Chapter Thirteen

1943 Words
Chapter Thirteen Ang saya sa pakiramdam na nakita ko na ulit ang lalaking matagal ko ng gustong makita. Kontento na ako, nalaman ko na rin ang pangalan niya. Hindi na ako magiging clueless pag sumasagi sa isip ko ang mukha niya. Pero mukhang wala siyang nakikitang kakaiba sa mata ng lalaki maliban sa gulat lang. Nalungkot siya bigla. Ano ba kasi ang inaasahan mong magiging reaksyon niya sayo. Ah ewan,basta ang unfair niya makatingin sa'kin walang excitement sa mga mata niya. I sigh. Ano ka ba self dapat sa masaya lang, 'wag na sa malungkot ang importante nakita mo na siya. Ang muna intindihin ang reaksyon niya ang importante ang reaksyon mo ng makita mo siya yun ang mahalaga. Cheer up self! Duh, demanding ka na agad huh! galit na niyang sabi sa sarili. Nako baka mabaliw na ako nito. Sa isip isip niya. Favorite niya talaga ang mag serve ng mga desserts and appetizers. Bukod sa ang gaganda tignan ang babango pa sarap kainin, at wag na iserve. Napatawa siya sa naisip. Paglabas niya sa counter hawak ang mga ise-serve niyang mga desserts. Nakita niya si Mara at makakasalubong niya ito, huli na para makaiwas sa kaniya. Bigla niyang tinabig ang kamay ko dahilan para matapon ang hawak kung tray na may lamang mga pagkain. Napasigaw ako sa gulat sa ginawa niya. Lahat ng laman ng tray natapon sa damit ko. Mabuti na lang hindi mainit ang pagkain natapon sa kaniya. Ng mahimasmasan galit niya itong tinignan. "Anong problema mo?! Bakit bigla ka nalang nang babangga, bulag ka ba?! Kalaki kung tao hindi mo ako nakita?!" galit niyang sabi dito. Umismid lang siya sa akin na parang wala siyang ginawa. "Nakaharang ka kasi sa daraanan ko. Kasalanan ko bang tatanga tanga ka!"sikmat niya sa akin na ikinainis ko. "What?! Ako pa ngayon ang tatanga tanga samantalang ikaw itong basta nalang binangga ako!"sigaw ko sa kaniya dahil hindi ko na mapigilan ang galit ko saknya. "Dapat lang yan sayo dahil sa kasipsipan mo!"galit ang mga matang tumingin sa akin. "Kasipsipan?! Yan,! Yan lang ang dahilan mo para banggain ako?! Mara nasa trabaho tayo wala sa kalye kaya ayusin mo yang pag uugali mo!" galit din siyang tumitig dito. Kung galit ka mas galit ako bruha ka! gigil niyang sabi sa isip niya. "So what, gusto kong gawin eh, may magagawa ka ba?"sarkastiko nitong sabi na subra kong ikinagalit sakanya. "Dahil gusto mo? Wow ha! Hindi ako na orient noong first day ko dito na pwede palang humarang at tabigin ang hawak na tray pag may makakasalubong. Just wow! Rules mo ba yan? Bakit hindi mo ako sinabihan para makatabig din ako ng tray na may laman pagkain habang may makakasalubong ako, or pag dumadaan ka para maexperience mo naman ang naexperience ko ngayon." sarkastiko kong bulalas kay Mara na ikinagalit niya dahil sa sinabi ko. Napangisi lang siya. Nakatingin na sa amin ang ibang mga crew. Nakikiusyoso dahil siguro hindi sila makapaniwala na may sumasagot sagot na sa Mara nila. Karamihan kasi sa kasamahan namin ay takot sila kay Mara. I mentally roll my eyes. May lumapit na isang crew para sana bigyan ako ng towel na pamunas ko sa damit ko ng agawin ng malditang babae. Dahil sa inis niya, ang mga nakadikit na pagkain sa damit niya sinumot niya lahat at ibinato sa damit ni Mara. "Oh, yan para naman may silbi ang towel na kinuha mo na dapat pamunas ko sa damit ko!" nabwebwesit niyang sabi. Galit itong lumapit sa kaniya sabay sampal sakanyang pisngi na hindi niya napag handaan. Narinig niyang nagsinghapan ang mga katrabaho nilang nanonood sa sumbatan nila ni Mara. Pakiramdam niya namanhid ang kaliwa niyang pisngi sa pagkakasampal nito sa kaniya. Ang lakas kaya halos mapabaling ang ulo niya. First time niyang masampal kaya bago lang ito sakanya. Shits! Ang sakit daing sa isip ko. "Walanghiya ka!" sigaw niya sa akin. Hindi niya mapigilan na hindi maipagtanggol ang sarili kaya sinampal din niya ito ng kasing lakas ng pananampal nito sa kaniya. Hindi lang iisa, kundi dalawang mag-asawang sampal ang binigay niya dito. "Ikaw ang walanghiya! Sawang sawa na ako sa pang aapi mo sa'kin! At ang pang aapi ninyong magkakaibigan sa aming mga baguhan na nagtatrabaho dito. "Hindi ko alam kung bakit may galit,inis at ayaw mo sa akin simula pa lang. Ang alam ko lang naman pinapakitunguhan kita ng maganda kahit palagi mo akong iniirapan sinisimangutan at tinitira ng patalikod. Tell me?! Anong naging kasalanan ko sayo para gawin mo ito sakin?!" galit na galit din niyang sigaw kay Mara. "Dahil naiinis ako sa'yo! Pasipsip ka, pabibo, attention seeker, para lahat ng tao dito magustuhan ka!" nanlilisik na ang mga mata nitong tumingin sa akin. "Wow ha! Ganyan ang definition mo sa'kin? Thank you huh!" patuya niyang sabi dito na. At nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Samantalang ikaw naman feeling boss, lahat gusto mo ikaw ang masusunod. Wala kang galang sa mga nakakatanda sayo feeling entitled! Friendly sa customers pero masama ang ugali pag nakatalikod at pag nakaharap sa mga katrabaho maldita! Napaka plastic mo!" ganting sagot naman niya. "Matapang kana ngayon ha!" susugurin na sana siya ulit ng awatin na sila ng mga katrabaho nila. "Oo matapang na ako ngayon dahil marami akong ebidensya laban sa inyong magkakaibigan. Sigurado akong madi-disappointed si sir Axer pag nalaman niya ang mga kawalang hiyaan ninyong ginagawa dito. Sinasamantala niyo ang kabaitan ng amo natin. Malakas lang ang loob niyong gumawa ng kalukuhan dito dahil kampi sainyo ang manager natin." Tumigil siya saglit para tignan ang ibang katrabaho nilang nanonood sa kanila ni Mara. "Hindi ako lumuwas dito sa Manila at makipagsapalaran para lang api-apihin niyo ako ng ganito. Wala akong pakialam kung walang may gusto sa akin dito. Hindi kaibigan ang pinunta ko dito, kundi mag trabaho! Kaya wala kayong karapatan na saktan ako kung kelan niyo gusto!" sigaw ko sa kaniya. Nagte-take advantage kayo na gumawa ng kasamaan at sa ibang katrabaho natin niyo ibinibintang. Kawawa ang mga inosenting empleyado na pinapaalis niyo dito. Na akala niyo pagmamay-ari niyo ang restaurant na ito. Masyado kayong kampante dahil alam niyong malaki ang tiwala ni sir Axer sa mga empleyado niya dito. I'm sure na madidismaya sainyo si sir Axer pag nalaman niya ang mga ito. Mawawalang saysay ang mga natatanggap na parangal ang restaurant na ito pag nalaman niya ang kalukuhan niyo." Mahaba niyang sabi dito. "Huwag kang gumawa ng kung ano anong kwento dahil wala kang pruweba!" "Marami akong ebidensya ipapanood ko pa sainyo kung gusto niyo!" mahamon pa niya. "Kayong magkakilala ang dahilan ng muntikan ko ng pagkakagahasa dito." Nagulat naman ang mga katrabaho nila na nakikiusyoso sa bangayan namin ni Mara. Nakita niyang namutla Ito. Mabuti na rin na ibunyag niya ang mga ito. "Huwag mo akong pagbintangan!" sigaw niya na pilit kumakawala sa pagkakahawak saknya ng dalawang katrabaho nila. "Tal..."hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa pag sulpot ng boss nila. "Anong nangyayari dito?" palipat lipat ang tingin niya sa'kin at kay Mara na parang tuod kung umasta na ngayon. Lahat ng katrabaho nilang nakikinood nagulat din sa pag sulpot ni sir Axer ng walang nakakapansin. Napayuko nalang kaming lahat at walang may gustong magsalita. "I said what's going on in here?!" Malakas niyang tanong ulit sa mga empleyado niya. Wala ni isa ang gustong mag salita na ikinagalit lalo ni Axer. "I didn't expect this!" galit ng sabi ni Axer. "Bihira lang akong dumalaw dito at ito ang maabutan ko! Dis oras ng trabaho andito kayo nagkukumpulan?!"binalingan kami ni sir Axer. "Kayong dalawa sumunod kayo sa office ko ngayon din! And all of you go back to your work now!" sigaw niya sa mga empleyado niya at galit na tumalikod at umalis agad doon. Hindi agad siya sumunod dahil nilinis muna niya ang kalat at naghugas at agad sumunod sa office ng boss nila. Kumatok muna siya bago pinihit pabukas ang pintuan. Magsasalita na sana siya ng unahan siya ng boss niya. "Bakit ang tagal mo?! Hindi ba't sinabi ko ng now, dapat andito kana! Sumunod ka agad! Dapat sinusunod niyo agad ang sinasabi ng boss niyo!" galit nitong sabi kay Charmy. Magkaibigan nga kayo ni unggoy masungit. Palihim niya itong inirapan. "S-sorry sir, nilinis ko pa kasi yung kalat at...." hindi na niya naituloy dahil sumingit nanaman si sir Axer. "Wala akong pakialam pag sinabi ko ng now, means now, na ngayon na! Understand!?" Seryoso niyang sabi sa akin na matiim akong tinignan. Napayuko nalang ako. "O-okay s-sir." nautal niyang sabi habang nakayuko parin. "So, Mara and Charmy tell me? Anong dahilan ng awayan niyo at umabot pa sa tapunan ng pagkain?" tanong ng boss nila. "Sinadya niya po akong banggain sir."sabi naman ni Charmy. "What?! Why did you do that?!" tanong naman niya kay Mara. Hindi siya sumagot nagyuko lang siya ng ulo. "Mara I'm asking you?!"galit na naman ito. Hindi ko alam na madali lang palang uminit ang ulo ng boss namin. "I-is just an accident s-sir." nauutal niyang sagot. "Huh! so ako pa ang sinungaling ngayon?!" sabay baling kay Mara na umirap lang sa kaniya. "I heard everything! Totoo ba ang lahat ng ito Mara? You know, I don't tolerate this kind of behavior right?!" seryoso na tanong ni sir Axer. Hindi siya nagsalita nakayuko lang siya at nilalaro lang ang mga daliri niya. "Mara!" galit ng sigaw ni sir Axer. Napaigtad naman kami pareho ni Mara. "S-sir."nauutal niyang sabi at nag angat na ng tingin kay sir Axer. "Care to explain now! Totoo ba ang mga ibinibintang ni Ms.Charmy sa'yo?" Hindi ito mapakali sa kinauupuan niya. Dala siguro ng kaba at takot na nararamdaman. May takot ka din pala ang lakas mong mang-api ng kapwa mo ngayon tiklop ka din pala huh!" bulong niya. "Sir, bakit hindi mo nalang panoorin ang mga old videos sa cctv control room. Nakalimutan mo po bang may mga cctv surveillance dito sa restaurant mo po sir. Doon ko po nalaman lahat. Bakit hindi mo po naisip yun sir?"singit naman niya. Sinamaan siya nito ng tingin na ikinatikom niya nalang ng labi at nagkibit balikat. "Ano na Mara uupo nalang ba tayo dito? Wala kang sasabihin?" naiinip at nayayamot ng sabi ng boss namin. "Y-yes s-sir, i did it." mahina niyang sabi. "Why? All this time ganito na ang nangyayari sa loob ng restaurant? Anong dahilan mo para gawin ang mga iyon sa katrabaho mo?" "I-is just that, A-ayaw kong pinag uusapan ka nila. Ayaw kong kinikilig sila pag nakikita ka nila. Ayokong lihim silang may gusto sa'yo. Da-dahil m-mahal kita kaya ko nagawa ang mga 'yon." pag aamin niya. Pero hindi parin valid reason yun para manakit siya ng katrabaho niya. She really obsessed to sir Axer. Pathetic. "What!?"bulalas ni sir Axer. " Gumawa ka ng kasamaan sa mga katrabaho mo, because of what?! You love me? This is not a valid reason for hurting someone just because you love me! I still don't get it! Your excuses is so lame. I can't believe this" bulalas ulit ni sir. Pati ako hindi rin makapaniwala sa sinabi nito dahil mahal niya si sir kaya nagawa niyang manakit ng tao. "Whoah!" bigla niyang naibulalas na ikinatingin ng dalawa saknya. Galit silang pareho na nakatingin sa akin. Lihim naman akong napangisi. "Ms. Charmy, tawagin mo dito ang manager kailangan ko siyang makausap!"utos ni sir Axer. "Yes sir." sabay labas agad ng opisina ng boss nila. Pagkalabas niya ng opisina ng boss nila gumaan bigla ang pakiramdam niya. Para din biglang nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil sa wakas nalaman na nang boss nila ang nangyari sa likod ng restaurant nila. Bahala na si boss na mag bigay ng kaparusahan sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD