Chapter Twenty Five

3525 Words
Chapter Twenty Five Tinatamad siyang bumangon. Nakakatamad pumasok sa trabaho. Namimiss na niya agad ang mga kapatid niya. Nasanay kasi siya na sa bawat pag gising niya sa umaga ay kaharutan niya ang mga kapatid niya. Dalawang linggo mahigit din kasi sila dito. Namimiss ko na din sila Nanay at Tatay hindi namin sila matawagan noong pasko dahil nakasara ang cellphone nila. Nakatanggap nalang kami ng tawag mula sa pinsan namin pero si nanay pala iyon nakitawag lang. Nangamusta sa'min at sinabing nasira ang phone nila kaya hindi sila nakakatawag. Kaya noong umuwi ang mga kapatid niya ay bumili siya ng bagong cellphone para sa kanila at regalo narin para sa parents nila. Hindi niya maiwasang magtampo kay Gray dahil wala akong natanggap na gift mula sa kaniya. Hindi ko pinapansin mga tawag at messages niya bahala siya sa buhay niya. "Grabe ka makaimot teh! Ang importante may kiss siya sa'yo!"buska ng kanyang isip. Unfair kaya iyon! Mga kapatid ko may mga natanggap silang regalo mula kay Gray, ako wala! Kahit man lang sana panty, panyo o bra. Kahit ano basta meron. Remembrance ba! Hayzt! Maktol niya at bumangon na para makapag ayos na at makapasok na sa trabaho. Mapapasabak nanaman sila sa unang pasok nila sa trabaho dahil maraming tao ngayon parang fiesta. Hindi ba sila naghanda sa Bahay-bahay nila. Sa isip-isip niya. "Shunga ka talaga babaita ka! Syempre first day of work, first day of school, first day of everything! Napapalibutan tayo ng nagtataasan building dito sa Makati. Maraming office workers. May mga malalapit pang universities at hospitals. At malapit sa isa sa pinakamalaking Mall dito sa Makati. Natural madaming kakain dito. Maganda ang ambiance ng restaurant at affordable naman ang mga pagkain! Pasalamat ka dahil sikat itong restaurant ng boss mo! Kapag matumal at walang gaanong kumakain dito. Ide magsasara ito at mawawalan ka ng trabaho! Shunga nito! Sige reklamo ka pa!"Tsk! Baliw na itong utak ko, kung makasita wagas. Naiiling na lang siya. Nasa kusina siya tumutulong maghugas kahit hindi naman niya ito trabaho. Madami kasi iyon kahit mabilis naman ang galaw nila sa kusina. Tumutulong siya kapag may pagkakataon. Minsan nag-aayos siya sa mga plato at baso. "Nakoo! Pinanindigan mo na talaga ang pagiging hard working employee mo ha! Huwag masyado babaita! Na-impressed na sa'yo si Boss. At nainlove na sa'yo si Fafa Gray. Taray ng babaitang ito. Pasabunot nga!"at sinabunutan nga ako ng bakla. Bwesit na baklang 'to! "Aray naman!" reklamo niya. "Hoy bakla anong inlove siya sa'kin? Hindi no! Magkaibigan lang kami!"Tanggi niya agad. Wala naman silang label para mag-assume siyang may pagtingin din si Gray sa akin. "Friend with benefits ba ha?!"curious pa nitong tanong. "Hindi! Walang ganun. Nag-kiss lang kami. Iyon lang! Friendly kiss."ngiti niyang sabi sa bakla. "OMG! Really?! Ano, masarap ba siyang humalik?"kinikilig nitong tanong na parang bulate na inasinan. "Oo. Masarap naman kasi ang labi ko."biro niya sa bakla. Sa totoo lang masarap naman talagang humalik si Gray, namimiss ko na nga siya. "Ay! Ang landi!"sabay hila nanaman sa buhok ni Charmy. "Gusto ko din maranasan ang mahalikan ng Isang Gray Montenor."malandi nitong sabi. "Humanap ka ng para sayo! Nag-iisa lang siya wala siyang katulad. At saka sa'kin lang siya. Huwag mo ng agawin pa!"irap niya dito kunwari. "Possessive akala mo may label!"irap din niya may Charmy. "Walang pakialamanan! Umalis ka na nga dito. Panira ka ng mood eh!"pagtataboy niya. Humalaklak lang ang bakla. "Makaangkin wagas wala namang label!"pang aasar pa ng bakla. Bwesit inulit pa talaga nito. Napasimangot siya. "Oo na! Alam ko wala kaming label. Kailangan bang ulitin mo pa! At least nalawayan ko na siya."tutuksuhin lang ako nito kapag nakikita niyang naiinis ako. Ang baklang magaling mang asar. "Aba! Lumalaban na Ang babaita!" "Siyempre ako pa ba! Bagong taon na d'ka parin nagbabago. Inaasar mo parin ako. Hindi ka talaga supportive na best friend."tampo niya dito. "Ito naman tampurorot ka na naman diyan. Eh! Kasi wala naman talaga kayong label. Bawal kaya ang magsinungaling. Lagyan na kasi ng label yan. Sige ka baka maagaw pa siya ng iba. Ikaw din baka magsisi ka sa bandang huli."sabi nito. "Babae ako! Ayoko naman na ako 'yong unang nagpapahayag ng nararamdaman sa isang lalaki. I learned my lesson already. Ayoko na ulit mangyari iyon na matapos mong mahalin ng buong-buo at totoo. Pinaglalaruan lang pala niya ako!"bumuntong hininga siya ng malalim. "Paano kung nachallenge lang pala siya sakin dahil sa kadaldalan ko? Sa pang aaway ko sa kaniya? Ang pagsagot sagot ko sa kaniya. Ako nanaman ang kawawa sa bandang huli. Sobrang napahiya na ako dati ayaw ko ng maulit pa iyon!"malungkot niyang sabi. "Suggestions lang naman iyon babaita. Wag kana magdrama. Sorry na! Kalimutan mo nalang na sinabi ko iyon."pang-aalo niya sa dalaga. "Dapat masaya lang tayo. Bawal ang malungkot! Hindi bagay sayo."Sabi pa nito. Ngumiti na lang siya dito. Kung alam lang niya madami din siyang iniisip. Nagugulahan parin siya sa pagkatao niya. May kakaiba siyang nararamdaman na kay hirap ipaliwanag. Basta ang hirap e-explain. "Tara dito may ginawa akong bagong dessert. Tikman mo. Tapos sasabihin mo kung ano ang kulang or ano ang subra. Para approve ni Boss."masaya nitong sabi. Agad naman siyang sumunod patungong pastry area. Excited siyang pumasok dun at tikman ang mga luto nitong dessert. Nagustuhan din ng mga kumakain doon ang free taste na ginawa niya. Ito iyong pinaka favorite niyang cupcakes:pandan butter cupcakes with pandan butter icing on top my own version. Maliliit lang ang mga cupcakes na ito, para sa mga bata sana pero hindi niya akalain na maraming nagkagusto sa ginawa niya. Kaya proud na proud siya sa sarili niya. *** Ayong uwian na. Excited siyang umuwi dahil ngayon din ang balik ni ate Pea dito sa manila. Isang buwan din siya sa probinsya nito. Hindi niya muna iisipin ang tampo niya sa binata. Hmp! Bahala siya sa buhay niya. Inis nitong sabi sa isipan niya. Pero speaking of the devil. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba nasa ilocos siya at sabi niya busy siya. Tapos makikita kong nandito siya sa labas ng restaurant ni Boss Axer. Naparolled eyes na lang siya. Hindi na lang niya ipapahalata na nagtatampo siya dito. Dahil wala itong regalo sa kaniya. Napasimangot na naman siya. Hindi naman sana big deal iyon sakanya kaso ang unfair lang. May gift kaya mga kapatid ko mula sa kaniya. Tsk! Aasarin ko nalang para naman mawala ang tampo ko sa lalaking ito. Ang ganda ng ngiti ng damuhong ito sa'kin. Ako naman talaga ang inlove hindi ang lalaking ito gaya ng sinasabi ng bakla. Masaya ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ito. Kahit nakakainis ito minsan. Pero itong puso ko tumatalon talon na lang bigla kapag nasa malapit lang si Gray. Bwesit na pusong ito. Gusto pa yata niyang magkaroon ako ng heart attack. "Bakit nandito ka? Akala ko ba next week pa balik mo dito? D'ba sabi mo busy ka?"sunod-sunod niyang tanong sa binata. "Hindi ka ba masayang makita ako?"ngiti niya sa dalaga. "Masaya siyempre! I mean HINDI!"kakikita lang natin noong isang araw, ah!"ingos niya dito. Nakita naman talaga niya ito noong sinundo niya ang mga kapatid ko. Sa chopper niya kasi sila sasakay pa ilocos. Napatawa naman ng bahagyan ang binata. "Pasok na may pupuntahan tayo."sabi nito. "Bakit may sinabi ba akong sasama ako sayo, kuya!"pinagdiinan pa niya ang huling sinabi niya. Bigla namang napatingin sa kaniya si Gray. Ayon nainis ko yata siya. Umiba bigla ang timpla ng mukha nito. "Tskkk!"Sabi lang nito at patulak siya nitong ipinasok sa loob ng kotse nito at isinara agad. "Whoah! Galit agad!"umirap nalang siya dito. Pagpasok niya sa loob agad itong sumimangot. "What do you mean kuya?"inis nitong tanong sa dalaga. "Kuya! Eh, d'ba mas matanda ka naman sa'kin? Walang masama doon!"balewala nitong sabi. "We're not a siblings! And if I treated you like my own sister, i should not kiss you on your lips passionately!"mariin nitong sabi. "E, Ikaw lang naman mahilig manghalik diyan!"ingos niya. "Nagustuhan mo naman." "Dahil binibigla mo ako. Paano ako makakaiwas kung para kang kabute na bigla nalang nanghahalik diyan!"ganting sagot niya sa binata. "Dahil gusto kitang halikan. And I like it."ngisi nito. Tsk! Bipolar talaga ang mukong. "Pervert ka kasi!" "Nagustuhan mo naman, ah! Tinutugon mo pa nga ang mga halik ko sa'yo!"tukso niya sa dalaga. Pinamulahan siya ng mukha. Sh!t! Totoo naman talaga kasi iyon. Sumimangot siya. Kahit kailan talaga ang lalaking ito ayaw magpatalo. "Panong hindi ako tumugon kinakagat mo ang labi ko!"ano ba namang topic ito nakakahiya. "Ang sabihin mo masarap akong humalik."pilyong sabi ni Gray. "No! Ang sabihin mo nasasarapan ka sa labi ko!"bigla siyang nahiya. Alam niyang pulang pula na ang mukha niya. Nakakainis naman kasi ang lalaking ito. Napahalakhak ang binata sa sinabi ko. "Ang confidence ng Butter, ko. That's why I like you!"Kinabig siya nito at hinalikan niya ako sa ulo. "Saan ba tayo pupunta?"pag-iiba niya sa usapan nila. Dahil ayaw niyang mag-assume at para pagtakpan ang kilig na nararamdaman niya."Okay! I get it. Like lang. Means gusto ka lang niya. Dahil siguro naaaliw lang siya sa'yo. Magkaiba ang like at love baka mamisinterprete mo ha! Aasa ka nanaman na mamahalin ka din ng gaya sa nararamdaman mo saknya!"bulong ng isip niya. "I know."bulong niya sa sarili. "Magdi-dinner lang tayo. Kadarating ko lang galing ilocos. May nakalimutan akong kunin sa condo ko. Kaya dito na ako dumiretso para makasabay kang kumain kahit saglit lang."Sabi nito. Kalma puso! Kakain lang kami. Huwag kang kiligin. Sita niya sa nagrerigodon niyang puso. Pakiramdam niya tumatalon talon sa tuwa ang puso niya. Dahil lang sa simpling sinabi ng binata. "Okay!"Sabi nalang niya. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Kahit sa simpling ganito lang naappreciate ko ang effort niya. Nagulat pa siya ng sa mismong restaurant nito sila kakain. Nahiya siya bigla dahil kilala na siya ng mga empleyado doon. Ano na naman kaya ang naisip ng lalaking ito at dito niya ako dinala. Hindi man lang ako nakapag ayos kahit kunting pahid lang sana ng pulbo o kahit lipstick man lang. Naconscious tuloy ako sa sarili ko. "Bakit dito mo ako dinala? Nakakainis ka!"bulong niya sa binata. "May pinahanda akong pagkain para sa atin. Nawalan kasi ako ng oras noong mga nakaraan linggo. Hindi tayo nagkasama sa Christmas at bagong taon kaya babawi ako sa'yo ngayon kahit last minute na."simpling sagot naman nito at nginitian siya nito. Alam kaya niyang nagtatampo ako dahil wala akong natanggap na gift from him. Iyon lang naman ang dahilan. At saka nasabi naman niya sakin dati na busy siya kaya naiintindihan ko naman siya. Pero hindi ko akalain na magde-date kami ngayon. Kinikilig siya ng bonggang bongga."Ooppsss! Sabi ni Gray magdinner lang kayo! Wag kang mag-assume na date yan. Dahil kakain lang daw kayo."Napasimangot siya. Kontrabidang isip. Kelan pa kita hindi kakampi?! Pero still date parin ito at kinikilig ako! Napanganga siya ng buksan ni Gray ang isang private room ng restaurant niya. Bumungad sa kanya ang mga candle na nakakalat sa sulok ng room na iyon. Napakaganda at ang bango ng candle scents. Meron din sa lamesa dalawang cute na cute na pulang candle at may mga petals pa ng red roses with red wine pa! Just wow! I'm surprised. It's my first time na makaranas ng ganitong dinner date. So romantic. Hindi nga lang bagay sa suot kong damit. Naka jeans at blouse lang kasi ako. Nilingon niya si Gray. Ngumiti lang ito sa kaniya. At iginiya na siya palapit sa lamesa at pinaghila pa siya nito ng upuan para sa kaniya. Kinuha ni Gray ang isang pumpon ng pulang Rosas at binigay sa kaniya. May isang paper bag pang binigay at nilagay ko lang iyon sa tabi. Napangiti siya hindi niya maitago ang kilig na nararamdaman niya sa oras na ito. "Nagustuhan mo ba?"nakangiti nitong tanong. Tumango siya at matamis na ngumiti pabalik sa binata. "Ang ganda."bulalas niya. "Salamat. Akala ko kakain lang tayo. Bakit may paganito ka pa? Nasurprise ako! At saka first time ko lang ang maka-experience ng ganito. Maraming salamat ulit."nahihiya niyang sabi sa binata. Natawa ito. "This is a special night with you ngayong bagong taon. Masaya ako at nagustuhan mo ang surpresa ko sayo." Sasagot pa sana siya ng nagsidatingan na ang mga waitress para i-serve ang mga pagkain na pinahanda ni Gray. May Paella Valenciana Seafood pa. Whoah! Peborit kaya niya ito? Actually this is a Spanish food na gustong gusto ko. At yung Spanish garlic chicken (Pollo al aljillo)dito din sa restaurant ni Gray ko natikman dati noong nagwork siya dito. Nasabi ko sakanya na Isa na sa peborit niyang pagkain ang paella at pollo. First time niyang natikman ang mga ito dito. Wala iyon sa restaurant ni Sir Axer. Mahirap lang siya kaya hindi niya maafford na kumain ng mamahalin at masasarap na pagkain gaya nito. Samalat kay Gray. "Do you like the foods?"mataman siyang tinititigan ng binata. Napatingin siya dito at nagtama ang kanilang mga mata. Napatitig siya sa binata ang gwapo talaga ng mukong na 'to. Napangiti siya. Siya na din ang sumuko sa titigan nila. Nailang din siya bigla. "Oo. Mukhang masasarap silang lahat."masayang bulalas niya. "Pero andami nito. Mauubos ba natin?"pagkasabi niya agad naman tumunog ang tiyan niya. Pahamak na tiyan ito. Lagi niya ako pinapahiya. Napakagat labi nalang siya. "I think yes! Mauubos natin yan pareho kasi tayong gutom."natatawang sabi ni Gray. Ngumuso siya alam niyang narinig nito ang tunog ng tiyan niya. "Umiinom ka ng wine d'ba?"tanong ng binata. "Oo. Pero ayoko ng lasa. Mas gusto ko yung mga hard drink like Emperador light, Tanduay Rum pwede din Gin."Sabi niya na bahagyan pa siyang natawa. Nangunot kasi ang noo nito sa mga alak na sinabi niya. Honestly, sa Tanduay ice lang ang kaya niyang inumin. Madali lang siyang malasing kaya iwas siya sa alak. "Umiinom ka ng mga ganyang alak?! Seriously, kelan ka pa naging lasinggera ha?!"asik nito. Tumawa siya. "Ganyan naman talaga ang iniinom na alak ng mga taga probinsya. Kaya dapat wag kana magtaka!" Sumimangot ito. "Next time bawal ka ng umuwi ng probinsya niyo! Baka makikipag inuman ka lang sa kung sino-sino doon. Alam mo bang nakakasama sa katawan ang pag inom ng mga ganyang alak! Lalo na't babae ka pa naman!"painis niyang sita sa dalaga. "Ang KJ mo! Naniwala ka naman agad!"taas kilay niyang tumingin sa binata. "Mukha ba akong lasinggera sa'yo?"simangot niyang tanong. "Grabe ka ha! Binibiro lang naman kita."Tumawa siya at nagpeace sign pa siya sa binata. Naiiling na lang sa kaniya ang binata. "Let's eat na."masaya niyang sabi. Masaya silang kumakain. Paminsan minsan sinusubuan siya nito. Naikina-kilig naman niya lalo. Pero syempre hindi parin nawawala ang bangayan nilang dalawa na walang gustong magpatalo. Kumakain na sila ng dessert ng biglang tumayo si Gray, may kinuha sa lamesa na nasa tabi lang din ng lamesa kung saan sila kumakain na dalawa. Pagkalapit niya ay may inabot itong pahabang box na maliit. "Open it!"utos niya kay Charmy."It's my gift for you since hindi ko naibigay noong pasko. Ayoko naman na magtampo ka sakin."malambing nitong sabi. Dahil nakatitig lang siya sa box na nasa harapan niya ay si Gray na ang nagbukas para sa kaniya. It's a gold silver necklace na sa gitna ay infinity na may maliliit na diamond na nakapalibot sa infinity with pendant na number seven sa gitna ng infinity. Simple lang ito tignan pero napakaganda yung pagkakagawa ng infinity with pendant na number seven. I like it very much. "Ang ganda."bigla niyang naibulalas. Tumayo naman si Gray at inilagay sa leeg ni Charmy ang kwentas na regalo niya para sa kaniya. "There, it looks good on you."masayang sabi ni Gray na nakatingin sa kwentas na nasa leeg niya. "Salamat! I like it so much."masaya niyang sabi sabay hawak sa kwentas na nakalagay sa leeg niya."Ayan may gift na siya sayo! Kinikilig yan!"Napangiti siya. Yes, kinikilig ako! "Come on, let's dance."sabay lahad ng kamay ni Gray sa dalaga. Agad naman niya itong tinanggap at agad na tumayo. Iniwan siya saglit para buksan ang compact disc na andoon para magpatugtog ng kanta. Hindi na ito namili ng magandang kanta. Nang maiplay na agad na itong lumapit sa kaniya. Marahan niyang hinawakan ang magkabila niyang balakang hanggang sa naglakbay mga kamay nito sa likuran niya. Ako naman ay nakadantay lang ang mga braso ko sa magkabilang balikat nito. Marahan lang din kaming gumagalaw na dalawa. Naramdaman niyang hinapit siya nito para mas lalong magkadikit pa ang aming katawan. Kaya ang ending nakapulupot na ang mga kamay ko sa batok nito habang yakap-yakap na niya ako. Gusto ko yung ganito. I feel safe and relax. Hindi ko na pinansin ang kanta maganda naman ang tugtog nakakagaan ng dibdib. Isinandig niya ang ulo sa dibdib ng binata. Dinampian naman ng binata ng halik sa ulo niya. Nahiya siya bigla dahil naalala niya kagagaling lang niyang trabaho at wala pa siya ligo. Baka amoy pawis siya. Kaya bigla siyang dumistansiya ng kunti na ipinagtaka ng binata. "Why?" may pag-aalala nitong tanong sa dalaga. "Ah, e, kasi kagagaling ko lang sa trabaho. Baka amoy panis na ako."nahihiya niyang sabi. "Nah. It's doesn't matter to me kahit ano pang amoy mo as long as you are here with me. It's fine."sabay hapit ulit niya sa kaniya papalit at niyakap siya ulit nito ng mahigpit. "Alam mo bang I hate dancing."biglang kwento niya sa dalaga habang yakap niya ito."After that incident sa school namin way back high school sa Amerika. Hindi ko alam kung anong trip ng teacher namin at pinabunot kami Isa-isa at yung magkapareha ng mabunot yun ang magiging kapartner namin. Tapos kung ano ang nakasulat sa papel iyon ang gagawin namin. Okay naman sana kasi may praktis ng Isang linggo." "Pero ang nabunot ko ay dancing tapos cha-cha pa. Hindi ko alam kung anong sayaw ito you know. I felt cheated and frustrating. Ang nakakatawa pa pareho kami ng bestfriend ko ang nabunot. Pareho kaming hindi marunong sumayaw. He is more worst than me. Dahil ayaw naming mabagsak sa grade namin nag-hired kami ng dance instructor. Isang araw palang give up na ang D.I namin. Kung hindi mabalian sa kamay maapakan naman ang paa nila."natatawa nitong kwento. Natawa na rin siya iniimagine ang itsura nila ng bestfriend niyang sumasayaw. Oh, wait bestfriend niya? Lalaki kaya ito o babae? Sa isip-isip niya. "Iyong bestfriend mo babae ba?"curious niyang tanong. "Lalaki. He is Singaporean-American. Naka base siya ngayon sa Singapore."sabi niyo. Tumango tango lang siya. Itinuloy naman nito ang pagkwento. "Natapos nalang ang isang linggo na wala kaming matinong praktis. Hindi pweding mag back out kasi doon nakasalalay ang final grade namin. Sumapit nalang ang araw ng competition. Wala kaming choice na dalawa kundi sumayaw ng na-aayon sa napraktis namin."napatigil ito wari'y ayaw na nitong ituloy pa. "Anong nangyari sa sinayaw niyo? Dali na ikwento mo na."excited nitong tanong sa binata. "Ayon naging laughing stock kami sa school."natatawa pa itong inaalala ang nangyari sa high school life niya. "That's the worst experience I ever had. Imagine natapos nalang yung kanta sumasayaw pa kaming dalawa. Kumembot na nga lang hindi pa namin magawa. Parehong kaliwa mga paa namin sumayaw. Walang direction ang steps at hindi kami sabay sa pagsayaw. May sarili kaming mundo. Okay naman iyong cha-cha kasi patalikod at harap lang ang ginagawa namin at kunting galaw sa kamay."huminto ito at biglang tumawa. "Nakakatawa si Stephen my best friend. Para siyang nagkakarate with sounds effect pa. And everytime we move our feet forward and backward isabay pa yung kamay namin tapos biglang isisigaw niya heyaaah wooo haaa yaaa. Nadidistract ako!"Humagalpak kaming dalawa sa pagtawa. "Cha-cha kasi yung sayaw namin tapos naging karate cha-cha na. Pati ako nakikisali sa pag sigaw niya. Ang ending naging tampulan kami ng tukso sa school. Eh, matigas talaga kasi ang katawan namin na sumayaw."natatawa parin nitong kwento. "Maririnig mo talaga ang tawanan ng mga klasmate namin. Naging katatawanan kami sa school. They called us dancing chopsticks, dancing balloons, dancing like a zombie, a robot etc."tumatawa kwento pa niya. Napabungisngis siya. Iniimagine niya yung itsura nilang sumasayaw na magbestfriend. Mayat maya ay napahalakhak na siya. "I can't imagine na sumasayaw ka ng cha-cha with karate style. Sobrang nakakatawa."tumatawa din niyang sabi. "Yeah, me too. Kapag ipinapaalala ko iyon kay Stephen nagagalit iyon. Mumurahin niya ako. At ang sasabihin niya lang."That day is a worst nightmare experience!"natatawa nitong sabi. Kumalas na siya at nagtungo sa lamesa nila para uminom ng tubig. Napagod siya kakatawa. Sumunod naman sa kaniya si Gray. Umiinom siya ng matapos inalok niya ang binata kung gusto niyang uminom din ng tubig. Umiling lang ito. Sabay hapit sa bewang niya at agad siyang sinunggaban ng halik sa labi. Sa una nagulat pa siya until tumutugon na rin siya sa halik ng binata. They kiss tender and passionately. Hindi niya alam kung gaano sila katagal na naghahalikan. She loving it. Ang saya ng pakiramdam niya na nakasama niya at nasolo ulit ang binata. All of this Is a new experience to me. He's sweet though. Kaya Mahal ko na talaga ang lalaking ito God. Pero may pangamba parin akong nararamdaman dito sa puso ko. **** Natawa lang ako ng slightly lang Hahahaha.. Tamad ako mag edit hehe
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD