko ang baon ko. Nagbabaon kasi kami ni Siobe. Para makatipid na rin. Hindi katulad ni Migo na may perang baon at sa canteen sa school namin bumibili ng tanghalian. May pera sila kumpara sa amin kaya hindi kami nakikisabay ni Siobe sa pagiging galante nito.
"Mauna na po ako, Nay!" sigaw ko dahil nasa kusina pa si nanay na naghuhugas ng pinagkainan namin.
"Mag-iingat kayo!" dinig kong sagot naman nito.
“Opo!” tugon ko na lumabas na ng bahay at isinarado ang pinto.
Napangiti akong patakbong lumapit kina Migo at Siobe sa gilid ng kalsada. Bumaba naman si Siobe sa motor na makita akong parating na.
"Ang tagal mo," naiiling saad ni Siobe na may halong panenermon.
"Pasensiya na," nakangiwing paumanhin ko. "Late na ba tayo?"
"Kaya pa naman, Vi" ani Migo na inalalayan akong makasakay sa likuran nito.
Dito kasi sa gitna nila ang pwesto ko kaya madalas ay sinasadya ni Siobe na pagdikitin kami lalo ni Migo sa tuwing magkakaangkas kaming tatlo sa motor nito na syempre, gustong-gusto ko. Mabuti na lang at hindi nakakahalata si Migo na madalas ay lihim na akong nagkakasala sa pasimpleng pangmamanyak ko sa kanya!
"Kumapit ka," anito na dinala ang kamay ko sa tyan nitong iniyakap ditong mahina kong ikinasinghap!
Napalunok akong iniyakap din ang isang kamay ko at impit na napapatili sa isip-isip!
Panay naman ang sundot ni Siobe sa tagiliran kong nanunudyo na naman na nakayakap ako kay Migo na kay aga-aga!
Napapangiti akong pasimpleng ipinatong ang baba sa balikat nito at napapikit. Mabilis kasi si Migo magmaneho ng motor nito lalo na kung naghahabol kami ng oras.
Naka-shade pa ito at leather black jacket na lalo niyang ikinagwapo lalo na't ang astig ng brand new black mio nitong wala pa ni isang gasgas! Kaya naman kahit bagito pa siya ay marami na ang naghahabol sa kanya kahit na mga dalagang 'di hamak na malayo ang agegap sa kanya.
Mga ambisyosang palakang gusto yatang ma-child abuse sa pagnanasa nila kay Migo. Mabuti na lang at hindi ito maligalig na lalake kaya ni minsan ay wala akong nakitang kinalandian nito. Mas madalas nga ay napagkakamalhan kaming ako ang girlfriend nito. Bagay na pipi kong ipinagdarasal kay Papa God. Na sana dumating din ang araw na tuluyang magiging akin. . . ang boy best friend kong lihim kong minamahal. Si Migo.