Chapter Ten

1597 Words
chapter Ten Gray Kararating niya lang galing ibang bansa dahil isa sa negosyo niya doon nagkaroon ng aberya. Naiinis siya sa mga taong hindi marunong lumaban ng patas. Hindi pa talaga ako masanay sanay sa dirty tactics ng mga gahaman sa negosyo at pera. Lahat gagawin masira lang ang mga laban nila na negosyante. Kaya halos umabot siya ng isang taon doon. Isama pa ang makulit kung kapatid na kinukulit na naman niya akong magrampa sa mga bago niyang design na mga damit. Total naman daw nandito na lang din ako sa New York. Ang ikinaiinis pa niya makakasama niya sa pag rampa ang makulit na babaeng palaging iniireto ng ina niya sa kaniya. Alam niyang matagal ng may gusto sa kaniya ang Kena na 'yon. Kaya laking tuwa nito ng malaman niyang hindi natuloy ang kasal ko sana sa long time girlfriend niya. Ipinangako na niya sa sarili na hinding hindi na siya magmamahal pa. Until i meet the noisy woman in the bus. Simula sa araw na nagtagpo sila sa bus hindi na siya nawala sa sistema ko. Hindi rin niya ako pinatulog ng ilang gabi kakaisip kung saan ko siya mahahagilap. Kahit lang sana pangalan niya ang natanong ko dati. Ilang buwan din siyang naghahanap nagbabasakaling makita ko siya. Nilihim ko pa ito sa mga kaibigan ko. Actually sinadya kong huwag sabihin sa kanila alam ko na ang likaw ng mga bituka ng mga ito. Nakakainis ang kachismosohan nila minsan. Hindi ko nga alam kung bakit ko sila naging kaibigan. Nandito kami lahat sa SINNERCLUB, na pagmamay-ari nilang pito. Ngayon lang ulit sila nakompleto. Busy silang lahat sa hectic na trabaho at sa mga kanya-kanya din problemang kinakaharap nila. "Bakit ang boring ngayon?" wala sa sariling sabi ni zyndon. "Ito itagay mo! Nawawala ka na naman sa sarili mo, panay kape ka kasi."Sabi naman ni Daven. "Huyy pre, wala kang pakialam sa pag kakape ko." agad naman na sansala ni zyndon. "Kaya pala hanggang dito kape parin ang hawak mo."puna naman ni Gray. "Ito na lang kasi ang hindi ako iniiwan."madramang sabi nito na ikinangiwi naman nilang lahat. "Tang'ina naman oh!, Nakakadiri ka. Ang drama mo."pambabara naman ni Axer kay zyndon. "Sigurado ban ka na sa coffee shop na lagi mong pinagtatambayan?"tanong naman ni Radeon. "Paanong hindi siya iba-ban eh, kinukulit yung may-ari ng coffee shop na 'yon."sabat naman ni Jakob. "Ang torpe Kasi eh. Manliligaw na nga lang ginawa pang katatawanan at ang kulit mo pa!"si Axer "Mabuti nalang ban kana."sabay tawa ni gray na ikinatawa na nilang lahat. Hindi nalang nagsalita si zyndon dahil aminado naman siya. Sumimangot lang si zyndon. "Mga kaibigan ko ba kayo? Kunting support naman mga pre." simangot parin niyang sabi. Nang may maalala nagsimula na din siyang mang asar. "Si Radeon nga nakita ko may binigyan ng bulaklak tinanggap naman ng babae. Tapos....." "s**t!"mura agad ni Radeon. Naikinatawa ni zyndon ng malakas. "Tuloy mo zyndon huwag kang mambitin gago!" sabi naman ni Daven. "Ikaw Daven basta chismis excited na excited ka para kang babae. Tangina nito!"asar ng mura ni Radeon. Kantiyawan sila ganito pag may chismis excited lahat makasagap ng balita. Masahol pa sila sa mga babae kung magchismisan. Matatawa ka nalang talaga sa kanila. "Gago 'wag mo kaming bitinin!" sigaw naman ni Axer. "Masakit mabitin pero mas masakit pag hindi nasabi agad ang nasagap na chismis."sabi naman ni jakob habang natatawa parin ito. "Hayaan mo si Radeon diyan. Mag kwento ka na parang wala si Radeon dito. Natatawa na din sabi ni Gray. Alam nilang pikon na pikon na si Radeon pinagkaisahan kasi nila. "Subukan mo!"sabi ni Radeon sabay taas ng kamao nito. "May kamao din kami!"sigaw ni Jakob sabay taas din ang kamao niya na ikinataas din nilang lahat. Hagalpak sila ng tawa. "Tssskk..mga baliw!" sabay pinagbabato niya ng chips ang mga kaibigan. Dahil chismoso sila kinulit nila si zyndon na ipagpatuloy ang naantalang pag kwekwento niya. "'Yon nga binigyan niya ng bulaklak."natatawa siyang ipinagpatuloy ito." Iyong akala ko tatangapin talaga ng babae yong bulaklak pero hindi ihahampas lang pala niya iyon kay Radeon."sabay hagalpak ng tawa. Tumawa na din silang lahat except syempre kay Radeon na nakasimangot at pulang pula na ang mukha sa asar at hiya. "Shut up guys!"Pagalit ng sabi ni Radeon sa kanila. "It's not funny!"seryoso pa niyang sabi. "Bawal ang pikon." natatawa paring sabi ni Daven "Sorry bro,but that's epics."si Jakob "And it's funny."si gray "Who's that lucky girl zyndon?"si Noven na taga tawa lang nagsalita din sa wakas. "It's his ex-girlfriend."sagot ni zyndon. "We haven't break up yet, we're in the complicated relationships, right now! So hindi ko siya ex!" sansala naman agad ni Radeon na nakasimangot sabay lagok sa beer na hawak niya. "Kaya 'wag kang gumawa ng fake news dito zyndon!"sabay tingin dito ng masama. "Easy bro, I'm just guessing it."natatawang pakli nito. "Ikaw Gray kumusta yung nagpapangiti sayo nahanap mo na ba?"biglang singit naman ni Noven. "Mas magandang taga tawa ka nalang Noven kisa magsalita ka pa. You have a dangerous mouth!" agad na sabi naman ni Gray. "And we have another one!" sigaw na naman ni Axer. "Tsk..wala kayong makukuhang sagot sakin." balewalang sabi naman ni Gray. "That's unfair!"reklamo nila. "Anong unfair pag untugin ko pa kayong anim eh!" sabi naman niya. "Hanggang ngayon wala ka pa sinabi sa amin. We know ipinapahanap mo siya."sabi naman ni Jakob. Curious na tuloy silang lahat. Certified chismoso talaga ang mga gonggong na ito. Iiling iling niyang bulong. "No results." baliwalang sabi niya sabay kibit balikat. Kasabay nun ang pagtunog ng cellphone ni Axer. Nagtaka siya kung bakit hindi niya sinasagot ang tawag. "Huyyyy sagutin mo baka importante yan. Hindi tatawag ang security guard kung walang importante na sasabihin."sabi ni Gray. Dahil mga chismoso kami nakinig kami sa usapan ng dalawa. Nagulat kami sa sinabi ng guard may ikinulong daw sa locker room at pinasok ng dalawang lalaking nakamaskara ang locker room na muntikan ng magahasa ang isang empleyado ni Axer sa restaurant niya sa Makati. "I'll be there."agad tumayo ito. "Pasensya na babalik agad ako dito."sabi niya sa mga ito. "Anong problema?" tanong ni gray. "We can go with you?." sabi naman ni Daven. "No need, it's just a minor problem."tanggi niya sa mga ito. Ayaw lang kasi niyang makakuha sila ng attention. Dahil serious matter ang nangyari ayaw niyang magka bad record ang restaurant niya for the first time simula ng maipatayo ito. Napabuntong hininga siya bago agad nagpaalam sa mga ito. Knowing Axer ayaw niyang nai-involved kami sa problema niya sa lahat ng negosyong minamanage niya. Pag alis ni Axer siya naman ang kinukulit nila. "Mga sira ulo." iling niyang sabi. Pagkapasok nila sa apartment agad kumuha ng tubig si Sese para painumin siya at mahimasmasan. Nagsimula na silang mag usisa. "Paanong na lock ka sa locker room?"tanong ni Pea. "Hindi ko din alam ate. Tapos na akong nagbihis may kasama pa naman ako that time, pagkakuha ko sa bag ko wala na yung mga kasama ko. Narinig ko nalang nagsara yung pintuan. Ipinagkibit balikat ko nalang 'yon. Kasi bumalik ako sa locker ko para kunin yung ibang gamit ko,naalala ko kasi day off ko bukas. At yun nga lalabas na sana ako ng hindi ko na mabuksan yung pintuan." salaysay niya sa mga ito. "Sino sa tingin mo ang may gawa niyan sa'yo?"tanong naman ni Kenjalyn. "Hindi ko po alam. Marami naman pong may ayaw sa akin na katrabaho ko eh. Kaya hindi ko sure kung sino sa kanila." Pero sa isip niya may alam na siya kung sino gusto lang niya ng ebidensya para mapatunayan niya ang kutob niya. "Tinanong ka ng boss mo. Bakit gusto mo pang ipagpatuloy ang trabaho mo doon kung muntikan ka ng magahasa.?!" May galit sa tuno na sabi ni ate Sese. Hindi siya sure kung may galit siya sa boss niya o galit sa nangyari sa kaniya. "May kailangan pa akong patunayan. Hindi ako pweding basta nalang umalis sa trabaho na yon." May determinasyong sabi niya sa mga ate niya. Papakita ko sa kanila kung gaano ako kasama. I'm done for being kind and silent. Galit niyang sabi sa isip niya. "Next time mag-iingat ka na ha! Nag alala talaga kami noong nalaman naming muntikan ka ng magahasa."hinaplos haplos pa ni Kenjalyn ang buhok niya. "Tignan mo nga dahil sa Taranta namin naka pajamas pa kaming sumugud doon sa restaurant." tumayo pa si pea at umikot sa harapan nila. Natawa nalang kami sa ginawa ni Pea. "Maraming salamat po talaga sa inyo mga ate. It's really means so much to me. Tinuring niyo pa akong kapatid niyo. And I'm so blessed and happy na nameet ko kayong tatlo mga ate ko." maluha luha niyang sabi sa mga ito. Lumapit naman ang tatlo at niyakap siya ng mahigpit. "All for one, and One for all, we are Four Musketeers!"sigaw pa ng tatlo na ikinatawa na din niya. Parang bigla din nawala ang takot at kabang nararamdaman niya kanina pa. "Para na tayong mga baliw."natatawang sabi ni Sese. Nakita na rin sila. "We love you Cham-Cham."Sabi ni Pea. "I love you too mga ate ko." madamdamin niyang tugon sa mga ito. I treasure this moment,minsan may tampuhan at pikonan pero nareresulba din naman nila agad. That's the thing i like the most. Mapagpasensya may respeto at may pagmamahal sa isa't isa. Kahit pa sabihin mag kakaiba sila ng personality hindi hadlang yon para hindi nila magustuhan at maging close ang isa't isa. And they know how to respect each other privacy. "paki suportahan po ang gawa ko maraming salamat po sa mga nakakabasa nito. I appreciate it so much.;)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD