LUMIPAS ANG mga araw na sumunod naman si Migo sa usapan naming magkikita sa tuwing linggo.
"Biyang nandito na si Migo" ani nanay na ikinalapad lalo ng ngiti ko at muling napa-spray ng cologne perfume ko bago lumabas ng silid.
Naabutan ko naman itong magiliw na ka-kwentuhan si nanay sa sala namin habang nagmi-meryenda ng pancit canton at juice. Napangiti itong kumindat na ikinalapad lalo ng ngiti kong lumapit dito.
"Ang aga mo" bulong ko sa pagtayo nitong humalik sa noo ko at inalalayan akong makaupo. Nangingiti naman si nanay na nakamata sa amin ni Migo. Bakas ang saya sa mga mata nitong nangingislap sa aming dalawa.
"Ayaw mo ba?" mahinang bulong nito. Nakurot ko ito sa hita na ikinaiktad at hagikhik nitong umakbay pa talagang ikinamula ko lalo't nakamata sa amin ang ina ko!
"Umayos ka nga. Nakakahiya kay nanay"
"Ahem!" sabay kaming napaayos ng upo sa pagtikhim ni nanay. "Hindi naman kayo mga bubuyog noh? Bulungan nang bulungan" ani nanay na ikinahagikhik naming dalawa ni Migo.
"Pasensiya na po Nay. Ilalabas ko sana si Vivian. Okay lang po ba?"
"Hindi naman problema sa akin yan anak. Alam ko namang mga bata pa lang kayo ay nagmamahalan na kayo nitong anak ko" napangiti ako sa sinaad nito habang nakamata kay Migo.
"Salamat po. Hwag po kayong mag-alala" umakbay itong ikinasinghap ko. "Hinding-hindi ko po pababayaan ang anak niyo Nay"
Para akong hinahaplos sa puso sa sinaad nito. Naluluha namang napatango-tango si nanay sa aming dalawa.
MATAPOS NAMING magpaalam kay nanay na lalabas kami ni Migo ay umalis na rin kami. Napalunok ako ng malingunan si Siobe na makakasalubong namin ni Migo.
"Okay ka lang?" anito na napansing napayakap ako dito habang nakaangkas ako sa motor nito.
"O-oo naman. Kasama kita eh" mahina itong natawa na napahawak sa kamay kong nakayapos sa tyan nito.
"Kumusta Siobe?" lihim akong napamura na huminto ito pagkatapat namin kay Siobe at pinansin pa talaga kahit pang byarnes santo ang mukha.
"Eto humihinga pa naman" pabalang nitong sagot na ikinalingon ko ditong masama ang tingin sa akin.
"May problema ba?" ani Migo na ikinalingon ni Siobe dito.
"Wala naman. Ewan ko lang sa iba dyan. Oopppsss. Makasarili nga pala sila kaya walang kaproble-problema. Sarili lang ang iniisip" paismid nitong obviously ay ako ang pinapatamaan.
"Tara na Migo" bulong ko dito sabay yugyog na ikinatango nitong bahagya akong nilingon.
"Sige. Mauna na kami Siobe" pamamaalam nitong ikinatango lang nitong napairap naman sa akin. Hindi ko maiwasang masaktan sa inaasta nito. Kahit iniintindi ko ang punto nito ay nasasaktan pa rin ako sa pambabalewala nito sa akin at pambabara n akala mo nama'y ang laki-laki ng nagawa kong kasalanan.
NANGINGITI AKONG ninanamnam ang sandaling ito. Nakakamiss din kasing umangkas sa motor niya na nakayakap ako sa kanya habang naka-joy ride lang kaming dalawa. Panakanaka naman nitong hinahaplos ang kamay ko sa tuwing napapabagal ito ng takbo dala ng traffic.
"Gutom ka na ba?" malakas nitong saad na bahagya akong nilingon. Umayos ako ng upo na isiniksik ang mukha sa leeg nito. Napalingon itong muli na humalik sa pisngi kong ikinahagikhik kong pinaghahalikan din ito sa pisngi. "Hahaha! Mahulog ka my love"
"Nagugutom na nga ako.....sayo" pilyang saad kong ikinahalakhak nito.
"Motel muna tayo" nag-init ang mukha kong napakagat sa balikat nitong natatawang napadaing. "Ahh! Vi naman, masaket" parang batang reklamo nitong ginalaw-galaw ang balikat.
"Sira-ulo ka kasi" ismid kong muling napayakap ditong isiniksik ang mukha sa balikat nito.
"Ikaw 'tong nagsimula my love" napangiti na rin akong nakamata dito.
Kahit side view niya lang ang nakikita ko ay 'di maipagkakaila ang angkin niyang kagwapuhan. Kitang-kita ang ganda ng pagkakahulma ng pointed nose nitong parang pinaretoke. Kung hindi ko lang siya kakilala mula pagkabata ay magdududa ako kung natural ba o salamat dok ang matangos niyang ilong. Ganun din ang kutis niyang halatang may lahi. Maputi na makinis kaya 'di maiwasang makaramdam ako ng inggit sa kulay ng balat nitong parang walang dugo. Kahit isang pimple ay wala manlang naliligaw sa mukha nitong napakakinis na dinaig pa ang mukha ko.
Tumigil kami sa mga nakahilera sa gilid ng kalsadang mga kainan. Inalalayan pa ako nitong makababang ikinangiti ko. Ang sweet niya lang talaga na kahit sa maliliit na bagay ay hindi niya pinapalagpas.
Inayos pa nitong sinusuklay-suklay ng kanyang kamay ang buhok kong magulo na kahit short hair ako.
"Tara" akay nitong hinawakan ako sa kamay at pinag-intertwined ang mga daliri namin. Nagpatianod naman ako ditong pumasok sa karinderya na unang madadaanan namin. "Anong gusto mo my love?"
Napangiti akong nakikisilip na rin sa pagsisilip nito sa mga ulam. "Ikaw ang gusto ko. Hindi mo pa ba alam?" bulong kong ikinatawa nitong napailing.
"Pagkain po ang tinutukoy ko"
"Kaya nga" yumuko itong bumulong.
"Mamaya ikaw ang kainin ko eh. Kung sabagay, paborito kita sa lahat ng pagkain Vi" napatikom ako ng labi na nag-init ang mukha! Dama ko ang paggapang ng init sa mukha ko sa ibinulong nito lalo na't napapangisi itong nakamata sa akin.
"U-umayos ka nga. Baka marinig ka nila. Nakakahiya" mahinang saad kong ikinatawa nitong muling bumaling sa mga ulam.
"May sinigang na baboy my love. Gusto mo?" anito na ikinangiti at tango ko. Alam niya naman kasing paborito ko mula pagkabata ang sinigang lalo na ang baboy na puno ng gulay.
Matapos naming um-order ay magkaharap kaming naupo sa pangdalawahang mesa. Napapairap naman ako sa mga babae sa gilid na nagsisikuhan at nakamata kay Migo.
"May problema ba?" lalo akong napabusangot na ikinataas ng kilay nitong hinahawakan ako sa kamay kong nakapatong sa mesa.
"Wala"
"Eh bakit pang-byarnes santo ang mukha mo hmm?" pag-uusisa nito na hindi napapansin ang mga babae sa gilid na kanya-kanyang hawi ng mahahaba nilang buhok na kay sarap hiklatin. Mga haliparot lang ang mga gagā. Hindi ba nila ako nakikitang kasama ni Migo at panay ang lambing sa akin? tsk. Hindi naman sila mga duling o bal-ag para hindi ako mapansin.
"May mga chiks sa gilid Migs, nagpapapansin sayo" luminga-linga ito hanggang malingunan ang mga babaeng impit na napairit at sikuhan na mapatingin si Migo sa kanila.
Kaagad din naman binalik ni Migo ang paningin sa akin na nakataas ang kilay.
"Tss. Di hamak namang mas maganda ka sa kanila. Isa pa, wala akong planong pumatol sa iba Vi. Ngayon pa ba?" makahulugang saad nitong ikinalabi ko. Nangingiti lang naman itong nakamata din sa akin.
"Talaga?" nagdududang tanong ko. Yumukod naman itong humalik sa noo ko!
"Opo. Sayo lang naman ako Vi. Hwag mo ng pansinin ang mga nasa paligid nating nagpapa-cute sa akin dahil wala akong planong patulan maski isa sa kanila" hindi ko mapigilang mapangiti na napapadyak ng paa sa ilalim ng mesa dala ng labis-labis na tuwa at kilig dahil dito!