Chapter eight
This is it. This is my first day of my work at Ferrer Restaurant. Hindi ko akalain ganito ka luxurious,class and elegant ang restaurant na pagtatrabahuan ko. Napakarelax ang ambience nito. The good thing is malapit ito sa apartment ko. Isang sakay lang ito magmula sa apartment.
"I can do it." pag papalakas niya sa sarili.
Alas nuwebe ang pasok niya kaya sure siyang hindi malelate dahil excited siyang pumasok sa trabaho maaga palang nasa Ferrer restaurant na siya. Kaya nagtambay nalang muna siya sa malapit na coffee shop.
Nasa apat silang bago na inorient ng pinaka head manager nila. Mukha itong estrikta pero ayos lang naman kahit tipid ngumiti sa akin.
One month all around ang trabaho nilang apat. Waitress, taga hugas, taga linis ng lamesa, taga tapon ng mga basura at iba pa. Sila din ang mahuhuling uuwi dahil kailangan malinis ang kusina bago sila umuwi lahat.
"Hi.."bati niya sa mga kasamahan niya. Ngumiti lang sila sa kaniya
Nailang siya bigla. Mukhang mahihirapan akong pakisamahan sila..sa loob-loob niya. Bigla naman niya naalala ang bilin ng mga ate niya..Sabi ni ate Pea sa akin. "You don't have to please everyone"..at si ate Kenjalyn naman "just do your best" and lastly "You need to be tough,to be patience and be kind. Will the important is that you need to be work hard. I know you can do it."pag papalakas pa sa akin ng loob ni ate Sese.
Kaya kahit ilang man siya'y pinilit parin niyang makisama sa unang sabak niya sa trabaho.
Maghapon silang busy lahat dahil sa dami ng mga taong kumakain dito. Late na rin siya kumain ng lunch. Nagbaon siya ng pagkain niya kahit sabihin pang libre ang pagkain dito.
Tahimik siyang kumakain mag-isa sa kainan ng mga staff ng lumapit ang dalawang Chefs sa kaniya para sabayan siyang kumain.
"Hello po kuya,ate" bati niya sa dalawang Chefs "kain po"kimi niyang ngiti sa mga ito.
"Bakit mag isa ka lang kumakain? tanong ni chef Susana.
"Ahm, subrang dami po kasi ng tao kanina kaya tumulong muna ako bago maglunch."paliwanag niya.
"Pero may mga time ang breaktime niyo. Marami kayong waitress kung breaktime mo na magpahinga kana. Huwag mo sagarin ang sarili mo. Lalo na all around ang trabaho mo." paalala naman ni chefs Gilmor.
"Opo salamat." ngiti niya sa mga ito.
"Ano nga ulit ang pangalan mo hija."
"Charmy po chefs Susana"
"Kay gandang pangalan, kasing ganda ng mga mata mo."magiliw nitong sabi sa kaniya.
"Sayang lang at wala akong anak na lalaki. Irereto pa naman sana kita." sabat naman ni chef Gilmor.
Natawa naman siya sa sinabi nito.
Kahit papaano nawala ng kunti ang pagkailang niya.
"Hindi po ba kayo natatakot sa mga mata ko.?"wala sa sariling tanong niya sa mga ito.
Bigla naman napatingin ang dalawang Chefs sa kaniya.
"Bakit mo natanong niyan hija. Ang gaganda ng mga mata mo. May ibang lahi ka ba?" tanong nito "Hindi ko din alam kung bakit dito ka nag apply ng trabaho. Hindi bagay sa'yo ang trabaho mo,mas bagay sa'yo ang maging artista o model."dagdag pa nito.
"Ay nako naman po. Wala po akong ka talent-talent." nahihiya niyang tanggi. "At saka wala po akong ibang lahi chef."ngiti pa niya sa kanila.
Natawa naman sila sa sinabi ni Charmy.
"Nako pahumble ka pa"biro ni chef Gilmor.
"At saka iba makatingin ang mga lalaking kasamahan natin dito sa trabaho. Napansin ko lang naman kaninang umaga."
"Kelan ka pa naging observant Gilmor." biro naman ni chef Susana.
"Kaninang umaga lang" sagot naman niya na ikinatawa naming tatlo.
"Oh,Mara kumain kana ba?" tanong ni chef Susana.
Dedma lang siyang nilagpasan silang tatlo. Napansin ko pang inirapan niya ako. "Huh!.Ano kaya ang problema niya sa akin."mahina niyang sabi.
"Masanay kana sa ugali ng isang yan,siya ang pinaka maldita sa lahat ng crew dito. Huwag mo nalang pansinin."baliwalang sabi naman ni chef Gilmor.
"Pero hindi man lang po siya sumagot kay chef Susana"Sabi ko
"Nako sanay na kami sa ugali niya. Feeling ko siya ang dahilan kung bakit madalas magresign ang mga baguhan na crew. Ewan ko ba kung bakit walang sumisita sa kaniya. Ang katuwiran naman ng manager marami naman daw aplikante. Give other people a chance daw. Hindi ba nila naiisip na naghirap din silang nag apply, tapos basta nalang matatanggal."naiiling na pahayag ni chef Susana.
Nako 'wag lang ako ang aawayin at sisirain mo hindi kita uurungan!. Kailangan kong mag ingat sa babaeng yun. sa isip isip niya.
Balik ulit sila sa mga trabaho nila. Sa kusina siya na assign maghugas pabor naman yun sa kaniya at madami naman sila. Paminsan minsan kinakausap na rin naman nila ako. Kaya napanatag kaunti ang loob niya.
Busy na siya sa pagpupunas ng mga plato at baso ng marinig niya ang usapan ng dalawang crew na pumasok sa kusina.
"Ang gwapo talaga ni Gray"kinikilig pa niyang sabi.
"As in, kahit may pagka suplado nakakadagdag naman yun sa lakas ng dating niya."sabi pa ng isa.
"Ang swerte natin dahil tayo ang nakapagserve ng pagkain niya."masayang sabi naman ng kasama niya. Hindi ko pa alam ang mga pangalan ng mga ito eh.
"Ang gwapo talaga niya lalo na sa malapitan."nagday dream pa ito.
"Agree ako diyan"sabay nagtitili pa silang dalawa sa kilig. Naiiling nalang ako sa inasta nila. At kunwari hindi ko sila naririnig. Pero nacurious din ako na tignan ang lalaking yun."uyyyy curious ka self,bawal ka lumandi" kastigo niya sa sarili.
"Diba Modelo din siya?."
"Oo, ang alam ko sa gawa lang ng kapatid niya,siya nagmomodel kahit daw madami siya offer local and abroad dinideclined daw niya."kwento pa ng isa.
"Wow memosa lang." natatawang pakli ng kasama nito.
"Siyempre crush ko nga kasi siya kaya todo research ako. At saka naibabalita naman siya sa TV minsan eh. Lalo na pag may mga babaeng nalilink at dini-date niya....hayyyy sana all na lang talaga best"naka nguso niyang sabi na ikinatawa ng kasama niya sa inasta nito.
"Nagchichismisan na naman kayong dalawa dis oras ng trabaho!"sita ng supervisor nila. Nagulat naman ang dalawa at agad lumabas ng kusina. Patay malisya lang din siya kahit nakikinig sa chismisan ng dalawa.
Nakakapagud pero kakayanin ko. Normal lang naman sa trabaho ang mapagud. Mag sisipag pa ako lalo para mabawasan ang trabaho ko. bulong niya sa isip niya.
Alas onse na ng gabi siya nakauwi ng apartment niya. At subrang pagud na pagud siya sa maghapon walang katapusan na paghuhugas. Ganoon ba talaga kadaming kumakain doon. No doubt naman kasi,sa ambience ng restaurant nakakarelax na. Maganda talaga ang restaurant plus friendly crews
except sa nag ngangalang Mara. Naiiling siya pagka alala sa maghapon pagsisimangot at pag iirap niya sa akin.
Dedmabels nalang din ako. Mas maganda naman kasi ako sa Mara na yun.Napangiti pa siya.
At siyempre pinaka the best yung mga masasarap na luto ng mga chefs nila. Lahat kasi ng klasing pagkain nandoon na, marami ka talagang choices. Especially pang international ang mga foods na siniserve namin. May western cuisine food like, American, Spanish, French, Italian, etcetera. There are also have Japanese cuisine, Chinese, Korean and also Thai food. But of course hindi nawawala ang Filipino food na mas priority ng mga chefs.
And the desserts. Mapapawow ka nalang talaga. Gusto ko din maging customer doon someday. I sigh kasi malabo yun mangyari. Sa subrang sarap ng mga pagkain, ganoon din ka subrang mahal
ang mga presyo.
Kaya dinarayo ng mga tao ang restaurant especially yung mga mayayaman at mga foreigner na nasa pilipinas.
"Oh nandiyan kana pala."bungad ni ate Kenjalyn sa kaniya pagkalabas niya ng kwarto nito.
"Opo ate kararating ko lang po. Nakakapagud." nag-inat pa siya ng katawan at itinaas pa ang mga kamay sa ire..
"Kumain ka na ba?. May natira pa naman na pagkain doon." tanong ni Kenjalyn.
"Huwag na ate, kumain na ako doon bago po umuwi."ngiti niya dito.
"Magpahinga kana at gabi na. Bukas sasabak ka na naman sa mag hapong hugasan."natatawang nitong sabi.
"Kaya nga ate,tskkk kaya ko to." Pinakita pa ang muscle sa kaniya na ikinatawa naman nito.
"Bakit pala gising ka pa ate. Diba subrang aga pasok mo sa work."tanong niya dito." Sila ate Sese at ate Pea tulog na po ba sila ate?"dagdag pa niyang tanong.
"OO mga paguda din gaya mo. Hindi kana daw nila mahintay kaya nauna na silang natulog."ngumiti siya. " At saka matutulog na din sana ako ng marinig kong may nagbukas ng pintuan. Kaya lumabas ako para icheck kung ikaw na ba yung umuwi."paliwanag pa nito.
"Kumusta ang first day ng work mo?"tanong pa nito.
Ngumuso siya dito."Ayon okay lang naman po kaya lang naiilang ako sa tingin nilang palihim sa akin. May kumakausap naman sa akin pero ilag parin sila ng kaunti. May umiirap pa nga eh." sumbong niya dito and she sigh.
"Okay lang yan Cham ang importante gawin mong maayos ang trabaho mo. Hayaan mo sila. Paano naman kasi ang ganda ganda mong waitress." pagpapalakas ng loob niya at ngumiti siya sa akin.
"Sige na kumilos na. Maglinis kana ng katawan mo at matulog na subrang gabi na."pagtataboy nito sa kaniya bago nagtungo sa banyo.
"Opo ate goodnight po" sabi nalang niya at pumasok na siya sa sariling kwarto.
"Goodnight too Cham." pahabol din niyang sabi sa kaniya. Ngumiti siya bago tuluyang pumasok na sa kwarto niya..
"I can't stop saying THANK YOU SO MUCH SA MGA MAKAKABASA NG STORY KO. :)