Chapter Fifteen
Nagmumuni muni siya sa kusina, malapit na kasi ang uwian. Naiisip na naman niya ang lalaki. Ilang weeks na noong last niyang nakita dito sa restaurant si Gray. Hindi na rin siya nagagawi dito para kumain. Iniiwasan kaya niya ako? Pero wala naman dahilan para iwasan ako. Parang bigla ko nalang kasi siya namiss. Hindi naman siguro masama maka-miss ng Isang tao, ano? aa isip-isip niya.
Nagpaalam muna siya sa mga Chefs doon bago umuwi na.
Nagulat siya paglabas niya nakita lang naman kasi niya ang lalaking laman ng isip niya kanina. Napaka gwapo niyang tignan. Galing pa siguro ito sa trabaho. Pero anong ginagawa niya dito, wala naman si Sir, Axer, dito.
Baka may hinihintay siya sa loob ng restaurant. Nagkibit balikat nalang siya. Tumingin siya ulit dito natigilan pa siya ng makitang nakatingin na ito sa kanya. Agad din bumilis ang t***k ng puso niya sa pag tama ng kanilang mga mata.
Nakahalukipkip itong nakatingin sa akin. Parang model lang ng sasakyan ang peg. Lalagpasan niya na sana ito, kasi hindi naman siya sure kung siya ang hinihintay nito. Masakit umasa. Sa isip-isip niya.
"Get in."nagulat pa siya at bahagyan napatalon ng magsalita si Gray.
Nakakagulat naman 'to bulong niya sa sarili."Ako ba?"sabay turo sa sarili niya.
"Sino pa bang kausap ko."nakalagay na din ang mga kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon at humarap siya sa akin.
"Kaya nga nagtatanong po ako, di ba? Pa-bigla bigla kang nagsasalita diyan. Malay ko bang may hinihintay kang tao sa loob ng restaurant."nakanguso niyang sabi.
"Get in! Ihahatid na kita." baliwalang sabi nito. Napatigil na naman si Charmy at napatingin kay Gray.
"Seryoso ka ba? Ihahatid mo ako? Bakit mister?" sunod-sunod niyang tanong.
"Ang dami mong tanong! Sasakay ka ba o kailangan pang kaladkarin kita, papasok sa loob ng kotse ko"seryosong sabi ni Gray.
"Kaladkarin talaga, hindi ba pweding buhatin, para mas maganda naman tignan." simangot niya dito. Napakasungit. "At saka hindi ba pweding magpakipot muna ng kaunti. Baka kasi niloloko mo lang ako." dagdag pa niyang sabi. Naku, anong akala ng damuhong lalaki na ito, easy to get na sasakay sa kotse niya. Huh! Siya na nga nag offer ng sasakyan susungitan pa ako. Ang galing naman.
"So, buhat pala ang gusto mo, huh! Lumapit siya sa dalaga at akmang bubuhatin niya ito ng pigilan siya.
"Ito na! Sasakay na, Mister."Taranta niyang sabi kay Gray. Bwes!t na lalaking ito tutuhanin ba naman akong buhatin. Grrrrrrrrr...
Pero sayang din masarap siguro magpabuhat sa kaniya. Hagikhik ng kanyang isip. Erase.. erase .. erase. Gigil na bawi din niya agad.
Pagkapasok niya sa loob ng kotse nito. Agad niyang inilibot ang paningin sa loob ng kotse. Namangha siya sa ganda ng loob ng sasakyan ni Gray. Nagiging ignorante na naman siya. Kahit na wala siyang alam sa mga brand ng mga sasakyan sigurado niyang million ang halaga ng kanyang sasakyan ito.
"Fasten your seatbelt." Sabi nito pagkapasok sa sasakyan niya.
"Paano ba? Hindi ko alam, eh."inosenting tanong ni Charmy. Mabuti na 'yong honest kisa magpakabibo bulong niya sa isip niya. Iba kasi ang style nito kisa sa sasakyan ng ate Sese niya.
Walang sabi-sabing lumapit ito at may kinapa sa gilid niya. Nagulat siya sa lapit ng mukha nito sa kaniya.
"P-pakibilisan ang lapit mo masyado sa mukha ko."nautal pa niyang sabi dito.
Tumingin naman ang binata sa mukha niya na ikinagulat niya. Ilang pulgada nalang mahahalikan na niya ako. Sinasadya ba niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Palakas ng palakas na din ang t***k ng puso niya. Sana hindi niya marinig ang lakas ng t***k ng dibdib ko. Sa isip-isip niya.
Kinakabahan siyang tumingin dito at 'yon nga nagtama ang kanilang mga mata na agad naman niyang ikinaiwas.
Kaya ang ginawa niya itinulak niya ang mukha ng binata. Parang doon lang din natauhan si Gray. Mabilis na itong umupo sa harapan ng manibela pagkalagay niya sa seatbelt ni Charmy.
"Kasalanan mo pag inatake ako sa puso!"inirapan niya ito.
"Ano bang ginawa ko?"nakangising tanong niya kunwari.
"Huwag mo na ulit ilalapit ang mukha mo sa akin."feeling niya nagblush pa siya sa tinuran niya.
Natawa nalang si Gray sa sinabi ng dalaga sa kaniya. Bukod sa daldal, napaka prangka pa magsalita. Brave and innocent. Napapangiti pa siya bago pinaandar na ang kotse nito.
Nagtanong siya kunwari kung saan niya ito ihahatid. Kahit alam na niya kung saan ito nakatira. Sinabi naman niya agad ang address.
"Bakit pala nag-aaksaya ka ng oras na ihatid ako?"tanong niya dito. Kahit naiilang parin siya. Nacurious lang kasi siya kung bakit pag-aaksayahan siya ng oras na ihatid ako pauwi.
"Ayaw mo ba?"balik tanong niya sa dalaga.
"Gusto ko syempre, bukod sa libre na ang bango mo pa...."napatutop siya ng bibig sa tinuran niya. "I mean ang bango ng sasakyan mo." At ang gwapo mo pa dagdag ng isip niya. Napahagikhik siya ng mahina.
Lumingon sa kaniya ang binata na nakangisi. "Ang daldal mo parin."turan niya dito.
"Inborn nga kasi ang kadaldalan ko. Medyo hindi na nga ako nagsasalita, eh. Nakakapagud din pala ang palaging kadadaldal. Waste of saliva. Pero kapag hindi naman ako magsasalita, mapapanis naman ang laway ko. Baka babaho pa ang hininga ko. Nakakahiya naman sa makakaamoy nito."mahaba niyang sabi. Mahina namang natawa ang binata.
"Natapos ka din."natatawang sabi ni Gray.
"Ito na nga tatahimik na."inirapan pa niya ito. Mukhang feeling close na kami, ah. Lihim siyang napangiti.
"Kumusta ka? Sa trabaho mo hindi ka ba nahihirapan?"tanong ni Gray ng mapansin wala ng kibo ang dalaga.
"Mas maayos na ngayon kesa sa mga nagdaan mga buwan ko sa trabaho."Sabi nito sabay tingin sa binata. Ang gwapo talaga ng unggoy na 'to. Hindi niya maiwasang titigan ang mukha nito. Habang sa kalsada naman nakatutok ang tingin ng binata.
"Done checking me?"sabay lingon sa dalaga na may ngiti sa labi niya.
Nagulat naman si Charmy feeling niya pulang-pula ang buong mukha niya sa pagkapahiya. Lihim siyang napalunok ng laway at umupo ng maayos.
"Wala naman masama di ba? Parang ang pangit mo na kasi ngayon, hindi ako makapaniwala."pang-aasar niya para makabawi sa pagkapahiya niya kanina.
"Oh, really? Nakanganga ka ngang nakatitig sa akin, eh. Napapangitan ka talaga? See, your blushing."tudyo pa niya sa dalaga.
"Bwesit ka! Anong nakanganga ako!" depensa naman niya agad sabay hampas niya sa balikat nito.
"Madidisgrasya tayo sa ginagawa mo." natatawa niyang saway sa dalaga.
"Bilisan mo ng mag-maneho ng makalabas na ako sa kotse mo!"Singhal niya dito.
Pero ang loko mas binagalan naman niya ang pagdadrive, na mas lalo ko namang ikinainis sa binata. Ngingiti ngiti pa ang hudyo sarap lang sapakin. Gigil niyang turuan sa isip niya.
Hindi niya alam kung bakit nag-eenjoy siyang asarin ang dalaga. Napapangiti nalang siya. Ang cute niya kasi mainis. 'Yong mga mata niya na nagiging fierce na parang tigre kung makatingin. Namumula ang mga pisngi niya na mas lalong nakadagdag sa angking ganda niya.
"Mister, sinasadya mo ba, huh?!"naiinis na siya dito.
"Obvious ba? Gusto lang naman kita makasama pa ng kaunti. Huwag ka ng magsusungit ang pangit mo na."pang aasar niya dito.
Masamang tingin ang ipinukol niya dito.
At sabay irap. Hindi na naman niya maiwasang suntukin na suntukin ang braso nito. Mas lalo pa siya nainis ng pagtawanan lang siya nito.
"Nakakarami kana sa panununtok sa'kin. Ang bigat pa naman ang mga kamay mo." hinimas pa niya ang nasaktan braso niya. Aminado naman siya na mabigat talaga ang mga kamay niya.
"Wala akong pakialam, dapat lang yan sa iyo."bulalas niya.
"Pikon ka lang kasi." hindi naman papatalong sabi ni Gray.
Para na silang aso't pusa sa loob ng kotse ni Gray. Walang gustong magpatalo, hanggang makarating na sila sa tinitirahan ni Charmy. Nag-eenjoy siyang asarin ito. Madali lang din pala itong mapikon. Madaldal na pikon. Naiiling at natatawa nalang siya.
Pinag-buksan niya ito ng pintuan. "Goodnight Louise."sambit niya dito. Nagtanong kasi siya kanina sa buong pangalan niya. She have a unique name.
Sinimangutan naman niya ito. "Salamat sa paghatid at sa pang aasar sa akin. Promise nag enjoy ako."sarkastiko nitong sabi sabay irap sa binata. Natawa lang ang binata sa kaniya.
"Layas na!" pagtataboy pa niya sa binata. "Mag iingat ka, manong unggoy."pang aasar niya dito para naman makaganti siya for the last time. Tumawa siya ng makita ang reaksyon ng binata. Kumaway pa siya dito at patakbong pumasok sa may gate nila. Patay ako nito baka gaganti 'yon. Sa isip isip niya.
Masaya siya na nakasama na naman niya ang binata. Solo pa sila. Kikiligin na ba ako self? Tanong pa niya sa sarili niya. Napahagikhik nalang siya at pumasok na sa loob ng apartment niya.
Sana magtutuloy tuloy na ang pagkikita nila. Naidalangin nalang niya bigla.