Chapter 14

1517 Words
VIVIAN: LUMIPAS ANG MAHIGIT dalawang taon na wala akong naging balita kay Migo. Hindi na nga siya tuluyang nagparamdam pa. Mapait akong napangiti na nakamata sa kaharap kong salamin. Debu ko ngayong araw at si Wendell ang nagpumilit mag-celebrate kami dahil ito daw ang pinakamahalagang kaarawan sa mga babae. Ang kanilang ika-18th birthday. Sa isang resort din namin ito ginanap. Nakakahiya nga dahil wala akong ginastos kahit piso sa birthday party ko. Kahit nga ang gown at decorations ng buong paligid ay si Wendell ang sumagot. "Are you ready Vi?" pilit akong ngumiti kay Siobe na kapapasok lang dito sa silid kung saan ako inayusan at pinagbihis ng mga kinuha ni Wendell na makeup artist. "Kinakabahan ako Siobe" pagtatapat ko. Napangiti itong nagtungo sa likuran kong niyakap ako at pinatong ang baba sa ulo ko. "Ang ganda mo Vi" papuri nitong matiim na nakatitig sa salaming kaharap namin. "Maganda na nga. Pero hindi pa rin buo ang puso ko Siobe" aniko na mapait ngumiti dito. Alam ko na kasi kung saan na naman hahantong ang usapan namin. Paniguradong irereto lang na naman nito si Wendell dahil kahit naman hindi pa nanliligaw yong tao sakin ay obviously namang, may gusto siya sakin. "Vi, ilang taon na ang nakalipas" maalumanay nitong saad. Napahinga ito ng malalim na malungkot ang mga matang napatitig sa mga mata kong hindi na marunong kumislap. "Pakawalan mo na siya Vi, deserve mo ding sumaya. Magmahal, at mahalin pabalik. Nandyan lang si Wendell na naghihintay sayo. Hihintayin mo bang...magsawa yong tao at humanap ng iba bago ka matatauhan?" Nangilid ang luha kong napalapat ng labi. Napailing akong pilit ngumiti dito kahit hindi abot sa mga mata ko. "Pinipilit ko namang pakawalan na siya Siobe. Pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko siya mabitaw-bitawan" tumulo ang luha kong agad kong pinalis. Para na naman akong nadudurog na maalalang hindi na nga ako naaalala pa ni Migo. Kinalimutan na nga niya ako ng tuluyan. Nakakatawa lang. Ako itong nagparaya pero ako itong hindi makalaya-laya sa nakaraan naming dalawa. "Hindi naman kasi nakukuha yan sa pilitan Vi, subukan mo. Nang bukal sa puso at isip mo ang paninimula mo" "Susubukan ko..." tumatango-tangong sagot ko. PAGBABA NAMIN ng garden nitong resort kung saan ang event ay nandidito na nga ang mga classmates namin. At syempre, si nanay at Wendell na nag-aabang sa amin ni Siobe dito sa may entrance. Napatitig ako kay Wendell, kita ang kakaibang pagkinang ng kanyang mga mata habang matiim na nakatitig sa akin. Naluluha naman si nanay pero nakangiti itong matamang ding nakatitig sa akin. "Happy birthday anak" ani nanay na siyang unang bumeso sa akin. "Salamat po Nay" ngumiti itong hinaplos ang buhok kong nakalugay na kinulot. Kailangan ko pang nagsuot ng wig dahil naka-boy cut kaming mga babaeng criminologist. "H-happy birthday Vian" utal na bati ni Wendell na ikinangiti at tango ko. "Thank you Wends" "Let's go?" anito na naglahad ng kamay. Napalingon ako kay Siobe na dinala ang hawak nitong palad ko sa kamay ni Wendell na nakalahad. Kimi lang naman itong ngumiti na hindi natinag sa pagtalim ng tingin ko dito. Pagpasok namin ng garden ay sabay-sabay napalingon ang lahat sa amin ni Wendell na marahang naglakad sa gitna patungo sa harapan kung saan nakapwesto ang mesang para sakin. Si Wendell ang kinuha kong escort ko ngayong gabi dahil siya naman talaga ang pinaka-deserving sa lahat ng nandidito ngayon sa party ko. Napaka-gentleman nito na walang kahiya-hiyang pinapakita sa lahat kung paano niya ako asikasuhin. Sanay naman na ako sa kanya. Sa prehensya niya. Kaya hindi na ako naiilang sa tuwing gantong napakalambing at maasikaso sa akin. Kahit naman kay Siobe ay ganto din siya. Maasikaso, at napakaprotektado pagdating sa amin ni Siobe. "You're really look so beautiful tonight Vian" bulong nito habang marahan kaming sumasayaw dito sa gitna ng sweetdance. "Thank you Wends" "Para saan naman?" "Sa lahat-lahat. Mula nakilala kita hindi ka nagbago, lalong-lalo ng.....hindi ka nang-iwan kahit kailan" napalapat ako ng labi na pinipigilan ang pangingilid ng luha. "Alam mo ba kung bakit, Vian?" napalunok akong tinayuan ng mga balahibo sa katawan. Bumilis din bigla ang pagtibok ng puso ko. Hindi ako makakilos, o kahit makaapuhap ng tamang isasagot dito. "Kasi ma--" Kapwa kami natigilan nang magtilian ang mga classmates namin at bumungad sa entrance ang pamilyar na mukha. Mukha na kailanman ay hindi ko inaasahang makikita ko pa lalo na ngayong gabi! Wala sa sariling napabitaw ako kay Wendell at walang kakurap-kurap na nakamata dito sa takot na baka imahinasyon ko lamang ito at mawawala kapag napakurap ako. Dama ko ang pangangatog ng mga tuhod ko sa pagkakatayo ko. Nakamata lang din ito na matamang nakatitig sa akin ang mga nangungusap niyang mga mata. "M-Migo" mahinang bigkas ko sa pangalan nito. Tumulo ang luha ko nang sa wakas ay nasa harapan ko na ito na nakangiting naglahad ng kamay. Hindi ko alam kung paanong nawala din ako sa sarili at tinalikuran si Wendell para lang malayang mayakap ang taong kaharap ko ngayon! Napasinghap ang lahat nang napahagulhol akong niyakap ito at maramdamang hindi ako nananaginip sa mga oras na 'to! Nandito siya, pinuntahan niya ako. Hindi rin niya ako natiis! "Shh....tahan na Vi, nandito na ako" anito na panay ang pahid sa luha ko. "B-bakit ngayon ka lang?" humihikbing tanong ko. Ngumiti lang itong napakindat na hinaplos ako sa pisngi at mariing humalik sa noo kong ikinatili ng paligid. Nasulyapan ko naman ang pag-walkout ni Wendell na sinundan ni Siobe at nanay. "Tara?" "Huh?" nangunotnoo akong napatingala ditong napangiti lang na mahigpit hinawakan ako sa kamay at hinila palabas ng garden. "S-saan tayo pupunta?" kabadong tanong ko nang lumabas kami ng resort at inakay ako nitong sumasakay sa dala nitong montero suv. "To heaven?" patanong kindat nitong ikinatigil ko. Natawa itong marahang hinapit ako sa baywang na muli akong niyakap.. "Damn...I really missed you so much Vi" bulong nitong isiniksik ang mukha sa leeg ko. Napasinghap akong nangingiti na ring niyakap din ito at 'di mapigilang maluha na nandidito nga ito. Para sa akin ay siya na ang pinakamagandang nangyari ngayong gabi sa kaarawan ko. Ang pagdating niya at ngayo'y kasama ko na siya. UMALIS KAMI ni Migo ng resort na hindi na nakapagpaalam sa lahat. Nawala na rin kasi sa isip ko at tanging si Migo lang ang umakupa ng isipan at attention ko. Lihim akong napapangiti at kinikilig habang magkahawak-kamay kaming tinatahak ang kahabaan ng highway. "Gusto mong magbihis?" anito na pinipisil-pisil ang palad ko. "Wala naman akong dala" "Meron sa likod Vi" agarang sagot nito na saglit akong sinulyapan na napakindat pa! Para tuloy tumalon ang puso ko palabas sa inaasta nito ngayong gabi na akala mo'y walang atraso sa akin. Sa hindi nito pagpapakita at paramdam ng ilang taon. Nasa kalagitnaan kami ng highway na halos wala ng kabahayang nadaraanan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan! Kinakabahan tuloy ako lalo na't wala na kaming mga nakakasabayang motorista! "Magpatila na muna tayo ng ulan Vi" nakagat ko ang ibabang labi at 'di maiwasang makaramdam ng kaba. Itinigil naman nito ang kotse sa madaraanan naming motel na lalo kong ikinakaba! Hindi ko alam pero biglang sobrang bilis ng t***k ng puso ko na napapalunok! Kahit pilit kong kinakalma ang puso at isip ay mas nananaig ang samo't-saring emosyon na nararamdaman ko sa mga sandaling ito! "Tara?" pilit akong ngumiti na tumango ditong patakbong pumasok ng motel. Nakaalalay naman ito sa akin na hinawakang tinaas ang laylayan ng gown ko. "Good evening ma'am, sir room for?" nakangiting bungad sa amin ng staff nilang nasa front desk. Hindi ko tuloy mapigilang mapairap dahil kay Migo lang ito nakamata na halatang nagpapa-cute pa sa kasama ko! "Room for one please" napalunok ako sa isinagot ni Migo. Hindi ko alam kung nagtitipid lang ba siya o sadyang gusto niyang mag-solo kami sa iisang kwarto! Nangangatog ang mga tuhod ko habang papunta kami ni Migo sa room na nakuha nito. Nakayapos pa ito sa baywang ko at sinasabayan ang mabagal kong paghakbang. Pagkapasok namin ng silid ay saka lang ako nito binitawan. Napalinga-linga ako sa kabuoan ng silid naming literal na iisa ang kama. Wala ding couch na pwedeng paghigaan ng isa sa amin! "Hey" "Huh? Umpp--" napakapit ako sa laylayan ng polo nitong nangatog lalo ang mga tuhod nang salubungin nito ng maalab at malalim na halik ang mga labi ko! "Uhmm... M-Migo" hinihingal akong napabitaw sa naging marubdob nitong halik na halos higupin ang buong bibig ko! Napapalunok itong naghahabol din ng hininga na pinagdikit ang mga noo namin. "Maligo ka na Vi" anitong ikinatango lang at napasunod dito. "T-teka Migo" pigil ko sa akmang paglabas nito nang maihatid ako sa tapat ng banyo.. "Hmm?" napangiwi akong nahihiyang sabihin ang ibig. Maya pa'y unti-unting sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi nitong ikinalunok kong napasandal ng pinto. "Gusto mo bang.....sabay tayo Vi?" paanas nito. "B-baliw ka na ba" nauutal kong asik na itinulak ang mukha nitong nasa harapan ko na! Napahalakhak lang naman itong napakamot ng batok. Napairap ako dito para itago ang kaba at pag-iinit ng pisngi ko sa sinaad nito. "Mauuna ka na, sunod ako"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD