Chapter Thirty

2265 Words
Chapter Thirty Tatlong araw ko lang sa hospital at wala akong binayaran na kahit peso. Lahat ng iyon ay ang pinsan ni Gray ang nagbayad pati sa niresita nilang gamot sa akin. Wala namang nabali sa katawan at magaling na siya. Kaya pagkalabas ko ng hospital ay kinabukasan din ay umuwi na ng probinsiya ang mga magulang at mga kapatid niya, dahil may pasok pa ang mga ito at trabaho sa bukid sila Tatay. Pero bago sila lumabas ng hospital ay binisita nila si Gray sa kwarto niya. Nagkataon na wala ang parents niya dun kaya hindi ko sila na meet. Kinamusta siya ng parents ko at mga kapatid. Nahihiya ako dahil sa mga natamo nitong mga injury sa katawan. Pero nakuha pa niya akong ngitian at sinabing ayos lang siya. Kahit hindi naman. Nagpasalamat ang parents ko kay Gray sa pagkakaligtas sakin. Lalabas na din sana ako ng tawagin niya ako. Kaya naiwan na muna ako sa loob. Binigyan naman nila kami ng privacy para makapag usap kaming dalawa. "Bakit?" "Mag-iingat ka sa pag-uwi okay. Magpadala ako ng magbabantay sa'yo sa apartment niyo. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi pa nahuhuli ang nag-ambush sa atin. Kung sino ang nag-utos na gawin satin iyon. Ayaw kong pati ikaw ay madamay. Hindi mo deserve ang makaranas ng ganitong uri ng karahasan. Naiintindihan mo ba ha?!"seryoso nitong sabi sa'kin. "Pero wag sila magpahalata kila Nanay, mas lalo silang mag-alala sakin. Lalo na at hindi nila alam ang totoong nangyari satin. Ang alam nila nadisgrasiya lang tayo." "Okay. Ang pinsan ko na ang bahala. At sana wag kana muna lalabas o aalis ng apartment niyo." "Ayaw mo bang bisitahin kita dito?"tanong ni Charmy. "Gusto siyempre! Magpapakipot pa ba ako."ngisi nito. "Siraulo!" Tumawa lang ito. "Tatawagan kita. Oh, damn! Wala pala akong cellphone. 'Yong cellphone mo nasama ba sa pagsabog sa sasakyan?"tanong ni Gray. "Meron nasa bulsa ko daw. Tinago ni ate Sese. Ewan ko kung gumagana pa iyon."simangot niya. "Nevermind. Basta yung bilin ko sa'yo. It's okay na hindi ka makabisita dito. Importante ang kaligtasan mo." Tumango siya. "Salamat. Magpagaling ka, Abo!"sabay lapit sa higaan ni Gray at hinalikan niya ito sa pisngi. Pero ang bruhong ito hinawakan bigla ang batok ko at hinalikan ako sa labi. "Ahemm...ahemm.."exaggerated na umubo ng taong pumasok sa loob ng kwarto ang narinig niya. Agad siyang kumalas at tumayo ng maayos. Nilingon niya ang umubo at nakita niyang ang pinsan ni Gray at si Radeon ang papasok palang sa loob. Sobra siyang nahiya at pinamulahan ng mukha. Yumuko siya at dali-dali na lumabas sa kwarto ni Gray, hindi na niya pinansin ang mga ito. Nakakainis na lalaki. Nadisgrasiya na lahat-lahat e, nakuha pang humalik. Baliw na lalaki. Sarap niya tirisin. Grrrrr..... **** Isang linggo pa bago nakalabas ng tuluyan si Gray sa hospital. Isang linggo na din siyang nasa bahay lang at iyon ang bilin nito sa akin. Tumatawag na lang ito sakin kapag may pagkakataon. Gumagana pa naman 'yong cellphone ko. Kaya nakisuyo ako sa Boss kong si Axer, na sabihin kay Abo, na gumagana pa ang cellphone ko. Nakahinga siya ng maayos dahil hindi nabura ang masasayang memories nila sa Tagaytay. Kahit na ang ending masamang memory ang kapalit. Pero aaminin niyang isang linggo na siyang laging balisa at nagigising sa hating gabi. Takot na takot at hindi makatulog. Minsan iyon pa ang napapanaginipan niya iyong nangyari sa kanila ni Gray. Minsan nakikitulog ako sa kwarto ng mga ate ko dahil nababangungot parin ako minsan. Nagkatrauma na siya na kunting tunog lang na parang tunog baril ay nagugulat na siya agad. Nagpapanik at natatakot. Lagi niya akong kinukumusta. Kung kumusta pakiramdam ko. May trauma daw ba ako etc..Nata-touch ako sa pag aalala niya sakin. Kahit sa tawag o chat he never failed to annoyed me. Dahil naman doon nawawala at nakakatulong na mawala ang panic attack ko. Nababagot na siya dito sa apartment nila. Minsan mag-isa lang siya at mas lalo ako mababaliw kapag nasa loob lang ako. Natatakot naman akong lumabas at baka ako pala ang pakay ng nag-ambush sakin nadamay lang si Gray. Pero Wala naman ako kaaway ah. Ayoko din manood ng TV dahil noong Isang araw napasigaw siya ng barilan na ang eksena akala niya comedy movie iyon bakit may action. Iyon pala comedy action movie. Hindi niya alam saan siya magtatago. Saan tatakbo hindi niya na isip na patayin ang TV hanggang sa naiba na ulit ang eksena. Doon lang niya nagawang patayin ang TV. Saktong tumawag naman sakin si Gray at napansin nito ang panginginig ng boses ko. Nag-alala ito at nagtanong na ng kung ano-ano. Siya 'yong nakakapagkalma sakin. Kapag naging mahinahon at malambing na ang boses nito gumagaan ang pakiramdam ko. At ngayon mag-isa nanaman ako. Isang buwan na yata akong namalagi dito sa apartment namin at nabuburo na ako dito. Mas lalo talaga akong ma-stress dito sa loob. Naboboring ako. Ayoko naman magbasa at manood ng TV. Bahagyan siyang nagulat ng may kumatok sa pintuan. Hindi niya alam kung bubuksan niya o hindi. Nakatingin lang siya sa pintuan. Nakailang katok na ang tao sa labas. Hanggang sa may tumatawag sa cellphone niya. Agad niyang sinagot ng makitang si Gray iyon. "Hello Gray!" "Hey Chamingming. Nasa labas ako. Wala ka ba sa apartment niyo?"tanong nito. "Sorry, Ikaw pala ang nasa labas. Teka bubuksan ko na ang pinto."sabi niya at agad nagtungo sa pintuan. Hindi na rin niya pinansin ang pagtawag nito sa akin sa palayaw ko na ang kambal kong kapatid lang ang tumatawag sa'kin ng gano'n. Pagkabukas palang niya ng pintuan ay hinila na siya agad ni Gray para yakapin ako. Nabigla ako sa ginawa niya kaya napasubsob ako sa dibdib niya. "Aray naman dahan-dahan naman, Abo!"medyo nasaktan kasi 'yong ilong niya na naitama sa dibdib nito. "Sorry...."natatawang sabi naman nito. "Pasok ka."Sabi na lang niya pero nangingiti rin dahil sa wakas nakita na niya ulit ito. Mababaw lang talaga ang kaligayahan niya. Makita lang niya ito masaya na siya. "Kumusta ka dito. Hindi ka ba nababagot? Are you still having a nightmares?"nag aalalang tanong ni Gray. "Hindi ko maiwasan na matakot at managinip ng kung ano-ano lalo na kapag madilim ang kwarto ko. Kaya lagi nakabukas ang Ilaw kahit sa Gabi. Nababagot na nga ako dito. Ayaw ko naman manood ng kahit ano sa TV dahil may kunting tunog lang ng baril natataranta at natatakot na ako. Mababaliw na yata ako dito sa apartment namin kapag laging ganito mag-isa ako."hindi niya maiwasan na ikwento kay Gray ang nararamdaman niya. Nag-aalala naman itong niyakap ako. "Alam ba ng parents mo ang totoong nangyari satin?"mahinahon nitong tanong. Umiling lang siya. "D'ba nasabi ko na sa'yo noong nasa hospital ka palang na hindi nila alam. Ayokong sabihin dahil ayoko silang mag alala lalo sakin. Lalo na si Nanay." "I'm sorry!"sabay yakap nito sa'kin ulit. "Wala ka naman kasalanan eh. Hindi rin naman natin alam na mangyayari ito. At hindi rin natin alam na may nag aabang na ikakapamahak natin."mahina niyang sabi. "Pero kasalanan ko parin. Hindi mo mararanasan ito kung hindi dahil sakin. Hindi ka magkakatrauma kung hindi sakin. Sa excited kong maipasyal kita sa Tagaytay ganito ang sasapitin natin. Still, I'm sorry, Butter." "Ang importante ligtas na tayo at maayos na ang kalagayan mo." "Nakausap ko pala ang Boss mo. He allowed you to go vacation siya pa mismo ang nag-suggest dahil alam niya ang mga dinanas mo sa engkwentro noong nakaraang buwan. Hintayin lang natin ang mga ate mo para maipag paalam kita sa kanila."natigilan siya at napatingin kay Gray. "Natatakot ako lumabas. Baka maulit muli ang nangyari."umiling iling niyang sabi. "Don't worry. May mga bodyguard naman ako they protect us. Kailangan mong harapin 'yang takot mo. Hindi pwedeng ganito ka nalang habang buhay. I am here, I help and protect you. Wala ka bang tiwala sakin?"mahinahon nitong tanong sakin. Hindi siya nakasagot at natahimik siya. Hindi sa wala siyang tiwala dito. May tiwala ako sa kaniya. Natatakot lang talaga siya. "Pupunta tayo sa Lugar kung saan tayong dalawa lang ang tao. Gusto kong marelax ka at maalis sa isipan mo ang masamang nangyari. Hindi man agad-agad mawawala ang trauma mong iyan. You can slowly overcome it. Trust me, okay."masuyo nitong sabi. Tumango na lang siya. Dahil pakiramdam niya safe na safe siya sa binata. At mas lalong safe siya kapag niyayakap niya ako. What? Bulalas ng utak niya. Nag-utos ito sa bodyguard niya na bumili ng pagkain namin sa tanghalian. Sinamahan talaga niya ako dito. Hihintayin daw niya mga ate ko para hindi ako masyadong maboring at hindi nag-iisa dito. Wala naman kaming ibang ginagawa kundi magkwentuhan ng kung ano-ano. Hindi parin maiwasan na asarin niya ako at mag-bangayan. That way nakakalimutan ko ang takot at pangamba sa isipan ko. Nakayakap ako kay Gray ng hindi niya namamalayan. Comfortable kasi siya sa mga bisig nito. Habang nakaupo sila sa sofa sa Sala ng apartment nila. Habang hinihintay ang pinabili ni Gray na pagkain nila. "Hmm...nawiwili ka ng yakap yakapin ako ha."tudyo ng binata sakniya. Natigilan siya at akmang kakalas na sana sa pagkakayakap pero mahigpit niya akong niyakap pabalik. "Just kidding. You can hug me all you want. My body is all yours. Masarap na nga mabango pa. Saan ka pa!"bungisngis nito. "Ang kapal mo!"sabay hampas sa tyan nito. "Bitawan mo na nga ako."simangot niya. "Ito naman pikon agad. Lumala na yata ang pagkapikon mo ah."mahina pa itong tumawa na parang gustong gusto nito na inisin ako. "Mukha kasing nagrereklamo ka? Pareho naman tayong nagbe-benefits sa yakap ah. Nag-iinarte kana?"sagot naman niya. "No. I loving it."agad na sagot ng binata. Bahagyan na naman siyang nagulat ng may kumatok sa pintuan. "Relax okay."haplos ng binata sa ulo niya. "Stay here. Titignan ko lang kung 'yong bodyguard ko na inutusan kong bumili ng pagkain natin ang kumakatok sa pintuan."tumayo na din ito. Nagtungo na din siya sa kusina para gumawa ng juice na iinumin nilang dalawa. May natirang ulam pa kaninang umaga idagdag na lang para sa tanghalian nila. Lubas siya sa kusina at tinignan si Abo, para tulungan ng magbuhat sa pinabili nitong pagkain namin. Kasasara lang nito ang pinto ng lapitan niya ito. "Ako ng magbuhat niyan baka mabinat ka."sabay kuha kay Gray ang isang plastic na naglalaman ng pagkain na in-order sa labas. Pero inilayo lang niya sakin. "Nah. Magaan lang ito. Gusto mo pati ikaw buhatin ko eh!"ngisi nito. "Huwag muna ako idamay. Kayabang nito! Nag-offer lang ako ng tulong pati ako idadamay na buhatin. Pabida ka na naman, Abo!"nauna na siyang naglakad patungong kusina. Natatawa namang sumunod saknya si Abo. Naglabas na siya ng mga Plato. May kanya-kanya silang mga gamit na nakahiwalay na pang kusina ng mga ate niya. Yung lutuan lang at mga palayok at kaldero lahat kami pwede gumamit noon. Kaya may apat na magkakatabing plastic dish drainer na iba't ibang kulay at style sa gilid iyon ang lagayan nila ng mga Plato, kutsa, baso at iba pa. Although share-share ang food lalo na kapag andito kaming lahat. Pero kapag weekdays kanya-kanyang luto ng baon o pagkain sa umaga. Madalas na magbaon si ate Jalyn at Ate Pea. Si ate Sese bumibili siya ng pagkain niya sa labas. Ako naman hindi na nagbabaon kasi nilulutuan ako ng kaibigan kong bakla sa restaurant na pinapasukan ko. Para daw makatipid ako. Kaya salamat sa baklang iyon kahit madalas kami mag asaran love na love ko ang baklang iyon napakabait niya sakin. Kaya naging bestfriend ko ito. Naipakilala ko na din kay Nanay at Tatay. Tuwang tuwa sila sa kabaklaan nito. Maharot at malandi. Pero magaling siya sa kusina mapa desert man o pagkain ulam kahit anong lutuin niya. Superb. "Akin na mga iyan at ilagay ko na sa mangkok. Hindi mo 'yan kaya dahil lampa ka pa ngayon. I mean... hindi pa magaling 'yang kamay mo." "Gumaganti?"nakangiti nitong tanong. "Hindi 'no! Alam mo naman walang preno ang bunganga ko. Napapatigil lang kapag ino-over take mo ako."simangot niya. Humalaklak naman ito. "Paano hinawaan mo ako sa kadaldalan mo." "Tsk! Mas madaldal ka nga sakin. Para kang babae, ang tsismoso mo pa. Pare-pareho kayong magkakaibigan."ingos niya. "Pero ang kaibahan lang namin hindi kami mahilig mag post sa social media ng mga chismis. We keep it private. Ang mga kababaihan naman maingay na nga sila. Maingay pa sila sa social media. Doon pa sila nagchi-chismisan."iiling iling na natatawang sabi ni Gray. Maybe true and maybe not. Dahil hindi naman siya gaano sa social media eh. Meron naman siya IG at sss. Pero madalas mga pagkain dessert at natures lang ang pinopost niya doon sa acc. niya. Hindi siya mahilig mag scroll sa social media. Mas mahilig siya mag-search sa google ng kung ano-anong klaseng desserts. "Hindi ko alam at hindi naman ako mahilig sa social media."sagot niya agad. "That's good. Huwag mong sanayin ang sarili mo na gumamit ng sobra sa social media, masyadong toxic na ang social media nowadays." "Opo, Tatay Abo! Oh, kain na tayo."Sabi niya at tinulungan na niyang maglagay ng pagkain sa Plato ni Abo. Sanay naman na siya noon pa niya ito ginagawa kapag sabay silang kumakain noon. "Thanks anak!"biro naman niya. Sinamaan ko siya agad ng tingin. Bumungisngis lang ito at sinimulan na nitong kumain. Kaya kumain na lang din siya. Hinintay nga nito sila ate ko para ipagpaalam ako sa mga ito. Natawagan na namin kanina nila Nanay at Tatay. Pinaalalahanan naman nila kami na mag-double ingat at tatawag kami kapag nakarating na kami sa Lugar na sinasabi ni, Abo. Bukas niya ako susunduin. Kaya noong nakausap na niya sila ate ay umuwi na rin ito para daw makapagpahinga na ako ng maaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD