NAGISING AKONG sobrang bigat at sakit ng ulo. Napasapo ako sa ulo kong parang pinipiga bawat braincells ko sa sobrang kirot.
"Urgghh! Pistī bakit ang sakit ng ulo ko!" daing kong napapasubsob ng mukha sa kama. Napahagikhik naman si Siobe na bagong gising din pero nakahilata pa rin.
"Hang-over tawag dyan Vi" natatawang saad nito na hinihilot ang noo.
"Ayoko ng uminom ulit" napabungisngis itong pabirong binatukan ako.
"Yan din ang linyahan ng mga lasenggo Vi, pero paulit-ulit namang naglalasing"
Sabay kaming napalingon sa pinto ng bumukas iyon at niluwal si Wendell na may matamis na ngiti at bagong ligo. Namamasa pa ang buhok nitong hindi sinuklay kaya natatabingan ang mga mata nitong ikinabagay naman niya at lakas ng dating.
Napapilig ako ng ulo na maalala ang mga nangyari kagabi.
"Napanagipan ko ba si Migo kagabi? O totoong nandito siyang pinuntahan ako?" piping usal ko. Napailing akong nasapo ang noo. "Imposible Vivian. Nanaginip ka lang" kastigo ko sa sarili.
"Good morning" napabalik ang diwa kong naglalakbay sa pagpisil bahagya ni Wendell sa pisngi ko.
"Morning" alanganing bati ko. Nahiya naman akong nakaligo na samantalang ako ay wala pang hilamos at mumog.
"Masakit ba ulo mo?" malambing tanong nitong ikinanguso ko.
"Uhm. Ayoko ng uminom" napahalakhak itong umiling na ikinatawa na rin namin ni Siobe.
"Masasanay ka din Vian" kindat pa nitong inilingan ko. "Maligo na kayo, sabaw lang katapat niyang sakit ng ulo niyo"
Napapakamot ako sa ulong bumangon. Kahit katawan ko ay parang ang bigat-bigat din dala ng hang-over. Una akong pumasok ng banyo para makaligo. Natigilan ako ng mapatitig sa repleksyon ko sa salamin nang mahubad ko lahat mg saplot. Napalunok akong napatitig sa cleavage kong may mga pulang marka!
Kinilabutan akong bigla! Napailing akong nag-init ang buong katawan sa kaisipang.....totoo ang mga namagitan sa amin ni Migo kagabi?!
Naipilig ko ang ulo na sapo ang dibdib. Pilit binabalikan ang mga kaganapan kagabi.
FLASHBACK LAST NIGHT:
"M-Migo natatakot ako" pigil ko sa kamay nitong isa-isang kinakalas ang mga butones ng suot kong pantulog. "M-Migo" nahihirapang sambit ko sa pangalan nito.
Dama ko ang pagbigat din ng hininga nito na malamlam nakipagtitigan sa mga mata ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang nakikipagtagisan ng titig dito.
"Hindi naman kita gagalawin Vi, hindi pa sa ngayon" paanas nitong muling siniil ang mga labi ko. Mas marunong na nga siyang humalik ngayon na nagagawang salitang sinisipsip ang mga labi ko at panakanaka ding kinakagat na ikinaaalpas ng munting ungol sa bibig ko.
Nagpatianod ako dito nang hilahin ako sa sofa at pinaupo sa kandungan nitong paharap dito. Napayapos naman ito sa baywang ko na muling pinaghahalikan ako sa buong mukha ko! Hindi ko mapigilang mapangiting ninanamnam ang sandaling ito sa piling niya. Para akong nakasalang sa isang panaginip. Isang magandang panaginip...sa piling niya.
"Sabihin mo nga Vi, may nakapalit na ba sa akin sa puso mo?" paanas nitong matiim na napatitig sa mga mata kong nanlalamlam. "Kung sabagay, hindi mo kailangan sagutin. May mga mata naman ako. Nakikita ko. Nakikita kong....napalitan na niya ako sayo"
Nangilid ang luha nitong mapait na napangiti. Para akong kinukurot sa puso na makitang unang beses na maging emosyonal ito sa akin.
"Masisisi mo ba ako? Iniwan mo ako sa ere Migo. Ikaw itong unang nang-iwan sa bestfriend mo" may halong panunumbat ko.
"Alam mo ba kung bakit bestfriend kita?" napanguso akong umiling. Sinapo naman nito ang magkabilaang pisngi ko na mas inilapit ang mukha sa mukha ko. "Mas gusto kong maging bestfriend kita Vi, dahil ayokong mawala ka sa akin. Magbago ang samahan natin. Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita, kaya pinili ko......kung saan mas matagal kitang makakasama, maalagaan, mapoprotektahan, mapapasaya. Pero ngayon, nawawala ka na rin sa akin"
Tumulo ang luha kong matamang nakatitig ditong kaagad niyang pinalis. "Pero 'di ba kung mahal mo, bakit mo sinasaktan?"
Umiling itong mariing napahalik sa noo ko. "Minsan kailangan nating masaktan. Para mas maging matatag tayo. I'm sorry Vi, ano bang kailangan kong gawin para maibsan ang pasakit na naidulot ko sayo"
Napatitig ako dito na patuloy sa pagtulo ang luha. Naluluha din itong matamang nakamata sa akin na panay ang pahid sa luha ko.
"Iwasan mo na ako. Kakalimutan na rin kita. Pagod na kasi ang puso ko sayo Migo. Pagod na pagod na ako. Awang-awa na nga ako sa sarili ko eh. Alam mo yon? Yong kulang na lang....magpalimos na ako sayo, lumuhod, magmakaawa" hindi ko alam kung bakit yon ang katagang lumabas sa bibig ko. Pero kita kong tumulo ang luha nitong kalauna'y niyakap akong sumubsob sa balikat kong napahagulhol. Hindi ko na rin napigilang napahagulhol na mas niyakap ito.
"Sige. Kung yan ang gusto mo Vi. Kahit masakit. Kahit mahirap. Gagawin ko. Pero pwede bang mangako ka sa akin?" tumango lang akong matamang nakatitig dito. "Maging masaya ka. Para maging masaya din ako. Sa ganong paraan? Hindi kita guguluhin. Hindi kita papansinin. Dahil nakikita ko namang masaya ka. Kaya masaya na rin ako non. Bawat ngiti mo, halakhak mo, aliwalas ng mukha mo. Yan ang mga gustong-gusto kong nakikita, yan ang nagpapasaya sa akin. Ang makita kang...masaya" napalapat ako ng labi na marahang napatango.
"One more thing" ngumiti akong napapahid sa luhaang mga mata nito. "Favor naman oh"
"Kahit ano" ngumiti itong pinakatitigan ako. Yong uri ng titig niya na parang nagpapaalam na ito. Tumatagos sa puso ko na tila kinakabisa na niya ang bawat hulma ng mukha ko.
"Ano--uhmm" natigilan akong napangiti nang sumiil ito sa mga labi ko. Napakabanayad pero napakalalim ng ginagawad nitong halik. Magkahalong gigil at pag-iingat ang nararamdaman ko sa bawat hagod ng labi nitong ikinabigat muli ng paghinga ko at init ng katawan ko.
"M-Migo" paanas kong napatingala nang bumaba ang mga labi nito sa panga ko at doon naman humahalik na marahang sinisipsip ang balat ko!
Kakaibang kiliti ang nararamdaman kong dumadaloy sa bawat ugat ko sa ginagawa nito!
"Uhmm" napaliyad akong napahawak sa balikat nito nang sumapo ang isang kamay nito sa dibdib ko at pinisil-pisil iyong ikinaaalpas ng mahihinang ungol ko. "M-Migo"
Hinihingal akong napatunghay dito nang maramdaman kong inilihis nito ang blouse ko at sumubsob sa dibdib kong parang sanggol na sumipsip doong ikinasinghap ko!
Napapaliyad ako sa kanlungan nito na hindi na rin mapigilang mapaungol lalo't dama ko ang kahandaan nitong inuupuan kong kumikiskis sa sentro ko! Para akong may gustong abutin na hindi ko mapangalanan. Naiiyak na ako sa halo-halong emosyong nararamdaman ko sabayan pa ng tila mga paru-parong naglulumikot sa bandang puson ko!
Dinig ko ang
sunod-sunod na pagmumura nito na tumigil sa ginagawa at naghahabol hininga. "Magpahinga ka na Vi, habang kaya ko pang magpigil" anito na hinihingal at namumula ang mukha.
Nahihiya naman akong bumaba sa kandungan nito na inalalayan nitong makatayo. "S-sa banyo na muna ako" tumango lang akong ikinangiti nitong nagtungo ng banyo.
Parang nahihipnotismo ang mga paa ko na napasunod dito at nailapat ang tainga sa may pinto.
"Shīt! O-Ohhh V-Vivian...." tumayo ang mga balahibo ko sa katawan na napatutop ng palad sa bibig! Dinig na dinig ko ang magkakasunod nitong nasasarapang ungol sa pangalan ko na ikinainit kong napaatras sa pagkakalapat ng tainga sa pinto!
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at nagising sa realidad na mapagtanto ko kung anong ginagawa nito sa banyo ayon na rin sa mga narinig kong ungol nito!
Mabilis akong sumampa ng kama at nakisiksik kay Siobe na nakanganga pang himbing na himbing. Sobrang bilis ng t***k ng puso kong dinig na dinig ko!
Ilang sandali lang ay bumukas na rin ang pinto ng banyo. Basang-basa ang mukha nitong kahihilamos lang at mas umaliwalas na ang mukha hindi tulad kanina na kitang pressure na pressure at namumula ang mukha.
Lumapit ito sa gawi ko na naupo sa gilid ng kama at napahaplos sa ulo kong nangingiti. "Alis na ako"
Nanatili akong nakatitig dito. Dama ko ang laman ng sinabi nitong aalis na siya. Yong tinging ginagawad niya na nagpapaalam na nga. Mapait akong napangiti na pinangilidan muli ng luha. Hindi na ako nakapagpigil at kinabig itong niyakap ng mahigpit na napahagulhol sa balikat nito. Ayaw ko siyang pakawalan. Ramdam kong kapag lumabas na siya ng silid ay mawawala na nga siya sa akin ng tuluyan.
"Migo" humahagulhol kong pagtawag sa pangalan nito.
"V-Vi" lalo akong napahagulhol na basag ang boses nitong halatang umiiyak din at mas humigpit ang pagkakayakap sa akin.
"Mananatili ka sa puso ko. Nandidito ka lagi. Tatandaan mo yan" anito sa matagal-tagal naming iyakan habang magkayakap. Napatango-tango akong lumuluhang nakamata dito. Namumula na rin ang mga mata nito lalo na ang ilong at kanyang pisngi dahil sa pag-iyak. Napahaplos ito sa pisngi ko na may munting ngiti sa labi. "Ang ganda mo. Dati naman ng maganda ka. Pero pinalala mo pa"
Pagbibiro nito na mahina naming ikinatawa. Ito ang unang beses na pinuri niya ako. Pero parang magic words iyon na humaplos sa puso ko.
"Magpahinga ka na" anito na inalalayan akong makahigang muli. Mariin itong humalik sa noo ko bago sa mga labi ko. "Goodnight Vi, I love you....goodbye"
"Paalam...Migo"
END OF FLASHBACK