Chapter Twenty Eight
Napasigaw na naman ulit si Charmy ng paputukan sila ng sunod-sunod. Halos yakapin na niya si Gray sa takot.
"Please, calm down! Wag mo akong yugyugin. Mas lalo tayong mapapahamak nito!"taranta din na sabi ni Gray. Nakatutok lang ang paningin sa daan at sa pagda-drive.
"Natatakot ako, ayoko pang mamatay GRAY!"sigaw niya dahil sa takot.
"Calm down okay! Hindi kita hahayaan na mamatay. I will protect you, please trust me! Hindi ka matatamaan ng bala dahil bulletproof ang sasakyan ko."kalmado niyang sabi kay Charmy.
Mas lalo pa siyang napasigaw at kinabahan ng gumiwang ang sasakyan nila.
"Please lord, gabayan mo kami ni Abo! Ayoko pa pong mamatay ng maaga. Marami pa akong gustong gawin at pangarap sa mundong ito. Hindi pa ako nakakapag-boryfriend. Gusto ko rin naman na makaranas at makatikim ng luto mo God. Gusto ko pa maranasan ang bumuo ng sarili kong pamilya, ang magka-anak at makapag asawa. Please God, wag mo sanang hayaan na may mangyaring masama samin ni Abo. Please!"malakas na panalangin niya.
Napapailing na lang habang mabilis na nagda-drive si Gray sa pinagsasabi ng dalaga.
"Abo! Bilisan mo naaabutan na nila tayo!"sigaw na naman niya.
"Here!"sabay abot niya kay Charmy ang phone niya.
"Anong gagawin ko dito. I-video kita while driving at habang may humahabol satin at pinapaulanan ng mga putok ng baril nila ganun ba?!"malakas niyang sabi.
"Can you lower your voice,will you?!"sigaw na din nito. "Call 2278 that's for emergency! Come on!"sabay abot kay Charmy ang phone.
Nanginginig siya sa takot habang pinipindot ang number na binigay ni Gray. Nakailang ring din iyon at biglang may sumagot sa kabilang linya.
"Infinit headquarter. Hello. Who's in the line please?"rinig niya ang baretonong boses sa kabilang linya.
"Gray, anong sasabihin ko dito. Saan lugar na ba tayo para makahingi tayo ng tulong sa kanila."napasigaw na naman siya ng may bumangga sa likuran nila. At nabitawan niya yung cellphone na hawak niya. Nahulog yun sa paanan niya.
Lumingon siya sa likuran at kita niya ang malaking baril na nakatutok sa kanilang sasakyan. Sobra siyang natatakot kaya napayakap na naman siya kay Gray. Hindi na rin niya mapigilan na umiyak dahil sa sobrang kabang nararamdaman niya sa mga oras na ito.
"Shhh...Calm down please. Makakaalis din tayo dito. Wag mo akong guluhin sa pagda-drive dahil hindi ako makapag concentrate. Mas lalo tayong madidisgrasiya."nataranta na din siya dahil sa nakikita niyang takot sa mukha ng dalaga.
Naguilty siya dahil pati ito nadamay sa kaguluhan ng buhay niya. Hindi niya deserve ang makaranas ng ganitong eksena. Kaya gagawin niya ang lahat makalusot lang sila at makaalis sa Lugar na ito.
"Where's the phone? Give me, ako na ang makikipag usap sa kanila."
"N-nahulog."nanginginig na rin pati boses niya.
"Faster, pick it up!"utos niya sa dalaga.
Nakita niyang yumuko ito para kunin ang nahulog na cellphone. Pagkapulot ay agad binigay sakanya.
"Hello, this is Arls. Please back it up. May mga humahabol sa amin at pinapaputukan kami hanggang ngayon. Walang ibang madaanan dahil nasa short cut na daanan kami pabalik ng Manila. Andito parin kami sa Tagaytay going back to Manila."paliwanag niya sa kausap sa phone.
"What the exact location bro?"
"I don't know! Just trace my number. I can't talk anymore dahil...oh sh!t!"mura niya ng banggain nanaman nila ang sasakyan niya sa likod. Hindi niya mabilisan ang takbo ng sasakyan dahil inaalala niya ang dalaga na kanina pa nagsisigaw sa takot.
"Ok! Copy! Tatawag ako ng malapit diyan sa location niyo para matulungan kayo. Mag-iingat kayo bro!"yun na lang at nawala na ang linya.
"Gray! Gray! Look out!"sigaw ni Charmy. Napalingon siya sa labas at nasa tabi na nila ang humahabol sa kanila. Pinipilit na banggain na naman ang sasakyan namin.
"Kumapit ka ng mabuti! Close your eyes and calm down!"Sabi nito.
"Nooo! How can I calm down! Kung nasa bingit tayo ng kamatayan! How can I calm down kung hinahabol at pinagbabaril tayo! How! How! Tell me!"sigaw niya.
"Natatakot ako! Ayoko pang mamatay. Please Lord help us! Ayokong mag aalala na naman ang mga magulang ko. Ayoko silang magluksa kapag namatay na ako. Ayoko silang malungkot kapag nawala na ako sa mundong ito!"histerikal niyang sabi habang umiiyak.
"Walang mamatay okay! I won't let you to get hurt! Ako na lang wag lang Ikaw. Please stop crying. Mas lalong hindi ako makakapag concentrate dahil mas inaalala kita. Pero kapag hinayaan ko naman na mahabol tayo baka papatayin nila tayo. Kaya please lang huminahon ka okay!"sabay hawak sa kamay nitong nanginginig at hinalikan ito.
Agad niyang binitawan ang kamay ng dalaga at agad na binilisan ang pagda-drive. Pero ganun na lang ang gulat niya ng may nakatambang din sa unahan na mga sasakyan ng mga armado. Ang nagpakaba pa sakaniya ay ang mga nakatutok na mga malalaking baril sa harapan nila.
"Sh!t! F*ck!"mura niya. Nakita niyang napanganga sa gulat at takot ang dalaga dahil sa nakikita nito sa harapan.
"G-gray, anong gagawin natin? P-please natatakot ako ayoko pang mamatay! Parang awa muna. A-ayoko pang mamatay!"natatakot niyang sabi.
Nataranta na din siya at wala na siyang malilikuhan dahil nasa parting liblib na sila ng lugar na sa kasamaang palad walang kabahayan sa lugar na iyon.
Sobrang dilim na din sa kalangitan na parang nagbabadyang umulan. Nasaan na ba ang mga tinawagan niya hanggang ngayon wala pa ang tutulong sa kanila. Frustrated niyang sabi sa isipan niya.
Malakas niyang inapakan ang preno ng sasakyan ng paulanan sila ng bala mula sa harapan ng sasakyan nila. Panay sigaw na naman ang dalaga. Sobrang nagpanik na ito. Kaya hindi niya maiwasan na mapamura. At makaramdam ng guilt at galit sa mga taong gustong patayin siya.
"Yumuko ka!"sigaw niya sa dalaga. Agad naman itong napayuko takip ang dalawa niyang kamay sa magkabilang tinga niya.
Wala siyang pagpipilian kundi ang i-abante ang sasakyan niya pero sa kasamaang palad binangga naman siya ng sasakyan na nasa likuran kaya napagiwang ang sasakyan at nakabig niya pakaliwa ang sasakyan.
Hindi niya inaasahan ang pangyayari at nahulog ang sasakyan niya sa bangin. Panay ang sigaw ng dalaga. Wala na din akong maintindihan sa mga isinisigaw nito. Ang nasa isip na lang niya ay ang mailigtas ang dalaga.
Bumulusok pababa ang sasakyan niya. Mataas ang bangin kung saan sila nahulog. Gumulong pa ito pababa mabuti na lang dahil nasabit sa isang sanga ng puno ang sasakyan niya.
Kahit may tama sa ulo niya at ramdam ang dugong umagos sa pisngi niya dahil sa pagkakauntog niya ay binaliwala niya ito. Ang mahalaga sa ngayon ay ang makaligtas silang dalawa ni Charmy sa kapahamakan. Nakita niyang umuusok na ang likuran ng sasakyan niya. At panay parin ang paputok nila ng baril sa amin. Hiling lang niyang sana wag sila matamaan. Kaya agad niyang hinila palabas ang walang malay na dalaga.
May sugat ito sa gilid ng ulo nito at umaagos na din ang dugo. Sana walang nabali sa katawan nito. Lord please iligtas mo ang dalaga. Panalangin niya. Dahil hindi niya mapapatawad ang sarili kung may masamang mangyari sa dalaga.
Sobrang kaba niya ng umuga ang sasakyan dahil sa pag galaw niya. Nahirapan siyang hilahin ang dalaga dahil mabigat ito. Idagdag pa na nahihilo siya dahil sa natamong niyang sugat.
Pero ginawa niya ang lahat makaalis lang sa loob ng sasakyan. Dahil baka biglang sumabog ito. Kaya ginawa niya ang lahat mailabas lang ang dalaga. Kahit nahihirapan siya ay mas nangingibabaw parin na mailigtas niya ito. Nang sa wakas nakalabas na sila sa loob ng sasakyan ay binuhat niya na agad ang dalaga at agad na naglakad palayo sa sasakyan niya kahit nahihirapan at napakatarik ang daanan.
Matarik at madulas ang daanan. Kaya ang ginawa niya ay isinampay niya sa balikat ang katawan ng dalaga para mas makalakad siya at maayos ang pagbalanse dahil sa hirap ang daan. Para na rin makalayo sila agad sa sasakyan niyang nagliliyab na ng apoy ang nakikita niya ngayon. Good thing nakaalis kami sa loob kung hindi baka naisama kaming nahulog pababa at namatay ng tuluyan. Thanks God!. Sa loob-loob niya.
Napatigil siya sa paglalakad ng marinig niya ang pagsabog ng sasakyan niya na nahulog sa bangin ng tuluyan.
Naiwan sa sasakyan ang cellphone niya kaya wala siyang ibang paraan kundi ang maglakad sa madamo at matarik na Lugar na iyon. Panalangin lang niya na sana mahanap sila ng mga kasamahan niyang agent.
Nagpupuyos sa galit ang nararamdaman niya ngayon! Pa-imbestigahan niya kung sino ang mga taong gustong patayin siya. Lintik lang ng walang ganti.
Malayo na ang nalakad niya. Sobrang pagod na pagod na siya idagdag pa na buhat niya ang dalaga. Sana hindi kami maubusan ng dugo. Dahil sa ramdam parin niya Ang pagtulo ng dugo sa pisngi niya. Nahihilo na rin siya kaya tumigil na muna siya sa paglalakad.
Pero maya't maya ay bumuhos ng malakas na ulan na siyang nagpahirap lalo sa kaniya na maglakad. Kailangan niyang makahanap ng masisilungan dahil kawawa naman ang dalaga. Hanggang ngayon wala parin malay. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari sa dalaga.
Kaya ko to! Kailangan kong makalayo at makalabas sa masukal na lugar na ito. Kakayanin ko para sa dalaga. Sana lang hinahanap kami ngayon. Sobrang nahihilo na din siya. Napaupo siya sa lupa dahil sa dulas at pagod na din kamuntik pa niyang mabitawan ang dalaga. Pinilit niyang tumayo para makalapit sa Isang malaking puno na nakikita niya ngayon. Agad siyang umupo pasandal sa malaking puno na iyon at maingat na pinaupo niya ang dalaga sa kandungan niya. Mahigpit niya itong niyakap. Malalalim na paghinga ang ginawa niya dahil sa pagkapagod.
"I'm sorry! I'm so sorry, Butter. Hindi mangyayari ito sa'yo kung hindi dahil sakin! Kung hindi kita niyaya na mamasyal sa Tagaytay wala sanang ganitong mangyayari. I'm sorry!"halo-halo na ang imosyong nararamdaman niya. Hinaplos haplos niya ang basa na nitong ulo.
Sobrang lamig dahil sa malakas na ulan at isama pa ang malakas na hangin. Kaya mas lalo pa niyang niyakap ang dalaga para kahit papano maibsan ang lamig na tumatama sa kanilang basang katawan.
Hindi na rin niya nakayanan dahil sa sobrang pagkahilo ang nararamdaman niya alam niyang hindi lang iisa ang sugat niya sa ulo. May sugat pa siya sa braso dahil sa pagtama ng bentana sa matulis na kahoy nabasag ito at tumama sa braso niya.
Panalangin niya na sana hindi sila tumigil sa paghahanap sa amin. Kahit ano pang pilit kung maglakad at makaalis dito hindi na kaya ng katawan ko. Lord, Ikaw na po ang bahala sa amin. Pagkasabi niya iyon ay nawalan na din siya ng malay.
Hindi na niya alam pa ang mga sumunod pa na nangyari. Dahil pati siya nawalan na din ng malay.
******
THIRD POV
Kinakabahan siya na hindi maipaliwanag. Kaya kaagad niyang tinawag ang mga kasamahan nilang agent para tulungan ang pinsan niya na sa ngayon ay inaambush ng kung sino mang kaaway na yan!
Sana hindi pa kami huli! Wala sanang masamang mangyari sa kanila ng dalagang kasama niya.
Agad naman nilang natrace ang kinaroroonan nila. Parating palang sila sa lugar kung saan hinahabol ang sasakyan ni Gray ay kitang kita na nila kung paano paulanan ng bala ang mga armado ang sasakyan ng pinsan niya.
Aabante sana ito ng banggain ng Isang sasakyan ang kotse dahilan para mahulog ito sa bangin. Halos mawalan ako ng ulirat sa nasaksihan ko.
"Noooo!!"sigaw niya. "Hindi pwedeng mamatay ang pinsan ko! Hindi pwede!"galit niyang sigaw.
"Let's go! Wag niyo silang lahat patayin. Dapat may mahuli tayo na kahit Isa sa kanila para malaman kung sino ang nag-utos na patayin si Gray! Bilisan niyo, magsikilos na kayo! Kailangan nating mailigtas agad si Gray at ang babaeng kasama niya sa loob ng sasakyan!"sigaw ng Isa niyang kasama.
Kaya nagsipagkilosan na sila at pinaulanan ng bala ang mga armado na walang tigil parin ng paputok ng baril sa nahulog na sasakyan ni Gray. Talagang gusto nilang mamatay ang nasa loob ng sasakyan na yun.
Hindi nakapanlaban Ang mga armado dahil sa pagkabigla at hindi inaasahan na may darating na rescue sa inaambush nilang sasakyan.
Makikipagbarilan pa sana Ang mga armado ng unahan na nila ang mga ito. Lahat ay binaril nila. Dalawa ang nahuli nila at yung iba namatay dahil nanlaban pa talaga sila. Pinusasan nila kaagad ang dalawa at nilagay sa compartment sa likuran ng sasakyan.
Ang ibang kasamahan nila ay bumababa sa bangin kahit delikado ang daan pababa. Napapamura siya dahil mukhang uulan dahil umaambon na. Pero bumaba parin siya at hindi titigil hangga't hindi nakikita ang pinsan niya.
"Maghiwalay hiwalay tayo alam kong andiyan lang sila. Ayon ang sasakyan niya!"sigaw ni Josh.
Papalapit palang sila sa sasakyan ng makita na nilang umuusok na ito at umuuga alam niyang pinipilit nilang makalabas sa loob ng sasakyan. Mayat maya ay umaapoy na at bumulusok pababa.
Ganoon na lang ang takot at kaba niya. Hindi makapaniwala sa nakikita niya. Kasabay ng pagsigaw nila ang malakas na pagbuhos ng ulan at isama pa ang hangin na dulot ng ulan.
"Nooo! Noo! Gray!!"sigaw niya. Kasabay ng pagsigaw ay ang malakas na pagsabog ng sasakyan ng pinsan.
"Huli na ba kami?! Huli na ba ako? No! Alam kung buhay ka! Hindi ako titigil hangga't hindi kita nakikita. Hindi ako titigil sa paghahanap sayo. Alam kung buhay kapa!"paulit-ulit niyang sambit.
Hindi niya maipaliwanag yung takot at kaba niya. Hindi ka pwedeng mawala sa amin Gray! Wala kang karapatan na basta-basta mo na lang kaming iiwan ng ganun na lang.
"Oh please God! Wag mo sanang hayaan na mamatay sila. Sana nakaligtas sila. Sana nakaligtas silang dalawa."kahit alam niyang wala ng pag-asa na nakaligtas sila bumaba parin siya sa matarik na bangin at pinagpatuloy ang paghahanap.
"Josh! What the hell! Where are you going?"sigaw ng Isang kasamahan nila.
"Hahanapin ko sila sa ibaba alam kong nakaligtas silang dalawa. Alam kong buhay sila! Nararamdaman ko iyon! Alam kong nakalabas sila sa kotse na yun dahil sa pag-uga kanina kaya nahulog. Sure ako dun!"sigaw din niya.
Kahit sobrang lamig binaliwala niya iyon. Ang mahalaga lang sa kaniya ay ang makababa siya kahit maputik at madulas ang daan pababa. Para mahanap ang pinsan at ang kasama nitong babae.
"Nababaliw kana ba?! Nakita mo naman ang pagsabog ng sasakyan hindi ba?! Akala mo ba makakaligtas sila sa loob ng sasakyan na yon!"sigaw nito.
"Nakita kong umaalog at gumagalaw yung sasakyan kaya sure akong nakalabas sila bago nahulog at sumabog. Kaya wala akong pakialam sa opinion mo! Alam kong nakaligtas sila! Ewan niyo na ako dito at hahanapin ko sila!"galit niyang sigaw sa kasamahan niya.
"Delikado na ang daan pababa. Malakas ang ulan at hangin baka pati Ikaw madisgrasiya sa ginagawa mo."pagalit na sita nito sa'kin.
"May tiwala akong nailigtas ni Gray ang sarili at ang kasama nitong babae. Hindi makakapasa sa infinit group kung wala siyang kakayahan na iligtas ang sarili. At mas lalong hindi siya makakasali sa group kung tatanga tanga siya! Huwag niyo ako pakialaman! Hahanapin ko sila!"sigaw niyang pabalik sa mga ito.
Sinimulan na niyang bumaba at hindi na pinansin ang pagtutol ng mga ito. Wala naman na nagawa ang mga ito ng hindi nila napigilan si Josh. Bumaba din ang mga ito para samahan siya sa paghahanap kay Gray.
Nagkaniya kaniya sila ng pwesto sa paghahanap. Mga ilang oras na silang naghahanap at halos sumuko na sila dahil na din sa lamig. Sobrang dilim ng kapaligiran idagdag pa ang malakas na ulan at hangin. Mabuti na lang dahil naisipan nilang magdala ng flashlight. May silbi dahil sa dilim, matarik, maputik at madulas na daan sa kagubatan. Pero hidni ito ang dahilan para sumuko. Gaya ng hindi pagsuko sakin ni Gray noong nasa bingit ako ng kamatayan.
Magkasundo kaming dalawa sa lahat ng bagay. Magkasama sa kalukuhan, saya, at kalungkutan in short we are partner in crime.
Nagulat siya sa pagsigaw ng Isang kasamahan namin sa di kalayuan sa kinakatayuan niya.
"I found them!"sigaw ng kasamahan nilang Isa.
Mabilis siyang pumunta doon na kamuntikan niyang pagkadulas pababa. Mabuti at nakahawak siya sa Isang sanga ng kahoy na andun. Nabitawan pa niya ang flashlight niya mabuti hindi nahulog pababa.
"Thank you God! We found them!"maluha luhang pasasalamat ni Josh.
"Dali Doc.Romes! Icheck muna kung humihinga pa sila!"tarantang utos niya sa doc na kasamahan nila sa agent mabuti na lang at nakasama ito ngayon sa amin.
"They are still breathing. Pero kailangan na natin silang madala agad sa hospital dahil madaming dugo ang nawala sa kanila. Sa tagal nating paghahanap sa kanila baka makakasama sa katawan nila kung hindi maagapan baka ikakamatay nila. Dahil sa dami ng dugo na nawala at umaagos parin hanggang ngayon."kalmadong Sabi nito.
"Faster call ambulance immediately!"natataranta niyang sigaw.
Pero sa kasamaang palad walang signal kaya wala silang nagawa kundi ang pagtulungan nilang i-akyat ang dalawang wala ng malay. Dahil madulas ang daan paakyat nahirapan silang i-akyat ang dalawa may kabigatan ang pinsan niya. Siya na ang nagbuhat sa dalaga alam kung magagalit ang pinsan kapag kung sino-sino ang hahawak sa dalaga.
May nauna ng umakyat para magtawag ng ambulansiya dahil delikado ito sa kalagayan ng dalawa.
Agad namang itinawag ng Isang kaibigan ni Gray, sa iba pa nilang kaibigan ang masamang nangyari kay Gray at sa dalagang kasama nito.
Saktong naiakyat na nila ang dalawa ng saktong dating naman ng ambulansiya. Agad tumulong ang mga ito para mailay sa stretcher board ang mga ito at agad na ipinasok sa loob ng ambulansiya. Sumama siya sa loob yung ibang kasamahan niya ay agad namang sumakay sa kani-kanilang mga sasakyan.