Chapter Thirty four

1990 Words
Chapter Thirty Four Mag dalawang buwan na sila dito sa Isla. Habang tumatagal sila sa islang ito palalim naman ng palalim din ang nararamdaman niyang pagmamahal sa lalaking ito. Paanong hindi ko mamahalin ng sobra eh, napakabait, napaka-lambing, napaka-asikaso at napaka-gentleman na tao. Gusto kong sabihin na Mahal ko na siya. Wala naman sigurong masama sa pag amin ko. Ang importante lang sa'kin ay masabi ko kay Gray, ang nararamdaman ko. Gusto kong malaman na niya kesa tinatago ko pa. Mabigat sa dibdib. Hay...ang hirap magmahal sa taong manhid, mapang asar na tao at minsan palabiro at nakakainis. Seseryosohin kaya nito kapag inamin ko sa kanya na mahal ko siya? Sana naman wag ako mabigo. Sa loob-loob niya. Ilang araw na lang kami dito at babalik na kami sa kanya-kanya naming trabaho. Salamat at kahit matagal akong nawala sa trabaho ay may madadatnan parin akong trabaho. Salamat sa mabait kong Boss. Nandito kami ngayon sa labas sa gilid ng pools nakaupo at nag-memeryenda. "How's your feeling now?"tanong ni Gray sa'kin. "Maayos naman masaya Ako na kasama kita palage."sagot ko agad. "Cheesey."bungisngis nito. "Wala ka na bang nightmare. O, takot na nararamdaman diyan sa puso mo?"tanong pa niya. Umiling siya. "Sa totoo lang nakatulong ang pag stay nating dalawa dito. Salamat sa tulong mo na makalimot sa trauma na nangyari satin noon."madamdamin niyang sabi sa binata. "Good to hear that. Basta para sa'yo gagawin ko lahat ng ikakabuti mo."nakangiting sabi nito. Kaya napangiti na din ako. Kahit sa pagngiti lang nito nakaka-inlove na. Walang hindi nakakain-love sa mokong na lalaking ito. Kahit sa paraan ng pang aasar at pang iinis nito sa'kin, nakakapangilabot at napapa-blush Ako sa sobrang gigil saknya. Pumangalumbaba siya at tumingin sa binata na ngayon ay nakatitig na sakin. Kaya ngumiti Ako agad saknya. May sinabi ito na hindi ko naintindihan. Pinapaulit ko pero ayaw na niyang ulitin kaya sumimangot Ako. "Sobrang ganda mo."kumikislap ang mga mata nitong nakatitig sakin. "I know, thank you."matamis siyang ngumiti dito. "I love you."bulalas ko pa. Natigilan ako sa sinabi ko pati ito napatigil din. Pero maya't maya humalaklak ito. Mas lalo akong natigilan sa pagtawa nito anong nakakatawa sa sinabi ko? Nakakatawa bang umamin ng nararamdaman? Nagbibiro ba ako e, hindi naman. Pakiramdam ko napahiya Ako sa reaksyon nito. Kaya nagyuko siya ng ulo at kumain na lang. Namula ang buong mukha ko sa pagkapahiya. Ayos lang kung biro man ito saknya o hindi niya paniniwalaan at least nasabi ko ang matagal ko ng tinatago. Huminga siya ng malalim. Sa wakas tumigil na din ito sa pagtawa. Nagulat siya ng lumapit ito sakin at niyakap niya ako mula sa likuran ko. Gusto niyang umiyak pero nagpigil siya. "I don't mean it. I laughed because of your reaction when you said those words. Hindi ko tinawanan ang sinabi mo. Please don't be offended. I'm sorry okay."mahinahon nitong sabi sa'kin. "Ayos lang."mahina kong sabi. "You know, I appreciate it. Thank you."sabay yakap sakin ng mahigpit. Thank you? Yun ang sagot niya sa sinabi ko. Thank you as in salamat! Ibig sabihin hindi niya ako Mahal o baka hindi pa ito nakaget over sa ex-fiancee niya. Baka hindi niya talaga ako gusto. Ginagamit lang niya ako para makalimot. Nalungkot siya. Parang magkapareho kasi ang nararamdaman ko at ang pinaparamdam niya sakin. Baka masyadong assuming lang ang puso't isip ko. Para sabihin kong mahal ako ni Gray. Masyado yata akong delusional. Tumango lang siya. "Excuse me!"kumalas siya sa pagkakayakap nito sa'kin at tumayo para makalayo sa binata. Hindi na niya kasi mapigilan na mapaluha. Habang humahakbang siya palayo sunod-sunod naman ang pagtulo ng mga luha ko sa mga mata ko. Hindi ko pinansin ang pagtawag nito sa'kin. Patakbo na siyang pumasok sa loob ng Bahay at nagkulong sa kwartong nakalaan para sakanya. Padapa siyang nahiga at do'n binuhos lahat ang sakit na Ako lang din ang may gawa. Hindi ko siya sinisisi dahil Ako lang naman ang nag-assume at nagmahal lang din naman Ako. Nakakahiya na tuloy kay Gray, parang wala na akong mukha na maihaharap pa saknya. Tahimik lang siyang umiiyak.. Naramdaman niyang pumasok dito sa kwarto si Gray pero hindi ako gumalaw at patuloy parin na lumuluha. ***** Gray POV Nagulat siya at biglang bumilis ang t***k ng puso niya ng sabihin ng dalaga ang katagang 'iloveyou' sakin. Natawa lang ako dahil sa facial expression ng mukha nito na parang nakakita ng multo. Hindi ko sinasadyang matawa at hindi ko tinawanan ang sinabi nito. Nagulat din ako. Hindi ko maexplain 'yong pakiramdam ko. Suddenly, parang nasa alapaap ako. Kalalaki kong tao pero hindi ko maiwasan na kiligin. Gago ko! Special siya sakin. I like her very much. Masaya akong lage siyang nakikita at nakakasama. Of course I secretly love her. I don't know when and how I started loving her. All I know is I love her so much. Ayaw kong sabihin muna dahil marami pa akong problema. I believe that love can wait as long as we stay together and have a good communication to each other. Ayokong madaliin ang lahat dahil nasa dibdib ko parin ang takot at pangamba na baka one day iiwan lang din niya ako gaya sa unang nakarelasyon ko. Hindi ko kinukumpara at nilalahat pero the traumatic experience with my ex-fiancee is so painful. Sinundan ko siya sa kwarto nito. Dahan-dahan akong pumasok doon at rinig kong umiiyak ito. Na offend ko siguro talaga ito dahil sa pagtawa ko. But I corrected it immediately. Naiiling siya at nakonsensiya sa ginawa niya. She's so brave na pati ang nararamdaman niya sakin ay walang takot nitong inamin at sinabi sakin. I know her history of love niloko siya ng lalaking nobyo nito noon at pinaglaruan ang inosenting puso nito. At involved doon ang pinsan niyang si Nerin. I know, dahil pina-imbestigahan ko ang dalaga sa Lugar nila at sa paaralan kung saan nag-aaral at involved ang pinsan niya ulit sa lahat ng pananabotahe kay Charmy. She is smart and talented. I saw all her achievement na hindi niya nakamtam. Tinago at binigay sa iba ang dapat ay sakanya. I'm so amazed na lahat ng competition sa skul at sa ibang skul siya ang laging nananalo. Kinumpronta ko ang principal sa ginawa nila. Dahil lang pamangkin niya si Nerin kinukonsenti na ang kalokuhan nito. Napailing siya. Simula noong nalaman niya iyon kinausap ko si Mommy na itigil na ang pag sponsor sa lahat ng activities sa paaralan na iyon. At kahit ang mag-donate ay pinatigil ko na din. Nilapitan ko siya at humiga sa tabi niya. Nakadapa siya kaya dumapa na din ako sa tabi niya. "Charmy, Babe...I'm sorry please don't cry."mahina niyang sabi sa dalaga. "Ewan mo muna Ako dito!"sagot nito agad. Bumuntong hininga siya pero hindi siya umalis sa tabi ng dalaga. Mas lumapit pa siya dito at niyakap ito. Napatigil ito sa ginawa ko. Mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit halos daganan ko na siya. "Paano kita iiwan sa ganitong sitwasyon. Ako ang may kasalanan sa pag-iyak mong yan. Na-offend kita sa pag-aakala mong tinatawanan ko ang sinabi mo. Pero mali ka doon, tumawa ako dahil sa reaksyon mo. Your so cute and really shock that time."he explain his side. Need ko na yata ang magconfess sa loob-loob niya. Ginawa nga niya para mapagaan ang dibdib ng dalaga. "Noong nagkita ulit tayo sa pangalawang pagkakataon hindi kana nawala sa isip ko. Malaki ang epekto ng pagkikita nating muli. Until I found myself stalking you, secretly watching you, secretly admire you, and adores you. I let myself to get close to you and I like the feelings when everytime I'm with you. Your the most precious person and the most beautiful woman na nakita at nakilala ko."tumigil muna ako sa pagsasalita at iniisip ko kung aaminin ko na din na Mahal ko ito. "Your very special to me. Gusto ko na lang ay ang makasama ka araw-araw. Kung Ako lang ang masusunod inuwi na kita sa bahay ko. You know, nagulat talaga ako sa pag amin mo. I should be the one who says that first. I really didn't expect that."niyakap niya lalo ito ng mas mahigpit pa kesa kanina. Bumulong Ako sa kanya. Sa lagay kong ito parang nagko-confess na ako ng nararamdaman sa dalaga. She deserve to know para makabawi naman Ako sa kaniya. Bumangon Ako at hinila siya para makabangon din. Napangiti siya dahil parang Bata itong nagtatampo. Ayaw pa sana nito pero pinilit ko na ibangon. Wala itong nagawa kundi ang sumunod sa paghila ko saknya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at ngumiti Ako sa kaniya habang marahan na hinahaplos ko ang pisngi niya. Nagbaling siya ng tingin sa ibang direksyon. Alam kong nahihiya siya. Ang cute sana itong asarin pero nagpigil lang siya. Ngumuso ito at umirap ng bahagyan. Nakatitig lang ako sa kanya na may kislap sa aking mga mata. Hinihintay na magsalita ito. Pero nakatingin lang din siya sakin. Kaya masuyo akong ngumiti sa kanya ulit. "Nagpapacharming ka na naman para kiligin ako!"irap nitong nakanguso. Tumawa lang Ako at kinintalan ng halik sa labi niya. Nagulat naman ito sa ginawa ko. Nahampas niya Ako sa braso. "Huwag ka kasi ngumuso para di kita mahalikan."ngingiti ngiting sabi ko saknya. "Bitawan mo na nga ang mukha ko! Tama na yang kakatitig mo. Wala naman akong mapapala sa pagtitig mo!"simangot niya. Pero ramdam kong naiilang ito. Kunwari'y nagsusungit pero ang totoo nahihiya lang ito. "Your so lovely, kahit nagsusungit ka."masuyo kong sabi. "I...I love you too so much."mapagmahal kung tinitigan ang mukha ng dalaga na gulat na gulat din sa siniwalat ko. "Mahal kita matagal na. Ayoko lang muna sabihin o aminin sa'yo dahil napakarami ko pang problema na kailangan na resulbahin. Lalo na sa negosyo namin at sa paghahanap parin sa pumatay kay Tito ko. And this incident happened again ang gustong pumatay sakin at pati ikaw nadamay. Gusto ko kapag nagconfess Ako sa'yo ay wala na akong mabigat na problemang dinadala."bumuntong hininga Ako at bahagyan na ngumiti sa dalaga na ngayon ay lumuluha na. Masuyo ko itong tinitigan at marahan na hinahaplos ang pisngi nito na may mga luha ng naglandas. "Ayokong madamay ka sa gulo ng buhay ko. Pero dahil sa lagi kitang kasama hindi ko naisip na may posibilidad palang madadamay ka sa gulo ng buhay ko. Ikaw na ngayon ang pina-priority ko sa lahat lalo na ang kaligtasan mo. Ayokong mawala ang tiwala ng parents mo sakin kapag pinabayaan kita."dagdag ko pa. "There are time na gusto kong magconfess sa'yo. Pero naduduwag Ako at natatakot. Kaya instead na magconfess dinadaan ko na lang sa pang iinis at pang aasar ang lahat hanggang sa gustong gusto na kitang asarin."mahina siyang natawa. "I'm sorry. Nabigla lang din ako sa sinabi ko pero totoong m-mahal kita. Siguro hindi ko na kayang itago pa kaya nasabi ko na lang ng wala sa oras ang nararamdaman ko sa'yo. Nakakahiya pero nasabi ko na. Pero mas sobrang nahiya Ako sa sarili ko at sa'yo ng tinawanan mo ako."nagyuko ito ng ulo. "I didn't laugh because of what you said, I laugh because of the expression of your face. Mag kaiba iyon."pagtatama niya. "Kahit na. Nakakahiya parin." "Are you sure, you love me?"tanong ko sa dalaga. Gusto kong makasiguro. Tumango ito na mukhang nahihiya pa. "I want you to say those words again. Please."lambing ko. "Mahal kita.. I Love You."kita ko ang pagmamahal sa mukha ng dalaga. Ang sarap sa pakiramdam parang idinuduyan ang puso ko dahil sa sobrang pagmamahal na nararamdaman ko para sa dalaga. Nilapit ko ang sarili ko sa dalaga at marahan na lumapit Ako sa mukha niya para halikan ito. Napangiti siya ng makitang pumikit ang dalaga na parang hinihintay ang pagsayad ng labi ko sa labi niya. Hindi na Ako nag aksaya pa ng oras at sinunggaban ko agad ang malambot nitong labi na never kong pagsasawaan kahit kailan. Tumugon naman ito agad kaya mas pinagbuti ko pa ang paghahalik sa dalaga. Maalab at mapusok ko itong hinalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD