Chapter Twelve

1206 Words
Chapter Twelve Busy sila lahat dahil darating daw ang boss nila kasama niya ang mga kaibigan niya at kasosyo na din sa negosyo. Pansin niyang hindi mapakali ang ilang mga katrabaho niya. May nagpunta pa toilet para lang magpaganda. Napa-roll eyes nalang siya. Tinawag ako ni bakla sa kusina. Sinabi niyang ako daw magseserve sa dessert mamaya para sa boss nila at para sa mga kaibigan niya. Nagrequest daw kasi si boss ng new dessert at yung recipe ko ang ginaya nila. Hindi siya sure kung magugustuhan nila yun mamaya. Heto nanaman ang mga bubuyog at mga kitikiti. Nakakita lang ng mga gwapo kala mo naman ikakayaman nila. Napa tskk nalang siya. Hanggang sa tawagin na siya ni bakla para dahil iseserve ko na daw ang dessert. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan. Napapamura siya sa isip niya. Habang papalapit siya sa pwesto ng boss niya naririnig na niya ang kaingayan ng mga ito. Ang ingay din pala ni boss. Sa isip isip niya. "Excuse me mga sirs, ito na po ang mga dessert niyo."agaw pansin ni Charmy sa mga maiingay na mga lalaki. Halos lahat sila napatingin sa gawi niya. Napatigil naman siya sa paglalapag ng mga desserts sa lamesa nila at bigla siyang naasiwa sa paraan ng pagkakatitig nila sa kanya. Bigla siyang nahiya. Tumikhim ang boss niya para maagaw ang pansin ng mga kaibigan niya. "Cham right?" Sabi ng boss niya. "Charmy po sir, mga ate ko lang ang tumatawag Cham sakin." ngiti niya sa boss niya. "It's sounds like cham'pagne." malokong Sabi ni Daven. Nahiya siyang yumoko ng ulo. s**t! Nagblush pa yata ako. sita niya sa sarili. Nagtawanan naman ang iba. "Shut up Daven huwag mong landiin ang empleyado ko!" "Is this a new dessert?" tanong nito. "Yes po sir, hope you like it po sir." kimi niyang sabi. Bigla siyang napatingin sa kabilang side ng upuan at ganun nalang ang pagkabigla niya ng magtama ang mga mata nila ni Gray na kanina pa pala nakatingin sa kaniya. Napatulala nalang siya sa nakikita alam niyang ito yung nakasama niya sa bus. Hanggang ngayon kasi tangdang tanda pa niya ang mukha nito. Naipapanalangin pa niya minsan na sana magcross ang landas nilang dalawa. Naramdaman niyang sumaya at bumilis ang t***k ng puso niya. Nagulat pa siya ng may nagtikhiman sa paligid niya. Bigla naman nagising ang diwa niya sa pagkakatulala. Pinamulahan pa ang mukha niya sa hiya. "Nakakahiya ka Cham."sita niya sa sarili niya. "Ang intense!"sabi ng isang lalaki habang nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Gray. "Magkakilala kayo?" tanong naman ng lalaking mayhikaw sa tainga. "Hindi po sir."agad niyang sagot. "Weeeeeeh?" sabay sabay na sabi ng mga kasamahan ng lalaking nakatitigan niya. "Ang haba naman yan mga sirs." singit niya sa mga ito. "Sige na mga sirs balik trabaho na po ako mahirap ng masisante ni sir Axer. Marami pa naman akong pinapakain sa kalye. Natawa naman sila sa sinabi niya. "Don't mind your boss. Mas mahalaga itong itatanong namin sayo?"chismosong sabi ni Radeon. "Naku sir ano 'to hot seat po? Hindi ako nainform sa kusina na pag bagong serve na dessert may question and answer pala? Para sana nakatanggi ako kanina."Mahaba niyang lintiya sa mga ito. Nawala na ang pagkailang at hiya niya sa mga ito. Sa particular na lalaki lang naman siya naiilang. Ramdam parin niyang kanina pa nakatitig sa kaniya. Lihim siyang kinikilig charrr landi mo. Hindi nila mapigilan matawa sa kadaldalan niya. "I like you." amused na sabi ni Noven. "Shut up Noven, 'wag kang sumingit!"Sabi naman ni Daven. "Seriously hindi talaga kayo magkakilala?" pangungulit pa ni Daven. "Bakit ba ang kukulit niyo sinabi na nga niyang hindi diba!" pagsusungit ni Gray. "Nako mister kahit pala sa mga kaibigan mo nagsusungit ka din." napatutop siya bigla ng bibig ng balingan siya ni Gray na nakakunot noo. "Naku sir,sige na bawal makipagkwentuhan baka masisante na talaga ako ni sir Axer." pilit siyang ngumiti sa mga ito. Tatalikod na sana siya ng pigilan siya ng mga ito. "Wait miss hindi pa ako nakapagpakilala sayo."nangingiting sabi ni Noven. Tahimik lang ito pero playboy. "Miss may lahi ka ba? I like your eyes,mine is light brown eyes and yours are like emerald color."sabi naman ni Zyndon. I think we're compatible." Sabi pa nito na nagpapacute sa kaniya. "Huyyyy Zyndon tigilan mo siya. Kay Gray yan."sabat naman ni Jakob. Sumimangot naman si Zyndon sa sinabi ni Jakob. "So anong lahi ka? Ang alam ko sa ganyang mga mata is mostly from western Europe country like France Germany Spain UK etc. At may pagka Spanish look ka rin maybe taga doon ang tatay mo or ang nanay mo?" sabi naman ng sir Axer niya. "Waw Spanish talaga?! Pero mga sirs wala po akong ibang lahi. I'm a pure ilocana." ngiti niya sa mga ito. "Baka yung pusang pinaglihihan ni nanay nung pinagbubuntis niya ako ang may ibang lahi mga sirs kaya ganito ang mata ko." mahaba niyang sabi na ikinatawa ng mga kaibigan ni sir Axer. "Your cute." natatawang sabi ni Zyndon. "So,hindi mo talaga siya kilala?"pangungulit naman ni Radeon kay Charmy. "Hindi po, mukha lang niya yung naalala ko sa kaniya. Kasi siya lang naman yung nagpakabibo sa loob ng bus na pareho naming sinakyan noon. Matagal narin naman na yun. At siya din yung nagnakaw ng...."hindi na niya natuloy dahil napa tsk si Gray bigla. Napatingin ulit siya kay Gray. Napatitig nanaman siya sa lalaki at ganun nalang ang bilis ng t***k ng puso na naman niya ng makitang nakatingin na ulit ito sa kaniya. Particular sa labi niya ito nakatingin. "Tsk...bahala kayong matunaw sa isa't isa diyan."Parinig ni sir Axer. "Para magkakilala na kayong dalawa miss si Gray."pakilala naman ni Daven sa kaniya. "Siya si Charmy narinig niyo naman kanina diba.?" singit naman ni Axer. "Ayan pwede na kayong magligawan sa labas mamaya."natatawang sabi ni Jakob. "Mga siraulo!" sabi nalang ni Gray na hindi rin niya akalain na dito pa niya makikita ang matagal na niyang hinahanap. Napatulala pa talaga siya kanina. Bumuntong hininga siya. Sigurado na sasabunin siya mamaya ng mga kaibigan niya. Sa isip isip niya. "Sige na mga sirs baka bawasan na ni sir Axer ang sahod ko nakichika na ako sainyo."natatawa niyang sabi. Iniwasan niyang mapatingin kay Gray baka atakihin na siya sa puso. Hindi siya makapaniwala na makikita pa niya ito sa katagal tagal na paglipas ng mga buwan kaibigan pa siya ng boss niya. "Mag enjoy kayo sa pagkain mga sirs."Sabi niya bago umalis na. Ramdam parin niyang nakatingin sa kaniya si Gray. Naasiwa siya bigla bakit dito pa kasi kami nagkita ulit. Kunwari kapa kinikilig ka naman. tudyo ng isip niya. Kontrabida kang isip ka. Pati sarili inaaway na rin niya. Nababaliw na yata ako. sa isip isip niya. Kaya nagtungo muna siya sa toilet para mahimasmasan at pakalmahin ang sarili bago sumabak ulit sa trabaho. Lumabas siya sa toilet na may ngiti sa mga labi. Dahil syempre nakita ko na ulit siya at mas lalo pa siyang gwapo ngayon. Tama nga yung dalawang babae na nagchismisan dati na mas lalong gwapo nga talaga ito sa malapitan ang gago. Natawa siya dahil ito pala ang kinakikiligan ng mga katrabaho niya. Naku paktay ako nito. bulong niya sa sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD