LUMIPAS ANG mga araw na hindi ko na nakita si Migo. Sa school man, at sa barangay namin. Sarado din ang bahay nila at walang nakakaalam kung nasaan na silang mag-iina. Ang sakit lang. Sobrang sakit na ganon lang ang paalam niya. Na hindi manlang niya sinabing aalis na siya. Akala ko pa naman iiwas lang siya, hindi naman sinabing....mawawala na siya sa akin ng tuluyan.
Nagpatuloy pa rin naman ang masayang pagkakaibigan namin nila Wendell at Siobe. Mas napapadalas na nga lang ang labas at cutting class namin lalo na pagtuntong namin ng fourth year. Napapadalas din ang inom namin na dati-rati nama'y hindi namin gawain ni Siobe.
Tuluyan na ring hindi nagparamdam pa si Migo. Minsan sinusubukan ko siyang hanapin sa epbi pero, bigo lang ako. Maraming kapangalan nito pero ni isa sa mga yon ay wala siyang account. Hindi ko alam kung sadyang hindi siya gumawa ng epbi niya o ibang pangalan lang ang gamit.
HANGGANG SA nakapagtapos na kami ng highschool nila Wendell at Siobe na buo pa rin naman ang masaya naming samahan. Dahil kay Wendell ay tuluyan na nga kaming nakalimot sa paglisan ni Migo ng walang paalam. Mukhang....hanggang ala-ala na nga lang ang kwento naming dalawa. Isang kwentong pag-ibig ng mag-bestfriend na hindi umaayon sa agos ng tadhana.
Kahit sa pagtuntong namin sa kolehiyo ay sa iisang university kami pumasok at pare-pareho ng kinuhang kurso. Criminologist. Gusto kasi namin yon ni Siobe, pangarap naming maging alagad ng batas balang araw. Katulad din ni Migo na pulis din ang gustong maging paglaki. Mabuti na lang at yon din ang pangarap ni Wendell kaya hindi kami nagkahiwa-hiwalay ng kurso at klase.
Nag-working student din kami ni Siobe para makatulong sa magulang sa aming pag-aaral. Alam ko naman kasing malaki-laki ang ginagastos ni nanay sa pag-aaral ko. Halos gawin na nga niyang araw ang gabi sa kakakayod niya matustusan lang ang mga pangangailangan ko.
HANGGANG isang araw habang nasa isang department store ako sa bayan namin ay aksidenteng nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na mukha ng babae. Napalunok akong natuod sa kinatatayuan na nakamata lang dito. Napahagod ako ng tingin dito at sa kasa-kasama nitong batang babae. Kung hindi ako nagkakamali ng tansya ay nasa isang taon pa lang ito.. Napatutop ako ng palad sa bibig na nangilid ang luha.
"M-mag-asawa na ba sila ni Migo? Anak ba nila ni Migo ang batang kasama niya?" piping usal ko.
Parang may kung ano na namang pumipiga sa puso ko sa kaisipang tuluyan na nga silang nagsama ni Migo. At ngayo'y may anak na sila. Samantalang ako? Heto at nakalugmok pa rin sa kalungkutan at pangungulila sa kanya. Na kahit paulit-ulit kong kinakastiguhan ang sariling mag-move-on na ay siya namang tutol ng puso ko. Laging bukam-bibig ang pangalan ni Migo. Si Migo. Si Migo. Si Migo.
Napatitig ako sa bata habang naglalakad sila ni Jasmine palapit sa gawi ko. Lihim akong napangiti. Hindi siya kamukha ni Migo. Posibleng hindi anak ni Migo ang anak nito.
"Vivian?" napakurap-kurap ako nang makilala ako nito na bakas ang gulat. "OMG ikaw nga!"
Pilit akong ngumiti dito na nakipagkamay at napayukong pumisil sa pisngi ng anak nitong may pagka-chuby na bata.
"Kumusta, long time no see" casual kong tanong na ikinangiti at tango nito.
"Maayos naman, eto may anak na rin. Si Talita nga pala, anak ko" masayang saad nito.
"Hello Tali" bati ko sa anak nitong muling napapisil sa matambok niyang pisngi. "Nasaan ang ama niya?"
"Nasa bahay. Eh ikaw, kumusta na kayo nila Migo?" napatitig ako dito. Nakangiti naman ito na kitang sincere sa pangungumusta.
"Maayos naman" tumatango-tangong saad ko. "Pero si Migo? Hindi ko alam"
Nangunotnoo itong napapilig ng ulo. "Akala ko magkasama kayo?" usisa nito na bahagya akong hinila sa gilid dahil marami din naman kaming mga kasabayang namimili.
"Nagpaalam siya sa akin noon, magdadalawang taon na nga eh. Yon din ang huling beses ko siyang nakita at nakausap"
"Talaga?"
"Uhm." tumango-tango ako. "Akala ko nga nagsama na kayo eh" natatawang biro kong ikinatawa din nito na napailing.
"Hindi naman kasi talaga ako mahal ni Migo. Or should I say, hindi niya ako minahal" napatitig ako dito na napalis ang ngiti.
"Anong ibig mong sabihing hindi ka niya minahal?" kunotnoong tanong ko. Pilit itong ngumiti na napailing.
"Kasi may mahal na siya. Na hindi ko napapantayan sa puso niya kahit ginawa ko na at binigay ko na lahat sa kanya" may halong pait ang tono nitong pilit ngumiti.
"Ibig mong sabihin?"
"Mahal na mahal ka ni Migo. Yon ang totoo. Kahit ginagawa ko na ang lahat. Nagmakaawa pa nga ako sa kanya. Lumuhod, namalimos ng pagmamahal niya, pero sadyang hindi niya kayang mahalin ako kahit subukan lang niya" napamaang ako sa rebelasyon nito.
"Pero, masaya naman kayo noon?" umiling itong nangilid ang luha.
"Oo noong una, pero noong lumayo ka na? Doon na siya biglang nagbago. Siguro doon niya na-realize kung gaano ka niya kamahal. Alam mo ba?" mapait itong napangiti. "Ni minsan naman hindi niya sinabi sa aking mahal niya ako. Na gusto niya ako. Tingin ko humanga lang siya sa akin noon, dahil ang totoong mahal niya? Ikaw na bestfriend niya"
Napipilan ako sa mga narinig dito. Tanda ko nga na ilang beses sinabi yon sa akin ni Migo noon. Na mahal niya ako. Akala ko kasi mahal niya ako bilang matalik niyang kaibigan. Hindi ko naman akalaing....ganon na pala kalalim ang pagmamahal niya sa akin.
"Sige, una na kami hah?" ngumiti akong tumango na nahaplos sa ulo ang anak nito.
NAPAHINGA AKO NG MALALIM na napasunod ng tingin sa kanilang mag-inang lumabas ng department store. May puwang sa puso ko ang gumaan sa mga nalaman dito. Pero mas nangingibabaw ngayon ang pagsisisi. Pagsisisi na pinakawalan ko si Migo. Kung sana alam ko lang na pareho lang naming mahal na mahal ang isa't-isa higit pa sa pagiging magkaibigan namin? Hindi ko sana hiniling sa kanya na layuan na niya ako. Sana ngayon kasa-kasama ko pa rin siya, o baka ngayon ay magkarelasyon na rin sana kaming dalawa. Pero kahit anong pagsisisi ko ay hindi ko na maibabalik ang oras na nakalipas. Hindi ko na mababago ang mga nangyari sa nakaraan. Siguro nga. Hanggang sana na lang ako sa storya namin ni Migo.