KINAGABIHAN ay nagkayayahan kami nila Wendell at Siobe na mag-inuman kahit beer lang. Magkakatabi kami dito sa gawi ng pool na nakababad sa tubig habang may hawak na beer.
"So, ikaw naman ang magkwento, Wendell." Ani Siobe matapos naming ikwento ang storya ng buhay pagkabata namin dito.
"Ano bang gusto niyong malaman?" nangingiting tanong nito na napatungga sa kanyang beer.
"Virgin ka pa ba?" walang prenong tanong ni Siobe!
Nasamid ako na naibuga ang beer na ininom ko at sunod-sunod na napaubo! Natawa naman ito na sinabuyan ko ng tubig at nakababad kami dito sa gilid ng pool.
"Tangina naman, Siobe!" singhal ko ditong napahagikhik na pabirong hinila ko sa buhok.
"Hindi na. Aminado ako," natigilan ako sa diretsahang sagot ni Wendell.
Para akong nag-init sa narinig na may iba na itong naikama. Kung tutuusin ay halos magkakaedaran lang naman kami. Nauna lang siya ng ilang buwan sa amin ni Siobe. Pero kung sabagay, si Migo nga e. Tiyak akong. . . nagalaw na niya si Jasmine.
Sumilay ang matabang ngiti sa mga labi ko na sumagi ang bagay na iyon sa isipan ko. Imposible naman kasing wala pang namagitan kay Migo at Jasmine. Sa landi ng babaeng ‘yon? Hindi ako naniniwalang wala pang namagitan sa kanila. Habang ako? Heto at hanggang halik at yakap lang kami ni Migo.
"Okay ka lang, Vian?" untag ni Wendell sa akin.
"Ahem! Oo naman!" masiglang sagot ko na napakindat pa ditong nangingiti lang namang matamang nakatitig sa akin.
Napalunok akong pilit ngumiti ditong nag-iwas ng tingin at muling tinungga ang beer ko.
"Ikaw ba, Vian?"
"Huh?” gulong tanong ko na ikinabungisngis ng mga ito.
Napakurap-kurap pa ako dahil wala naman akong naintindihan sa punag-uusapan na nila ni Siobe kanina.
"Nakahalik ka na ba? May nakahalik na ba sa'yo?" makahulugang tanong nitong ikinangiwi ko habang si Siobe nama'y pigil-pigil ang sariling mapabungisngis.
"Hehe,” nakangiwing ngiti ko na ramdam ang paggapang ng init sa mukha ko.
"Hwag mo nang tanungin, Wends. Virgin pa ang lahat-lahat d'yan,” natatawang saad ni Siobe na ikinatawa ni Wendell na napatango-tangong uminom.
Nag-iwas ako ng paningin sa mga ito na maalala si Migo. Hindi ko pa kasi nakukwento kay Siobe ang ilang pribadong nangyari sa amin ni Migo. Katulad na lamang ng halikan namin.
PASADO alasdyes na ng gabi nang umakyat kaming tatlo sa kwarto namin. Pagewang-gewang na rin kaming maglakad ni Siobe. Dahil ito ang unang beses na napainom kami ng alak at medyo naparami dahil hindi naman namin nararamdaman kanina ang tama nito. Mabuti na lang at may kalakihang lalake si Wendell na kayang-kaya niya kaming inalalayan ni Siobe hanggang sa kwarto namin.
"Goodnight, Wends." Ani Siobe na nangunyapit pa sa batok ni Wendell.
Muntik pa tuloy silang mawalan ng balanse dahil sa kakulitan nito.
"Goodnight, Siobe." Anito na inalalayang makahiga si Siobe ng maayos.
Napa-iwas ako ng tingin dito nang mapaangat ng tingin sa akin.
"Hindi ka pa ba matutulog, Vian?"
Ngumiti akong nagtungo sa kabilang gilid ng kama. "Inaantok na nga, Wends."
Ngumiti itong tumango na tinulungan pa akong iayos ang kumot sa amin ni Siobe.
"Okay na kayo dito?" tumango akong tipid na nginitian ito. "Sige. Tawagan niyo ako kung magkaproblema kayo, huh?"
"Okay. Salamat, Wends. Happy birthday," wika ko.
Napangiti itong umikot na lumapit sa gawi kong ikinabundol ng kaba sa dibdib ko.
"Wala bang birthday kiss d’yan, hmm?" biro nito na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi.
Nag-init ang pisngi ko na mabilis humalik sa pisngi nitong nangingiting ibang-iba ang kinang sa mga mata.
"Goodnight, Vian.” Pabulong saad nito na napapasulyap sa mga labi ko.
"Goodnight," kiming sagot ko ditong napakindat lang bago lumabas ng silid.
Napabuga ako ng hangin na napapailing. May pagkapilyo si Wendell at mahilig din sa mga dirty jokes na sinasakyan namin ni Siobe kapag kami-kami lang ang nagkakakwentuhan. Pero over protective din ito sa aming dalawa ni Siobe kaya walang naglalakas loob sa school na manligaw sa amin.
Bukod sa isa itong magaling ito sa taekwondo, matangkad ito at may kalakihan ang pangangatawan. Kaya takot sa kanya ang mga classmates naming bully sa school.
Paidlip na ako nang may sunod-sunod na kumatok sa pinto. Nangunotnoo ako na patamad bumangon dahil panay pa rin ang katok nito doon. Nahihilo pa akong parang dumudoble ang mga nakikita ko habang naglalakad palapit ng pinto.
"Yes–Uhhm–"
Nanigas ako na pagkabukas ko ng pinto ay bigla akong siniil sa mga labi!
"Uhmp–”
Pilit kong nilalayo ang mukha nito pero na mahigpit na nakahawak sa batok ko. Natigilan ako na makilala ito at hindi na nanlaban. Napalabi akong nakamata ditong unti-unting naging masuyo ang halik na ginagawad nito. Kumpara kanina na para itong gutom na tigre na nanlalamon!
"M-Migo," mahinang sambit ko nang dahan-dahan na nitong binitawan ang mga labi ko.
Dama kong nangangal na ang mga iyon sa diin nito kaninang humalik! Napalabi akong hinaplos ito sa pisngi. Napapalunok naman itong pinaglapat ang aming noo. Hinihingal pa itong naghahabol ng hangin kaya tumatama pa sa mukha ko ang mainit at mabango niyang hininga.
"Bakit uminom ka? Kailan ka pa natutong uminom? Ito ba ang itinuturo sa inyo ni Wendell, huh?" pabulong tanong nito na mas kalmado na ang paghinga.
Napalapat ako ng labi na isinandal ako nito sa dingding at humaplos pababa ang kamay sa baywang ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa mga sandaling ito at tila naglahong parang bula ang antok at kalasingan ko!
"Ngayon lang naman e,” mahinang sagot ko.
Nagkatitigan kami sa mga mata na parang nag-uusap. Kung pwede nga lang manatili na lamang kami sa gan'tong posisyon. Na nakayakap ito sa baywang ko at ang isang kamay ay nakasapo sa pisngi kong matiim na nakatitig sa mga mata ko. Parang malulusaw ang puso ko habang nakikipagtitigan sa mga mata nito. Ilang linggo ko na ring pinangungulilahan ito pero ngayon ay heto siya. Nandidito siya ngayon. Sa tabi ko at nakayakap sa akin.
"Kumusta?" alanganing tanong ko.
Napahinga ito ng malalim na kinabig ako lalo at sumubsob sa leeg ko. Napangiti akong yumakap na rin dito at dama ang bilis ng t***k ng aming mga pusong ngayo'y magkalapat!
"Galit ka ba sa akin?" balik tanong naman nito.
Mapait akong napangiti na mas niyakap itong mariing napapikit. Kung panaginip lang ang moment naming ito dala na rin ng nainom namin ay ayaw ko na munang magising. Sobrang miss na miss ko na ito. Lalo na ang gantong moment namin na kinukulong niya ako sa bisig nito.
"Vi, galit ka ba?" untag nito.
Dahan-dahan akong kumalas dito na pinakatitigan siya sa kanyang mapupungay na mata. Para akong hinahaplos sa puso na makipagtitigan dito. Malaki ang tampo ko sa kanya. Pero ngayong nandidito na siya sa harapan ko ngayon? Unti-unting naglahong parang bula ang pagtatampo ko sa kanya. Mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Ang pangungulila ko sa kanya.
"Vi--uhmm," napaungol ito nang ako na mismo ang umabot sa kanyang mga labing ikinapisil nitong napapisil sa baywang ko.
"Hindi mo na ba ako mahal?” anas nito na napatitig sa mga mata ko.
"Ikaw ba, hindi mo na ba ako mahal Migo?" baliktanong ko.
Napangiti naman itong hinagkan ako ng mariin sa aking mga labi.
"Mahal kita, Vi.” Puno ng damdaming saad nitong ikinangilid ng luha kong nakamata dito. "Mahal na mahal kita, Vivian."
“M-Migo.”