Chapter eleven
Wala siyang ginawa sa isang linggong rest day kundi ang mag movie marathon hanggang sa magsawa sa panonood, at tatawagan naman niya ang kaniyang pamilya sa probinsya. Subrang namimiss na niya ang kanyang mga magulang at kapatid.
Masaya siya dahil malaki na ang ikinaganda ng buhay ng kaniyang pamilya sa probinsya. Nakapagpatayo na ng sari-saring store si nanay na matagal na niyang pangarap. Malapit na din niyang mabayaran ang hinuhulugan nilang lupain para kay tatay. With honors din ang kambal at isang taon nalang gagraduate na si carlden ng kolihiyo. Tulad niya 2years course lang din ang kinuha niyang kurso na Bachelor of science in agriculture. Magagamit niya ito sa farm nila. Kaya siguro ito ang kurso na kinuha niya. Fighting kaya ko to.
At yung pamamasyal nila sa MOA natuloy na rin sa wakas. Thank you sa one week na bakasyon ko. Natawa pa siya ng maalala ang kalukuhan nila.
Hindi niya alam kung bakit excited siyang pumasok ngayon sa trabaho. Sana may good news akong masasagap na balita ngayon. Napangisi siya.
"Good morning manong." bati niya sa guard at ngumiti siya dito.
"Magandang umaga din sayo."bati din niya pabalik at ngumiti sa kaniya.
Tuloy tuloy siyang pumasok binati niya ang ilan sa katrabaho niya yung hindi niya kaclose dedma lang din siya.
Pagpasok niya sa kusina nakita niya ang kaibigan kaniyang bakla busy na sa pagpeprepared ng gagawin niyang mga desserts.
"Good morning bakla."masayang bati niya dito bago lumapit at naki beso-beso pa.
"Bruha ka anong good sa morning kung nang-iindian ka! At nagbakasyon ka pa ng isang linggo. wow huh! Sana all bruha ka! kunwaring galit niyang sabi.
Natawa siya sa inasta nito sa kaniya. "Mahabang kwento bakla. Basta tuloy parin natin yung sinabi ko sa'yo mamaya ha. Please support me bakla."pacute niyang sabi dito.
"What ever! Huwag ka magpacute hindi bagay sa'yo!"mataray na sabi ng bakla.
"Ito naman nag susungit ang aga-aga. Naku papangit ka niyan."pang aasar niya sa kaibigan.
"Lumayas ka na dito. Magtrabaho kana para sa ekonomiya."pagtataboy niya sa kaniya.
"Basta samahan mo ako mamayang lunch break okay ha."sabay taas baba sa kaniyang mga kilay na kinatawa na ng bakla.
"Lukaret ka talaga!"kunwaring sasabunotan siya nito. Tumakbo naman siya para hindi masabunutan. Natatawa siyang kumaway bago nagtungo sa locker room para magpalit ng uniform niya.
Naabutan niya yung dalawang babae na nakasama niya noong gabing nalock siya sa locker room. Hindi niya pinansin ang mga ito. Diretso lang siya sa locker niya. Nakita pa niyang umirap yung isa. Dedma lang siya.
Palabas na siya ng humarang yung isang babae sa daraanan niya. Dahil ipinangako na niyang hinding hindi na siya magpapaapi kaya tinaasan lang niya ng kilay ang babaeng humarang sa kaniya.
"Ano bang problema mo! May paharang harang ka pang nalalaman!" pagtataray na niya dito.
"See, kunwari mabait nasa loob din pala ang kulo."sagot naman ng isang babae.
"So,dahil akala niyo mabait ako hahayaan ko nalang kayo na api-apihin ako ganun ba ang gusto niyo?!"taas kilay niyang sabi.
"Gusto ko lang tanungin kung bakit ka pa pumasok sa trabaho? Sana hindi ka na lang bumalik! galit niyang sabi sa'kin.
"At bakit?! Ikaw ba ang boss ko para sundin kita? Sabi ni sir Axer sa'kin pwedi akong mag leave ng 1 week. Hindi naman niya sinabi na tanggal na ako sa trabaho."sagot niya.
"Oh so, sumisipsip ka na din pala sa boss natin kaya pala lakas na ng loob mong sagot sagutin ako ngayon!"dinuro duro pa siya nito.
Tinabig niya ang kamay nito. "Wala kang karapatan na duro duruin ako. At wala kang karapatan na pagsabihan ako ng mga ganyan dahil kayo ang sipsip dito!"matapang niyang sagot sa mga ito.
Napatigil lang sila ng nagsipasukan na ang mga ibang crew sa locker room para magpalit ng uniform.
Bago umalis ang dalawa sinamaan muna siya ng tingin sabay sabing "may araw ka din sa'kin."pagbabanta ng babaeng humarang sa kaniya.
Bakit kasi hindi ko makabisado ang mga pangalan nila yung mga kumakausap lang sa kaniya ang alam niya ang pangalan. It's ironic, though, it doesn't matter to her kung hindi niya alam lahat ng name ng kawork mate niya.
"What ever you say. Your just insecure."at nilampasan na niya ang mga ito.
Bumuntong hininga siya bago nagtungo sa kitchen para makialam na naman sa mga hinahanda na nilang lulutuin.
"Hello mga chefs good morning except kay bakla."natatawa niyang sabi.
"Nakuuuu.."gigil na sabi ng bakla sa kaniya.
"Nandito ka na naman para makigulo?"natatawang sabi ng pinaka head chef nila.
"Opo chef Conrad magbibigay na naman ako ng bagong recipe na wala sa menu dito."natatawa niyang sabi. "Medyo may kunting oras pa para makigulo dito. Mamaya rarampa na naman ako kaliwa't kanan walang pahinga."dagdag pa niya.
Natawa naman ito sa sinabi niya.
"Lumayas ka na nga dito sa kusina bruha ka. Sinasapawan mo na naman ang beauty ko. Hala layas,shu shu."Sabi pa ng bakla na parang manok lang na pinapaalis.
Natawa naman ang mga kasamahan nila. "Magandang lalaki ka kaya walang sumasapaw sayo." sagot naman ni Charmy dito.
"Tsinelasin kaya kita gusto mo?"sabay bato sa kaniya ang isang carrot na nahawakan niya dito mabuti nalang at nasalo niya, binalik din niya yun sa bakla na natamaan sa dibdib niya.
"Ouch, ouch."madramang sabi niya sabay higa sa sahig na parang mahihimatay na.
"Bigyan ng tubig yan. Gawing ice bucket at ibuhos sa kaniya."natatawang sabi naman ni chef Glessa.
Yun nga at bumangon na. Tapos nagdadrama na naman ang bakla. Tawa nalang kami ng tawa sa pinagsasabi ng bakla.
Kaya palagi siyang nagpupunta doon sa kitchen dahil masaya at mas palagay niya ng loob ang mga taga kitchen. Tumutulong din siya sa pag huhugas at paglilinis kahit sa pagseserve nalang siya naka assign ngayon.
Pagkatapos nilang kumain diretso agad sila sa CCTV control room para malaman at makita nila kung sino ang salarin sa pagkakalock niya sa locker room at sa iba pang pananabotahe sa pagtapon ng pagkain niya at pag lagay ng suka sa water bottle niya at iba pa.
Hindi lang ito para sa akin,para din ito sa mga ibang crew na na-aapi gaya ko.
Nagkwento na rin siya sa bakla kung ano ang nangyari noong gabi na hindi niya sinipot ito.
"Mga baliw talaga ang mga babae na yan. Kaya pala hintay ako ng hintay tapos sabi ng tatlong babae na nahuling lumabas sa restaurant, nakalabas ka na daw ng locker room. Panay daw kasi ang pindot ko sa phone kaya hindi ko namalayan ang paglabas mo."kwento niya dito.
"Ang sasama nila!"
"Hinarang pa ako ng isang babae kanina sa locker room eh. Pinagbantaan pa niya ako huh!"inis niyang sabi.
"Kaya dapat matigil na ang Kabaliwan nila sa mga gwapong magkakaibigan na yun. Mga obsessed sila kay boss, super gwapo naman kasi plus may sabit pa siyang anim na hot fafa ang yummy nilang lahat. Hayyyy sarap magpayakap sa kanila." sabay yakap sa sariling katawan.
"Kadiring to."kunwari nandidiri siya sa tinuran ng bakla.
Sinamaan siya nito ng tingin sabay hila ng buhok niya. "Ikaw talaga Charmyjin Louise Gerlan ang KJ mo! Wala ka man lang kasupport support sa akin!" sikmat niya sa dalaga. Napangiwi naman siya sa pagbigkas niya sa buong pangalan niya.
"Suportado ako sa lahat huwag lang sa paglalandi mo."Sabi naman niya.
"Ewan ko sa'yo babaita ka! Hindi ko parin talaga alam kung bakit naging kaibigan kita. Naiinis ako, nasasapawan mo ang gandang Filipina ko."pagtataray niya kay Charmy.
"Oh, andito na tayo."maarteng pa niyang sabi.
Nakiusap sila sa nagmomonitor ng mga CCTV surveillance cameras kung pwedi mapanood yung mga old videos.
Sinabi din niya yung mga date para madali nilang mahanap. Habang pina past forward yung mga old videos. Tanong sila ng tanong ng kasama niya.
"Kuya napapanood niyo po ba lahat yan?"tanong niya kasi ang daming mga monitors at naglalakihang mga TV nakapalibot sa kwarto na yun. Ang ganda din sa loob. Namamanghang inilibot pa ang paningin sa loob ng kwarto.
"Actually hindi lahat importante lang lahat nakukuhanan ng camera sa lahat ng sulok ng restaurant pati na din sa labas."sagot naman niya.
"Kung ganun 24 hours ba na nakaopen ang mga camera dito?"tanong naman ng baklang si Lester.
"Ah yes, hanggang 12 midnight lang kami dito at hahayaan ng nakabukas lang lahat ng CCTV yun kasi ang bilin ni boss."
Ang daming tanong ni bakla. Nagpapacute pa siya hindi na nahiya. Sa isip isip niya.
Hanggang sa pinapanood na nilang lahat yung mga old videos na nakuhanan ng cctv camera. Tama ang hinala niya isa si Mara sa gumawa ng pagkakatapon ng pagkain niya. Isa din siya sa nakipag kuntiyaba sa pagkakalock niya sa locker room. At kilala nila yung dalawang manyak na lalaki na gumawa ng hindi maganda sa kaniya. Silang apat na magkakaibigan ang may kagagawan lahat.
Sila din pala ang mga gumagawa ng kamalian sa restaurant na ipagdiinan at ipaako sa mga pubreng mga katrabaho nila. Sila ang naaakusahan sa mga kasalanan hindi naman nila ginawa. Kaya pala napilitan ang iba na magresign at yung iba matanggal sa trabaho dahil sa kasamaan ng mga taong ito. Nakaka pang-gigil sa galit ang mga kasamaang ugali nila.
In short silang apat na magkakaibigan ang salot sa loob ng restaurant. Sa kabila ng friendly nilang pakikitungo sa mga customers, ganun din kasama ang ugali nila pag nakatalikod na sila. Mga plastic. Kumuha pa ng mga ebidensya si bakla bago kami nagpasalamat at nagpaalam na sa mga ito.
Malapit ng matapos ang break time nila kaya mabilis na silang nagtungo sa kusina.
"Nakuuuu." gigil na namang sabi ng bakla. "Ipapanuod ko ito sa mga kasamahan natin para alam din nila. Pwede ko din iupload sa youtube chanel ko ng sumikat naman sila. Dagdag kita sa income ko. Pambayad lalaki sa bar."humalakhak pa ito na parang nababaliw na.
"Support mo din ako beshy."maarteng sabi nito. "At pwede pasubscribed na rin ah?. Tsaka ilang million beses ko ng sinasabi sa'yo ah! Nakakaloka." pang gagaya pa niya sa boses ni Kris Aquino.
Natawa siya dito. "Maraming salamat sa pagsama sa akin. Sorry hindi kasi ako mahilig sa social media kasama na ang YouTube. Messenger lang ang meron sa akin pantawag sa pamilya ko sa probinsya. But don't worry my beshybaklabooshe, magsusubcribe ako para sa'yo."taas kilay niyang sabi.
"Umaatittude ka na naman. Nagkahawaan na tayo."sabay silang nagkatawanan.
Pagpasok nila sa loob ng kusina nakita nila yung mga impaktang katrabaho.
"Nakuuuu beshybaklabooshe. Tssskk.. Ang haba talaga ng endearment natin kasing haba ng sungay ng mga malditang mga pangit." parinig ni bakla sa mga babaeng masasama ang ugali. Sabay tawa ng malakas.
Natawa nalang din siya sabay tingin sa mga babae na ngayon masama na ang tingin sa kanila. Tinaasan lang niya ang mga ito ng kilay.
"Go back to work na bakla. Hintayin kita mamaya bakla. Bantayan Kita sa labas ng locker room at baka ilock na naman nila ang pintuan."parinig pa ni bakla.
"Sige bakla, see you around."kumaway siya dito bago nagtungo sa banyo.
*SALAMAT SA MAKAKABASA SA STORY KO* I CAN'T STOP SAYING IT. PLEASE SUPPORT TOO. :)