Chapter Twenty Nine

2365 Words
Chapter Twenty Nine **THIRD POV** "What happened to them?"tarantang tanong ni Axer kay Josh. Namukhaan niyang si Charmy ang kasama ni Gray. Napamura siya. "I got a call from him earlier today, sinabi niyang may sasakyan na humahabol sa kanila. Pinapaulanan sila ng putok ng baril ang sasakyan niya. Pauwi na sila that night galing silang Tagaytay at sa short cut daw sila dumaan sa liblib na Lugar dun sa Tagaytay. Doon sila na-corner dahil one way lang ang daanan na yun at wala silang malilikuhan at may nakaabang pa sa unahan nila."Kwento niya sa mga kaibigan ni Gray. Agad nilang ipinasok sa emergency room ang dalawa. Agad na tinawagan ni Josh ang mga magulang ni Gray para ibalita ang nangyari sa anak nila. Pero ang babaeng kasama nito ay hindi niya alam kung saan niya sasabihin para hindi sila mag alala sa babae. "Kumusta naman ang lagay nilang dalawa ng babae? Mabuti at naagapan niyo ang pagliligtas sa kanila."nag-aalala sabi ni Radeon. Saglit itong natigilan. "Pero teka parang kilala ko yung babae ah?!"biglang bulalas pa ni Radeon. Nalungkot bigla si Josh."Pakiramdam ko nahuli kami ng dating kanina. Papalapit palang kami sa destination kanina kung saan sila inaambush ay nakita ko ng nahulog sa bangin ang sasakyan ni Gray. At wala silang tigil sa pagpapaputok ng baril sa sasakyan. Balak talaga nilang hindi buhayin ang mga tao sa loob ng sasakyan."malungkot at puno ng pag-aalala ang tinig at mukha niya habang isinasalaylay ang buong pangyayari kanina. "Sino na naman kayang kaaway nito sa negosyo ang nakabangga niya at nauwi sa pang-aambush sa kaniya. Masyado kasi itong agorante pagdating sa negosyo."iiling iling na sabi ni Jakob. "Iniimbestigahan pa ng mga kasamahan ko ang dahilan ng pang-aambush sa sasakyan ni Gray. Idinulog na din namin sa pulisya ang nangyari. Gagawa daw sila ng paraan para mahuli agad ang mga salarin."Sabi niya. Kunti lang ang nakakaalam sa grupong kinabibilangan nilang mag-pinsan kasama na ang kaibigan nitong si Daven. Private group ito na tumutulong sa lipunan para mapuksa ang mga masasamang mga tao na gumagawa ng kasamaan sa bansa. Mga ganid sa pera, druga at pagpaslang sa mga inosenting tao para ibenta at pagkakitaan ang laman loob ng mga ito. "Hindi ko alam kung paano ibabalita sa kamag-anak ng babae ang nangyari sa kaniya. Baka nag-aalala na ang mga magulang nito. Dahil hanggang ngayon hindi pa ito nakakauwi sa kanila."buntong hininga na sabi ni Josh. "I know her. She's my employee. I can call her sister to let her know what had happened to her sister. Wait a second!"Sabi ni Axer bago lumayo kunti sa mga kasamahan niyang nasa harapan ng emergency room. Nakasalubong pa niya ang mga magulang ni Gray kaya bumati muna siya bago umalis dun. "Josh, anong nangyari sa anak ko?! Kumusta ang lagay niya ngayon?"umiiyak na tanong ng Ina ni Gray. Nakaalalay naman si Tito kay Tita. "Tito, Tita."bati niya at alanganin siyang tumingin sa kanila. Pakiramdam niya kasi ay kasalanan niya dahil hindi agad sila rumesponde noong oras na yun. Dahil treni-trace kasi muna nila ang lugar. Kung sana pinauna ng leader namin ang iba para sana maaga naming natulungan si Gray at ang kasama nito. Malalim siyang bumuntong hininga. Magsasalita na sana siya ng dumating ang panganay na kapatid ni Gray si Kuya Xander. "Kumusta ang kapatid ko?"agad na bungad nito pagkalapit niya sa pwesto namin. Sinimulan na niyang isalaysay ang buong nangyari kanina. Kung paano niya nakitang nahulog sa bangin ang sasakyan ni Gray. At kung paano nila paulanan ng putok ng baril ang sasakyan nito kahit nahulog na ito sa bangin. Wala silang tigil na paghahanap sa mga ito kung nakaligtas ba sila o hindi. Halos mawalan na sila ng pagasa sa paghahanap. They keep searching because he feel that they are alive at nakaligtas sila sa pagsabog ng kotse. Hindi pa siya tapos ng marinig kung humagulhol na naman ang Tita niya. "Ang anak ko!"hagulhol na naman ni Tita."Sino na naman bang kaaway Yan at gustong patayin ang anak ko?! Dati ang panganay ko ang inam-bush at gusto nila patayin. Ngayon ang bunso ko naman ang gusto nilang saktan!"umiiyak parin na sabi ni Tita. "Shhh...calm down okay! Ang mahalaga ngayon ay ligtas na ang anak natin. Panalangin na lang natin na mahuli na sa lalong madaling panahon ang gumawa nito. Ang mga taong gustong ipapatay ang anak natin!"pang-aalo ni Tito sa Asawa niya. Maya't maya ay dumating din ang mga kaibigan o kapatid siguro ng kasama ni Gray na si Charmy. Puro mga nakapajama pa ang mga ito. Mukhang bagong gising pa ang mga ito na basta na lang sumugod sa hospital na ganun ang suot at itsura nila. Muntik pa siyang matawa sa mga suot nilang pajamas. Kung wala lang sila sa hospital baka natawa na ako. Naka Winnie the Pooh, hello kitty at Doraemon pajamas sila. Parang may pajamas party silang dadaluhan. Pero ang mga ito walang pakialam sa mga tao sa paligid nila. Ang importante lang sakanila ay malaman ang kalagayan ng kapatid o kaibigan nila. "Doc, kumusta ang kapatid namin?"bungad agad ng pinakamaliit sa kanila. Ramdam niya ang mga ito sa pag-alala sa kapatid nila. "Kanino sa kanila? Iyong lalaki o babae?"pero nangunot ang noo ng doctor at tumingin ito sa Isang kasamahan nila yung naka Winnie the Pooh. "So may iba kana palang kapatid ngayon huh?!"mapang-uyam nitong sabi sa Isang babae. "Shut up! You are a doctor, do your job not gossiping in the middle of your duty!"sikmat agad ng babae. Umasim ang mukha ng doctor at bumaling kay Tito at Tita. Kinausap niya ang mga ito. Narinig niyang ligtas na ang pinsan niya at ang babaeng kasama nito. Pero kailangan na maoperahan ang pinsan niya dahil sa pinsalang natamo nito. Particular na sa balikat nito. "Hintayin niyo na lang na mailipat yung pasyenting babae sa kwarto. Pwede niyo na siyang dalawin."pagkasabi ng doctor ay nagpaalam na para pumasok ulit sa loob para isagawa ang operasyon ng pinsan niya. "Kilala mo 'yon Sese?"tanong ng pinakamaliit sa kanila. Nakasuot ito ng Doraemon ang cute nilang tignan na tatlo. Sese pala ang pangalan. Ngunit nakita niya itong sumimangot at tumango. "Pinsan ko ang idiot na 'yon. And I'm sure ichismis na naman niya ako sa buong angkan namin. Pero ayos lang I already cut myself to them and I'm happy for my new life now."nakita niyang inakbayan siya ng nakadamit ng hello kitty at may ibinulong ito. Nakita niyang bahagyan itong tumawa. Napailing siya hindi ako pwedeng mahumaling sa mga ito. Babaero ako at alam ko ang dapat irespetong babae. Ito ang mga babaeng inosenti at hindi ko makitaan ng landi sa katawan. Parang ilag nga sila sa amin ng mga kaibigan ni Gray. Dahil mukha pa silang inosinti sa mundong ito na parang mga paslit lalo na sa mga suot nilang pajamas. Tumawa siya bigla at napatingin silang lahat sa akin including Tito at Tita. Yumuko siya dahil sa pagkapahiya. Kaya agad siyang tumalikod at nag lakad palabas. F*ck nakakahiya! bulong niya. ***** "AAAHHHH!" sigaw ni Charmy. "Charmy! Charmy calm down, you are safe now. Calm down okay."yakap sa kanya ni Pea. "Natatakot ako. Ayoko pang mamatay."hagulhol niya. "Shhhh... huminahon ka Charmy. Jalyn, tumawag ka ng doctor dali."agad na sigaw ni Pea. Patakbo naman itong lumabas sa kwarto ni Charmy para tumawag ng doctor. Mahigpit siyang yumakap kay Ate Pea niya. Nanginginig ang katawan niya dahil sa takot. Napaigtad siya ng marinig ang pagbukas ng pintuan. Lalo na naman siyang yumakap ng mahigpit kay Pea. "It's alright. You are safe now."alo naman saknya ni Serenity ng makalapit ito sa kaniya. May itinurok sa kaniya kaya dahan-dahan siyang napapikit at nawalan ng malay. "Kailangan kong turukan ng pampakalma dahil hindi pa siya magaling. Natruama ito sa kinasangkutan nitong aksidenti kaya siya naghisterikal. Kailangan niyo lang muna siyang bantayan. Magiging maayos din ang kalagayan niya."Sabi ng doctor pagkatapos nitong suriin ang dalaga. Nasa labas si Serenity kanina tinatawagan ang magulang ni Charmy. Napagpasyahan kasi nilang ipaalam ito sa mga magulang niya para malaman nila ang nangyari sa anak nila. Alam nilang ayaw itong ipaalam ni Charmy pero mas pinili parin nilang ibalita ito sa mga magulang niya. Ipapasundo niya ito mamaya sa driver niya. Sobra silang nag aalala at natakot na baka kung ano na ang nangyari sa anak nila. Pero inasure naman niya na maayos na ang kalagayan ni Charmy. Hindi pa sila nakakauwi sa apartment nila at nakapajama parin silang tatlo. Pero wala silang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Mabuti nga at naisipan pa nilang mag-bra bago sila umalis ng apartment nila. Mas awkward sana kapag wala silang bra na suot. Tinawanan pa siya ng Kuya driver niya noong nagpahatid siya ng pagkain sa hospital at nakita ang ayos ko. Nagpaluto siya sa Asawa nito dahil nasa bahay naman sila. Stay out sila at may renigalo ang mga magulang niya na bahay sa mga ito. Sumimangot siya ng maalala ang pang aasar niya sakin. Kinuhanan pa ako ng picture at ipapakita daw niya ito sa Asawa niya. Umirap lang ako at pagkakuha sa pagkain ay nilayasan ko na agad ito. Mag gagabi na ng makarating ang mga magulang ni Charmy sa hospital. Nandito silang lahat. Namiss ko bigla ang mga kapatid ni Charmy kaya agad ko silang niyakap ng mahigpit. Nag-mano muna ako sa magulang ni Charmy, bago ko sila iginiya sa private room ng kaibigan. "Nanay kanina ka pa umiiyak. Hindi naman namatay si ate e!"sita ng anak nitong lalaki si Carlden. Hinampas naman siya ng Ina. "Anak, maiintindihan niyo din balang araw kung bakit ganito na lang ka sobra kung mag alala ang nanay niyo."mahinahon na sabi ng Tatay nila. "Pasok na po kayo. Baka gising na si Charmy."ngiti niya sa mga magulang ni Charmy. Kilala na siya ng mga ito thru phone lang. Nabungaran nilang umiiyak na naman ito. Nakayakap ito kay Jalyn. Hinahaplos naman nito ang likod ni Charmy. "Anak ko!"bungad agad ng kanyang Nanay. "Na...Nanay?"napatigil ito sa pag-iyak. Pero 'yong takot ay halata parin sa boses nito. "Oo, ako ito anak. Anong nangyari at nadisgrasiya kayo. Tinakot mo kami ng sobra."nag-aalala sabi ng Nanay nito. "Kumusta na ang pakiramdam mo, anak? Maayos kana ba? Ano ng nararamdaman mo ngayon, anak?"masuyong may pag-aalalang tanong naman ng Tatay nito. "Tatay ko?"agad namang lumapit ang tatay nito. Dumistansya naman agad si Jalyn para makalapit ang mga magulang ni Charmy sa kama nito. Niyakap agad ito ng Tatay niya. Naalala niya sinabi ni Charmy sa akin na mas close sila ng Tatay niya kesa sa Nanay niya. Masyado daw kasing mahigpit sa kaniya ang nanay niya ng kahit lumabas lang kasama ang mga pinsan hindi siya pinapayagan. Minsan nakakalabas lang siya kapag kasama niya Isa man sa mga kapatid niya. Kapag payagan daw ito ng Tatay niya ay ayaw ng Nanay niya. Mag-aaway ang mga magulang niya kaya ang ending magkulong nalang siya sa kwarto nila ng bunsong kapatid. Actually hindi siya kahawig ng tatay niya. Ang Nanay naman niya meron kunti lang gano'n din sa mga kapatid niya. Ang gandang pagmasdan ang mga ito. Hinala nilang tatlo nila Jalyn at ate Pea, na may dugong banyaga ito pero ito na ang nagsabing wala silang lahing banyaga. Para kaming baliw na nagsearch pa noong bagong salta niya sa apartment namin kung saan siya bansa dahil sa kulay ng mata niya. 'Yon talaga ang part na ang sarap titigan ang mga mata nito. "Tinawagan kami ng Ate Serenity mo. Sobrang nag aalala kami kaya lumuwas kami agad dito."sabi ng Nanay nito at ito na ang nakayakap kay Charmy. "Kumusta si kuya Gray, ate Sese?"tanong naman ni Carlden. "Hindi pa ito nagigising. Kagabi inoperahan ito. Maraming nawalang dugo sa kaniya at Nabaling buto kaya kinailangan na operahan siya. Good thing nailigtas pa niya si Charmy, at walang ibang galos sa kaniya kundi ang kunting gasgas sa mukha at sugat sa ulo lang. Wala din nabaling buto si charmy, sa katawan. I only guessing that he really protect Charmy."kausap niya sa kapatid ni Charmy. "Hinala ko din iyon dahil kargo niya si Charmy. Resposibilidad siya ni Gray kaya inuna niya muna si Charmy bago ang sarili niya."kumento naman ni Jalyn. "Kawawang Bata. Sana maging mabilis ang paggaling niya."malungkot na pahayag ng Tatay ni Charmy. Nakita niyang natigilan si Charmy. Alam niyang nag-aalala ito kay Gray. Tinanong niya kasi ang pinsan ni Gray kanina kung paano sila nadisgrasiya. Ayaw nitong sabihin pero itong mukhang fishball na lalaking kasama nito sumingit at sinabi na inam-bush ang sasakyan ni Gray. Hanggang sa nahulog ang sasakyan nila sa bangin. Good thing daw na hindi tumigil ang pinsan nito sa paghahanap sa mga ito dahil pakiramdam nito na nakaligtas sila sa pang aambush sa sasakyan ni Gray. Pagkatapos magkwento may binulong sakin kaya nasuntok ko ito sa tiyan. Humalaklak naman ang pinsan ni Gray, kaya nilayasan ko silang dalawa sa harapan ng pintuan ng kwarto ni Gray. No wonder na ganun na lang kung katakot at sumigaw itong si Charmy, dahil sa pang-aambush pala sa sasakyan ni Gray. Hindi ko lubos maisip kung gaano ito natakot sa engkwentro na 'yon. Ka'y Bata pa nito naexperience na ito ng ganung insedente. "Maayos na si Gray, pero hindi pa nagigising. Ligtas na kayong dalawa kaya wag ka ng mag-alala saknya."ngiti ni Serenity. "Salamat."sabi nito at tipid itong ngumiti. "Hija, pwede na muna kayong umuwi at kami na muna ang bahala sa anak namin. Maraming salamat sa pag aasikaso niyo kay Charmy ha."sinserong sabi ng Ina ni Charmy. "Sige po. Mauna na po muna kami."ngiti ni Serenity. "Babalik kami mayang hapon dito para makapagpahinga din ang mga magulang at mga kapatid mo. Kami na muna ang magbantay sayo sa Gabi. Mauna na kami Nay, Tay."sabi naman ni Jalyn. "Uwi na muna kami Charmy. Nay, Tay, mga kids uwi na muna kami. Halika muna samin Carlden at bumili muna ng pagkain niyo ng mga magulang niyo."yaya naman ni Pea. "Sige po ate Pea." "Sama po ako."agad na sabi ng bunso. "Ako din!"Sabi din ng kakambal nito. "Tara ng makapag pahinga na muna ang ate niyo."Sabi naman ni Jalyn. "Bye!"sabay pa nilang sabi kay Charmy at sa mga magulang nila. Tipid lang na ngumiti ulit si Charmy at hindi na nagsalita pa. Humiga na lang ulit ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD