Chapter Twenty Seven

4252 Words
Chapter Twenty Seven Excited siya sa pamamasyal nila ni Gray sa Tagaytay. Sabado palang naka-empake na siya ng mga damit niya na kukunin niya sa outing nilang dalawa ng binata. Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa excitement na nararamdaman. Syempre magsosolo kaming dalawa ulit. Masayang masaya ang puso ko. Alas singko palang gising na siya. Dahil ang sabi ni Gray maaga kaming aalis para marami kaming mapasyalan doon. Para malibot namin ang malawak na lupain. Sobrang lawak daw kasi at hindi malilibot lang ng Isang araw. Mas excited siyang makita at maligo sa Falls. Nagpaalam siya kagabi sa mga ate niya at panay ang tukso ng mga ito sa kanya. Sabi nga nila baka pwede sila sumama Sabi ko naman hindi pwede. Kami lang munang dalawa ni Gray dahil date naming iyon. Kantiyawan at tuksuhan nila ang inabot. Wag lang daw ako agad magpajugjug. Kinulit niya ang ate Pea niya kung ano yung jugjugan na iyon. Pero ayaw nila sabihin at tawanan lang silang tatlo. Even si google ayaw sabihin. Nacurious lang siya dahil bagong salita iyon sa pandinig niya. Kaya hinayaan na lang niya. Sinabihan ako na mag ingat at wag magpapaakit kay Gray. Dahil Bata pa daw ako. Lagi nila akong pinapayuhan kaya Mahal na Mahal ko ang mga ate kong ito. Ang babait at ang lalambing kahit hindi ko sila kadugo nagtuturingan na kami na parang totoong magkakapatid. Sobra din silang maalalahanin. Kaya swerte ang mga lalaking magmamahal sa kanila dahil napakabait nila. Single pa si ate Serenity at ate Jalyn, si ate Pea ay engaged na pero hindi parin sila nagsasama sa iisang bubong ang boyfriend niya. Alas sais ng sunduin siya ng binata. Nag-sulat muna siya sa sticky notes at idinikit sa harapan ng refrigerator nila. Ayaw niya kasing istorbuhin ang mga ate niyang himbing parin sa pagtulog. Pagkatapos maidikit ay agad na siyang lumabas ng apartment nila. Napangiti siya ng makita agad sa labas ang binata na fresh na fresh tignan. Naka-white t-shirt at black cargo shorts lang ang suot ng binata at naka sandals lang din ito. Simple lang ang suot nito. Sobrang bagay nito ang suot niya at ang gwapo niya. Kinumpara niya sa suot niyang loose t-shirt lang at maong short na pinarisan ng rubber shoes. Nakangiti siyang lumapit sa binata. "Hi! Good morning, Abo!"masaya niyang bati. Matamis siyang ngumiti at ganoon din ang ginawa ng binata. "Good morning Butter!"lumapit ito at hinalikan siya sa pisngi. Pagkatapos nitong mailagay sa back seat ang dala niyang bag ay pinagbuksan siya nito ng pintuan ng sasakyan at agad din itong umikot papasok sa driver seat. Napagkasunduan nilang dalawa na magdrive-thru na lang dahil matraffic sa daan. Baka tanghali na sila makarating sa Tagaytay. Super excited pa naman siyang makarating sa Tagaytay. Ang dami nitong in-order na pagkain sa McDo. Apat na burger, apat na box of nuggets, anim na hash browns potatoes at dalawang malalaking ice milo. "Ang dami naman niyan mauubos ba natin lahat?"Sabi niya pero deep inside takam na takam na siya. At sigurado niyang mauubos nila lahat yan. Matakaw siya kumain eh! "Oo, mauubos natin! Matakaw kang kumain eh!"natatawang sabi ni Gray. Sinamaan niya ito ng tingin. "Ay! Grabe siya!"simangot niya. "Ikaw din naman ah! Mas matakaw pa sa'kin."nakanguso niyang sabi. Humalaklak lang ang binata. "Natural lang iyon sa mga lalaki, kasi malalaki ang bituka namin!"natatawa pa nitong sabi. "Oh! Kumain kana wag kana mahiya."bungisngis pa nito sabay abot lahat ng in-order niyang pagkain. Alam niyang inaasar na naman siya nito. "Tirhan mo ako niyan ha! Baka paglingon ko naubos muna lahat."pang aasar nito sabay halakhak. Kay aga-aga nang-aasar na naman. Kaya hinampas ko na lang ng malakas ang balikat nito. Napagiwang ng kunti ang sasakyan sa pagkabigla nito dahil sa panghahampas niya sa binata. "Oy! Madidisgrasiya tayo! Wag muna ako ulit hahampasin, Butter! Ito naman hindi na mabiro. Nahiya ka pa kasing aminin. Tayong dalawa lang naman ang nandito!"tukso pa nito. "Kasalanan mo kapag nabangga tayo! Mas pokus kapa kasi sa pang aasar sakin kesa ang mag-drive ng maayos!"alam naman niyang kasalanan niya hindi lang kasi siya makaganti kaya yan na lang ang nasabi niya sa binata. Tumawa ito."Ako tuloy ang may kasalanan."natatawa parin nitong sabi. "Dinamihan ko talaga ang pag-order dahil traffic. Maboboring ka at magugutom. Baka sisisihin mo pa ako kapag nagutom mga alaga mo sa tiyan." "Ang dami mong alam, Abo! Mag-drive ka na nga lang at kakain lang ako dito!"irap niyang sabi. No choice din siya kundi subuan nalang ang binata. Nakakahiya man pero mas nakakahiya na kumakain ako at siya nagda-drive. Kumagat na siya ng nuggets. Alam niyang paborito ito ni Abo, ang spicy chicken nuggets. Yung nakagatan niyang nuggets iyon ang naisubo niya kay Gray. Nahiya siya bigla ng marealise ang ginawa niya. Ano nalang ang sasabihin ng binata sakin. "Abo! Iluwa mo yan."agad niyang sabi. "Bakit?"ngumunguyang tanong niya. "E-eh! Kasi nakagatan ko yung naisubo ko sa'yo!"Napakamot pa siya ng kilay niya. "It's okay, Butter! As if naman na we never shared our saliva while we are kissing."simple nitong sabi. "Eh! Naman kasi! Kailangan pa bang sabihin mo yan!"pinamulahan siya ng mukha. "Aysus! Ngayon ka pa ba nahiya? Ilang beses na tayong naghalikan. Hindi lang normal na halik ang pinagsaluhan natin kundi torrid kiss at french kiss pa!"tukso pa nito sa kaniya. Mas lalo naman siyang pinamulahan ng mukha. Humalaklak ito ng makitang pinamulahan siya lalo ng mukha. Umamba siyang suntukin ulit ito ng pigilan siya nito. "Kasasabi ko lang na wag mo akong saktan eh! Mababangga tayo! Pikon na kasi agad."Bungisngis pa nito. Tumigil saglit ang sasakyan nila dahil sa traffic. Kaya walang sabi-sabing kinabig siya nito at hinalikan siya ng malalim na halik sa labi. Hindi siya nakahuma. Pero tumugon din naman siya sa halik ng binata. Nakakadala kasi kaya hindi niya maiwasang tumugon. Nagulat pa silang pareho ng may bumusina sa likuran ng sasakyan nila. Agad siyang humiwalay at umupo ng maayos. Sh!t! Nakakahiya! Kasalanan ng malanding lalaki na ito eh! Kabute talaga na bigla nalang nanghahalik. Nilingon niya ito at malapad ang pagkakangiti nito habang nagmamaneho. Hindi niya maiwasan na titigan ito dahil sa napakagwapo talaga nito hindi nakakasawa lalo na kapag ngumingiti. Nakakabighani. "Ganyan mas mabuting titigan mo nalang ako kesa ang walang habas mong pananakit sakin. Pogi ko d'ba?"ngisi pa nito. "Tse! Ang kapal mo!"irap niya sa binata. At ipinagpatuloy na lang niya ang kumain. Mabilis lang naubos ang lahat ng in-order ni Gray dahil para silang gutom na lion. Nag agawan pa sila sa nuggets na natira. Nagreklamo pa ito dahil mas madami daw akong nakain kaysa sa kaniya. Apat pa raw yung kinain kung hash browns potatoes. Naki-share pa ako sa burger niya. At nakipag agawan sa nuggets. Natawa na lang siya. Nagutom talaga siya sa sobrang inis sa binata. Kaya sa pagkain na lang siya gumanti. *** Isa't kalahating oras ng makarating sila sa Sevenity Club sa Tagaytay. Pagpasok palang namin sa malaking gate napanganga na siya sa nakikita niya sa loob. Malaparaisong Lugar kasi ang nakikita niya. "Do you like this place?"tanong ni Gray ng makababa na silang dalawa sa sasakyan nito. "Oo. Ang ganda dito. Parang nasa heaven na ako. Super ganda dito pwedeng dito na lang ako tumira?!"masaya pa niyang bulalas. Tumawa lang ang binata. "Dito kita banda dinala dahil maraming trabahador doon sa kabila kung saan makikita ang magandang view. Ayokong makita ka nila. I am the only one who has the right to look at you!"may pagka-possessive na sabi niya kay Charmy. "Tsee! Magtigil ka nga, Abo! Makaangkin ka wagas!"ingos niya dito. "I told you before, you are mine! Nakalimutan mo na ba?"kunot noo pa nitong tanong. "Oo! Dahil bakit ko pa iyon i-memorized kung wala naman tayong label!"simangot niya. Hindi ko nga alam kong anong meron kaming dalawa. Ayoko naman na mag-assume na in relationships kami dahil hindi naman ito nanliligaw sakin. Kung aksiyon wala akong masabi dahil bukod sa maalalahanin at maalaga ito. Malambing din ito kahit ayaw nitong ipahalata. I can felt it. Sobrang ma-effort pa ito. Ipinaparamdam nito na mahalaga ako sa kaniya. Hindi man nito direktang sabihin na Mahal niya ako nararamdaman ko naman iyon. Ayoko lang talagang mag-assume hangga't wala itong sinasabi mananatiling lihim din ang pagmamahal ko sa binata. "Still you are mind no matter what!"giit pa rin ng binata. "Bahala ka na nga! Saan mo ako ipapasyal? Tara na! Gusto ko sa Falls na tayo pumunta. Malapit lang ba iyon dito?"masigla niyang tanong sa binata para malihis ang topic nila. "Malapit lang."sabay turo sa di kalayuan sa kinatatayuan namin. "May cottage doon na pwede nating tambayan. Mamayang hapon mamasyal tayo lilibutin natin ang lupain na ito sasakay tayo sa kabayo kong si Buck. Para makita at mapasyalan mo lahat ang magagandang view dito."Sabi nito sabay buhat Ang dalawang basket na maraming laman. Siya naman ay yung isang Jag na may lamang tubig at yung Isang basket na hindi naman gaano kabigatan. Bumalik pa ang binata sa sasakyan nito para kunin ang portable na lutuan at yung stainless grill portable. Nag request kasi ako kung pwede kaming mag ihaw dito. Pinaunlakan naman niya ako. Wala akong ambag na pagkain siya lahat ang nagdala ng mga ito. Yung bag ko lang ang dala ko. Hindi naman kasi niya ako pinayagan na mag ambag din ako. Kahit lutong kanin lang sana. Nagtulong silang dalawa na iayos ang mga dala nilang pagkain. May pang breakfast at lunch na dala nitong pagkain. Luto na yung iba. Pinaluto pa daw niya ito sa kasambahay nila. "Pwede na kayang maligo, Abo? Hindi ba malamig yung tubig?"excited niyang tanong. "Kakain muna tayo. We can swim together later!"Sabi nito habang inaayos na niya ang mga pagkain nilang dalawa. "Pwede akong mag swimsuit? Wala namang tao d'ba?"nakangiti niyang tanong. Napatigil ito sa ginagawa niyang paglalagay ng pagkain sa Isang plato at naka kunot noo itong seryosong tumingin sa akin. "F*ck! Anong swimsuit ang pinagsasabi mo diyan! No! I will not allowed you to wear that kind of piece of clothes!"simangot nito. "Come here let's eat!"pasungit niyang tawag sa akin. Napangiti na lang siya. Hindi naman talaga ako nag-susuot ng swimsuit eh! Hindi ko pa nga nasubukan nagsuot ng swimsuit habang naliligo sa dagat o sa swimming pool, sa Falls pa kaya! Nakakahiya kaya at hindi naman ako sexy para mag suot nun. Sa isip-isip niya. Pasalampak silang umupo na dalawa sa papag na gawa sa kawayan. Pinagawa pa daw nila ito sa trabahador para may tambayan sila kapag dumadalaw sila dito. Tanaw dito ang Falls at parang nag-aanyayang lapitan ito. Ang ganda parang bahay ng mga fairy na gaya sa napapanood namin sa TV. Ang madaming bulaklak na nagkalat sa gilid ng Falls na parang sinadyang itanim doon. "Ang ganda ng Falls parang nasa magical forest tayo. A fairytale place. Pinatanim niyo ba yung mga nagkalat na iba't ibang bulaklak sa paligid ng Falls? Just wow ang ganda!"bulalas niya. "Namangha din kami noong una naming nakita ang ganda ng Falls na yan. Especially Radeon he is really amazed by the time na nasilayan niya ang Falls. Kaya wala kaming pag alinlangan na binili agad ang lupain na ito."kwento niya at nakatingin din sa may Falls. "Sabi ni Radeon, rare species flowers daw ang mga bulaklak na yan at sa forest lang matatagpuan. Hindi nga daw niya akalain na nabubuhay dito ang ganyan kagandang mga bulaklak na yan. Kaya sabi niya aalagaan at padadamihin pa niya ang mga ito. Isa ang mga bulaklak na yan daw ang pinakamahal na bulaklak sa buong mundo. Siya ang nakakaalam sa mga iba't ibang klase ng bulaklak dahil may plantation sila ng mga imported na bulaklak."kwento niya sa dalaga. "Wow!"naibulalas na lang niya. "E'de instant millionaire na pala ako kapag beninta ko yang mga bulaklak na yan?"bulalas pa niya. Natawa naman ang binata. "Silly! Hindi namin pwedeng pitasin o ibenta ang mga yan. Panatilihing alagaan at ingatan ang mga iyan para hindi magalit ang kalikasan at ang mga nagbabantay na hindi natin nakikita. Yun ang kwento ng matandang nagbenta ng lupaing ito." Napatango na lang siya. "Sabagay tama ka naman. Baka magtampo at biglang papangit ang Falls na yan!"sang-ayon naman niya. "Pwede naming gawin na tourist attractions. Pero kailangan ma-maintain ang pag-aalaga at pagbabantay para hindi masira ang kagandahan ng Falls. Mag-eenjoy ang mga taong mamasyal dito dahil talagang napakaganda naman talaga ang kapaligiran. Nakakarelax titigan ang Falls lalo na ang mga bulaklak. Malamig at mabango pa ang simoy ng hangin."namamangha parin na turan ng binata. "Pwede kang magpatayo ng restaurant mo malapit dito para mas lalong ma-engganyo ang mga mamamasyal at kakain dito kapag nakaharap sila sa Falls. Magpatayo ka ng dating place area like mga cottage ganun at family and friends area din para maganda. Wala lang suggestions ko lang naman."sabay tawa. "That's nice idea, Butter.! I will think about it."ngiti niya sa dalaga. "Maganda din maglagay kayo ng parang bridge para mag-connect papuntang kabila. Napanood ko yun sa TV. Gawin niyong touch of Korean-Japanese style. Iniimagine ko palang parang ang ganda ganda na. Kasi pwede silang magtambay sa bridge while looking at the Falls. Tapos may mga puno na iba't ibang kulay ng mga bulaklak nila parang sa cherry blossom tree d'ba? Maglagay kayo ng mga bench sa tabi ng bawat puno na pwedeng tambayan ng mga mamasyal dito."masaya at nakangiti niyang sabi sa binata. Natahimik siya ng makitang nakatitig ang binata sa kaniya. Parang amazed na amazed sa mga sinasabi niya. "Your brilliant idea makes me awe. I didn't think about that. Now I can consider your idea a top priority of mine. Thanks, Butter!"sabay kabig saknya at pinatakan siya ng magaan na halik sa labi. "Eh!"kunwari'y reklamo niya. "Hindi mo na kailangan humalik noh!"irap niya. Humalaklak lang ang binata. "Tara maligo na tayo. Tapos ka ng kumain?"tumango naman siya. Inayos muna nila ang mga pagkain na natira bago sila sabay na naglakad patungo sa Falls. Napanganga siya ng malapitan niya ang Falls. Napakalinaw ang tubig. Yung amoy ng simoy ng hangin ay parang yung mga mamahalin na pabango. Ang bango. Ang sarap langhapin ang bango nito. Napatingala siya. Namangha nanaman siya sa mga bulaklak na nagkalat sa gilid ng Falls kabilaan pa. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ito kaganda. I'm sure na magugustuhan ng mga ate niya ang lugar na ito. Private pa kasi ang lugar kaya wala pang gaano pinapayagan na makapasok dito kundi silang pito lang at mga trabahador lang nila. Mas napanganga siya ng makitang naghuhubad na ng damit at short ang binata. Napalingon naman ang binata sa kaniya. Kumindat pa talaga ito sa kanya. Napabaling siya ng tingin sa ibang direksyon. Biglang nag init ang mukha niya. Pakiramdam niya pinamulahan siya ng mukha. Naka boxer briefs nalang ang binata. Jusmiyo marimar! naibulalas na lang ng isip niya. Tatanggalin na sana niya ang damit niya ng bigla siyang binuhat ng binata. Napatili siya bigla ng agad siya nitong binuhat at sabay hagis sa tubig. Sumunod naman ito at agad siyang niyakap sa bewang. Humalakhak pa ito ng makita siyang habol ang paghinga. "Baliw ka talagang Abo ka!"sabay hampas sa dibdib nito. Naubo pa siya ng bahagyan dahil hindi niya napaghandaan ang ginawa ng binata. Natatawa naman itong niyakap siya ulit. "I can sense that you want to take it off your clothes too. I already told you wag kang magswimsuit dito. Even in the pools and beach wag kang magswimsuit. Naiintindihan mo ba ha, Butter?!"seryoso nitong sabi. Umirap lang siya."So ano nalang pala ang isusuot ko pajamas ganun?! Or pantalon at jacket sa beach at pools?! Ang OA mo lang talaga Abo!"simangot niya. "Much better than swimsuit!"mapang asar nitong ngisi sakin. Inirapan na lang niya ito. "Mabigat itong damit ko baka malunod ako. Naka-spageti strap naman ako eh. Hindi ako nakaswimsuit!"maktol niya. "Don't worry nandito naman ako!"ngiti nito na hindi pinansin ang pagmamaktol niya. Wala na siyang nagawa pa ng hilahin siya nito sa medyo may malaliman na bahagi ng Falls. Safe naman daw dito at na try na nilang magkakaibigan na naligo dito. Malinaw, malinis at malamig yung tubig. Masaya silang naglalangoy. Paminsan minsan nagnanakaw ito ng halik sakin. Kinikilig ako na hindi ko na maitago pa. Kaya heto siya tinutukso na naman niya ako. Hindi rin naman ako papatalo. Ilang oras silang naglangoy at nagbabad sa tubig hanggang sa nagpagpasyahan na nilang umahon. May ginawang bihisan ang binata para sa kaniya. Kaya agad siyang nagbihis dahil nilalamig na siya. Paglabas niya nakita niya ang binatang inaayos ang ihawan. Napatigil siya saglit ng makitang nakaboxer short lang ito at sando. Nakakabighani talaga ang katawan nito ka'y sarap magpayakap palagi sa binata. Nailing siya at lumapit na sa binata baka mahuli pa siya nitong nakatitig sa katawan nito. Malakas pa namang mang asar ang binata. Lumapit na lang siya at tumulong sa ginagawa nito. "Pakikuha na lang Butter, ang mga iihawin natin. Salamat!"sabay turo sa mga iihawin nilang barbecue. May ribs pork, isda, pusit, hita ng Manok. May mga gulay pa na okra, talong at ampalaya, may green chili pang malalaki at hotdogs. Marami itong mga dalang pagkain. Mauubos kaya namin ito. Hmm..at di niya akalain na kumakain din pala ng mga ganito ang binata. Sa loob-loob niya. "Here!"Sabi niya."Tutulungan na kita."presinta niya. "Sure Butter."ngiti niya sa akin. Hindi parin siya nasasanay sa pangiti-ngiti ng damuhong ito. Nakakakilig kasi ito kapag ngumingiti. Masaya silang nagku-kwentuhan ng kung ano-ano. Nagpatugtog din siya ng musik na pareho nilang sinasabayan sa pagkanta. Medyo maganda lang ang boses ko kumpara kay Abo, na napakalamyos ang boses niya sa pagkanta. Mas maganda pa ang boses nito kesa sa ibang mga singers. Biglang humangin ng malakas dahilan para mapuwing ang mata niya. "Ouch!"sabay hawak sa mata niya. "What happen? Are you okay?" sabay hawak sa mukha ko. "Napuwing yata ang mata ko. Ang sakit!"nakangiwi nitong sabi sabay gusot sa mata niya. "Huwag mong kusutin mas lalong sasakit niyan. Come here, let me help you!"sabi nito. Tinanggal nito ang kamay niyang nakahawak sa mata niya. Hinihipan nito ang mata ko ng dalawang beses. "Okay na ba?"tanong niya na nakatitig parin sa mga mata ng dalaga. Kumurap-kurap siya pero parang may duming nakapasok parin sa mata niya. Kaya nakangusong umiling iling siya. Pero imbes na hihipan niya ulit ang mata ko iba naman ang ginawa niya. Hinalikan lang naman niya ako ng malalim na halik sa labi. Napamulagat siya sa pagkabigla at biglang nawala din ang puwing sa mata niya dahil sa gulat. Bwesit na ito! Naka isa na naman. Tinampal niya ang ulo ng binata. "Bwesit ka noh! Hindi ko sinabing halikan mo ako! Nakakarami kana ah!"sikmat niya sa binata. "Bakit kasi nakanguso ka. Akala ko nagpapahalik ka ei!"ngisi niya sa akin. "Ang sabihin mo manyak ka lang talagang Abo ka!"ingos niya sa binata. Kinurap kurap niya ang mata niya. Kinabig siya ng binata at niyakap. "Nakakabighani naman kasi ang labi mo. Hindi ko mapigilan na halikan ka. Masakit pa ba ang mata mo?"malambing nitong tanong. "Mediyo nalang. Kaya bitaw na wag mo na akong yakapin! Yung iniihaw natin sunog na!"sita niya sa binata. Humalaklak lang ito at umalis na sa pagkakayakap sa kaniya. Kinahapunan ipinasyal nga niya ako sa lupain nilang magkakaibigan. Natakot pa siya sa pagsakay ng kabayo. Baka mahulog siya at magka-injury na naman siya. Ayaw na niyang bigyan ng alalahanin ang mga parents niya. "Don't worry, babe, hindi ka ihuhulog ng kabayo ko. Buck's like you too. Magiging karibal ko pa yata itong kabayo ko eh!"halakhak niya. Kinurot niya ito sa kamay. Kanina kasi agad akong hinalikan sa ulo ang kabayo niya ng ipakilala ako ni Abo. Parang tao din na may sariling isip. Masunurin pa sa amo. "Puro ka kalukuhan!"inis niyang sabi. "Seryoso ka naman masyado."natatawang sabi nito. "Kapit ka lang sakin, wag kang matakot. Hindi ko patatakbuhin ang kabayo kong takot ka. Just enjoy the view. Punta tayo doon sa dulo. We can watch the sunset. It's breathtakingly beautiful." "Wow! I love sunset. Tara doon!"agad niyang sabi. At doon nga sila nagtungo. Alas kwatro mediya na, kaya nagtungo na sila agad doon. Tama nga ito mediyo may kalayuan sa Falls, mabuti na lang may kabayo silang sinakyan. Super ganda ang tanawin lalo na at nakikita dito ang taal lake. One of very famous tourist destination dito sa pilipinas. Pagdating nila sa dulo agad silang bumaba sa kabayo. Tinali muna niya ang kabayo sa may puno ng mangga. Nag-iisang puno lang ng mangga ito dito banda at halos damo na lahat ang nakikita. Maaliwalas at maganda tignan. Pasalampak siyang naupo sa damuhan. Napatunganga sa napakagandang tanawin. Kinapa niya ang cellphone sa kaniyang bulsa at nagvideo at kumuha siya ng mga litrato sa magandang view sa harapan niya. Natawa siya ng umeksena si Gray sa harapan niya. Nagpose pa ito na parang macho dancer. Yung mga muscles niya sa braso na nagmamayabang sa tigas. Yung sando nitong nakakainis dahil tinakpan ang masarap nitong katawan. Mga abs niyang kay sarap hawakan at haplusin. Hanep! Nayakap ko na siya at masarap yun sa pakiramdam ng makulong sa mga bisig nito. Sa kama kaya? Tsk! Nailang siya bigla sa naisip. Kalanding utak ito bastos! Huwag na muna tayong pumunta sa exciting part ng buhay ko. Tama na muna na muna sa yakap at halik. Sita ko sa sarili ko. Tinuon na lang niya ang atensyon kay Gray na sumasayaw na parang baliw. Humalaklak siya sa ginagawa ni Gray sa harapan niya. "Yan ba yung step niyong dalawa ng bestfriend mo nung sumayaw kayo ng cha-cha?"Humagalpak siya ng tawa dahil ang awkward niyang panoorin. "Nage-exercise ako wag kang magulo!"kunwari'y sabi nito. Malakas parin siyang tumawa. Hindi niya mapigilan ang sarili na matawa sa itsura nito. "Alis ka nga kasi diyan sa harapan ko. Ang awkward mong panoorin."halakhak niya. "Nilalait mo ba ako?"natatawang tanong nito. Humagikhik lang siya. Tumigil na ito sa ginagawa niya at tumabi sa akin. "Let's take photo together."Sabi nito sabay akbay sa akin. Pinaunlakan ko naman agad siya. Masaya sa pakiramdam na nakasama ko siya ulit. Kinikilig talaga ako sa lalaking ito. Nagulat pa siya ng sa pag-click ng camera ko ay bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Pagkatapos lumipat siya ng pwesto at yakap na niya ako mula sa likuran ko. Sulitin na ang pagkakataon dahil minsan lang naman ito mangyayari. Mamaya magbabangayan na naman kaming dalawa. Sa isip-isip niya. Nang tapos na hindi parin ito umaalis sa likuran niya. Nakayakap parin ito sa akin. Binuka nito ang mga hita niya at nasa gitna niya ako habang nakayakap sa aking beywang. Idinantay pa nito ang baba sa balikat ko. "Sana ganito na lang tayo palagi. I love hugging you like this forever."anas niyang sabi sa akin. Napangiti siya. Yeah me too. Sana hindi na matapos ang araw na ito at ganito na lang forever. Statue in real life. Natawa siya ng bahagyan. "Anong nakakatawa sa sinabi ko? Ayaw mo ba ng ganito?"takang tanong nito sa akin. Himala at hindi ito nagalit. "No. Hindi yan. Natawa lang ako dahil sa naisip ko. If we stay like this forever. Magiging real Statue tayo na nakaupo lang dito forever."natatawa niyang paliwanag sa binata. Natawa na din ito s sinabi niya. "Ang ganda dito. Nakakarelax at nakakawala ng problema at pagod sa katawan."sabi niya sabay sandig ang likod sa matitipunong dibdib ng binata. "Yeah, that is true. Kaya simula nung nabili namin ang lupang ito. Madalas na kaming pumupunta dito kapag free time namin. Sa Falls kami nag-uumpukan. Minsan nagpapaligsahan kami sa pagtakbo ng kabayo."kwento nito. "Masaya manood ng ganyan. Pwede manood ako next time?" "Sure, kung okay na ang lahat dito. For now it's just me and my friends muna ngayon. Bawal pa ang outsiders." Tumango na lang siya. Namangha siya sa paglubog ng araw. "Wow ang ganda!"bulalas niya. "Yeah, but you more beautiful than the sunset, babe!"anas ng binata sa punong tinga niya. Nakiliti siya ng dumampi ang labi ng binata sa punong tinga niya. "Huwag mo nga akong landiin kasi Abo! Manood ka nalang ng papalubog na araw!"sita niya. Nakapokos kasi siya sa pagkuha ng video para maipakita niya sa mga ate niya mamaya pag uwi nila. "I already watched it how many times na."sabi naman nito. Sumimangot na lang. At tinuon ang paningin sa araw na unti-unti ng papalubog. "Ang ganda!" hindi siya nagsasawang sabihin ito at panoorin ito. Alas sais na ng napagpasyahan nilang dalawa na umalis na doon. Sakay na ulit sila sa kabayo patungong Falls. Papadilim na din at need na nilang umalis doon. Para mailigpit na ang mga dala nilang gamit kanina. Kailangan na rin nilang bumiyahe dahil pareho pa silang may pasok sa kani-kanilang trabaho bukas. Tinawagan muna niya ang taga alaga Ng mga kabayo bago sila sumakay sa kotse nito. Niyakap muna niya ang kabayo ni Gray, at nagpaalam bago siya pumasok sa loob ng sasakyan ng binata. Ang cute ng kabayong iyon dahil humalik nanaman sa ulo ko with matching sounds pa. Iniwan na namin ang mga pagkain na hindi namin naubos para sa mga stay-in na trabahador dito. Nasa biyahe na sila. Masaya silang nagkakantahan sa loob ng kotse ng binata. **The Reason** I've found a reason for me To change I use to be A reason to start over new And the reason is you. Sabay pa nilang kanta at nagngitian silang dalawa. At pinagpatuloy ang pagkanta. Natigilan lang silang dalawa ng may bumangga sa sasakyan nila sa likuran. Napasigaw siya gulat ng paputukan nila ang sasakyan namin. Lalo pa siya nagulat ng pinaharurot ng binata ang sasakyan nila. Mabuti na lang bulletproof ang ginamit niyang sasakyan ngayon or else baka nabaril kaming dalawa ni Charmy. Napamura siya. At pokos sa pagda drive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD