Chapter Thirty One

2584 Words
Chapter Thirty One Umaga palang nandito na si Gray sa apartment namin. Kahit mamaya pa naman ang alis naming dalawa. Para daw may kasama ako dahil maagang umaalis ang dalawa niyang ate. Wala kasi si ate Sese ngayon dito. May pinuntahan daw ito. Kaya tinignan na niya muna ang mga dadalhin na mga gamit bago niya sinabi sa binata na pwede na silang umalis kung nandito lang din naman silang dalawa na hinihintay ang oras ng pag alis namin. Sumang-ayon naman agad ito. Sa penthouse nito sa building na pagmamay-ari nila Gray sila nagpunta. "Hindi ba nakakahiya sa mga taong makakakita satin diyan na magkasama tayo?"bulong niya. "Kelan ka pa may hiya, Butter?"biro nito sa akin. Nakurot ko tuloy ito sa tagiliran. Humalaklak naman ito. Ayon at nakaagaw na sila ng pansin sa ibang mga empleyado doon. Naka skinny jeans lang siya at crop top na damit. Ayaw pa nga nito na gano'n ang isuot kung damit dahil kita daw ang pusod ko. Hindi ko siya pinakinggan uso kaya itong ganitong damit. Kaya wala na itong nagawa pa. "Makatawa ka naman parang unggoy kalakas tumawa diyan! Kaingay."bulong niya. Natawa na naman ito. "Tumawa ka din naman kasi para may kasama akong tumatawa."sagot naman nito. "Ewan ko sa'yo."simangot niya. "Tara na bakit parang gusto mo pang dumisplay dito sa lobby niyo." Natatawa na naman itong inakbayan ako. "Bakit may paakbay ka pang nalalaman ha?"tanong niya. "Gusto ko lang. Tara na. High blood na naman ang baby ko. May dalaw ka ba palage?"tanong pa nito. "Ikaw lang naman ang dumadalaw palagi ah! Kaya lagi akong high blood!"sagot niya. Humalaklak ito! "Ginawa mo pa akong regla mo."bungisngis ito. "I mean na dalaw is kung palagi ka bang may menstrual dahil lagi kang high blood."tatawa tawang tumingin sakin. Pinamulahan bigla ang mukha ko. Hindi ko iyon agad nagets ah. Siraulo talaga ang lalaking ito. "Your blushing babe!"tudyo pa niya sakin. Nahampas ko tuloy siya sa ulo. "Nag-eenjoy ka na naman na asarin ako 'no?!"taas kilay niyang sabi. "Nag-eenjoy ka din kasi sa pang-aasar ko sa'yo."humagikhik ito na parang Bata. Ang cute niya lang. Nawawala ang pagka dominante at arogante nito kapag gano'n siya tumawa nagiging childish ito tignan. Minsan bipolar na biglang maging sweet, maging seryoso na pala-asar. Childish na maloko..Wow multi-attitude ang mokong. "Tara na nga baka mag-iba pa bigla ang isipan mo dahil napipikon ka na naman sa'kin."iginiya na siya nito sa elevator. May bumabati sa kanilang mga empleyado ngumingiti lang siya. Sumasagot naman pabalik si Abo, sa mga empleyado. Plus one siya sakin. Dahil kahit masungit minsan bumabati din pala pabalik sa mga empleyado nito. 'Yong iba kasi na Boss sa ibang kompanya ay hindi dedma lang at walang pakialam sa pagbati ng mga empleyado nila. Parang sa bugnutin daw na Boss ni ate Jalyn. Umaga palang parang sasabak na sa giyera ang mukha. Mabuti nga at natagalan ni ate Jalyn ang trabaho niya doon. Nang makarating na sila sa penthouse ni Gray, napagala ang paningin niya sa kabuuan ng Sala ng bahay nito. Ang ganda. Ganito ba lahat ang mga mayayaman na tao. Patalbugan ng ganda ang mga condo at penthouse nila. Nakakalula ang aliwalas, ang linis, ang kintab ng sahig pwede na nga akong magsalamin sa kintab nito. At sinubukan nga niyang manalamin sa makintab na sahig. "What are you looking at?"takang tanong ni Gray sa'kin. "Nagsasalamin ako sa sahig. Ang kintab nakakahiyang apakan."sagot niya. Tumawa naman ito. "Silly!" At naglakad na ito palapit sa sofa. Nakita niya itong naghubad ng damit. Tsk! Ibabalandra ba niya ang katawan nito sa'kin. Kaya ko din 'yan ah! Sa loob-loob niya. May tiwala naman ako sa lalaking ito. Na kahit kaming dalawa lang sa kahit saan kami magpunta alam kong hindi ito magti-take advantage sa'kin. Alam kong nirerespeto niya ako. And I'm thankful for him for being a gentleman. Well, kiss and hug are enough even though we don't have a label. Hindi ko naman masasabing mutual kami maybe special someone mas okay pa ito. Pero ramdam ko na may something about us but I don't want to ask at ayaw kong bigyan ito ng meaning. Dahil pakiramdam ko he still recovering sa matagal na panahon dahil sa pagkakawasak sa puso nito. Maybe hanggang ngayon nasasaktan parin ito. Kaya ayaw nito siguro ng commitment. "You want something to drink?"tanong nito. Namaywang pa talaga sa harapan ko na wala ng damit pang itaas. Tinaasan ko siya ng kilay. "Itago mo 'yang katawan mo nakita ko na iyan."irap niya sa binata. Humalaklak naman ito. "Masasanay ka din sa katawan ko. Your free to touch it naman if you want."kindat niya sakin. "Bwesit ka! Anong mapapala ko diyan sa katawan mo aber?!" "I told you? No swearing! Hindi maganda sa mga babae ang nagmumura. Ang kulit mo!"sabay hila na sakin at iginiya siya sa kusina. Pati kusina ang ganda din. Ang elegante tignan pang world class kitchen. Ginastusan siguro nito ito ng malaking halaga. Nakakalula ang ganda. Pinaupo siya sa island countertop. Hindi niya mapigilan na hindi igala ang paningin dahil napakaganda naman kasi talaga. Pang lalaki ang kulay nito. Touch of white, black and gray. Ang nakaka-amaze pa pati mga gamit niya sa kusina all black, gray at white wala ng ibang kulay ang naihalo doon. Baka pati sa kwarto niya gano'n din ang mga kulay, lagi ko kasi itong nakikita sa mga suot niya na tatlong kulay lang ang mga damit din ang kulay. Napaka organized din na tao. Nakakahiyang magkalat baka biglang mapalabas ako dito kapag nagkalat ako. Naupo siya sa stool high chair nito sa countertop napangalumbaba siya sa lamesa habang pinapanood ito. "Naghuhubad ka ba palagi kapag nandito ka lang sa Bahay mo?"tanong niya ng hindi nakatiis. "Yeah. Minsan hubad talaga ako na parang bagong labas na baby. Pero dahil nandito ka. Kailangan kong magsuot kahit pang ibaba ko lang. Mahirap ng magahasa mo ako!"halakhak nito. Binato niya ito ng ubas sa likuran nito. May nilagay kasi itong ubas sa harapan ko kanina para kainin habang nagluluto ito. "Puro ka kalukuhan!"inis niyang sabi. Tatawa tawa lang ito habang nagluluto ng pancakes. "Saan tayo pupunta mamaya?"tanong niya. "Sa langit."pero bigla itong natigilan. Napamura pa nga itong humarap sa'kin. "D'ba takot ka sa matataas? Kaya mo bang sumakay ng helicopter?"alanganin nitong tanong. "H-ha?"sasakay kami ng helicopter? Bigla siyang kinabahan. Makakaya ko kayang sumakay sa helicopter? Tanong niya sa sarili. "Nakalimutan kong takot ka pala sa mga matataas na lugar."nag-isip ito saglit. "Sa Yate? Gusto mong sumakay doon?"tanong pa nito sa dalaga. Hindi niya alam ang sasabihin. Parehong hindi pa naman niya nasubukan na sumakay sa mga iyon eh. "Pero matatagalan tayo kapag sa Yate tayo sasakay kapag helicopter mga three hours mahigit lang ando'n na tayo."Sabi pa nito. "Hindi ko alam ang mas safe. Hindi ko pa kasi pareho nasubukan na sumakay sa mga iyan. Natatakot ako eh."pag amin niya. "Nandito naman ako. Hindi naman kita pababayaan. Nangako ako sa mga magulang mo na hindi kita pababayaan kaya magtiwala ka lang sakin."sagot nito. "May tiwala naman ako sa'yo pero sa sarili ko hindi ko alam. Even the bravest person on earth may kahinaan din ako pa kaya. Pero sige itry ko parin na sumakay sa helicopter hindi naman ako pwedeng maging ganito na lang palage na may kinakatakotan."sagot din niya kay Gray. "That's my girl."ngumiti ito at lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit at dinampian ng halik sa ulo ko. "Tama na. Gusto ko nang kumain ng niluto mo."saway niya sa binata. Dahil biglang nag init ang katawan ng dumikit saknya ang hubad nitong katawan. Gano'n ba talaga ang epekto noon? Nangiti naman itong kinuha na ang niluto nitong pancakes. Kahit hindi pa magaling ang Isa niyang braso ay hindi parin niya ako hinayaan na ako ang magluto madali lang naman daw lutuin ang pancakes. Kaya hinayaan ko siya. Kahit nahihirapan itong igalaw ang isang kamay. Pakitang gilas eh. Butter 'yong nilagay ko sa pancake ko siya naman ay strawberry jam. Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagpresenta na maghugas ayaw pa nito sana pero wala ng nagawa ng sinimulan ko ng naghugas sa pinagkainan namin. Nandito naman siya sa tabi ko nakasandal sa tabi ng sink kung saan ako naghuhugas. Pinapanood ako at nagkwekwento about sa design ng penthouse niya. **** Nag ayos pa sila ng gamit ni Gray, hindi pa pala ito nakaempake ng gamit niya kaya tinulungan ko na itong maglagay sa duffle bag nito. Ako na ang nagtutupi at nilalagay sa loob ng bag nito. Bahagyan pa siyang namula ng ihagis ng binata ang ilang mga boxers niya sa kama sa harapan ko pa talaga. Tinignan ko siya ng masama. "What?" "Sinasadya mo bang ihagis sa harapan ko ang mga underwear mo."simangot niya. "That's boxers baby...not underwear."natatawang sabi naman nito. "Pareho lang iyon damit na panloob. Sa English underwear. Arte nito!"irap niya. Humalaklak ito. "Oo na nga lang. Underwear na sa English."pang aasar nito sa'kin. Umismid lang siya. Pati underwear niya tatlong klaseng kulay lang. Mamahalin pa ang brand. Sosyal naman pati panloob mamahalin. Hanggang so-en lang ako ei. At least maganda ang tela at matibay pa. Abot pa ng ilang years bago maluma. Kaya so-en lang talaga ang mga panty ko. "Oh, napatulala kana sa underwear ko. Maganda ba? Pili kana isa sa'yo na remembrance mo sakin."pilyong sabi nito. Pinamulahan siya ng pisngi. Naibato ko tuloy ang underwear nito sa mukha niya. Tumatawang nasalo naman nito ang boxer na ibinato ko saknya. "Aanhin ko naman 'yan? Mapapakinabangan ko ba?"Nguso niya. Lumapit naman ito sakin at ninakawan ako ng halik sa pisngi. Napaigtad naman siya sa ginawa nito. Kaya sinamaan ko ito ng tingin. Abnormal sa loob-loob niya. "Mapakinabangan mo 'yan. Pwede mong isuot kapag naubusan ka ng underwear."sagot agad nito. "Tsk!"sabi na lang niya. Pinagpatuloy na ang pagtutupi sa mga damit na dadalhin nito. Hindi niya maiwasan na icheck lahat ang mga brand ng damit nito. Kahit sando lang naman ang Mahal naman tatak palang hindi ko na afford. Sa loob-loob niya. "Wala ka na bang nakalimutan? Nandito na ba lahat ng kailangan mo, Abo? Ang gamot mo nasaan wala yata akong nakita dito."Sunod sunod niyang tanong. "Nasa kusina ilagay ko na lang iyon mamaya sa packbag ko." "Okay!"sabay sarado na sa duffle bag nito. "You acting like my caring wife now huh!"biro nito sa'kin. "Ang dami mong napupuna Abo! Para kang babae diyan."sikmat naman niya agad. "Kapag hinayaan kitang mag-isa na mag-ayos ng mga gamit mo at ilagay sa bag mo siguradong aabot ka ng ilang oras dahil Isang kamay mo lang ang gumagalaw. Alangan na-----uhmm."halik sa labi ang nakapagtigil sa pagbubunganga na naman niya. Wala din sa sariling tumugon siya sa halik ni Gray sa kaniya. Langya! mura ng utak niya. "Yan. Sa halik ko lang dapat ka tumugon hindi sa pang-aasar ko sa'yo. Aabot tayo sa umaga kapag hahayaan kitang magdaldal diyan."ngiti niya sakin. "Hindi ko sinabing halikan mo ako.!"inis niyang sabi. "Hindi ko na kailangan na magpaalam pa na hahalikan kita. Gustong gusto mo din naman."aambaan sana niya ito ng suntok ng may nag doorbell. Pero hinampas parin niya ito sa likod ng nauna na itong naglakad pababa ng hagdan. Tatawa tawa lang ito. Para siyang batang natalo ng kalaro. Busangot siyang bumaba ng hagdan patungong Sala. "Ang baby ko nakasimangot. Come here hug ka ni Daddy."pang aasar pa ng binata sakin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Aasarin mo ba ako o hindi tayo matutuloy umalis. Parang mas gusto mo na lang akong asarin maghapon ah!"maktol niya. Hindi kasi siya makaganti dito. "Ito naman parang bata."Hinala niya ako at malambing na niyakap. "Tara na nasa taas na daw 'yong sasakyan nating helicopter. Are you ready. Sure kang kaya mo ha?"nag-aalalang tanong pa ng binata. Bigla siyang kinabahan. Ngayon palang namumutla na siya. Malalim na paghinga ang ginawa niya. Hindi naman siguro ako pababayaan ni Abo. "Hindi ba nakakatakot ang sumakay niyan. Baka mahulog tayo."alanganin niyang sabi. "Nandito naman ako hindi kita pababayaan. Pwede kang pumikit habang nasa himpapawid tayo. Isipin mo na lang na nakasakay ka lang sa tricycle or 'yong hinihila ng kabayo o kalabaw. Relax okay."mahinahon nitong sabi sa akin. "Kakayanin ko kaya? Baka mahimatay ako niyan sa sobrang kaba at takot."kabado niyang sabi. "Yumakap ka lang sakin magiging safe ka na. Ano Tara na ba?" Nauna na ang mga gamit nila at kami na lang ang hinihintay sa rooftop. Lord guide us. Palakasin mo sana ang loob ko na makayanan ang pagsakay ng helicopter. Ikaw na po ang bahala sa amin ni Abo. Safe po sana kami sa aming paglalakbay at sa aming pupuntahan na lugar. Amen. Taimtim niyang panalangin. "Tara na."mahina niyang sabi kay Abo. Nakatitig naman ito sakin na may pag-aalala. "Relax at wag kabahan okay!"sabay yakap ulit sakin. Nakakarami na naman ito ng yakap ah. Pag-akyat nila sa rooftop ando'n na ang ilang mga tauhan nito at dalawang kasama nila sa helicopter. Baka mga pilito ito. "Kaya mo yan. Kasama mo naman ako. Hindi kita pababayaan. Relax."pagpapalakas sakin ni Gray. Nakailang sabi na ito ng relax sakin. Tumango lang siya at humakbang na sila papalapit sa helicopter. Ng nakaupo na sila sa loob. Nag-relax naman siya pero 'yong pakiramdam niya parang nalulula siya. "Ang tapang mo, ang daldal mo, tapos ngayon para kang kuhol na nakatago sa loob kapag ginalaw ka dahil sa takot."kutya ng isipan niya. Pinainom muna niya ako ng tubig. Uminom naman ako at naginhawaan kahit papano ang pakiramdam ko. Napakapit siya ng mahigpit sa kamay ni Gray ng magsimula ng gumalaw at pataas ang helicopter. Kinakabahan siya pero kailangan niyang labanan ang takot at kabang nararamdaman. "Relax. Wag kang matakot. Walang mangyayaring masama sa'yo dito. Kasama mo ako kaya ipikit mo nalang ang mga mata mo kapag ayaw mong tumingin sa himpapawid."marahan nitong haplos sa mga kamay ko. Sinunod ko siya. Umayos ako ng upo at pumikit. Maya't maya dinalaw na siya ng antok na hindi niya namamalayan. Pag-gising niya nasa kama na siya. Kaya napabalikwas siya ng bangon. Agad nilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Napatingin siya sa pintuan ng bumukas iyon bigla. Nakahinga siya ng mabuti ng si Gray ang nakita niya sa pintuan. "Gray."agad niyang sambit. Ngumiti ito sakin kaya wala sa sariling na pangiti na din ako. "Paanong nandito na agad ako sa kwarto nakahiga?"takang tanong niya agad. "Mahimbing ang tulog mo. Actually, naalala mo pinainom kita ng tubig bago tayo pumasok sa loob ng helicopter."tumango naman siya agad. "Nilagyan ko ng gamot pampatulog iyon tubig na inimon mo. Don't worry safe iyon at nagtanong ako sa Tito kong doctor kaya wag lang mabahala." "Kaya pala inantok ako agad."Sabi na lang niya. "Nararamdaman ko kasing sobrang natatakot at kinakabahan ka. At mediyo maputla ka pa. Ayoko naman na mahimatay ka nalang bigla dahil sa takot." "Kinakaya ko nga kanina. Gusto ko din naman na alisin ang takot sa dibdib ko. Kaya lang parang hindi ko pa kaya. Simula kasi noong nahulog ako sa punong mangga do'n na nagsimula ang pagkatakot ko sa mga mataas na lugar."sagot niya at nagyuko ng ulo. "Don't rush things. Ma-over come mo din iyan someday. For now mag-enjoy na muna tayo dito. Ayokong nakikita kang malungkot o sisimangot. Nagmumukha kang matanda."natatawa nitong sabi. "Heto ka na naman, Abo!"sikmat niya. Ang galing talaga nitong ibahin ang mood ng isang tao. Sarap niyang sakalin eh. "Bangon na diyan at kakain na tayo. Nagpaluto ako sa caretaker namin dito. Marami silang inihandang pagkain siguradong gutom ka na. Tara."sabay hila na niya sakin pababa sa kama. Nagpahila na lang din siya at nagugutom na din talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD