KINABUKASAN ay sinadya kong gumising ng sobrang aga. Hindi ko pa alam kung paano haharapin si Migo. Kaya ayoko na munang naglalalapit sa kanya.
Matapos akong makagayak at nagkape ay lumabas na ako ng bahay. Magliliwanag pa lang kaya tiyak akong marami pang pababang tricycle sa bayan na masasakyan.
"Hi Vi, magandang umaga. Sasakay ka ba?" masiglang bati ni Teron.
Isang tricycle driver na makulit na nanliligaw sa akin pero hindi ko pinapansin. Bakit? Lasinggero lang naman siya at kapag nalalasing ay parang sinapian na nag-aamok at nagwawala. Hinahamon ang lahat na makipagbugbugan kuno sa kanya. Kaya bakit ko naman gugustuhing maging kasintahan siya? Ni hindi nga siya kumalahati sa kakisigan at kagwapuhang taglay ni Migo tss.
"Sumakay ka na sa akin. Libre na ang sa'yo," kindat nitong ikinangiwi ko.
"Di bale na lang," ismid ko na sa kasunod nitong pila ako sumakay.
Nagkatawanan tuloy ang mga kapwa nito driver na nakarinig sa amin. Kakamot-kamot naman iti sa ulo na napapailing nakamata sa akin.
"Ang suplada talaga ng magiging misis ko," dinig ko pang komento nito pagkasakay ko sa tricycle. " Berting, ingatan mo ‘yan, hah? Mapapangasawa ko pa ‘yan."
"Ang tanong, Teron. May gusto ba si Vivian sa'yo? E hindi ba't kay Migo ang batang 'to?" tatawa-tawang pambabara ni manong Berting na ikinahagikhik kong napapailing.
Kita ko pa ang pag-asim ng mukha ni Teron sa sinaad dito.
“Manong naman. Maging supportive ka naman sa katoda mo. Ano namang alam nung Migo na ‘yon na mag-alaga ng katulad ni Vivian? E may gatas pa ‘yon sa labi. Mas bagay naman kami ni Vivian.” Wika nito na sinilip pa ako. “Hindi ba, Vivian?”
“Che! Kung ikaw lang din naman, Teron? Hwag na lang.” Ismid ko na inirapan ito.
Umani ng hiyawan at kantyawan ang pambabara ko ditong kitang napahiya pero dinaan sa tawa. Ayoko naman talaga sa kanya. Dati na siyang nagpaparamdam sa akin. Pero hindi ko pinapansin. Umandar na ang tricycle kaya umayos na ako ng upo. Lalo lang uminit ang ulo ko dahil sa Teron na ‘yon. Apaka feeling masyado. Ni hindi nga yata naliligo at sepilyo e.
PAGDATING ko ng school ay pasado alasyete pa lang kaya tumuloy na muna ako sa library. Kahit allergic ako sa mga libro ay mas gugustuhin ko naman tumambay doon dahil tahimik ang paligid.
Naupo ako sa pinakasulok at nagkukunwaring nagbabasa pero ang totoo ay natutulog na.
Mahapdi pa nga ang mga mata kong napuyat kagabi sa kakaiyak. Unang beses na nagkatampuhan kami ni Migo. Unang beses na tiniis ko siya. Pero kakasimula ko pa lang na balewalain ito ay ubos na ubos na ang lakas ko sa katawan.
Napayuko ako ng mukha sa mesa na hinayaang tumulo ang luha. Kahit naman kasi anong kumbinsi ko sa sarili na hwag ko na siyang iyakan ay siya pa ring tulo ng luha ko.
Nanatili akong nakayuko hanggang sa marinig ang pagtunog ng bell ng school. Napatayo na akong nagtung muna sa banyo at naghilamos bago tumuloy sa classroom namin. Hindi na rin ako nakidalo sa flag ceremony namin. Tinatamad ako sa lahat na dinaig ko pa ang namatayan sa sobrang lumbay ko.
"H-Hi."
Napaangat ako ng mukha nang may magsalita sa harapan ko. Napakunotnoo ako na napatitig ditong bago lang sa paningin ko. Napangiwi naman ang ngiti nito na makitang seryoso ako.
"Bakit?" casual kong tanong.
Pilit itong ngumiti na inayos pa ang suot na round reading glasses.
"M-may katabi ka ba? Transferee kasi ako," nahihiyang saad nito na pinamumulaan din ng mukha.
Napalingon ako sa upuan ni Migo na katabi ko. Tumayo akong lumipat sa kabilang side kung saan bakante. Tiyak kasing kululitin na naman ako ni Migo at wala akong kawala kapag kami ang nagkatabi ng upuan. Kahit sanay akong siya palagi ang seatmate ko, kailangan ko nang masanay na lumayo dito. Iiwas ako hangga't kaya ko.
"Dito ka," nguso ko sa katabi kong upuan na ikinangiti nitong agad lumapit sa gawi ko.
Kung pagkukumparahin lang sila ni Migo ay halos magkasingtangkad at kisig lang sila. Maputi at makinis din ito na halatang may lahi sa singkit niyang mga mata. Kitang may itsura din naman ito. Lamang lang konti si Migo.
"Wendell Lee," naglahad ito ng kamay na nakangiting nagpakilala.
"Vivian," simpleng sagot kong kinamayan ito.
Mas lalo namang lumapad ang pagkakangiti nito na napatango-tango.
"Friends?" tanong pa nito.
"Friends," pagsang-ayon ko. "Chinese ka?" tumango-tango itong nakangiti. At dahil chinito ito ay halos magsarado na ang mga mata.
"Chinoy, Vian." Tugon naman nito.
"Vian?"
"Ayaw mo ba?" nahihiyang tanong nito na napakamot sa batok.
"No, bago lang kasi sa pandinig ko."
"Ah," napatango-tango ito.
"May tanong ako, Wendell."
Na-curious naman itong humarap sa akin. Napapangisi akong ikinasalubong bahagya ng kilay nito.
"Sabi nila, ang mga chinese daw. . .maliliit ang atits. Totoo ba?" kindat kong ikinahalakhak nito.
"Maliliit? Well, depende naman yata ‘yan, Vian. Kasi ‘yong akin? Agila ang laki. Lalo na. . . kung galit," pananakay nito sa dirty jokes kong ikinahalakhak namin na nahampas ko ito sa braso.
"Bakit, paano ba ‘yan ginagalit, hmm?" tatawa-tawang tanong ko.
"Magalitin siya sa mga katulad mong batang makukulit," natatawang saad nitong ikinahagikhik kong naiiling.
"Hoy, hindi na ako bata ah."
"Oh, really? Bakit ilang taon ka na ba?"
"V-Vi."
Natigilan kami sa pagbibiruan ni Wendell nang marinig ang pamilyar na boses sa harapan namin. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin at katulad ko'y namumugto din ang mga mata nito na puno ng lungkot. Para akong kinukurot sa puso na makitang sobrang lungkot din nito. Bakas ang pangungusap sa mapupungay nitong mga mata na matiim na nakatitig sa akin.
"Kilala mo?" bulong ni Wendell na ikinatango ko lang.
"Bakit? May kailangan ka ba?" casual kong tanong.
Napalapat ito ng labi na kita ang panunubig ng kanyang mga mata at nagpipigil maluha.
"Mag-usap naman tayo, kahit sandali lang," anito sa mahina at bagsak na tono.
Napahinga ako ng malalim. Siya namang pasok ng iba pa naming classmates kasabay ng adviser namin pero nananatili itong nakatayo sa harapan namin ni Wendell.
"Mr Fernandez, go back to your sit," ani ng adviser namin na ikinalabi nitong nangungusap pa rin ang mga mata.
“Sige na, please? Kausapin mo naman ako o,” pagsusumamo pa nito.
Hindi ko ito pinansin na binuksan na lamang ang bag at nilabas ang books at notebook ko. Nanatili naman itong nakatayo sa harapan ko na dama kong matiim na nakatitig sa akin.
"Migo Fernandez," muling pagtawag ng adviser namin.
"Yes, Sir." Anito na bagsak ang balikat naupo sa kabilang side kung saan ang pwesto namin.
Kahit nasa kabilang side ito ay panay pa rin ang pagsulyap sa akin na hindi ko pinapansin. Nasulyapan ko rin namang katabi niya si Siobe na mukhang kinakausap siya. Napalapat ako ng labi nang mapayuko ito at kitang yumugyog ang balikat. Hinagod-hagod naman ito ni Siobe sa likuran na pabulong kinakausap.
Napayuko na rin ako na sunod-sunod tumulo ang luha. Ayoko siyang nasasaktan. Lalo na ang makita siyang umiiyak dahil sa akin. Pero kung ito ang makakabuti sa aming dalawa. Kahit mahirap ay lalayo na ako sa kanya. Hindi ko rin naman kayang nakikita itong masaya sa piling ng iba. Kaya mas maganda nang umiwas na lang ako. Baka sakali. Baka sakaling marealize din nito. . . kung may halaga ba ako sa kanya. Ang sabi kasi nila. Saka mo lang mare-realize ang halaga ng isang tao sa'yo. Kapag nawala na ito sa'yo. Hindi mo ito napapansin kapag palagi siyang nasa tabi mo. Pero kapag nawala na siya, doon mo mare-realize kung gaano siya kahalaga sa'yo. Kung gaano mo siya. . . kamahal.
"Boyfriend mo?" bulong ni Wendell habang nagdi-discuss na ang adviser namin. Napailing akong mapait na napangiti.
"Kaibigan," matabang kong sagot dito.
Kita ko naman sa peripheral vision kong nakatitig ito na ikinaiilang ko.
"Just friends?" nagdududang tanong nitong ikinalingon ko dito na napataas ng kilay.
"Oo, kaibigan lang. Kaibigan lang niya ako," mahina at may kadiinang saad kong ikinatango-tango nito.
MATAPOS ang klase namin ay kaagad lumapit si Migo na hindi ko pinansin. Kaya napahabol ito sa amin ni Wendell na palabas ng classroom.
"Vivian, hindi na ako natutuwa!" madiing asik nito na napahawak sa braso kong nag-igting ang panga.
"Migo, ano ba!" asik ko rin na binaklas ang kamay nitong pabalang binitawan.
Napalunok itong kita ang pagdaan ng kirot sa kanyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin dito at hindi ko matagalang makipagtitigan dito.
"Tara na, Wens." Aniiko na sinadyang pinag-intertwined ang kamay namin ni Wendell na napangisi lang sa akin.
Habang papalayo ako kay Migo ay siya namang pabigat na pabigat ng dibdib ko. Parang ako lang din ang siyang nananaksak ng sarili kong puso sa ginagawa kong pag-iwas at pang-aaway sa kanya.
Tumuloy kami sa canteen ng school at magkasamang kumain. Napapalingon naman sa amin ang mga schoolmates namin at nagbubulungan.
“Di ba siya ang girlfriend ni Migo? Bakit iba na ang kasama?” pabulong saad ng isang babae.
“Nag-break na yata sila. Hindi nga sila magkatabi kanina sa room e. Mukhang umiiwas na si Vivian. Pero alam niyo, umiyak kanina si Migo.” Sagot ng isang kaklase namin habang nakamata sila sa amin ni Wendell.
“Ang sama naman niya. Hindi naman siya gano'n kaganda para paiyakin ang campus heartthrob natin dito sa school tss.” Bulong pa ng isa.
Tahimik kaming kumakain ni Wendell na binabalewala ang mga naririnig.
“Mali kayo, girls. Si Migo ang may bagong girlfriend. College ‘yong girl. ‘Di hamak na mas maganda at sexy kay Vivian. Kaya siguro nag-aaway sila. E ‘di ba nga. Magkaibigan lang sila ni Migo,” wika pa ng isa.
Napasinghap pa ang mga kasama nito na napapasulyap sa akin. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya hindi ko na ito inubos at uminom na ng tubig. Sinabayan naman ako ni Wendell kahit hindi pa ito tapos kumain.
Nagtungo kami sa sulok ng bleacher kung saan walang ibang tao. Tahimik lang naman ito na nakikiramdam.
“Okay ka lang?” tanong nito sa ilang minuto naming katahimikan.
Mapait akong napangiti na napailing. Nangingilid ang luha na nakatulala.
“Masama na ba ako kung. . . kung lalayo ako bigla sa best friend ko dahil lang may girlfriend na siya?” tanong ko kay Wendell.
Ngumiti naman ito na inakbayan pa akong napasandal sa balikat niya. Kinuha nito ang panyo na itinalukbong sa akin at hinayaang umiyak.
“Hindi naman, Vian. Lalo na. . . kung ‘yon ang mas makakabuti sa inyo,” wika nito. “Iiyak mo lang ‘yan. Mas maiibsan ang bigat sa dibdib mo kapag nilalabas mo ang saloobin at emosyon mo. Mas makakahinga ka ng maluwag kapag nailabas mo na lahat,” pagpapayo pa nito.
LUMIPAS ang mga araw na patuloy ako sa pag-iwas kay Migo. Hanggang sa sumuko din ito. Hindi na niya ako dinadaanan sa bahay. Mabuti na lang at hindi umiwas si Siobe sa akin. Kahit naiipit siya sa amin ni Migo, hindi nagbago ang pakitungo niya sa aming dalawa. ‘Yon nga lang. Hindi na namin nakakasama si Migo. Kusa na kasi itong umiiwas. Kaya naging si Wendell na ang kasa-kasama namin ni Siobe.
Sinusundo kami ni Wendell sa bahay. Naka-boarding ito sa bayan pero matyaga itong hinahatid at sundo kami kahit wala itong bayad. Masaya na raw ito na nahahatid niya kami ng ligtas ni Siobe. Kaya unti-unti ay nasanay na kaming. . . walang Migo ang nasa paligid.
Isang araw. Nakita namin si Migo na kausap si Jasmine sa gate ng school. Mukhang nagtatalo ang dalawa. Napapalingon na rin ang mga estudyante sa kanila at tila nagwawala si Jasmine na inaaway si Migo.
“Tara na. Hwag kang paapekto,” bulong ni Siobe sa akin.
Nagpatay malisya ako na hindi sila kilala at dumaan sa gilid nila. Kita ko pa sa peripheral vision ko na napalingon sila sa amin pero hindi ko sila nilingon. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang palayo kami kay Migo. Inakbayan naman ako ni Wendell na inakay nila ako sa garden.
“Ano ba ‘yan, Vivian. Iyakin ka pa rin?” biro ni Siobe na inabutan ako ng panyo.
“Masakit pa rin e.” Sinisinok kong sagot.
"Mahal mo siya," tanong ni Wendell na nakatitig sa akin.
Napalapat ako ng labi na hindi nakaimik. Halos dalawang linggo na naming kasa-kasama si Wendell. Pero hindi ito naghihimasok sa namamagitan sa amin ni Migo. Kahit nahihinulaan na niya ang mga nangyayari.
"Pero hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa'yo, tama?" dugtong nito.
“Ano ka ba?” mahinang asik ni Siobe dito.
Napayuko ako na hindi na napigilang mapahagulhol. Ang bigat bigat na kasi sa dibdib ko na tuluyan nang nawala sa akin si Migo. Ito naman ang gusto ko e. Ang lumayo na kami sa isa't-isa at may girlfriend na siya. Pero bakit ang sakit sakit tanggapin na wala na nga siya sa akin. Akala ko ay mare-realize niya kung gaano ako kahalaga sa kanya. Pero lalo lang siyang lumayo sa akin. Siguro dahil. . . dahil mas mahal niya si Jasmine kaysa sa akin.
"May girlfriend na siya e. At hindi ko ‘yon kayang nakikita. Sobrang sakit lang, Wendell. Gusto ko siyang ipagdamot. Selos na selos ako. Mahal ko siya e. Mahal na mahal ko siya. Pero wala naman akong karapatan sa kanya," parang batang sumbong ko kay Wendell na humihikbi.
"Bakit hindi ka nagsasabi kung gano'n?"
Nanigas akong natuod sa kinauupuan na marinig sa likuran ko ang boses. . . ni Migo.
"M-Migo."
Tinapik naman ako sa balikat nila Siobe at Wendell na iniwan kami ni Migo dito sa kubo. Hindi ako nakakibo at nakakilos sa kinauupuan. Lumapit naman ito na nagtungo sa harapan ko. Sunod-sunod akong napapalunok na sobrang bilis ng t***k ng puso!
"Ang daya mo naman, Vi. Sinabi ko naman sa'yo dati pa. Kahit magka-girlfriend ako ay walang makakapalit ng espasyo mo sa puso ko,” puno ng pait na panunumbat nitong ikinalunok ko.
“Una pa lang tinatanong na kita, Vivian. Kung anong problema. Sana sinabi mo. Kasi hindi naman ako manghuhula e. Malay ko bang. . . malay ko bang nasasaktan ka na pala. Kasi sinabi mo noon na. . . na okay lang magka girlfriend ako. Kaya akala ko. Okay lang talaga sa'yo.” Basag ang boses nitong saad na dama kong umiiyak.
Napayuko ako na hindi makaimik. Lumuhod naman ito para mapantayan ako at sumapo sa magkabilaang pisngi ko. Pilit na sinalubong ang mga mata ko at katulad ko, basang-basa na ng luha ang mukha at namumugto na ang mga matang puno ng lungkot at pangungulila.
"Hihiwalayan ko na siya. Dahil hindi ko kayang nakikitang umiiyak ang best friend ko. Dahil lang may girlfriend na ako. Hwag ka ng umiyak, hmm? Hindi na ulit kita paiiyakin, Vivian. I'm sorry. Magbati na tayo, please?" puno ng sensiridad nitong pakiusap na ikinalabi kong napahagulhol.
Niyakap ako nito na lalo kong ikinahagulhol na mas nagsumiksik ditong napahikbi na rin. . . na mas niyakap pa ako.
“M-Migo.”