Chapter Thirty Three

1924 Words
Chapter Thirty Three Isinama ako ni Gray sa kabilang parte ng Isla na ito. Bibisitahin daw nito ang mga tauhan niya at ang pamamalakad nila dito sa Isla. Dati kasi kinukurakot daw ng manager ang mga kinikita ng Isla nilang ito. Kung tutuusin milyon ang pumapasok na Pera kada buwan dito. Nagkwenta siya at halos malula siya sa laki ng pera. Hindi sila lugi kahit mura ang entrance pay ng Isla na ito. Dahil mostly solar ang gamit at generator kapag sa kuryente. At maayos na pangangala ng mga tauhan nila ang Isla na ito. Mga pagkain na binibinta sa restaurant ay fresh from the sea and vegetables garden nila dito din mismo sa Isla. May Manukan pa sila dito na alaga. May forty five day at native na Manok. Suggestions iyon ng mga nakatira sa Isla. Sagana sa lahat. May itlog na din. Para kahit papano sa maintenance na lang ng Isla ang gastusan at mga sahod ng mga tauhan nila dito. Kaya kapag madami daw ang anihan ng gulay at sa itlog ng mga manok na alaga nila dito ay nagpapadala daw sila sa bahay nila gray ng fresh na kulay mga itlog at fresh na mga isda. Nakwento din niya na dito siya minsan kumukuha ng suppliers niya para sa restaurant niya sa Manila. Wala siyang masabi kundi wow...may mga masisipag silang mga trabahador at madiskarte sa buhay..Parang pamilya na din ang turing kasi ng pamilya ni Gray sa mga nakatira dito. Kaya suportado nila lahat kung may suggestions ang mga ito na nakakabuti sa Isla. "Gray, takot ba sila sakin? Grabe kung makatingin sila eh. O, baka sobrang nagagandahan lang sila sakin kaya panay sila ng tingin. Ano sa palagay mo ha?"bulong niya kay Gray. Tumawa naman ito. At umakbay sakin. "Wag mo silang pansinin. Nakakita lang siguro sila ng dyosa sa kadumahan dahil sa ganda ng mga mata mo." "Diyosa sa kadamuhan talaga, Abo?"simangot niya. Napahagikhik naman ang binata. Napakurot na lang siya sa tagiliran nito. Simple lang ang suot nilang dalawa nakashort at tshirts lang with slippers. Sa beach lang naman sila kaya ayos lang iyon. "Ang ganda dito Abo, parang nasa paraiso na tayo. Ang linis ang bango ng hangin ang Ganda sa mata pagmasdan ang mga kapaligiran dito." bulalas niya. "Kaya dito kita dinala dahil alam kung magugustuhan mo at makakarelax ka dito. Sana pagbalik natin sa siyudad fully recovery kana."sabay hapit sakin at halik sa ulo. "Salamat."ngiti niya sa binata. Kahit nakakainis ito minsan at mapang-asar. Mas nananaig parin ang kabutihan ng puso niya. Ang maalaga, malambing at maalalahanin nitong ugali. Arogante at very serious person lang naman siya sa trabaho minsan suplado at masungit pero namamansin din naman sa mga empleyado niya. Kaya lihim ko din itong sobrang hinahangaan. Lihim kong minamahal at iniingatan siya sa puso ko. "Madami din palang mga ibang lahi ang namamasyal dito."sabi niya ng makakita ng ilang mga foreigner sa dalampasigan. "Oo madami lalo na kapag summer. Pero kapag tag-ulan at may bagyo lang ang walang pinapayagan ng magtungo dito sa Isla."sagot naman ni Abo. "Common na iyon ah, tag-ulan at may bagyo tapos magbe-beach sila."sarkastiko niyang sabi habang natatawa. "Meron kahit tag-ulan noon may pumupunta dito para mamasyal. Kita mo naman dito hindi lang sa beach ang dinadayo dito kundi mga pasyalan na din at masarap na mga pagkain. Pero noong muntik ng may madisgrasya sa bangkang sinasakyan nila ay pinagbawal na ng parents ko ang magtungo dito kapag malakas ang alon, tag-ulan at bagyo."kwento ni Abo. "Tara doon. Gusto mong umakyat sa tree house?"tanong ni Gray sa akin. Hindi naman gaanong mataas pero parang ayaw niya. Baka may ahas doon at bigla siyang tuklawin. "Ayoko baka may ahas diyan. Doon na lang tayo pupunta sa floating cottage."siya na ang naghila sa binata na lumapit doon. "May kainan pa pala dito. Pwede kaya tayong kumain dito?"tanong niya kay Gray. Napangiti naman itong tumango. "Oo naman nagugutom kana ba?" "Oo mediyo lang ng naamoy ko yung mabangong pagkain."hagikhik niya na nahihiya. "Tara!"Yaya niya sakin. "Good morning sir, ma'am."bati nila samin. "Halla nandito pala kayo Sir Gray. Ano pong gusto niyong kainin ni ma'am?"magalang na tanong ng taga luto dun. "Bigyan mo na lang kami kuya ng 2set na breakfast meal."sagot ni Gray. "Tara doon sa dulo mas maganda maupo doon."sabi pa nito. Agad naman siyang kumapit na sa braso ng binata. Hindi parin talaga siya sanay na may tumingin at tititig sakin. Naiilang siya. Ilang minuto lang naluto na ang breakfast nila. Kami yata ang inuna nila. Dahil amo nila ang nag order ng pagkain. Masaya na silang dalawa na nag-aalmusal. Panay kalukuhan itong magkwento sa memory nito dito noong kabataan pa nito. Wala siyang ginawa kundi tumawa. Naglibot-libot silang dalawa dito sa Isla hanggang sa mapagod silang dalawa. Ay naupo na muna sila sa buhangin na nasisilungan ng niyog. Nang makita kami ng tauhan nila Gray na katutubo na naninirahan dito ay Inimbitahan niya kami na kumain sa Bahay ng pinaka leader nila dito sa Isla. Pinaunlakan naman namin ni Gray. Mediyo malayo iyon sa main resort ng Isla. Maganda din ang parting ito ng Isla very organized ang mga bahay nila kahit mga Kubo pero napakagandang tignan. "Ang ganda ng mga bahay nila. Kahit ganito lang ang magiging Bahay ko kung mapayapa at masaya ang pamilya ay sapat na sakin."sabi niyang nakangiti na nakatingin sa mga katutubong busy sa pagluluto para sa aming lahat. "Hindi pwede dahil balak kung Isang dosena ang anak natin hindi tayo lahat kasiya sa ganyan na bahay."bulong niya sa akin. "Hoy Abo! Magtigil ka diyan!"agad niyang saway sa binata. Natatawa naman itong umakbay sakin. Wala pa ngang kami anak na agad ang sinasabi nito. Wala pa nga kami label eh. Hindi sila magkandamayaw sa kakalinis sa mga gagamitin naming mga lamesa. May nililinis din silang mga dahon ng saging. Ayaw nila kaming pagalawin dahil bisita daw kami dito. Kaya heto nakaupo lang kami at nanonood sa mga ginagawa nila. Excited na siyang kumain dahil nakikita niya ang mga iniihaw nilang mga isda at gulay. May mga prutas pa. Hinatiran kami dito ng mga prutas at iyon na muna ang kinakain namin ni Gray. Tinatawag ko ang dalawang cute na bata pero nahihiya silang lumapit sa'min. Kaya hinayaan ko na lang. Binigyan ko ng tig-isa silang saging at nakangiti naman nilang kinuha iyon. At masayang kinakain. Napangiti na lang siya sa mga ito. Mayat maya ay tinawag na nila kami ni Gray para kumain. Kamayan ang kainan at lahat andun na sa lamesa na nilatagan Ng dahon ng saging. Kaya wala sa sariling nilabas niya ang cellphone at kinuhanan ng ilang picture ang pagkain. "Ahmm...pwede po kaya magpicture muna tayong lahat para may remembrance po ako sainyo dito. Kung ayos lang po sainyo?"magalang na tanong ni Charmy sa mga katutubo. "Ay sige po ma'am. Wala pong problema sa amin."magalang din na pinaunlakan ako. Kaya napangiti siya. Nag set-up muna siya ng ilang second at sumama na siya sa umpukan sa dulo. "Salamat po."ngiti niyang pasasalamat. Nanalangin pa muna bago kami nagsimulang kumain. Hindi naman ako maarte kaya ayos lang at masasarap ang mga pagkain na nakahaing kaya nagsimula na din siyang kumain. Masaya din ang mga itong kumakain na. At panay pasasalamat nila kay Gray dahil sa mabait ang trato daw nila sa mga katutubong nakatira dito kaya bilang pagtanaw na utang na loob ay pinanatili nilang maganda, malinis at maayos ang Isla. Basta daw may mga suppliers na dumarating dito meron at meron din daw silang natatanggap. Kaya hindi sila nagugutom o nauubusan ng makakain dahil sagana naman daw sila sa isdang nakukuha at mga fresh na gulay at prutas na tanim nila. Hindi daw kagaya sa dating may-ari ng Isla na ito. Inaalipin sila at pinapahirapan sa mga gawain dito. Wala silang magagawa kundi magtrabaho para may makain sila. Kaya laging pasasalamat nila sa pamilya nila Gray dahil sobrang bait daw ng mga ito sa kanila. Mababait naman ang mga ito at magiliw sila sa mga bisita. Maasikaso pa sila samin. Puno ng tawanan ang hapagkainan. Masaya din silang kasama at nakakaaliw sila pagmasdan. Tutulong na sana sila ni Gray ng hindi nila kami hinayaan na tumulong pa. Dahil kaya na daw nila iyon. May binigay pa silang tag Isa kaming buko ni Gray. Napangiti siya. "Busog na busog ako. Ang sarap kumain."bulalas niya. "I know, parang gusto mo pa nga humirit eh!"natatawang sabi ni Gray. "Fresh kasi ang mga pagkain at masarap talaga kumain kapag nagka-kamay." "At lalo na kapag sinusubuan kita. Nakalimutan mo iyong part na iyon."tukso ni Gray sa'kin. "Tsee!" Natatawa naman itong lumapit sakin at umakbay na naman. Maya't maya ay nagpaalam na silang umalis na. Malugod naman nila kaming pinasalamatan sa pagpapaunlak namin na makisalo sa kanila sa hapagkainan. "Maraming salamat din po sainyo sa masarap na pagkain. Bye po."kaway ko sa mga katutubong mababait. Masaya naman ang mga itong kumaway sa'min ni Gray. Hawak ko parin ang buko na bigay nila. Gusto ko kasi kainin ang nasa loob nito. Ipapabiyak ko ito mamaya kay Abo. ***** Kinaumagahan maaga na naman siyang nagtungo sa dagat. Pero this time naka dress siya na may malaking manggas at hanggang talampakan ang haba ng suot nitong dress. Ewan niya kung bakit dinala niya ito dito. Pero magagamit ko naman pala. Sa loob-loob niya. Kung bawal ang swimsuit e'di mag gown. Nagmukha na akong diyosa ng karagatan hindi na dyosa ng kadamuhan. Masaya siyang naglalakad lakad na parang nagpipictorial lang sa gilid ng dagat. Medyo mahangin at ang ganda tignan ang damit niyang nililipad ng hangin. Nang napagod naglakad lakad ay humiga siya sa puting buhangin ninamnam ang lamig ng hangin at ang katamtamang init ng araw. Napapikit siya dahil nasisilaw siya sa araw na tumatama sa mukha niya. Hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya. Ilang minuto lang iyon dahil may biglang yumugyog sa dalawang balikat ko. "Charmy...wake up. Charmy."nag-aalalang boses ang narinig kong gumigising sa'kin. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya si Abo, na subrang nag-aalala sakin. "Bakit?"takang natanong niya. "Are you okay?"tanong nito sabay bangon sakin. "Oo ayos lang ako. Nahiga lang naman ako dito. Hindi ko namalayan na naidlip na pala ako."sagot niya. Napatampal ito sa noo. "Pinakaba mo ako akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo." Tumingin sakin napapantastikohan sa suot ko. Tumayo naman siya at umikot ikot. "Bakit ganyan ang suot mo?"tanong nito. "Ano pa nga ba. Ayaw mo akong magsuot ng swimsuit dito sa dagat e'di mag gown na lang ako para wala ka ng reklamo pa."ingos niya. Napanganga naman ito sa sagot ko. Pagkatapos humalaklak na ito. Ako naman ang napanganga sa pagtawa nito ng malakas. "Anong nakakatawa?"nguso niya. "Nothing."natatawa parin na sabi nito. "Your dress suit you well." "Alam ko. Diyosa na ako ngayon ng karagatan."hagikhik niya. "Diyosa ng buhanginan. Kasing puti ng buhangin ang suot mong damit. Muntik pa akong himatayin sa takot kanina habang nakahiga ka. Akala ko hindi ikaw yan. Pinakaba mo ako."iiling iling na Sabi pa nito. "Hayzt!"nguso niya. "Pwede ng maligo sa dagat?"nakangiti niyang tanong. "Na ganyan ang suot mo?"kunot noo nitong tanong. "Yes bakit bawal din ba?"nguso niya. "Malulunod ka. You can wear simple short that not so heavy and simple t-shirt. Hindi 'yong ganyan, Charmy!"naloloka pa yata ito sakin. "Ang dami mo naman kasing arteng lalaki ka!" "Maliligo tayo mamaya. Come on breakfast is ready."hinila na niya ako papasok sa bahay niya. Kaya wala na siyang nagawa pa. Para na lang siyang Bata na lahat ng gawin niya bawal. Kumain at matulog lang yata ang hindi nito ipinagbabawal sakin eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD