Chapter Sixteen

2039 Words
Hindi siya makatulog kaya kinuha niya ang kanyang diary. "My One Thousand Reasons."basa niya sa diary niya. Iyon kasi ang nilagay niyang title sa cover ng notebook niya. "One thousand reasons to live life to the fullest. To facing your fears and bravery. Living with confident and living without fear. It's about how the things you want to do in life. And how to do something motivate and inspired to other people. To think positive and act independently, working hard passionately and to love unconditionally." Napaisip siya bigla kung kaya na ba niyang magmahal ulit. "Did I really want to take a risk again?"tanong niya sa sarili niya. Paano kung masaktan na naman ulit ako. Paano kung mas malala pa ito sa una. Ang daming what ifs. Even though, I always look in the bright and positive side. Pero hindi ko parin maiwasang mag-isip ng mga negative things. Yung ang hirap talaga 'yong feeling na ibinigay mo lahat yung pagmamahal sa isang lalaki at the end, panloloko lang isusukli niya sayo. It's really so damn hurt. Please God give me a sign na sana itong lalaking nagugustuhan ko worth it siyang mahalin. Worth it ibigay sa kaniya ang trust at love. and worth it. . . . . napapikit siya habang nag-iisip ng ibang idadagdag sa panalangin niya ng hindi na niya namalayang nakatulog na siya. Nagising siya kinaumagahan na yakap-yakap ang diary niya. Binabasa ko na naman ba kagabi ang diary kong ito. Wala pa akong naidadagdag sa one thousand reasons ko na yan. Ramdom na nga lahat ang nakasulat. bulong niya sa sarili. Naalala niya yung prayers niya kagabi na hindi na tapos. "naku sorry God."bulong ulit niya. *** Pagpasok niya sa trabaho nagulat siya ng i-inform siya ng manager nila na sa ibang branch siya ma-assign today. Two weeks ko daw doon. Hindi naman niya sinabi kung bakit ako ma-assign sa ibang branch. Bumuntong hininga ako kasi panibagong pakikisama na naman sa mga nagtatrabaho doon. Paano kung may bully ulit at baka mas malala pa sa ginawa nila Mara sa akin. Hayyyyy. she sighed. "Ang lalim naman."Nagulat siya sa nagsalita sa likuran niya. Pag lingon niya ay ang Boss niya ang nagsalita kaya agad niya itong binati. "Good morning po Sir."magalang niyang bati dito. "Morning, Charmy. Are you ready?"napansin niya na parang may kakaiba sa pagkakangiti ng boss niya. "Challenge na naman ba ito."mahina niyang bulong. "No Sir."agad niyang sagot. "Hindi ko po alam kung bakit sa ibang branch niyo ako ililipat?"bigla siya natigilan ng maalala na naman ang nangyari noon sa kaniya ng gabing nakulong siya sa locker room. Napansin naman ni Axer ang bigla niyang pananahimik. "Don't worry walang masamang mangyayari saiyo doon." bigay assurance niya kay Charmy. "Bakit kasi ako pa ang ililipat doon Sir. Baka malayo sa tinitirhan ko. Hindi ko pa po kasi kabisado ang manila Sir baka maligaw ako." "Ihahatid sundo ka naman niya. Huwag ka mag-alala hanggang two weeks ka lang naman dun. At double ang sahod mo."ngisi niya kay Charmy. "Ang creepy mo po Sir."mahina niyang sambit. Nag aalinlangan parin siya. Since ang boss na niya ang kumausap saknya wala na talaga siyang choice. Pagbutihin na lang niya ulit ang trabaho niya doon. Marami pa siyang pangarap sa family niya. Hindi siya pweding magreklamo baka mawalan pa siya bigla ng trabaho. Napabuntong hininga nalang siya ulit. Ang boss pa niya ang naghatid sa knya sa bago niyang papasukan na restaurant. Nalula siya sa taas ng building at gara ng entrance nito papasok palang sa loob ng building. Ang ganda-ganda dito mangha niyang bulong sa sarili niya. Sabay gala ang paningin sa loob. First time niyang makapasok sa ganitong lugar. Nagiging ignorante nanaman ako. Iginiya siya ng Boss niya sa loob. Nasa loob daw kasi ng building na yun ang restaurant na pagtatrabahun niya. Nakarating na sila sa restaurant at binaubaya na siya sa manager dun. Ilang bilin pa ang sinabi ni Sir Axer sa manager bago siya iniwan dun. Nag briefing siya bago ulit sumabak sa trabaho. Ito na naman ang mga tingin nila parang bumalik ulit ako sa simula ganitong ganito ang eksena noong bagong pasok ko din sa Ferrer restaurant. "Nakakainis!"bulong niya. Pero mas more civil lang Ang mga tao dito. Lalo na sa pakikitungo sa kaniya. Kisa sa unang pinagtatrabahuan niya. Alas diyes ng utusan siya ng manager na dalhin ang late breakfast ng Boss nila sa opisina nito sa 40level daw. "Bakit po ako ma'am, bago palang ako dito. Tsaka ang taas naman po ng floor ang level ng opisina ng Boss natin nakakatakot po!"bulalas niyang sabi. Natawa naman ang manager sa tinuran niya. "Masasanay ka din. Ikaw ang inutusan ko para makilala ang Boss natin. At para ma-interview ka na din niya since baguhan ka lang dito."ngiti ng manager sa kanya. "Akala ko ba kay Sir Axer din itong restaurant dito. Bakit may interview pa?!" Takang tanong niya. "Kasi iba ang nagmamanage dito. Kaya mas mabuting makilala ka din niya na dito ka namamasukan pansamantala."paliwanag nito. "Bilisan mo. Dalhin muna ang mga ito sa taas. Napakasungit pa naman ang Boss natin. Laging may dalaw."hagikhik ng manager. Napangiti na rin siya kahit kinakabahan. "I can do it."pagpapalakas nalang niya sa sarili. Subrang lakas ng t***k ng puso niya dahil sa kaba at takot na baka mastuck siya sa elevator. Mas lalo pa siyang kinabahan ng mag-isa lang siya sa private elevator na pinasukan niya. Ito lang daw kasi ang elevator na pweding gamitin pag pupunta sa top floor ng building na ito. Which is ang opisina ng Boss nila. Paglabas sa elevator bumuga muna siya ng hangin na nasa dibdib bago tinungo ang pintuan ng opisina ng Boss nila. Iginala niya ang paningin may nakita siyang dalawa na magkatabing cubicle pero walang tao para sana may pagtanungan siya. Haysst bahala na. maktol ng isip niya. Kumatok muna siya at hinintay na may sasagot sa loob. Wala siyang narinig kaya pinihit na niya pabukas ang pintuan. Huminga muna siya bago nagsalita. Para ipaalam ang prisensiya niya. Nakatalikod kasi ito saknya. "Good morning Sir, andito na po ang breakfast mo po."kinakabahan talaga siya. Ganun na lang ang pagkakatulala niya ng humarap ito at mapagsino ang lalaking nasa harapan niya ngayon. "Gray!? gulat niyang bulalas." I mean SIR Gray."diin niyang pagkabigkas sa Sir. Hindi parin nawawala ang pagkagulat niya. I saw him smirked. "Tutunganga ka nalang ba diyan. Baka naman pwede mo ng iserve na ang almusal ko." "Ito na po Sir. Hindi ko lang talaga lubos maisip na Ikaw ang substitute Boss ko." Sabi nitong nakasimangot sabay lapag na sa mga pagkain nito sa nakita niyang lamesa doon. Tumayo naman na si Gray at lumapit sa kinaroroonan ni Charmy. Nagulat pa siya ng biglang lumingon ang dalaga at napasubsob siya sa may dibdib ko. Nagulat din siguro ito kaya na-out balance siya. Mabuti nalang maagap niya itong nahawakan sa bewang at niyakap ito. Dahil sa pagkagulat agad itong bumitaw sa kaniya. "Bakit nanggugulat ka!"singhal niya sa binata. "Kasalanan ko ba kung pabigla-bigla kang lilingon. Magpasalamat ka nalang dahil hindi ka tuluyang natumba."ngisi pa niyang sabi. "So kasalanan ko ganun! Ang daming madaanan sa likod ka pa dumaan. Sinasadya mo talaga ei!!"inis niyang turan sa binata sabay irap dito. Naiiling at napapangiti na lang siya. Baka magkaasaran na naman sila. Pikonin pa naman ito. Sa loob-loob niya. "Come on, join me. Let's eat."yaya niya sa dalaga. "No, thanks Sir. Ang sabi lang ng manager ihahatid ko lang po ang almusal niyo po." Sumimangot si Gray. "I'm the Boss here. Ako lang dapat ang susundin mo!"seryosong Sabi nito. "Bakit mo ba ito ginagawa, Mister?!"naiinis na talaga siya sa lalaking ito. "Dahil gusto ko. And call me Gray, understand!" "What ever kulay!"she rolled her eyes. "Another endearment huh!" nangingiting sabi ni Gray. "Ano pang ginagawa mo diyan kailangan pa bang pilitin ka. Hilahin ka paupo sa harap ko. O, baka gusto mong buhatin pa kita paupo dito. Choose?"sarkastiko nitong sabi kay Charmy na may nakakalokong pagngisi. "Kung hindi lang talaga kita Boss, kanina pa kita sinapak!"inis siyang umupo sa harap ng lamesa. Dahil naiinis siya wala sa sariling inaasikaso niya pati ang pagkain ni Gray. Malapad namang nakangiti ang damuhong lalaki. "Anong ginawa mo at napapayag mo ang Boss ko na dito magtrabaho. Hindi mo ba alam na mahihirapan na naman akong makisama sa mga bagong katrabaho ko. Babalik na naman ako sa pangangapa na pakisamahan sila. Ang mailang ng bongga dahil sa mga tingin nila sa akin. Nakakainis ka alam mo ba yun!!"sikmat niya sa kaharap na lalaki. "Wala naman. You know, ganyan talaga ang magkakaibigan, nagtutulungan."kumindat pa ito sa kaniya. Feeling niya namula ang pisngi niya sa pagkindat sa kanya ng binata. "Sinuhulan mo siguro. That's how friends are for!"umirap siya dito para pagtakpan ang nararamdamang kilig. Kahit galaw at kunting buka ng bibig nito habang nagsasalita ay nakikilig na siya. Kahit wala naman talaga nakakakilig. Normal pa ba ako. Bigla niyang naitanong sa sarili niya. "Of course, ganyan ka din naman sa mga kaibigan mo di ba?" "No, I don't have friends!"agad niyang sabi dito. "Oh, really? Let's be friends then?"sabi nito. "Still no! Sometimes having a friend is a bad influence too. Iyon ang nakita ko sa mga katrabaho ko sa restaurant ni Sir Axer. Naexperience ko na yan sa kanila doon. I still can't forget yung ginawa ng magkakaibigan sa'kin doon. I got bullied and I almost got r*ped. That's a very bad experience I had so far." Natahimik naman ang binata. "Dahil hindi naisip ng Boss ko ang icheck ang mga CCTV kung sino ang mga salarin na nagpapasok sa dalawang lalaki sa loob ng locker room. Ako nalang ang gumawa ng paraan para makakuha ng ebidensiya sa mga taong gumawa ng masama sa akin."kwento niya habang nililinis niya ang lamesa at inilalagay na ang mga pinagkainan nila sa trolley cart. Nilingon niya ang binata na wala ng imik. Nakita niya itong mukhang galit na galit at napatiim bagang pa. Natutop naman siya sa bunganga ng mapagtanto ang mga sinabi niya. Ang daldal mo sita niya sa sarili. "Sir, Wala na ba kayong ipag-uutos pa?"pambabasag niya sa katahimikang namamayani sa kanilang dalawa. "What do you mean?? You almost what?! R*ped?! When was that happened?"tanong niya ng mag-sink in ang sinabi ng dalaga sa utak niya. "Sorry, Sir----" naputol ang sasabihin niya ng sumabat bigla ang binata. "Call me Gray! Mahirap bang sabihin ang pangalan ko?!" masungit nitong sabi. Nagsusungit na naman ang lalaking ito. "Opo, Mr. Gray, kulay abo!"pinanlakihan pa niya ito nga mata. "Ang kulit mo!"nakangiti na niyang sabi. "Huh, Bipolar ba ang lalaki na ito. Kanina nagagalit, nagsusungit at nakasimangot. Ngayon naman nakangiti na?"mahina niyang bulong sa sarili. Baliw kaya ito. "huy pareho lang kayo na baliw"sita ng isip niya. "Now, tell me? You can trust me, you know. From now on, I'm your friend already!" Tumingin siya sa mga mata ng dalaga at pinakatitigan niya ito. Ayon na naman yung pakiramdam na bago lang sakanya itong maramdaman. Pwede naman niya ito i-take advantage kung gugustuhin niya. Pero mas nanaig parin ang respeto nito sa dalaga. "Tapos na iyon at ayaw ko ng balikan pa. Besides unti-unti ko nang nakakalimutan ang nangyari sa'kin. Nakakulong na rin naman ang dalawang lalaki at natanggal na sa trabaho ang mga kasabwat nila. Pasalamat na lang ako at walang masamang nangyari sa akin." Sabi nito sabay yuko dahil hindi niya kayang salubongin ang mga titig ng binata sa kaniya. Lumapit naman ito sa dalaga at mahigpit niya itong niyakap. Nanigas naman ang buong katawan ng dalaga sa pagkakayakap ng binata sa kaniya. Hindi niya akalain na yayakapin siya nito. Hindi siya makahuma at makagalaw dahil sa pagkabigla niya. Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganoong posisyon hanggang sa may kumatok na sa pintuhan. Agad naman siyang kumalas sa pagkakayakap Kay Gray, na halos ayaw pa siya nitong bitawan. Nahampas nalang niya ito sa braso dahil sa pagkapahiya. Baka isipin niyang gustong gusto ko ang pagkakayakap niya sa akin. Feeling ko pulang pula ang magkabila niyang pisngi. Bwesit na lalaking ito. Himutok ng isip niya. Pagkabukas ng pintuan, dali-dali naman siyang lumabas doon sa office ng damuhong lalaki dala ang trolley cart. Hindi na siya nagpaalam dito at dirediretso na siyang nagtungo sa elevator..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD