Chapter Thirty Two

1592 Words
Chapter Thirty Two Tumawag muna sila sa parents ko para ipaalam na safe kaming nakarating ni Gray dito sa isla nila sa zambales. May part na public at may private din at iyon ang resthouse at bahay ni Gray. May mga nakatira na din doon. Na hinayaan na lang daw nila dahil nakiusap ang mga ito na wala na silang ibang mapupuntahan. Ang pamilya kasi ni Gray ang nakabili ng Isla na ito noon at may mga nakatira na dito sa isla na mga magpa pamilya daw noon pa. Sampong pamilya iyon. Kaya ang ginawa nila ay ginawa nilang mga trabahador at mga pinagkakatiwalaan na mga tauhan sa islang ito. Mababait naman daw sila. May mga sahod din naman daw sila at allowance pa. Ang gusto lang naman ng parents ni Gray ay mapanatiling malinis ang kapaligiran at safe lahat ng mga dayo na mamasyal dito. Mura lang ang entrance pay kapag may mga gustong mamasyal dito. Kaya kahit daw hindi summer marami ang dayo na nagpupunta dito. Ang mga anak din ng mga naninirahan dito ay scholar pa ng parents ni Gray, sa bayan ng zambales. Sila na din daw ang nagprovide sa mga matutuluyan nila sa bayan. Ang kagandahan daw sa mga nakatira dito ay masisipag sila at laging may fresh na mga isda mga tahong, talaba lahat na ng klase ng lamang loob sa dagat na hinuhuli ng mga trabahador nila. Para daw fresh palagi ang kakainin ng mga dayo kapag may mamasyal dito. Ang mga kababaihan na Asawa naman ng mangingisda naman ay may malawak na taniman silang inaalagaan na mga gulay. May mga tanim din daw Ang mga ito na mga mangga at saging mas madami ang mga puno ng kahoy na tanim nila simula noon. Para daw proteksyon iyon ng isla. Kaya napakibangan ngayon at ginawang mga tree cottage. Na Isang atraksyon dito sa isla nila. Aside sa may pinatayong hotel na pwedeng mag stay night dito meron din floating cottage na gustong gusto ng mga dayuan na mag stay dito. Bagong gawa lang daw ang mga iyon na nagaya daw nila iyon sa Maldives although may mga ganito na din dito sa Pilipinas. Gumawa din sila ng ibang version nila ng Floating cottage. Ang galing dahil maraming magagandang pasyalan dito. Heto nga at nasa tabing dagat na ako. Iniwan ko si Gray sa loob na nagluluto ng agahan namin. Nagagalaw na kasi nito ang Isang kamay kaya hindi na ito nagpatulong pa sa caretaker nila. Nakasuot siya ng One piece na swimsuit. Sabi ni Gray private naman dito at mahigpit na ipinagbabawal na pumasok dito kaya safe siya. Masaya siyang naglalaro sa dagat na parang Bata. Nasa kalagitnaan na siya ng paggawa ng sand castle ng dumating si Gray. Masaya ko itong kinawayan. Pero seryoso itong nakatingin sakin. Anong problema nito. Ngumuso siya. "What the fvck you wearing!"inis nitong sabi sa'kin. Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin naman ako sa suot ko. Wala namang mali sa suot ko. Hindi naman masyadong kita ang dibdib ko. Sakto lang naman ang one piece na suot ko. Tumayo na ako sa harapan niya at namewang. "Anong mali sa suot ko? Sexy naman ako diba?"umikot pa ako sa harapan nito na nakangiti. "Fvck!"mura na naman nito. Simangot na siya. "Anong problema? Hindi ko ba bagay?" "Hindi ka pwedeng magsuot ng ganyan dito!"mariin nitong sabi. Kumunot ang noo ko. "Bakit dagat ito dapat lang na ganito isuot ko at private kamo, so it means na walang makakakita sa'kin at kahit meron man madami namang nakaswimsuit sa beach ah. Ang KJ mo Abo!"maktol niya. "You can swim in the pool in my house. Wag dito dahil kahit private ito may mga naliligaw paring mga tao dito. I don't want them to see your naked body."seryoso nitong sabi. "Anong naked pinagsasabi mo! One-piece swimsuit ito at mas better ito kisa sa two-piece!" "Kahit na!" "Gusto ko dito. Kita mo naman na nag-eenjoy ako dito d'ba?"inis na sabi niya. "Pwede naman magshort ka ng maiksi hindi 'yong ganyan."Sabi pa nito ayaw paawat. "Mas gusto ko ng ganito. Ngayon lang ako nagsuot ng ganito ipagbabawal mo pa!"simangot niya. "But not here! Come on, kakain na tayo!"sabi nito at nakita kong hinubad nito ang t-shirt niya na puti at lumapit sakin sabay suot sakin ang damit niyang iyon. Kita ko sa balikat niya ang peklat na sanhi ng pagkakadisgrasya namin noon. "Ang laki pala ng tahi ng sugat mo sa balikat."mahina kung sabi. "Huwag mong tignan at baka makaalala ka na naman ng mga hindi magagandang bagay."inakbayan na niya ako papasok sa bahay niya. Isinuot niya ang bathrobe na nakita niya sa banyo ni Gray. Nakahain na ang mga pagkain sa lamesa. Natakam siya at agad na naupo sa upuan Kahit hindi pa siya nakabihis. Masaya silang kumakain na dalawa ng may tumatawag kay Gray sa labas. Kaya sumaglit lang siya para tignan ang tauhan nitong tumatawag sa kaniya. "Magandang umaga Sir Gray, marami po kaming nahuli ngayon na isda may mga iba't ibang kabibe pa po kaming nakuha baka po gusto niyo Sir?"sabi ng tauhan nito. "Cham, baka gusto mo ng mga ganito halika tignan mo!"sigaw ni Gray sa labas. Kaya agad siyang lumabas ng kusina. "Magandang umaga ma'am!"bati sakin ng tauhan nila Gray na si mang Arsing. "Magandang umaga din po. Ano po ang mga iyan?"tanong niyang nakangiti. "Mga isda ma'am, baka gusto niyo po." "Halla gusto ko ito manong, ar arusip I mean Lato po!"masaya niyang turo sa mga seaweed na parang mga grapes. "Mabuti at nagdala ako nito."Sabi naman ni mang Arsing. Naupo na siya sa harap ng Isang malaking palanggana at Siya na ang nagkuha sa mga gusto niyang kunin doon. Mahilig naman siya sa seafoods kaya ayos lang dahil wala naman siyang allergies. "Manong Arsing, libre po ba ito?"tingala niya sa mediyo may katandaan ng lalaki. Bahagyan naman itong natawa. "Oo naman po ma'am. Ganito po kami palagi kapag dumadating ang mga amo namin dito sa Isla. Kinukuhanan namin sila ng bagong mga isda at kung ano-ano pang meron sa dagat."sagot naman nito agad. Kaya ngumiti siyang tumingin kay Gray. "Pwede damihan ko ang kumuha?"nahihiya niyang tanong kay Gray. "Yeah...Sabi nga ni manong libre yan. Take whatever you want at lulutuin natin mamaya."sabi naman nito. Tumabi naman si Gray sakin at kumuha na din ng mga gusto nito. Marami din ang mga clams na kuha nila may tahong talaba pa. "Iyong iba pong kuha sir diretso na sa restaurant po. Sila na po ang bahala doon."Sabi pa ni manong Arsing. "May tinira ba kayong sainyo, Manong?"tanong naman ni Gray. "Meron po Sir. Mga reject po ang kinuha namin dahil sigurado na ayaw nila sa restaurant iyon. Marami naman iyon kaya ayos lang po."tumango tango naman si Gray. "Manong pwedeng damihan ko po nito."turo niya sa mga clams at Lato. "Ay sige po."natatawa naman na sagot nito. "May kamatis ba tayo sa kusina, Abo?"tanong niya dahil parang walang masyadong stock sa kusina or baka nakatago lang sa malaki niyang refrigerator at sa mga kabinet nito. Sabi kasi nito na kompleto ang laman ng kusina niya dahil sinabihan niya ang caretaker ng bahay na lagyan nila iyon na laman. "Wala yata. Check natin mamaya." "Kapag wala po magdadala na lang po kami dito sir. Maraming bunga iyon tanim na kamatis po sa taniman Ng mga gulay po."Sabad naman ni Mang Arsing. "Sige po Manong salamat." Bubuhatin na sana ni Gray ang mga kinuha nila ng agad na tumulong si Mang Arsing. "Nako, sir ako na po."at agad na dinala sa kusina Ang mga isda at iba pa. "Salamat po Mang Arsing."Sabi niya ng palabas ng kusina. "Walang anoman Sir ma'am. Sige po alis na po ako."yumukod muna ito bago umalis na doon. Agad siyang nagtungo sa kusina at naghugas ng kunting Lato at isinubo agad niya iyon. "Ang sarap!" "Did you wash it!"agad na tanong ni Gray. "Oo."agad din niyang sagot. "Wala tayong kamatis. Tatawag na lang ako sa restaurant para magpadala dito ng mga kamatis."Sabi nito. Tumango naman. Pinagpatuloy na nilang kumain bago hinugasan ang mga isda na uulamin nila sa tanghali at iyong iba ay itatabi na lang muna nila para sa susunod pang mga araw. Nagtulong silang naglinis sa mga isda at ang mga clams at tahong ay itinabi na muna nila hindi na muna hinugasan. Napagkasunduan nilang dalawa na mag-ihaw sila mamayang hapunan. "Abo."Tawag niya dito. "Pwede kaya tayong magtungo sa garden niyo ng gulayan dito. Baka pwede tayo makahingi ng mga gulay?"tanong niya. "Marami diyan sa refrigerator. Tignan mo maya."sagot naman niya. "Okay sige." Nang tapos na sila ay naligo silang dalawa sa pool dito sa gilid ng bahay niya. Maganda ang view dahil sa harap ng dagat ito nakapwesto. Ang ganda dito sana magtagal kami dito. Sa loob-loob niya. Nakakarelax dito. Sana dito na lang ako titira. "Abo, pwede din kayang mamasyal dito ang mga kapatid ko?"tanong niya. "Oo, naman. Kapag holiday nila sa paaralan pwede tayong mamasyal ulit dito kasama sila."nakangiti naman na sagot nito. Nakaupo kami ngayon sa lounge chair. Napagod na sila sa paglangoy kaya nagpahinga na muna sila. "Talaga? Wow, salamat."masaya niyang sabi. Agad naman niya akong niyakap at ninakawan ng halik sa labi. Heto na naman ang lalaking magnanakaw ng halik. Ng hapon din iyon ay nag-ihaw nga sila sa likod bahay nito. Kahit dalawa lang kami masaya naman kami lalo na at maraming kalukuhan na alam ang damuhong ito. Makatawa kaming dalawa akala mo sampo kaming kumakain eh. Masyado na akong na-attach sa binata at sobrang comfortable na ako sa presensiya nito. Label na lang ang kulang samin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD