Chapter Twenty Six
Two weeks na silang hindi nagkikita ni Gray. Sa video call lang sila madalas na mag-usap. Ang hirap agawin ang oras nito sa trabaho. Pero siyempre sino ba ako para i-prioritize niya. Ang mahalaga may communication kaming dalawa.
Sobrang namimiss na niya ito. She want his hugs and kisses. Yes, I missed those. I'm so obsessed with his kisses and hugs. Hinahanap hanap ko ang mga iyon. Ganito ako karupok.
Nag-eenjoy na siya sa trabaho niya. Wala na ang mga taong toxic na nagtatrabaho dito. Lahat na ng workers dito masaya at lahat nagkakasundo na. Walang lamangan, parinigan at awayan. Naging magaan na ang lahat ng trabaho sa loob ng restaurant. Lahat may team work na. Masaya siya para sa lahat.
***
Excited na siya dahil ngayon ang balik ni Gray sa Manila. Wala naman itong sinabing oras ang pagbalik niya dito. Pero masaya lang siya dahil makakasama na naman niya ito. Namiss ko yung bangayan naming dalawa. Napapangiti siya kapag na-aalala niya ang mga walang humpay na bangayan nila.
Ginaganahan siyang magtrabaho. May pangiti ngiti pa siyang nalalaman. Hindi niya pinapansin ang mga katrabaho niyang nagtataka sa asal niya ngayon.
"Hoy! Charmy, nababaliw kana ba?"natatawang puna ng Isang katrabaho niya. Hindi siguro ito nakatiis kaya kinausap na niya ako.
"Sira! Masaya lang ako! Masama bang ngumiti?"natatawa niyang sagot.
"Ang weird mo eh! Nakakatakot."sabay yakap sa sarili at hinaplos-haplos ang magkabila niyang mga braso.
"Nakakatakot na palang ngumiti ngayon?!"taas kilay niyang tanong.
"Ilang weeks ka na din kasing ganyan. Baka nabaliw kana ng tuluyan dahil hindi na nagpapakita ang dyowa mo!"
"Hoy! Ikaw Mari ha! Chismosa ka na rin! Wala akong dyowa masaya lang ako bawal ba?!"irap niya dito.
"Ay nagalit ang ale! Kasi naman nakakahawa ka. Hindi mo ba napapansin ang iba nating katrabaho. Nakangiti na rin sila kagaya mo. Nabaliw na din ba sila?"takang tanong parin ni Mari.
"Ewan ko sa'yo! Masaya lang ako."ngiti niya. Dapat nakangiti ka rin para ganahan ang mga kumakain sayo!"sabay kuha sa pagkain na order para i-serve na ito. Baka mainip sila may Bata pa naman silang kasama. Kids sometimes is so impatient lalo na kapag nagugutom na ang mga ito.
Busy na siya sa pagse-serve ng order ng maramdaman niyang tila may nakatitig sa kaniya pero ipinagsawalang bahala niya iyon. Sanay na siya sa mga titig ng mga tao. Maganda at sexy daw kasi siya. Minsan pa nga may mga nag-ooffer na mag modelo or mag artista sa akin. Tinanggihan ko iyon lahat dahil wala naman akong hilig sa mga ganong trabaho. Ayoko dahil magulo ang mundo ng pagmomodelo o pag-aartista.
****
Tapos na siya sa trabaho niya at nasa locker room na siya para magpalit ng damit. Ngayon lang niya naramdaman ang sobrang pagod. Wala siyang tigil sa pagtatrabaho kanina. Nasobrahan siya ng kasiglaan at kasiyahan. Nalipasan pa siya ng gutom dahil sa kasipagan. Ngayon parang lantang gulay na siya sa pagod.
Gusto na lang niya agad umuwi at matulog. Hindi na siya nagpaalam sa mga kasamahan niya sa trabaho at yung mga kaibigan niyang nasa kusina. Super pagod ang nararamdaman niya ngayon. Nasubrahan ko yata sa kangingiti. "Pati ba pagngiti nakakapagod na din pala?"sa isip-isip niya.
Nagulat pa siya paglabas niya ng locker room nandito parin hanggang ngayon ang babaeng kanina pa nakatitig at sinusuri ako. Pinagsawalang bahala ko iyon dahil hindi lang naman ang babaeng ito ang madalas na sumuri sa kaniya madami din. Yung iba nga agent manager ng mga agencies na gusto akong kunin na maging artista o kaya ay Modelo.
Wala siyang lakas na loob at hindi niya gusto o hilig ang mag-artista o mag-modelo. Ayaw niya sa magulong mundo ng showbiz. Mas gusto niyang magluto, magbake at magpinta. Kaya kay ate Serenity niya. Sinubukan niya minsan ang nagpinta sa mga napakacute na plain vase nung pumunta siya dati sa pinagtatrabahuan nito sa Mall. Pwede ka din magpinta o gumawa ng design na gusto mo. Doon palagi ang pasyalan ng mga kapatid niya noong nagbakasyon sila dito Manila. Sobrang nag-enjoy sila. Nalungkot pa si ate Serenity noong umuwi na ang mga kapatid niya. Wala na daw siyang kakulitan sa shop na pinagtatrabahuan niya.
Mediyo may kalawakan din yung shop na pinagtatrabahuan nito. Sikat iyon na shop maraming nagpapagawa at orders na pang birthday, wedding, anniversary etc... kahit sa anong okasiyon. May mga accessories at souvenirs pa all in one na andoon na lahat.
Very talented si ate Serenity niya. Kaya hindi na ako magtataka kung marami itong suki at malaki ang kinikita ng shop niya. Kapag tinitignan yung shop na iyon parang walang bumibili. Pero wag ka madaming orders online. Kaya matatawag kung successful iyon dahil kay ate Serenity. Someday magiging successful pastry chef din ako. Magpapatayo ako ng napakalaking pastry shop."Hay aamagin na ako dito sa pagtatrabaho siguradong malabo ko pa iyon matutupad. Marami pa akong dapat unahin bago ang gusto ko. Bata pa mga kapatid ko. Nasa elementary palang sila. Iyong sumunod sa'kin mag-graduate na ngayong taon sa two years course na kinuha niya. Mahaba habang pagtitiis pa bago ko magawa ang gusto ko."kausap niya sa sarili niya.
Actually pangarap naming apat na magkakapatid na magkaroon ng kahit maliit lang na bakery shop. Sa pagkahilig namin sa cakes, cupcakes, cookies at iba pa. Doon kami nagkakasundo na magkakapatid. Minsan sinusubukan namin ang gumawa ng cookies gamit naming pangluto ay ang pinainit na kawali lang. At yung mga steam na mga dessert lang ginagawa namin.
Naputol ang pagmuni-muni niya at ganoon nalang ang gulat niya ng may biglang yumakap sa kaniya sa may likuran niya. Nasa sakayan na kasi siya ng jeep naghihintay ng masasakyan.
"Tang*na!"sigaw niyang naibulalas dahil sa gulat. Bahagyan pa siyang napatili sa sobrang gulat akala niya makikidnap na siya ng wala sa oras.
Kumalas ang taong yumakap sa kaniya at pinaharap siya nito. Napapikit siya ng mariin dahil sa takot at pagkagulat. Naamoy niya ang pabango at alam niya kung sino ang may ari ng amoy na iyon. Si Gray ang salarin dahilan ng pagkakagulat ko. Na-excite siya kahit hindi pa siya nakakabawi sa pagkagulat. Busy kasi ang isip niya sa pagmuni-muni ng bigla siya nitong yakapin sa likod. Malay ba niya kung sino ang bigla na lang yayakap sa akin.
"I always told you don't swearing! Hindi maganda sa babae ang nagmumura."sita ng binata sa akin.
Nang makahuma siya hinampas niya sa braso ang binata. "Sira ka ba?! Papatayin mo ako sa gulat eh. Malay ko bang umuwi kana! At saka malay ko bang Ikaw yung yumakap sakin."simangot niya.
"Hindi mo ba ako nakita kanina? Nakatayo ako sa malapit sa pintuan sa tabi ng guard. Nakikipag-kwentuhan pa nga ako sa guard eh. Parang wala ka sa sarili mo? Layo ng iniisip mo. May problema ba?"may pag-aalalang tanong nito sa akin.
"W-wala naman! Ganito lang siguro ako kapag pagod sobrang madaming iniisip."
"Kumain ka ba bago lumabas ng restaurant ni Axer?"tanong pa nito. Umiling lang siya.
"Tinatamad na akong kumain gusto ko na lang umuwi at matulog."
"Hindi ka ba masayang nakita ako? Hindi mo ba ako namiss?"tanong pa ng binata na may tampo sa boses niya.
Ngumiti siya. "Siyempre namiss kita, Isa ka nga sa iniisip ko eh! Kaya nasobrahan ako ng pagod dahil ang bigat mo sa isip ko!"walang ano-anong sabi niya.
"Parang naging green minded Ang utak ko sa pagkakasabi mo ha!"natatawang sabi ni Gray.
"Huh!"takang tingin niya sa binata. Humalaklak lang ito.
"Come here Butter! Give me a hug."sabay buka ng mga kamay nito. Kaya agad din siyang lumapit at yumakap sa binata ng mahigpit. I miss him. I feel at home sabay sandig ang ulo sa dibdib ng binata.
"I missed you!"bulong ni Gray sa punong tinga ng dalaga. Hinalik halikan pa niya ang ulo ng dalaga.
"I mi---"nabitin sa ere ang sasabihin niya sana ng may nagsalita sa likuran nila. Agad akong kumalas sa binata at tinignan ang babaeng nagsalita sa likuran nila.
Ito ang babaeng kanina pa nasa loob ng restaurant ni Sir Axer. Hindi ba ito nabagot sa tagal nitong nakaupo at matagal nakatutok sa laptop niya.
"Kena!"mukhang nagulat pa ang binata sa paraan ng pagbigkas nito sa pangalan ng babae.
Tuluyan na siyang kumalas sa binata pero si Gray hinapit siya nito sa bewang papalapit sa kaniya. Nakasunod naman ang tingin ng babae sa kamay ni Gray kung saan nakahawak ito sa bewang ko. Sino kaya ang babaeng ito? Sana hindi kagaya ito ni Nerin na warfreak at scandalous. I can't handle another warfreak woman again.
"Hi! What are you doing here?!"tanong pa ni Gray. "And by the way this is Charmy my special someone. Charmy this is Kena a friend."simpling sabi ni Gray. Nakita niyang tumalim ang mga mata ng babae sa tinuran ni Gray.
"H-hello."nahihiya niyang bati sa babae. Tipid lang na ngumiti ito sakanya. Saglit lang din siya nitong tinapunan ng tingin. Mabuti na rin iyon ng wala ng mahabang usapan pa. Pakiramdam ko naman hindi ito friendly.
Sumigla na naman ang mukha ng babae. "Where have you been all this time Gray?! Ang tagal mong nawala na miss kita!"masaya nitong bulalas na parang wala ako sa tabi ni Gray.
"Nasa Ilocos ako."tipid na sagot ni Gray.
"OMG! Bakit hindi mo sinabi sa akin! How's Nerin? Hindi mo man lang sinabi na namasyal ka doon!"she pouted.
"Hell no!! No way! Magkaibigan sila ni Nerin. Sana ibang Nerin itong sinasabi niya. Sana hindi magkaibigan ang bruhang maldita na yun at ang bruhang babae na ito?"gulat niyang sabi sa isipan niya.
"Hindi ko na kailangan pang sabihin sa'yo kung saan ako nagpunta. At kung nasaan man ako! Business ang pinunta ko doon hindi namasyal."
"Kahit na! Sana nakasama din ako. Namiss ko ang bestfriend kong si Nerin. Pero mas namiss kita. Lagi pa naman akong pumupunta sa main office mo. Wala ka naman pala doon."simangot nito.
Naparoll eyes nalang siya ng lihim.
"Kena, please lang! Stop following me around! Stop disturbing me, pwede?! Stop bothering me! You can go home now!"pagsusungit na niya sa dalaga.
"Ang harsh mo naman sakin."tampo nito.
"Alis na kami. Umuwi kana din!"sabay hila na kay Charmy. Alam kasi niyang hindi papatinag ang babae kapag nakipag-usap pa siya dito ng matagal.
"Halata kong may gusto ang babaeng iyon sa'yo."puna ni Charmy.
"Mas masaya sana kapag ikaw ang may gusto sa'kin!"simpling sagot naman niya.
"Siya ang topic natin hindi ako!"sansala niya agad. Baka mapaamin siya ng wala sa oras. Napailing pa siya.
"Forget about her! She's nothing but a little annoying. So much irritating and always disturbing me! Kung hindi lang siya anak ng bestfriend ni Mommy, hindi ko siya pagkakaabalahan na kausapin man lang."inis nitong sabi.
"How are you!"tanong pa nito ng makapasok na silang dalawa sa loob ng sasakyan ng binata.
"Okay lang naman. Naninibago parin ako na hindi ko na nakakasama sa apartment ang mga kapatid ko. Nakakamiss ko sila."
Malapit lang pala ang bahay niyo sa bahay nila Tita sa Ilocos. Yung bahay naman namin doon malayo kina Tita. Pumupunta naman ako doon bakit hindi kita nakikita noon? Ako kasi minsan ang nagmo-monitor sa restaurant namin doon. You know, the Valmon restaurant? Pamilyar ka sa restaurant na yan?"tanong nito.
"Oo nakikita ko nga iyon. Sa Inyo pala 'yon."sabi na lang niya.
Siyempre kilalang restaurant iyon sa bayan ng Ilocos. May mga branch din yon sa iba't ibang lugar. Hindi na niya sinabi na doon siya nagtrabaho noon sa main branch ng restaurant. Umalis lang siya dahil sa maldita niyang pinsan. Ngayon confirm ng si Nerin na bestfriend ng babaeng iyon at Nerin na pinsan ni Gray ay iisa.
Napapaisip siya. Kung ito ang nagmo-monitor sa restaurant nila doon. Bkait hindi ko siya nakikita dati. Manager lang din ang nag-interview sakin noong nag apply ako doon as a waitress.
"Free ka sa Sunday?"tanong nito.
"Oo free ako. Rest day ko. Bakit?"
"Gusto mong sumama sa Tagaytay? Ipapasyal kita sa lupang nabili naming magkakaibigan. Maganda doon. Gusto kong ikaw ang unang makakita sa ganda ng Lugar na iyon. Hindi pa tapos siguro aabot pa yun ng dalawang taon bago matapos. Maganda yung Falls doon. Safe naman at pwede din tayong magpicnic date doon."ngiting kindat niya sa dalaga.
"Talaga isasama mo ako?!"masaya niyang tanong. "Wow! Sasama ako. Pwede din ba maligo sa Falls?"excited niyang tanong na parang bata. Natawa naman ito sa inasta niya at tumango.
****
Matalim na nakatingin sa dalawang taong papalayo sa kaniya."Akala ko mapapasaakin kana! Akala ko wala na akong kaagaw. Bwesit! At sa Isang waitress ka pa talaga nahumaling. Gago ka Arlester Gray Montenor! Ang cheap ng taste mo!"galit niyang sabi sa kawalan.
"Ako na matagal ng may gusto sayo. No! Ako na patay na patay sayo! Binabalewala mo ang effort ko. Binabalewala mo lahat-lahat ang effort ko!!Huh!"galit niyang sambit.
"Nagtagumpay akong sirain at harangan ang nalalapit mong kasal noon dahil sa tulong ni daddy. Makakaya ko ulit ngayon na sirain kayong dalawa! Hindi ako makakapayag na maging masaya kayong dalawa habang ako dito sobrang selos na selos. Sobrang nasasaktan at sobrang nagagalit at pagkamuhi sainyo ng babaeng iyan!"
"Kung hindi ka man mapapasakin Gray, at sa ibang babae ka na naman nahuhumaling ngayon. Pwes! Humanda kayong dalawa sa akin! Mas mabuti pang mawala na lang kayong dalawa kisa ang nakikita ko kayong masaya na dalawa!"nakakuyom ang dalawa niyang kamay habang galit na galit itong nakatingin sa papalayong sasakyan ni Gray.
"Kung pagandahan lang naman de hamak na mas maganda ako sa babae na yan! She only have a green eyes doesn't mean maganda na siya. Ang cheap niya manamit. Ang pangit niya! Hindi bagay sa kanya ang pangalan niyang Charmy dahil hindi naman siya charming! That b!tch! Ambisyosa!"nang gagalaiti niyang panglalait kay Charmy.
"Wala namang maganda sa babae na yon. Anong nakita ni Gray sa kaniya na wala sa akin? Halos lahat nasa sakin na, ah! Ikaw na lang ang kulang Gray. You know from the start na gusto kita. Na Mahal kita. Willing naman akong ibigay ang lahat para sayo. I even seduce you before. Pero tinanggihan mo ako! Bakit hindi mo parin ako magustuhan Gray!"galit na umiiyak nitong sabi sa kawalan. Wala siyang pakialam sa mga taong nakakakita sa kaniya na nagsasalita mag-isa habang umiiyak.
Mayat maya tumatawa na siya na parang nasisiyahan sa naisip. Humanda kayo! Sisiguraduhin kong mawawala kayo sa isang iglap lang dito sa Mundo! I need my Daddy, alam kong siya lang ang makakatulong sa akin. I'm spoiled brat for nothing!"padabog na siyang nagtungo sa kotse niyang nakaparada sa parking lot.
Andoon parin ang gigil at galit sa dalawa."Ang tagal kong naghihintay na mapansin ni Gray, tapos mapupunta lang sa wala ang effort ko. Hell! No way! Sabi ko nga kanina na kung hindi ka man mapapasaakin mas mabuti ng mawala kayong dalawa sa Mundo. Isama ko na rin ang bruhang babae na yan!"sigaw niya ng nasa loob na siya ng sasakyan niya.
Sinundan niya ang sasakyan ni Gray at tinawagan niya ang mga tauhan ng daddy niya. Inutusan niya ang mga ito na simula bukas manmanan nila ang sasakyan ng binata. Itawag sakin kapag makita nilang magkasama ang dalawa. Bago siya gagawa ng hakbang para sa nais niyang gawin sa mga ito.