ILANG minuto kaming nagkaiyakan na magkayakap ni Migo. Hanggang sa kusa na kaming tumahan. Kahit paano ay naibsan na ang bigat sa dibdib ko at dama kong gano’n din ito.
Nagpahid kami ng luha na nakangitian. ‘Yong ngiti na sa mga mata pa lang namin. Kita mo nang nagkaka intindihan na kami. Katulad ko, bakas sa mga mata nito ang kakaibang kinang at tuwa na ngayo’y magkaharap na kami at kapwa iisa ang nais. At ‘yon ay ang magkaayos na kaming dalawa.
Napatikhim ako na nag-iwas ng tingin dito na maalala ang sinaad nito kanina. Na hihiwalayan na niya si Jasmine. Para naman akong kinurot ng kunsensya ko na hihiwalayan na niya ang kasintahan niya para lang magkaayos na kaming dalawa.
"H-hindi mo naman kailangang hiwalayan--"
Natigilan ako nang sumapo ito sa magkabilaang pisngi ko at ikinulong sa kamay niya ang bilugan kong mukha. Sa laki ng kamay niya, akupado na niya ang buong mukha ko. Napalunok ako na bumilis ang pagtibok ng puso lalo na't matiim itong nakatitig sa akin.
"Sinabi ko naman sa'yo, mas mahalaga sa akin ang best friend ko. Higit kanino mang babae d'yan," seryosong saad nito.
"Totoo?" nagdududang tanong ko.
Natawa naman ito na yumukong hinalikan ako sa noo na ikinasinghap kong nanigas sa kinatatayuan!
"Opo. Hihiwalayan ko na siya. Kaysa naman tuluyan ko nang mawala. . . ang best friend ko. Hindi ko kaya, Vi. Hindi ko kayang mawala ka. Na maagaw ka ng iba sa akin,” mababang saad nito na niyakap ako.
Napangiti akong napayakap pabalik dito na tumulo ang luhang nagsumiksik sa dibdib nito. Panay naman ang paghalik nito sa ulo ko na hinahagod-hagod ako sa likuran. Unti-unting naging payapa ang isip at puso ko. Gumaan na rin ng tuluyan ang bigat sa dibdib ko. Dahil heto at nabawi ko na ang best friend ko. Ang lalakeng. . . pinakamahalaga at pinakamamahal ko. si Migo.
Para niyang hinahaplos ang puso ko sa mga oras na 'to na lantarang sinabing mas mahalaga ako sa girlfriend niya at sa aming dalawa ni Jasmine? Ako ang pinili niya. Hindi ko mapigilang kiligin sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko'y naglahong parang bula ang mga hinanakit sa puso ko magmula sa araw na naging mag-on sila ni Jasmine.
"Feel better?" tanong nito.
Nahihiya akong tumango-tangong ikinangiti nito na ibang-iba ang kinang sa kanyang mga mata.
"I'm sorry, Vi. Nasasaktan na pala kita nang hindi ko napapansin," seryosong saad nito na hinaplos ako sa ulo.
Umiling akong yumapos ng braso sa batok nitong napakapit sa baywang ko.
"Hindi mo kailangan mag-sorry, Migo. Naiintindihan ko naman na marami d'yan ang makakakuha ng attention at puso mo. Mga babaeng higit sa akin," wika ko.
“Ano ka ba? Para namang may makakapantay sa'yo sa puso ko. Ikaw kaya ang nagmamay-ari nito,” wika nito na ikinalapat ko ng labing nag-iinit ang mukha.
Napayakap ako ditong napapisil sa baywang ko at niyakap din ako pabalik. Napapikit ako na ninanamnam ang mga sandaling ito. Kung saan. . . yakap-yakap ko si Migo.
SABADO. Nagkasundo kami nila Migo at Siobe na lumabas. Nag-picnic kami sa talon na nasa kabilang barangay lang dito sa bayan namin. Nakaugalian na namin ito dati pa. Ang magtungo sa talon at mag-picnic. Pero dahil sa nangyaring iwasan sa amin ni Migo, hindi na kami nakakalabas na kasama ito.
“Kumusta? Kayo na ba?” tudyo ni Siobe sa akin habang nakamata kami kay Migo.
Nagluluto kasi ito sa gilid nitong ilog ng baon naming ulam. May mga kasama naman kaming pumunta dito sa talon. Mas masaya kasing mag-picnic kung marami kayo. Mas maingay. Mas masaya.
“Hindi a. Walang gano'n. Nagkaayos lang kami. At sabi niya. . . hihiwalayan na niya si Jasmine.” Wika ko.
“Ibig mong sabihin. . . pinipili ka niya sa girlfriend niya?” tanong pa nito.
Napanguso ako. “Siguro. Mas mahalaga daw sa kanya tayong mga best friend niya kaysa do’n sa girlfriend niya.” Sagot ko.
Napairit naman ito na binunggo pa ako sa balikat at tinutukso.
“Sus. Hwag mo akong idamay. Ikaw lang ‘yon. Hindi naman kami nagkatampuhan e. Umamin ka na sa kanya. Chance mo na ‘to. Ikaw rin. ‘Pag ‘yan maagaw ulit sa'yo ng iba sige ka. Sabi nga nila. Daig ng malandi ang mahinhin. Kaya kung ako sa'yo, magtatapat na ako at babakuran si Migo,” wika nito.
Napatitig ako kay Migo. Kitang nagbalik na ang dating sigla at kakulitan nito. Masaya itong nakikipag kwentuhan sa kasama nitong nagluluto. Ang ibang mga kasama namin ay nagkakasiyahan nang lumalangoy dito sa talon. Nilalamig pa kami ni Siobe kaya nandidito lang kami sa malaking batuhan na nakaupo. Ninanamnam ang katamtamang sikat ng araw.
Maganda dito sa talon. Malayo sa kabahayan. Matarik lang ang daan papunta dito. Pero napakaganda naman ng view na dadatnan mo. May kataasan ang talon. Malawak ang lawa nito. Malinaw, malamig at malinis ang kulay asul nitong tubig. Kaya madalas at dito kami nagtutungo kaysa sa mga resort sa bayan.
“Okay lang ba kayo?”
Napasinghap ako na lumapit na pala si Migo na hindi ko namamalayan. Nag-init ang mukha ko at naka-short lang ito. Wala itong damit pantaas kaya nakabulandra ang dibdib. Nanunudyo namang iniwan kami ni Siobe na saktong tinawag ng mga kasama namin kaya nakilangoy na rin ito.
“Uhm, oo naman. Okay lang kami. Ikaw, nakaluto ka na?” sagot ko.
“Oo. ‘Yong tilapia na lang ang hindi. Iniihaw pa nila e.” Sagot nito na naglahad ng kamay sa akin.
“Bakit?” tanong ko na napatingala dito.
“Tara na. May pupuntahan lang tayo,” pag-aya nito.
Lihim akong napangiti na inabot ang kamay nito at inalalayang makatayo. Abala naman na ang mga kasama namin kaya hindi na nila kami napansin na pumuslit ni Migo. Umakyat pa kami sa taas kung saan solo namin ang lugar. Maganda din naman dito. Mas mababaw nga lang ang tubig at mas maliit ang lalanguyan.
“Dito tayo? Baka mamaya iba ang isipin nila ha?” wika ko na nagpatianod ditong lumusong ng tubig.
Mas tago kasi sa parteng ito. Malalaki ang bato sa gilid namin. Sa ibaba naman namin nagkakasiyahan ang mga kasama namin dito sa talon.
“M-Migo,” utal kong saan na napakapit sa balikat nito.
Yumapos kasi ito sa baywang ko at bahagyang yumuko. Bumilis ang t***k ng puso ko na nakamata ditong ibang-iba ang kislap sa kanyang mga mata!
“V-vi, pwede ba kitang. . . halikan?” pabulong tanong nito.
Napasinghap ako na biglang namigat ang dibdib sa sinaad nito. Napalunok ako na dama ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
“M-Migo,” tanging sambit ko.
Unti-unting namigat ang talukap ng mga mata ko na dahan-dahan nitong inilapit ang mukha habang nakayapos sa baywang ko. Nakasandal naman ako sa gilid ng bato at kusang umangat ang kamay ko na yumapos sa batok nito.
“Uhmm.”
Sabay kaming napaungol nang tuluyang lumapat ang mga labi namin sa isa't-isa. Mas lalo naman itong napayakap sa akin na maingat sinipsip ang ibabang labi kong ikinaungol ko! Kakaibang sensasyon ang nadarama ko na hindi ko maipaliwanag. Basta isa lang ang sigurado ako. Napakasarap ng emosyong nadarama ko habang ninanamnam ang halik ni Migo.
Napakabanayad ng halik na ginagawad nito. At dahil hindi naman ako marunong tumugon, nanatiling nakaawang ang labi ko na salitan nitong sinisipsip ng marahan. Naglilikha na rin ng tunog ang halik na ginagawad nito. Hanggang sa nakuha ko na ang kanyang ginagawa at kusang gumalaw ang mga labi ko.
Napapisil ito sa baywang ko nang tumugon ako at ginaya ito. Marahan kong sinipsip ang kanyang ibabang labi na ikinatigil naman nito. Nahihiya akong bumitaw na dahan-dahang nagdilat ng mga mata. Para akong malulusaw sa puso nang magkatitigan kami at kapwa malamlam ang mga mata.
“Ako ba, Vi.” Malambing saad nito na pinaglapat ang aming noo.
“A-ang alin?” utal kong tanong at sobrang lapit ng aming mukha.
“First kiss mo,” tudyo nito.
Napalapat ako ng labi na nag-iinit ang mukha. Nahihiya ako pero at the same time, masaya at kinikilig ako sa mga sandaling ito. Kung pwede ko nga lang ihinto ang oras ay gagawin ko. Kung saan magkayakap kami ni Migo na tila nag-uusap ang aming mga puso.
“O-oo.” Sagot ko.
Lalong lumapad ang pagkakangiti nito na nagniningning ang mga matang matiim na nakatitig sa akin.
“Me too. Ikaw ang first kiss ko, Vi.” Wika nito.
Napabusangot ako. “Hindi kaya. Baka si Jasmine,” ingos ko.
Natawa naman ito na marahang pinisil ang baywang ko. Saka ko lang napansin ang matigas na bagay na nakalapat sa mismong kaselanan ko. Nag-init ang mukha ko na mahimigan kung ano iyon! Tinablan siya. Nagising ko. . . ang sandata niya.
“Ikaw. Nag-kiss na tayo before, hindi ba? Sa harap ng bahay niyo.” Saad nito.
Hindi naman ako nakasagot at nag-iinit ang mukha ko. Tama naman kasi ito. Naghalikan na kami dati. Pero hindi katulad ngayon. ‘Yong una kasi namin. Naglapat lang ang mga labi namin at hindi kumikilos.
“Migo,” mahinang sambit ko nang idiin nito ang sarili sa akin.
Namigat ang dibdib ko na napayakap ditong dama kong mabibigat ang paghinga. Para akong kinikiliti na tumatama sa leeg ko ang mainit niyang hininga.
Ilang minuto kaming nanatili sa gan'ong posisyon hanggang sa dama kong mas kalmado na ito.
“Okay ka lang?” tanong ko nang umayos ito ng tayo sa harapan ko pero nanatiling nakakapit sa baywang ko.
“Oo. Pasensiya ka ha. Baka mailang ka,” sagot nitong ikinangiti ko.
“Hindi naman. Balik na tayo sa kanila?” saad kong ikinangiti at tango nito.
MABILIS lumipas ang mga araw. Bumalik kami sa dati ni Migo na parang walang nangyari. Pero kitang nagkakailangan pa rin sila ni Wendell. Kaya si Wendell na ang kusang umiiwas sa amin. Si Migo na kasi ulit ang naghahatid at sundo sa amin ni Siobe. Siya na rin ang katabi ko sa classroom namin. Kahit sa recess at lunch break namin ay si Migo na ang kasa-kasama namin ni Siobe.
“Ano ‘to?” tanong ko kay Migo na may iniabot itong box sa akin.
“Basta. It's my birthday gift for you,” saad nito.
“Next week pa kaya. Ang aga mo namang magregalo.” Wika ko na binuksan ang box.
Napaawang ako ng labi na nangilid ang luhang napatitig sa regalo nito. Cellphone.
“M-Migo naman e. Mahal ‘to.” Naluluhang saad ko ditong matamis na napangiti.
“Pinag-ipunan ko ‘yan. Para sa birthday gift ko sa'yo. Ingatan mo ha?” saad nito na ikinalabi kong niyakap ito.
“Kainis ka.”
Natawa ito na niyakap akong napapalabing nagsumiksik sa dibdib nito. May parte sa puso ko ang masaya kasi may cellphone na ako. At si Migo pa ang nagbigay. Hindi kasi afford ng mga magulang ko na bumili ng cellphone para sa akin. Dahil mas marami pang mahahalagang bagay ang kailangang unahin lalo na sa pang-araw-araw naming pangangailangan.
“Thank you,” napapalabing pasalamat kong ikinangiti nito.
“Asan ang kiss ko?” pabulong ungot pa nito.
Napalinga pa ako sa paligid. Nandito kasi kami sa terrace ng bahay. Gabi naman na at wala ng tao sa paligid. Sina nanay at tatay nga ay natutulog na rin.
“Mabilis lang ha–uhmm.”
Napapikit ako na nakurot ko itong sinalubong ang mga labi ko!
*************
"May problema ba, babe?” tanong ng dalaga na ilang araw na ring hindi nagpaparamdam ang nobyo.
Ni hindi ito sumasagot sa mga tawag at text niya. Kaya sinadya na niya itong puntahan sa school nila. Napahinga ng malalim si Migo na walang emosyon ang mga matang tumitig dito.
"I'm sorry."
"Para saan, babe?" nagtatakang tanong ni Jasmine dito na tumuwid ng tayo at sinalubong ang mga mata ng dalaga.
"Sorry Jas, pero. . . makikipag hiwalay na ako sa'yo," diretsahang sagot ni Migo dito na namutla sa narinig!
"Are you kidding me, Migo? Dalawang buwan na tayong mag-on. Sa loob ng dalawang buwan na ‘yon, paulit-ulit na ipinagkaloob ko sa'yo ang sarili ko!" bulyaw nito na naduro si Migo.
"I'm sorry.” tanging sagot ni Migo.
"Sorry?" patanong ulit nito. Pagak itong natawa na napailing. "Bakit huh? May iba ka na ba? Mas maganda ba siya? Mas sexy? Mas magaling sa kama!?” singhal nito.
“Hindi ko naman ‘yon hinihingi sa'yo, Jas. Ikaw itong nagpapahiwatig na gawin natin iyon. Alam mo ‘yan sa sarili mo. Ni minsan ay hindi ko hiniling sa'yo na gawin natin iyon. Ikaw nga itong palaging umuungot na gawin natin iyon e.” Iritadong saad ni Migo ditong napailing.
"You can't do this, Migs." anito sa mapait na tono na napapailing.
“I can, Jas. Dahil mas pinipili ko ang best friend ko sa'yo. Nagkamali ako. Dapat hindi na kita ginirlfriend e. Dahil sa'yo nasaktan ko si Vivian. Kaya ngayon tinatapos ko na. Tinatapos ko na ang ugnayan nating dalawa.” Saad ni Migo na bakas ang kaseryosohan sa itsura nito.
“Gawin mo, Migo. At magpapakamatay ako," madiing banta nito na nanlilisik ang mga mata!
"J-Jasmine, hwag ka namang magsalita ng ganyan," nauutal na saad ni Migo na namumutla.
"Migo, mahal kita. Alam mo ‘yan. Bakit mo ba 'to ginagawa, huh? Nakukulangan ka ba sa akin? Nagsawa ka na ba sa akin? Ano bang nagawa ko? Anong kailangan kong baguhin manatili ka lang sa akin? Tell me, babe? Tell me," luhaang pakiusap nito na bakas ang kadesperadahan sa itsura.
“I'm sorry. Tama na, please?”
“No, Migo. Ayoko. Hindi ako makikipag hiwalay sa’yo.” Matatag nitong sagot na nanlilisik ang mga mata.
"Jas, unawain mo rin naman--"
"Buntis ako, babe." Putol nito sa sasabihin ni Migo.
"A-ano?" utal at tulalang tanong ni Mogo dito na nagpahid ng luha at umamo na ulit ang itsura.
Binuksan nito ang shoulder bag nito na may kinuha doong pregnancy kit na iniabot kay Migo.
"A-anong ibig sabihin nito?" utal na tanong ni Migo ditong matamis na ngumiti at iniabot iyon kay Migo na natutulala.
"Magkaka-baby na tayo, Migo. Kaya hindi mo ako pwedeng hiwalayan. Maawa ka naman sa amin ng anak mo, babe." wika ni Jasmine ditong nanigas sa kinatatayuan!
"B-buntis ka?"
"Oo. Buntis ako, babe. At ikaw ang ama ni baby," anito.
Napahawi ng buhok si Migo na nagpamewang at palakad–lakad sa harapan ng dalaga. Kitang problamado ito at hindi nagustuhan ang nalaman!
“Hindi pwede, Jas. Kaka-fifteen ko pa lang. Magfo-fourt year pa lang ako o. Saka hindi ba’t nagpi-pills ka?” wika ni Migo dito na napailing.
“Tinigil ko na e.”
“Bulshit, Jas! Hindi kita pwedeng panindigan, okay? May mahal na ako at siya ang gusto kong mapangasawa hindi ikaw!” sikmat ni Migo na iniwan na ito.
Lingid sa kaalaman ng dalawa, may mga pares ng mata ang kanina pa nakamatyag sa kanila sa ‘di kalayuan.
“Bakit nagkita sila ng palihim? Ibig bang sabihin nito. . . sila pa rin? Niloloko ba ni Migo si Vivian?” usal nito na nagmamadali na ring pumasok ng school at umarteng walang nakita na maabutang masayang nagkukwentuhan sina Migo at Vivian sa upuan nila.