KABADO ako na naupo at hinayaan ang dalawang beautician ni ma'am Erica na pagandahin ako. Ni minsan sa buhay ko, hindi pa ako nakakapasok ng parlor. Kaya wala talaga akong kaalam-alam kung paano magpaganda. Kahit nga ang magpolbo at magpahid ng lip shiner sa labi ay hindi ako marunong.
Sinasabi ng mga tao na maganda naman ako. Bagay sa akin ang balat ko at makinis naman ako. Pero hindi ako nagagandahan sa sarili. Bukod kasi sa marami akong tigyawat sa mukha, makapal ang kilay at morena ang kulay ko.
Napasandal ako na napapikit nang ang kilay ko muna ang una nilang inayos. Kabado ako at the same time ay excited sa kalalabasan ng itsura ko. Gusto ko nang matapos ito at makita kung may nagbago ba sa itsura ko. Baka sakaling mapansin na ako ni Migo kapag gumanda na ako at matapatan ang ganda ng girlfriend niya.
“Aah! Aray ko! Ang sakit po!” impit kong daing na unang bunot pa lang nila sa kilay ko!
Natawa naman ang binabae na siyang nagbubunot sa kilay ko.
“Masakit talaga sa una, girl. Tiisin mo na lang. Masyadong makapal ‘tong kilay mo e. Bagay sa'yo kung may korte ito. Ang ganda mo kaya,” turan nito na muling bumunot sa kilay ko.
Napapadaing ako sa tuwing bumununot ito ng buhok sa kilay ko at sobrang hapdi naman talaga. Ito ang unang beses na magpabunot ako ng buhok sa kilay kaya sobrang hapdi.
Pakiramdam ko ay nangangapal na ang kilay ko nang tantanan nito. Nakahinga ako ng maluwag na napahaplos sa kilay kong sobrang sakit pa rin. Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata na napatitig sa kaharap kong salamin. Nangingiti naman ang binabae na umaasikaso sa akin na nakamata sa aking namamanghang napatitig sa mga kilay ko. Maayos na kasi ang korte nila at bumagay nga sa akin. Hindi na siya gano'n kakapal at napakagandang tignan.
“Ang ganda. Salamat po,” wika ko.
“Sus. Walang anuman. Nagsisimula pa lang tayo,” turan nito.
Inalalayan nila akong makatayo na sinamahan sa banyo at may ipapagamit daw silang sabon sa akin. Pinaghilamos na muna nila ako gamit ang soap nila. Sunod ang facial foam na itinuro kung paano ko gamitin. At panghuli ang cologen mask na kay lamig sa balat.
Makakatulong daw kasi iyon para maalis ang mga pimples ko sa mukha. Kasabay ko naman si Siobe kaya kahit kabado, atlis may kasama ako. Hindi ko rin alam kung ba't ko ito ginagawa e. Na tipong ang dali kong nagtiwala sa mga ito. Pero dama ko naman sa puso ko na mababait sila at mabuti ang intension. Nakikipag biruan pa nga sila sa amin ni Siobe at kitang bagong-bago pa ang lahat ng mga gamit nila dito.
Matapos tanggalin ang cologen mask sa mukha namin, lumabas na kami ng banyo. Napasuri ako sa mukha ko sa salamin at napangiti. Kitang bahagyang kuminis nga ang mukha ko kahit unang subok ko pa lang sa product ng mga ito.
“Malinis naman ang mga kuko niyo pero masyadong plain. Linisan natin ha? Libre naman ito kaya hwag kayong mag-alala.” Wika ni ma'am Erica na ikinangiti at tango namin ni Siobe.
Sabay kaming nagpa-manicure at pedicure ni Siobe. Natural white with glitters ang napili namin na sinunod ng mga ito. Maging ang pagpapalinis namin sa kuko ay ngayon ko lang din naranasan. Bukod sa wala kaming pera para sa mga gan'to, walang nagagawing manicurista aa barangay namin.
“Ang ganda,” nangingiting usal ko na nakamata sa mga kuko ko matapos nilang malinisan at cutix-an.
“Maganda din kasi ang mga kuko mo, day. Kaya maganda siyang imanicure.” Tugon ng naglinis ng kuko ko.
Lalo akong napangiti sa tinuran nito. “Salamat po ulit.”
“Wala ‘yan.” Anito na iniligpit na ang mga gamit.
ILANG oras din kaming nagtagal ni Siobe sa salon. Madilim na nga pagkalabas namin kaya si ma’am Erica na ang naghatid sa amin. Wala din kasi kaming masasakyan at masyadong malayo ang barangay namin kung maglalakad kami. Wala kaming pera ni Siobe na pang-arkila ng tricycle kaya pumayag na kaming magpahatid kay ma'am Erica.
"Balik kayo bukas hah? Aayusin natin ‘yang mala walistambo mong buhok," natatawang saad nito pagdating namin sa tapat ng bahay.
Napakamot ako sa ulo na napapailing. Tama naman kasi siya. Papasa na ngang gawing walis ang buhok ko dahil makapal ito na buhaghag.
"Sige, salamat ulit, ma'am Erica.” Sagot ko.
"Hindi mo kailangan magpasalamat, day. Tinutulungan kita, kasi matutulungan mo rin ako. Woman's Empower ika nga 'di ba?" kindat nitong ikinahagikhik namin ni Siobe.
"Yong sabon at facial wash na binigay ko, simulan niyo ng gamitin mamaya bago kayo matulog hah?" pagpapaalala nito na ikinatango namin.
"Opo."
“Opo.”
Panabay naming sagot ni Siobe.
"Mag-moisturize rin ng balat niyo at ‘yong gluta capsule na bigay ko, pwede ‘yon dalawang beses uminom sa isang araw, okay?" habilin pa nito.
"Opo, ma’am Erica.” Tugon namin ni Siobe.
"Good, babuh na," anito na bumeso sa amin bago kami bumaba ng kotse nito sala ang shopping bags na naglalaman ng mga beauty products na bigay nila.
Nangingiti kaming kumaway dito na bumisina lang. Hanggang sa nakaalis na ito. Nagpaalam na rin si Siobe na tinanguhan ko at gabi na. Tiyak kong mapapagalitan din iyon na ginabi kami.
"Sino ‘yon?"
"Ayt! Palaka! Ano ba!?”
Napatalon ako sa gulat na bigla na lamang sumulpot si Migo na nakapang-school uniform pa rin. Nakatingin ito sa daan kaya tiyak kong si ma'am Erica ang tinutukoy nito.
"Wala, bagong kakilala," walang emosyong sagot ko na tinalikuran na itong napasunod din naman.
"Bagong kakilala? Pero nagpahatid ka sa kanya? Vivian naman. Nag-iisip ka ba? Paano kung masamang tao pala siya? Ang bilis mo namang magtiwala!" sunod-sunod na tanong nito na nanenermon ang tono.
Hindi ako umimik. Anong saysay na ipaliwanag ko sa kanya ang sarili ko? Sasabihin ko ba sa kanyang gusto kong magpa-glow-up para sa kanya? Para mapansin niya? Para ako na lang ang mahalin at maging girlfriend niya? Napailing ako sa mga tumatakbong kasagutan sa isip ko.
"Vi, kinakausap pa kita," anito nang nasa tapat na kami ng pinto ng bahay namin.
Nanigas ako sa pagpigil nito sa akin sa braso. Dama kong maging ito ay natigilan din pero nanatili namang nakahawak sa braso ko. Napalunok ako na kinakalma ang puso kong kay bilis ng t***k!
"Gabi na, Migo. Please, pagod na ako.” Mahinang saad ko at tiyak na nandidito na si tatay.
"Exactly, Vi. Gabi na. Bakit ngayon ka lang? Saan kayo nagpunta ni Siobe, huh?" pabulong pagalit nito na bahagyang napisil ang braso kong hawak nito.
"Bakit? Dapat ba lahat ng lakad ko at mga nangyayari sa akin ay irereport ko sa'yo, huh?" inis kong tanong na ikinatigil nitong napatitig sa mga mata ko.
Napalunok itong napipilan na tila hindi alam ang sasabihin.
"V-Vi, nag-aalala lang ako sa'yo." Mahinang sagot nito.
"Kaya ko na ang sarili ko, Migo. Hindi na ako bata na kailangan mong bantayan o protektahan. Hindi kita kailangan, okay? Bakit hindi ka na lang mag-focus sa girlfriend mo? Hwag mo na akong pakialaman. Dahil hindi naman kita pinapakialaman. Kuha mo?” iritado kong saad dito na kitang nasaktan sa tinuran ko.
“May nagawa ba akong masama? May nasabi ba akong na-offend kita? Sorry na, Vi. Hwag mo naman akong awayin o. Nag-aalala lang naman ako sa'yo kaya pinapaalalahanan kita,” naluluhang saad nito na nangungusap ang mga matang nakatitig sa akin.
Napahawi ako sa buhok ko na pagod ang mga matang tumitig dito. Ayoko na nagtatalo o nagkakatampuhan kami ni Migo. Pero ang bigat bigat na kasi sa dibdib ko. Ang sakit sakit sa puso ko na araw-araw kailangang umaktong masaya ako kapag nakikita ko sila ni Jasmine na masaya. Palagi niya kasi kaming isinasama ni Siobe sa tuwing lunch break namin na kasama ang girlfriend niya. Naiinis ako pero wala naman akong magawa.
“Tama na. Nakakapagod na, Migo. Umuwi ka na." Mababang saad ko.
"Saan? Saan ka napapagod? Sa akin ba, Vi?" tanong nito na nanginginig ang labi at nagpipigil maluha.
Napalapat ako ng labi na nag-iwas ng tingin dito. Hindi ko kayang tignan ito sa mga mata na kitang nasasaktan siya.
"Ano bang nangyayari sa'yo? May bagong kakilala ka lang, itatapon mo na ako. Gano’n ba huh?" inis nitong tanong na muling napisil ang braso ko.
"Bitawan mo nga ako," mahinang asik kong iwinaksi ang kamay nito. Natulala itong napatitig sa kamay na napabitaw sa akin.
"V-Vivian." Usal nito na tumulo ang luha.
"Umuwi ka na, Migo." Pagtataboy kong naitulak ito sa dibdib pero hindi manlang gumalaw sa kinatatayuan.
Matiim itong nakatitig sa akin na salubong ang mga kilay. Hindi ko rin alam kung bakit ko ba siya inaaway ngayon. Dahil ba may girlfriend na siya at masaya na sa iba? O baka dahil napuno na ako at pagod na akong magpanggap na masaya para sa kanya. Kasi ang totoo. Nasasaktan ako. Naiinggit ako sa girlfriend niya. Nagseselos ako. Pero kailangan kong itago ang lahat ng iyon at magpanggap na masaya ako.
"Vi, ano ba kasi ‘yon? Sabihin mo naman sa akin kung anong kinakagalit mo o," pakiusap pa nito na akmang hahawakan ang kamay kong iniiwas ko.
"Putang ina naman, Migo. Hwag ka ngang parang batang makulit. Umuwi ka na. Inaantok na ako," asik ko ditong tinalikuran ito.
Pero bigla naman itong yumapos sa baywang ko at mahigpit akong niyakap na napasuksok sa leeg ko. Napasinghap ako na nanigas at hindi kaagad nakakilos sa higpit ng pagkakayakap nito sa akin mula sa likuran ko! Damang-dama ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko lalo na't sobrang dikit ng katawan namin sa isa't-isa!
"Sorry na. Hwag ka namang mang-away. Hindi ako sanay na gan’to tayo, Vi." Bulong nito na ikinasinghap kong napahawak sa kamay nitong nakayapos sa tyan ko.
Nangilid akong luha kong napalapat ng labi na nagpipigil maluha. Unti-unti na ring bumigat ang dibdib ko at kinakain ng halo-halong emosyon ang puso ko.
“I'm sorry, Vi. I'm sorry.” Paulit-ulit itong nagsosorry na yakap-yakap pa rin ako.
"Pagod na ako, Migo. Pagod na pagod na akong umiiyak na lang gabi-gabi at pinipeke araw-araw ang ngiti maipakita lang sa'yong masaya akong. . . masaya ka–sa piling ng iba," piping usal ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"V-Vivian.” Utal nitong sambit na hindi ako kumikibo.
Napahinga ako ng malalim na pasimpleng nagpahid ng luha at binaklas na ang mga braso nitong nakayapos sa baywang ko. Dama kong natigilan ito pero hindi ko na nilingon pa.
"Vi, mag-usap muna tayo. Ayusin natin 'to." Pagpigil nito sa akmang pagpasok ko ng bahay.
“Umalis ka na, Migo. Hindi ko gustong. . . makausap ka.” Malamig kong sagot na hindi ito nililingon.
Pumasok na ako ng bahay na sunod-sunod tumulo ang luha. Napatakip ako ng palad sa bibig na marinig itong kumatok pa.
“Vivian, ano bang problema? Sabihin mo naman sa akin para alam ko ang gagawin ko. Lahat gagawin ko magkaayos lang tayo. Hwag mo naman akong inaaway o,” pakiusap pa nito na kumakatok sa pinto.
Hindi ko na mapigilang mapahagulhol na naririnig itong nakikiusap sa akin. Pero kung hindi ko siya titiisin? Paano naman ako? Sinubukan ko naman e. Sinubukan kong magpanggap na okay lang ako. Pero nakakapagod din palang dayahin ang sarili mo. Lalo na't alam mo sa isip at puso mo ang totoong nararamdaman mo.
"Vi, kausapin mo naman ako," muling pagkatok nito sa pinto.
Napaayos ako ng tayo nang lumabas si nanay sa silid nila na kunot ang noo at kitang nagising dahil sa amin ni Migo.
"Biyang? Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong nito na lumapit at sinuri ang kabuoan ko.
Huling-huli niya kasi akong umiiyak habang kumakatok si Migo sa labas at nakikiusap.
"Vi, mag-usap muna tayo. Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap.”
Napalingon ito sa likuran ko na muling kumatok si Migo at nakikiusap na mag-usap na muna kami.
"Biyang--"
"Pakisabi pong tulog na ako, Nay." Putol ko sa sasabihin nito at patakbong nagtungo ng silid ko.
"Migo?" dinig kong saad nito pagkasara ko ng pinto na pinagbuksan si Migo.
"Tita, si Vivian po?" tanong ni Migo.
"Nasa kwarto na. Matutulog na daw," dinig kong sagot ni nanay dito. "Migo, nag-aaway ba kayo?"
"Hindi ko po alam, Tita. Bigla na lang niya akong tinataboy e," saad nito na parang batang nagsusumbong kay nanay. "Tita, kausapin ko lang po siya."
"Bukas na lang, Migo. Palamigin mo muna ang ulo niya at mukhang may regla siya ngayon," ani nanay sa natatawang tono.
Dinig ko din namang napatawa niya si Migo sa biro nito. Nanghihina akong naupo sa gilid ng kama na napatitig sa mga dala kong paper bags. Mga beauty products na bigay ni ma'am Erica na gagamitin ko raw at makikita ang epekto sa loob lang ng isang linggo. Mapait akong napangiti na nagpahid ng luha.
"Kaya mo ‘to, Vivian. Masasanay ka rin. Kaysa naman nakikita mismo ng mga mata mong napakasaya na ni Migo sa iba. Kalimutan mo na siya. Dahil hindi ikaw. . . ang tipo niya.