Chapter Twenty Four
*Third person*
"Hon! Napansin mo ba 'yong titig ng babae sa'yo? It seems like she knows you. Mukhang nagulat pa nga siya."puna ni Lorraine sa asawang si Caspian.
"No! Not at all. Mas nagulat siya ng makita ka niya mas parang kilala ka niya."pero honestly nagulat din ako pagkakita ko sa babae na iyon saglit nga akong napatulala. Parang may kamukha ito pero hindi ko matukoy kong sino basta unang kita ko sa babae na 'yon parang may nararamdaman akong kakaiba.
Isama pa na magkapareho kami ng mga mata. Susundan ko sana ito kaya lang nagmamadali kaming umuwi dahil mamaya na kami pupuntang Ilocos. Nasa na kasi ng private detective nila ang kakambal ng aking Ina. Nauna ng nagtungo doon ang Ama niya. Excited itong makausap at makita ang kakambal ng asawa niya na matagal na nilang hinahanap simula ng tumakas ang Ina niya sa Bahay nila sa Spain.
Simula noon wala na silang balita hanggang ngayon kung nasaan na ang Ina niya. Nakita ko kung paano muntik ng sirain ng Ama niya ang buhay nito dahil sa biglaan at walang pasabing paglalayas ng Ina niya. Mahal na Mahal ni daddy ang mommy. Aminado akong nagtanim ako ng galit at sama ng loob sa aking Ina dahil iniwan niya kami ng Daddy ng wala man lang iniwan kahit sulat man lang. Ang Yaya ko ang kasa-kasama ko habang lumalaki ako. Ito ang tumayong pangalawang Ina ko. Inalagaan akong mabuti, pinapayuhan at ipinapaunawa ang lahat para huwag akong magalit kay Mommy, dahil may dahilan daw kung bakit nito nagawang umalis.
Habang lumalaki ako unti-unti kong nauunawaan kung bakit ito ginawa ng aking Ina. Nang magkalakas na ng loob ang Yaya ko. Kweninto niya lahat kay Daddy at sa akin kung bakit tumakas pauwing Pilipinas ang aking Ina. Kaya simula noon lagi siyang dala-dala ng ama niya patungong Pilipinas kapag bakasyon para hanapin ang Mahal nitong asawa.
Halos mawalan na kami ng pag asang mahanap ito dahil yung dating tinitirhan ng pamilya ng aking Ina sa Pangasinan ay wala na sila doon. Lumipat na sila sa ibang lugar. Pero pinipilit ko parin ang daddy na hanapin namin sila dahil nasabi din ng Yaya ko na buntis ang mommy, dalawang buwan na ang ipinagbubuntis nito ng umalis sa Spain.
Sobrang pangungulila at lungkot ang aming nadarama ng mawala nalang bigla si Mommy. Hanggang ngayon umaasa parin kami ni Daddy na sana makita pa namin sila ng kapatid ko.
"Hon! Tulala ka nanaman. Hindi mo ako pinapakinggan!"bumalik ang diwa niya ng bahagyan siyang yugyugin ng Asawa.
"Sorry! Ano ulit 'yong sinasabi mo?"
"Sabi ko magkamukha kayo ng babae na iyon ng matitigan ko kanina. Parang girl version mo siya. Ang pinagkaiba lang ninyong dalawa ay sa ilong mas matangos iyong sayo, while sa kanya katamtaman lang. Even the shape of your faces magkapareho kayo."Sabi nito na subrang nakatitig sa mukha ko.
"Nakita mo lang magkakulay kami ng mga mata magkamukha agad. Walang ibang babae si Daddy. Ang Mommy lang ang babae sa buhay niya. Kaya malabong magkamag-anak kami."kinarga na niya ang anak nila at inakbayan ang asawa nito. Iginiya na niya ito patungong labasan.
"Malay mo, Hon. Baka kapatid mo pala 'yon. Malay mo babae pala iyong kapatid mo? We never know d'ba? Wala ka bang nararamdaman na luksong dugo?"Sabi pa ng Asawa niya. Sa totoo lang unang tingin palang niya sa dalagang iyon may kakaibang naramdaman na siya dito.
"I don't know!"Sabi nalang niya. "Kailangan na nating umalis mamaya. Excited na din akong makitang muli ang Tita Carmen ko. Isang beses ko lang siya nakita mga three years old pa ako noon. Isang beses lang din kasi kaming nagbakasyon dito sa Pilipinas no'n. Mostly sa video call lang communication namin noon nila Tita. Mula ng mawala si Mommy, nawalan na din kami ng communication sa buong pamilya nila."malungkot na kwento niya sa kanyang asawa.
****
*Charmy's Nanay Carmen POV*
Napag pasyahan nilang mag asawa na bukas na lang sila luluwas pa La Union. Kada taon kasi umuuwi sila doon para bisitahin ang Mama niya. Hindi rin naman sila nagtatagal doon sa kadahilanan na laging mainit ang ulo ni Mama sa apo niyang si Charmy. Ayaw niya talaga nitong nakikita na ikinalulungkot naman ng anak ko.
Baka walang dadalaw sa puntod ng kakambal niya. Minsan lang sa Isang taon dumalaw ang pamilya niya doon sa sementeryo. Kahit ang Papa hindi na nila nadadalaw. Kaya kami nalang ng Asawa ko bukas ang dadalaw sa puntod nila.
Nasa malalim siyang pag iisip ng may marinig siyang kumakatok sa pintuan. "Ang aga naman! Wala naman kaming inaasahan na bisita ah."bulong niya sa sarili.
Nasa likod ang asawa niya namimitas ng gulay na talong, okra at talbos ng kamote. Pang umagahan nilang dalawa. Nakakamiss din pala na mawalay sakin ang mga bata. Tama lang ang naisip ko ayoko pa kasing magtagpo agad-agad ang mag ama. May imbestigador kasing ngtatanong nung last month pa kung may kakilala akong Carmen Blazques. Kinutuban na ako na baka ang asawa nito ang nagpaimbestiga. Baka hanggang ngayon hinahanap parin niya ang kakambal ko.
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa bata ang totoong pagkatao niya. Hindi ko pa kayang mawala siya sa'kin. Siya nalang ang ala-ala ng kakambal ko. Sana balang araw maintindihan niya ako at 'wag akong kamuhian kung itinago ko sa kaniya ang totoo. Sinusunod ko lang naman utos ng kakambal ko. Napabuntong hininga siya.
Agad na siyang nagtungo sa pintuan ng marinig ulit ang katok sa pintuan. Bahagyan pa siyang nagulat ng makita kung sino ang panauhin na kumakatok sa pintuan. Nanlalaki pa ang mga mata niya. Kumurap-kurap pa siya. Iniisip lang niya ito kanina lang. Biglang sumulpot na parang hangin.
"B-bayaw L-lincolnton? it's that you?"gulat niyang tanong na hindi makapaniwala.
"Good morning hipag! Kumusta ka na?"ngiti nito saknya.
Tinitigan niya ito. Matikas parin pero halata sa mukha niya ang matinding lungkot at stress.
"Mabuti naman kahit papano. Hindi mo ba kasama ang anak mo? Nako malaki na siguro iyon ano?"excited siyang makita ang panganay ni ate kahit Isang beses lang sila noon na nagkita. Sa tawag nalang kasi sila madalas na nag-uusap. Sana marunong itong magtagalog. Itong asawa kasi ni ate nag-aral ng wikang Tagalog ng naging magkasintahan sila ni Ate.
"Susunod na sila may binili lang."
Marunong parin talaga itong magsalita ng Tagalog kahit gaano na katagal na wala silang balita dito. Nagulat pa siya ng magsalita ang asawa niya sa likuran niya.
"Sino siya? At diyan kayo sa pintuan nag-uusap! Kung bisita mo siya papasukin mo!"sita sa kaniya ng Asawa.
"Pasensiya na. Nagulat lang talaga ako. Hindi ko kasi inaasahan na magkikita pa tayo."Nahihiya na kinakabahan niyang sabi. Hindi niya nasabihan ang asawa niya baka magdadadaldal ito.
"Asawa ko pala si Jinardo."pakilala niya kay Lincolnton. "Ito 'yong asawa ni Ate Carlen si Lincolnton."nagshake hands naman silang dalawa. Tinignan niya ang asawa at pinandilatan ito ng tingin.
"Magandang umaga pare! Ikaw pala iyong ikenikwento ni Carlen dati. Maupo ka."Sabi naman ng Asawa niya.
Nakita niya itong inililibot ang paningin sa loob ng bahay. Mabuti nalang at wala silang display na picture sa Sala nila. Ayaw ng mga anak niya ang magdisplay ng mga pictures nila. Lalo na itong si Charmy at Carlden. Kaya kahit papano nakahinga siya ng maluwag. Nakatago din lahat ang mga albums nila. Iyon daw sana mostly ang unang tinitignan ng bisita.
Mayat maya pa ay nakarinig na ulit sila ng sasakyan na tumigil sa tapat ng bahay nila. Tumayo siya para lumabas at tignan kung sino ang iyon sumunod naman ang asawa niya at si Lincoln.
Napaluha siya ng makita ulit ang pamangkin niyang matagal na niyang hindi nakikita. Kay gwapong bata. Kamukhang kamukha siya ni Charmy. Hindi maipagkakailang magkapatid nga ang mga ito. Kung hindi lang komplekado ang sitwasyon baka nasabi ko ng kamukha nito ang kapatid niya.
Agad na lumapit ito at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap din niya ito at napaluha na lang dahil kahit papano kilala pa siya nito. Namiss niya bigla ang kakambal niya.
"Nako! Ang laki at ang gwapo na ng pamangkin ko. Marunong ka bang magtagalog ha? Nang hindi ako mapasubo sa pag sasalita ng English?" natatawa nitong tanong sa binata.
"Opo Tita Ganda."natatawa din nitong sabi pero nasa mukha ang kasiyahan at lungkot. Hindi parin nito nakakalimutan ang endearment nito sa'kin na Tita Ganda. Napangiti siya.
"Halika pasok kayo. Tamang tama hindi pa kami nakapag almusal."hahakbang na sana siya ng mahagip niyang may kasama pala ito.
"Nako. Bakit hindi mo sinasabing may kasama ka pala hijo!"ngumiti siya sa kasama nitong magandang dalaga at sa napaka cute na bata. Pero saglit siyang napatulala ng makitang malaki din ang hawig ni Charmy sa batang ito.
"Asawa ko po Tita si Lorraine at ang anak naming si Louise."pakilala niya sa akin.
"Ang galing mo naman pumili hijo. Napakaganda niya."masaya niyang papuri sa dalaga.
"Magandang Umaga po!"nahihiya namang bati ng asawa ng pamangkin ko.
"Baby say hello to Lola Ganda."utos naman ng ama nito.
"Hello po Lola Ganda."nagwave pa ang bata. Ganitong ganito si Charmy noong kaedad lang nito.
"Huwag kang mahiya hija. Feel at home."ngiti niya dito. "Oh, tara pasok na tayo sa loob. Maraming tsismosa diyan sa labas."sabay iginiya na niya ang mga ito papasok sa loob.
Masaya silang lahat na kumain. Napakabibo ang anak ng pamangkin niya nakikita niya talaga dito si Charmy. Napatigil siya ng laging isinisingit sa isipan niya si Charmy.
Dito na din sila nagtanghalian. Ipinasyal niya ang mga ito sa ilog at doon nila naisipang kumain ng tanghalian kasama ang mga kamag-anak ng Asawa niya.
Hanggang sa dito na sila nag Noche Buena. Dahil sa makalawa balik na sila sa Spain for New Year. Masaya ang lahat madaming handa na sila din ang gumastos dahil sa kagustuhan na rin nila. Ngayon lang daw sila nakapasyal ulit dito kaya pagbigyan ko daw sila. Um-Oo nalang ako.
"Tita Ganda."nagulat siya sa pagtawag ng pamangkin niya.
"Oh, hijo! Bakit may kailangan ka ba?"kabadong tanong ng ginang.
"Ahm..kanina ko pa ito gustong itanong pero dahil busy ka po kanina kaya wala akong lakas loob na magtanong."nahihiya niyang sabi.
"Anong itatanong mo hijo?"
"Kung alam niyo po ba kung nasaan po ang Mommy ko? Matagal na po kasi namin siyang hinahanap at sobrang namimiss na po namin siya!"mahina at bakas ang lungkot at pangungulila sa boses nito.
"P-pasensiya kana hijo. Pero m-matagal ng wala ang M-mommy mo."malungkot nitong pahayag sa pamangkin niya.
Nakita niya itong kamuntikan ng matumba sa kinatatayuan nito. Kaya agad niyang nilapitan at niyakap ito. Nahabag siya bigla ng humagulhol ito ng iyak habang yakap niya ito. Napatigil sila ng may nagsalita sa likuran niya.
"Totoo ba ang narinig ko? Wala na ang asawa ko?"Hindi makapaniwalang tanong naman ng bayaw niya. Kita niya sa mukha nito ang sakit, lungkot at pighati.
Iginiya niya sa sofa ang mag ama. Walang tao doon dahil ang kainin ay nasa labas ng bahay nila.
Ikweninto niya lahat ng nangyari sa kakambal niya. Pero kailangan niyang magsinungaling para sa kapakanan ni Charmy. Ayaw kong madagdagan nanaman ang sakit na nararamdaman ng batang iyon. Marami na itong pagsubok na napagdaanan. Tama na iyon. Tama ng sumaya naman ito ngayon.
Patawad anak ko kung inilihim kita sa ama at kapatid mo. Patawad panginoon diyos sa pagsisinungaling ko. Sana maintindihan mo ako. Lihim niyang panalangin.
"Saan siya nakalibing ngayon, Tita?"garalgal na tanong ng pamangkin niya.
"Sa La Union. Balak nga sana naming lumuwas ng asawa ko bukas para bisitahin ang puntod ng kapatid ko. Kada araw ng patay, birthday namin ng mommy mo at bagong taon namin siya binibisita dahil malayo naman kami doon."Sabi niya.
"Gusto ko po siyang makita. Sasama kami bukas sainyo, Tita."malungkot nitong sabi. Ang ama nito'y tahimik na simula ng marinig niya ang mga kwento ko. Lalo na ng sinabi kong dapat magalit ako sa kaniya dahil pinabayaan niya ang kapatid ko.
Mas lalo silang nanlumo at parang binagsakan sila ng langit at lupa ng sinabi kong pati yung pinagbubuntis ng kapatid ko ay nawala. Nakonsensiya ako dahil sa hindi maipaliwanag na awa sa mag ama pero kailangan kong panindigan ito hanggang kaya ko. Sana mapatawad nila ako.
Sinusunod ko lang naman ang bilin ng kapatid ko. Na huwag ipaalam sa ama nito ang totoo dahil mapanganib ang buhay ni Charmy. Hindi ko rin sigurado kong buhay pa ang Ina ng bayaw niya. Ito ang nagpahirap sa kakambal ko. Sinasaktan niya ito kapag wala ang asawa ng kakambal niya. Ayaw kong magtanong.
Kinabukasan nagtungo na sila sa La Union gamit ang private helicopter nila. Para mabilis ang dating nila doon. Sa bayan ng San Juan sila nagtungo.
Nang mahanap na namin ang puntod ng kapatid ko, agad na lumapit ang mag-ama sa lapida ng kapatid ko at agad na lumuhod ang mga ito. Humagulhol sila ng iyak na parang ngayon lang nailibing ang kapatid niya.
Pati sila napaluha na din sa nasaksihan nila. Kung gaano sila nasasaktan sa pagkawala ng Mahal nila sa buhay. Lalo na itong pamangkin ko na kay Bata pa ng Iwan siya ng kaniyang Ina. Nasasaktan din naman siya pero wala naman na siyang magagawa kung hindi na lumaban at gumising ang kakambal niya noong pagkapanganak kay Charmy.
Kaya pala andaming mga bilin dahil iyon na pala ang huli naming pag-uusap.
"Patawarin niyo ako kung hindi ko man kayo nakontak noon dahil nawala ang contact ko sainyo. Dahil tinangay ng baha ang Bahay namin noong kasagsagan ng bagyo. Wala kami naisalba kahit kunti man lang. Lahat ng impormasyon sainyo sa Spain ay naisamang tinangay ng baha."Lumuluhang sabi na rin niya sa mga ito.
Wala silang imik panay lang ang iyak nila. Masyado nilang dinibdib ang pagkawala ni Carlen. Panahon nalang ang makapagtatakpo kung sakaling makita man nila si Charmy. Diyos nalang ang bahala sa lahat.