Chapter 17

1810 Words
"Ang unfair mo!!" napatagilid ang mukha ko sa malakas na sampal ni Siobe na inabutan ko dito sa bahay. Nanginginig ang kamay kong napahaplos sa pisngi kong namanhid sa bigat ng kamay nito! "Saan ako naging unfair huh?" madiing asik ko na nakikipagtagisan nang sama ng tingin dito. "Saan?" 'di makapaniwalang bulalas nito. Pagak itong natawa na napailing. "Paano naman si Wendell huh?" "Wendell? Bakit? Pinaasa ko ba siya?" magkasunod kong tanong. "Siobe sa ating lahat, ikaw ang nakakalam ng lahat-lahat tungkol sa amin ni Migo. Mga bata pa lang tayo alam mo na kung gaano ko siya kamahal!" panunumbat kong naduro ito. Nangilid ang luha kong napailing ditong natigilan. "Alam mong walang makakapalit kay Migo sa puso ko. Dahil kahit paulit-ulit akong saktan, iwanan ni Migo?" napailing akong napapahid ng luha. Mapait akong napangiti na napatikom ng labi. "Siobe alam mong hindi ko siya bibitawan. Handa akong magpakatānga makasama ko lang siya. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Dahil si Migo.....si Migo ang pinakamahalaga sakin" Napailing itong naluhang napahilamos ng palad sa mukha. Nanghihina akong napaupo ng sofa na tahimik na umiyak. "Pero mahal na mahal ka din ni Wendell. Siya itong kasa-kasama mo sa mga panahong nang-iwan si Migo. Si Wendell ginagawa ang lahat maging sapat lang siya sa paningin mo" kalmadong saad nito sa mahaba-haba naming katahimikan. "Anong magagawa ko? Hindi ko siya kayang mahalin ng higit sa pagiging matalik na kaibigan Siobe" "Magagawa mo Vi. Magagawa mo, kung gagawin mo" napailing akong may mapait na ngiti sa labi. "I'm sorry. Hindi ko kaya" "Ikaw ang bahala. Hindi naman ako nagkulang kapapaalala sayo, kakapayo sayo. Buhay mo yan. Damdamin mo yan. Ikaw amg masusunod dyan" walang emosyong saad nito na lumabas na ng bahay. Napahinga ako ng malalim na napasunod na lamang ng tingin dito. Ni minsan wala pa kaming pinagtalunan ni Siobe. Ngayon lang. Hindi ko lang lubos akalaing mas pipiliin niya si Wendell na para sa akin kaysa kay Migo na kababata namin. Napapikit akong isinandal ang sarili. Nanghihina pa ang katawan ko sa nangyari sa amin ni Migo. Pakiramdam ko'y ubos na ubos ang lakas ko hanggang ngayon. Nanatili akong nakapikit na maramdaman ang prehensya ni nanay na naupo sa tabi ko. Ramdam ko ang matiim nitong mga mata na nakatitig sa akin. Bagay na ikinabilis ng pagtibok ng puso ko. Napalunok akong lihim na napamura sa isip. Baka nahihinulaan na ni nanay na may namagitan sa amin ni Migo. "Kumusta naman si Migo anak?" mapait akong napangiti na nahaplos ang pisngi kong namamanhid pa rin. "Maayos naman po sila Nay" napahinga ito ng malalim na pinahiran ng dala nitong face towel na may nakabalot na yelo at dinampi sa pisngi ko. "Ako na po Nay" Napahinga ito ng malalim na makulimlim ang mga matang tumitig sa akin. "Nay, hwag niyo naman po akong tignan ng ganyan" natatawang saad ko. Pilit itong ngumiti na hinaplos ako sa ulo. "Basta kung saan ka masaya Biyang? Doon din si nanay. Dahil kaligayahan mo ang pinakamahalaga sa akin. Dalaga ka na. Alam mo na ang tama at mali" mahinahong saad nitong ikinangiti at tango ko. "Magpahinga ka na don. Bukas kausapin mo ng maayos si Siobe. Nagmamalasakit lang yong tao sayo" "Opo. Night Nay" pahabol ko dito n tumango lang bago pumasok ng kanyang silid. Napapailing akong tumayo na rin at pumasok ng silid. Ni minsan ay hindi pa kami nagtalo ni Siobe. Lagi siyang nasa tabi ko na sinusuportahan ako. Pero ngayon kung kailan kailangan ko ang suporta niya? Saka naman kami nagkagalit. Naiintindihan ko naman na nasaktan din siya par kay Wendell sa pagsama ko kay Migo. Pero alam naman niya na kay Migo at Wendell? Si Migo ang paulit-ulit kong pipiliin kahit paulit-ulit din akong masaktan. KINABUKASAN AY sinundo pa rin naman kami ni Wendell. Ibang-iba nga lang ang awra niya ngayon na halatang may dinadamdam pa rin ito sa akin mging ni Siobe ay hindi ako iniimik kahit sulyapan. Hindi ko tuloy maiwasang mailang sa sitwasyon naming tatlo. Ang akward na parang nakakasikip sa dibdib na magtatabi-tabi kami. Habang nasa school ay napakatahimik pa rin ng mga ito. Sumasagot naman sa akin si Wendell pero tipid lang. Tipong isang tanong isang sagot lang ang nakukuha ko dito. "Pwede ba tayong mag-usap" pigil ko kay Siobe nang akmang lalabas na ito ng room namin dahil lunch break na namin. Napahinga ito ng malalim na walang emosyon ang mga matang napatitig sa aking bakas ang pagkabagot. "Ano?" taaskilay nitong tanong na napapasulyap sa kanyang relo. "Ahm...sorry na" napahinga ito ng malalim na napailing. "Yon lang ba?" "Siobe naman, hwag ka ng magalit sa akin. Si Migo yon. Unawain mo naman ako" pagtatampo kong ikinailing lang nitong may mapait na ngiti sa labi. "Yon na nga Vi. Si Migo yon. Paano kung iwan ka na naman huh?" madiing asik nitong ikinalapat ng labi ko. Kita ang galit at lungkot sa mga mata nitong nanubig na ikinaiwas ng tingin nito sa akin. "Siobe" napahawak ako sa kamay nitong marahang pinipisil-pisil. "Suportahan mo na lang ako please. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Migo mula umpisa, 'di ba?" "Ikaw ang bahala Vi. Malaki ka na" anito na binawi ang kamay at tinalikuran na ako. Kahit nagtatampo ito ay sinundan ko pa rin at sumabay ditong nananghalian kasama si Wendell na tahimik din. "Galit ka din ba sa akin Wens?" baling ko kay Wendell nang tumayo na si Siobe at nagtungo ng restroom. Ngumiti itong umiling na inabot ang tissue paper at nagpunas ng bibig. "Bakit naman ako magagalit Vian?" napalabi akong nakamata dito. Kahit nakangiti ito ay kita ko namang hindi na yon katulad dati na abot hanggang kanyang mga mata ang ngiti sa labi. "Maiintindihan ko naman kung magagalit kayo sa akin Wendell" umiling itong pinahid ang gilid ng labi kong ikinatigil ko. "Hindi ako galit. Bakit ako magagalit? Wala akong karapatan magalit Vian. Higit sa lahat? Wala akong karapatang diktahan ka sa dapat mong gawin" lalo akong nakunsensya sa sinaad nito lalo na't dama ko ang pait sa kanyang tono. "Wendell mahalaga ka sa akin. Mahal kita" ngumiti itong hinawakan ang kamay ko. "Alam ko. Alam ko Vian. Pero pagmamahal bilang isang tunay na kaibigan" anitong ikinalunok ko. "I'm sorry" umiling itong pinipisil-pisil ang kamay ko. "Hwag kang mag-sorry Vian. Hindi mo kasalanang....hindi mo ako kayang mahalin ng higit pa sa kaibigan. Tanggap ko naman yon. Dahil kita ko, dama ko, alam ko....walang makakapantay kay Migo sa puso mo" nangilid ang luha kong ikinangiti nitong hinaplos ako sa pisngi. "Wendell" "Basta lagi mong tatandaan Vian. Nandidito ako lagi. Para sayo. Sayong-sayo" napalabi akong ikinatawa nitong niyakap ako. Tuluyang tumulo ang luha kong napayakap na rin dito. Kahit paano ay naibsan ang bigat na nararamdaman kong nagkausap kami ng masinsinan nito. NANGINGITI AKONG nakahiga na sa kama at hinihintay ang reply ni Migo. Isa sa hiningi ko sa kanya ang quality time namin sa isa't-isa bago matulog. Bagay na ipinagkakaloob naman nito. "Miss na kita my love" impit akong napairit na mabasa ang mensahe nito. Parang naririnig ko pa ang malambing niyang boses sa pandinig kong paulit-ulit nagri-replay sa utak ko. "I miss you more miamor" "Miamor?" patanong reply nitong ikinahagikhik kong nakayakap sa unan ko. "Aha. Miamor" "Ano yun?" napahalakhak akong nakagat ang unan na hindi nga nito alam ang ibig sabihin ng endearment ko dito. "Miamor. French word mean....My love" napakagatlabi akong pigil-pigil ang hiningang hinihintay ang reply nito. Napapitlag ako nang mag-vibrate ang phone ko na tumatawag ito! Bigla tuloy bumilis ang t***k ng puso kong sunod-sunod kong ikinalunok para kalmahin ito. "M-Migo" "Miamor? Saan mo yon nakuha?" mahina akong natawa na ikinabungisngis na rin nito sa kabilang linya. "Napanood ko lang. Ayaw mo ba?" "Nope. Gusto. Lahat naman ng galing sa mahal ko gustong-gusto ko" napalapat ako ng labi na mariing napapikit. Impit akong napapatili sa isip-isip sa kakulitan nitong may halong lambing! Hindi ko mapigilang kiligin sa simpleng banat nito na tagos na tagos sa puso ko! "Totoo ba yan?" nagpapabebeng tanong kong mahina nitong ikinatawa. Abot hanggang tainga tuloy ang ngiti ko na naririnig ang tawa nito at nakikinita ang itsura niya kapag tumatawang lalong ikinagu-gwapo niya sa paningin ko. "Oo naman. Bakit naman ako magsisinungaling sa mahal ko?" hirit nitong ikinakagat ko sa unan ko at napapatiling ikinahalakhak nito! "Magpahinga na tayo miamor. Malalim na rin ang gabi" pamamaalam ko. Napahinga ito ng malalim sa kabilang linya. "Okay. Good night my love. Sweet dreams!" malambing pamamaalam nitong ikinangiti ko. "Good night miamor. Sweet dreams too. Bye" KINABUKASAN AY sinundo ulit kami ni Wendell. Nauna kaming nagpang-abot ni Siobe sa waitingshed kung saan namin hinihintay ito. Nakabusangot itong nakahalukipkip na hindi manlang ako sinusulyapan. "Galit ka pa rin ba? Sorry na" aniko na hinawakan ito sa braso. Hindi ito umimik o kahit sinulyapan ako. Estedi lang siyang naka-pokerface na sa unahan nakamata. "Siobe. Sorry na nga kasi" Pangungulit kong bahagyang niyugyog ito sa braso pero hindi manlang nag-react. Mukha wala pa rin siyang planong kausapin ako. Napanguso akong nakamata dito. Akmang bibitawan ko na ito ng magsalita siyang tumitig sa mga mata ko. "Hindi ka ba naaawa kay Wendell?" napalunok akong napatitig sa mga mata nitong matamlay. "H-hindi naman sa ganon Siobe" napahinga ito ng malalim. "Siobe unawain mo naman ako. Mahal na mahal ko si Migo" "Ang tanong? Mahal na mahal ka din ba huh Vivian?" napalabi akong natigilan sa sinaad nito. "Vi naman. Si Wendell tong laging nasa tabi mo. Hindi mo ba nakikita kung gaano ka niya kamahal?" "Pero si Migo nga kasi ang mahal ko Siobe. At mahal niya din ako. Ngayon ko pa ba siya pakakawalan? Abot kamay ko na siya. Kami na. Bakit ko naman siya ile-let go 'di ba?" may pagkairitang saad ko. Napatango-tango naman ito. "Okay. Sabi mo eh" paismid nitong sagot na bumaba na ng waitingshed dahil saktong kakarating na ni Wendell na may matamis na ngiti sa amin ni Siobe. Wala na naman itong kaimik-imik sa akin na ikinangiti at tango lang ni Wendell sa'kin na tila sinasabi nitong palagpasin ko na lang si Siobe. Ilang araw din akong hindi nito pinapansin at lantarang ini-snob ako. Mabuti na lang at hindi ganto si Wendell sa akin. Tanggap niya ako at kung sino ang mahal ko. Nirerespeto daw niya ang desisyon ar nararamdaman ko. Bagay na ipinagpapasalamat ko dito. Kaya kahit paano ay naibsan ang guilt na dala-dala ko. Kahit naiintindihan ko naman ang punto nito ay hindi ko pa rin magawang sundin ito. Dahil alam ko sa puso ko....si Migo lang ang mahal ko. At ayokong paasahin si Wendell sa bagay na alam ko namang, wala itong maaasahan. Ayokong pilitin ang sarili kong magustuhan ito ng higit pa sa relasyon na meron kami. Hindi naman kasi ako ganon. Ayokong paglaruan...ang damdamin niyang nakalaan para sa akin. Dahil alam ko na....ang pakiramdam ng masaktan ka. Ng taong pinakamamahal mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD