Chapter Twenty Three

2626 Words
Chapter Twenty Three Biyernes. Super excited ang mga kapatid ko na mamasyal sa Enchanted Kingdom. Sobrang aga nila nagising kahit hapon pa naman ang pagpunta namin doon. May pasok pa kasi siya sa trabaho. Mabuti nga at pinayagan siyang mag half day lang ngayon. Mabilis ang oras na lumipas hindi niya namamalayan tanghali na pala. Kaya nagmamadali na siyang nagtungo sa kusina para magpaalam na sa mga pinakaclose niyang mga katrabaho. "Hello, hello, hello."malakas niyang sabi para maagaw ng pansin ang pagpasok niya sa kusina. "Babaita! Anong meron may sunog ba?"kunwari'y shocks ito sa pag sigaw niya. Exaggerated pa itong nakahawak sa may dibdib nito. Pinaikotan lang niya ito ng mata at natatawang lumapit doon. "Kahit kailan ang pangit mo um-acting bakla. Hindi bagay sa'yo!" Pang aasar niya na ikinatawa ng kasamahan nilang taga luto. "Babaita ka talaga! Halika nga dito ng masabunatan kita! Kontra ka lagi sa pagpapraktis ko na maging artista!"akma na siyang sasabunutan ng mabilis siyang nakatakbo papalapit sa pinaka manager sa kusina. "Chef po, oh."natatawa niyang sumbong. "Kayo talaga na dalawa basta magsama kayo napu-pwermisiyo kami dito sa kusina."iiling naman nitong sabi pero nakatawa. "Magpapaalam lang po ako Kuya, half day ko lang po kasi ngayon. Nakapag paalam na ako sa Boss natin."Sabi niya sa mga ito. "Wow ha! Bias talaga si Boss. Hindi mo deserve iyong award na"Most Charming, Favorite worker and hard working employee of the year."simangot ng bakla sabay hawi sa imaginary bangs nito. "Hindi ko na 'yon kasalanan noh! Ang ganda naman kasi ng best friend mo!"sabay flip din sa sariling buhok niya na ikinatawa ng kasamahan nila. "Sige na baka nasa labas na ang sundo ko. Maligayang pasko sa inyong lahat. See you next year."Sabi niya sa mga ito. Nilapitan niya ang mga ito at hinalikan sa pisngi Isa-isa. "Si Fafa Gray, ba ang susundo sa'yo babaita?"taas kilay nitong tanong. Tumango lang siya at ngumiti sabay kaway sa mga ito. "Wow!! Sexcited yan!"maarteng sabi ng bakla na ikinatawa na nilang lahat. "Inggit yan?"natatawa niyang sabi bago lumabas na ng kusina. ****** Nasa biyahe na sila. Sila lang lima ang mamasyal. May biglaang tawag ang natanggap si ate Sese, Ang package na matagal na niyang hinihintay daw, sabay pa na ngayon araw i-deliver ang galing sa Singapore at Australia na package kung saan doon nagtatrabaho mga kaibigan niya. Ganoon din kay ate Pea, ngayong hapon i-deliver ang mga kape na order niya galing pa iyon sa Cebu. Si ate Jalyn may pasok sa trabaho as a secretary bawal siya mag absent. Bugnutin at masungit pa naman daw iyon Boss niya. Mahilig manigaw. Kaya kung maaari gusto nitong mas mauna pumasok sa opisina bago dumating ang Boss nito. Kaya sa huli kami lang magkakapatid at si Gray ang pupunta. Pero okay lang excited din naman siya pumunta do'n. First time din kasi niyang makapasyal sa Enchanted Kingdom. "Super excited na ako makasakay ng roller coaster."masayang wika ng kambal. "Me too."Sabi naman ni Carlden. "Not me! Ayokong sumakay diyan. Taga picture at video niyo nalang ako para may ipakita kayo kina nanay pag uwi niyo."Sabi naman ni Charmy. "Why? Are scared of high place?"tanong ni Gray sabay lingon sa kaniya. "Ahm..not at all. Hindi ako takot pero Everytime na nasa itaas ako o aakyat sa matataas na Lugar, pakiramdam ko nahihilo ako at natatakot. Minsan nasusuka. I can't explained."kwento niya sa binata. "Dahil yun noong nahulog siya sa mataas na puno ng mangga, kuya Abo. Nagka truama po siya."singit naman ni Carlden. "Ha!"gulat niyang nilingon si Charmy. "Bakit ka nahulog?"curious niyang tanong. Nakita niya itong napapikit ng mariin. "Kwento ni Ate Chaming, dati na may nakita siyang ahas na nakapulupot sa isang sanga ng mangga kaya agad-agad siyang bumaba sa puno. Pero na out balance daw siya hindi nakakapit sa sanga kaya nahulog siya. Mabuti daw hindi napasama 'yong pagkabagsak niya."kwento pa ni Carlden. "At saka himala daw na wala siyang malalang bali sa katawan. Sa may balikat lang ni ate ang may bali sa taas ng pagkakahulog niya sa puno. Kala daw nila namatay na siya dahil nawalan siya agad ng malay noon. At dalawang araw din siyang hindi nagising. We are all worried that day."buntong hiningang dagdag pa ni Carlden. "Dalawang araw din daw na umiiyak si nanay noon."singit ni bunso. "Oy, masyado na kayong madrama. Tsaka hindi niyo na kailangan ikwento pa! Matagal na yun." "It's okay. Ako lang naman ito."Saad ni Gray. "Ilang taon ka noong nangyari iyon?"Tanong pa nito. "13years old na ako noon." "Kaya ba nakapikit ka habang nagpupunas ka ng mga bintana sa opisina ko noon?"tanong nito. Ito yung gusto niyang itanong noon nawala lang sa isip niya. Nasagot na ngayon ito pala ang dahilan. Nakita niya itong tumango lang. Napabuntong hininga siya. Bigla siya nakonsensiya. Hindi naman niya alam akala niya talaga nagrereklamo lang ito. "I'm sorry. I didn't know."apologetic siyang tumingin kay Charmy. "It's okay. Nakasurvive naman ako."natatawa niyang sabi. Para mawala ang tension sa loob ng sasakyan ni Gray. Excited na lang siyang nagtanong ng kung ano-ano mga gusto nilang sakyan sa loob ng enchanted kingdom. "Anong una niyong sakyan pag nasa loob na tayo?"masaya niyang tanong sa mga kapatid. "We can do Dodgem Car first ate. Para makasali ka."masayang sagot ni Carson. "Gusto ko yun. Kasama ko sa Car si kuya Abo."agad naman sabi ni Charissan. Natawa naman si Gray sa tinuran ng kapatid ni Charmy. "Sure, baby Cha."masigla naman sagot ni Gray. "Magdrive ka and I just guide you."sabi pa nito. "Yes! Excited na ako kuya Abo. This is my first time to drive Dodgem Car. This three old person..."sabay turo sa mga nakakatanda niyang kapatid."They never allowed me to drive before."kaswal na sabi ng bunso niyang kapatid. Napahalakhak naman sa tawa ang binata sa sinabi ng kapatid ni Charmy. "WHAAAAT!! WHO'S OLD??!"sabay sabay naman na sigaw ng tatlo na mas lalong ikinatawa ni Gray. "I mean....hmmm. The Carabao is the only living creature that grows OLD here in the world!"diniin pa ng bunso nila ang old na words sabay peace sign niya sa mga kapatid niya. Humagalpak na naman ng tawa ang binata. "You're so great, Baby Cha!"sabay fist bump niya sa bata. Tuwang tuwa naman ang bata. "Yes, I am Kuya Abo! They are all triggered."sabay hawi sa buhok niya. Feeling close na silang dalawa ng binata. Natawa nalang din siya sa inasta ng kapatid niya. Full of confidence. Panay ang kulitan nila sa loob ng sasakyan ni Gray. Feeling close na din silang tatlo sa binata. Maybe it because we don't have a big brother, kaya siguro attached na sila agad kay Gray. Magaling din kasi itong makisama. Kaya nakagaan na nila agad ito ng loob. ***** Super saya nila. Ang iingay halatang bago lang sila sa loob ng enchanted kingdom. Nagpicture picture muna sila bago sumakay sa lahat ng pwedi nilang sakyan dun. Mabuti nalang pinahiram ni ate Sese ang camera nito. May gagamitin siyang pangpicture sa mga kapatid. She really want to try the ferris wheel, pero hindi kaya ng loob niyang sumakay kahit gaano pa niya gustong subukan ito. She deeply sighed. Namamangha niyang pinapanood ang mga kapatid niyang nakasakay sa Roller Coaster, Ekstreme Tower Ride, Disk-O-Magic, Space Shuttle, Flying Fiesta at iba pa. Nage-enjoy sila, nage-enjoy din akong kumukuha ng picture at video nila. Nag-enjoy din naman siya dahil nakasubok siya sa mga ibang activities gaya ng Dodgem, 7D Interactive Motion Theater, Fun Kart, Laser Mission, Rialto at iba pa. Natatawa siya dahil napasabak ang binata sa mga makukulit niyang kapatid. They are all tired, obviously. Pero kita naman sa mukha nila na subrang nag-enjoy sila. Nagpasya silang magdinner na bago maglibot libot mas lalong gumanda ang enchanted kingdom sa gabi dahil sa mga iba't ibang kulay na nagkikislapan. Isama pa ang mga nag gagandahang Christmas tree decorations. Sobrang ganda. Masaya silang nagkwekwentuhan habang kumakain. Binabalikan ang mga experience nila dito sa loob ng enchanted kingdom. Nagpaalam muna siya sa mga ito para magbanyo. Sumama sa akin ang bunso kong kapatid. Dahil kanina pa daw ito naiihi. Agad naman itong nagpaalam sa kaniya ng tapos ng umihi dahil gutom pa daw ito at gusto pa kumain. Baka daw ubusin ng mga kuya niya ang mga pagkain. Natawa na lang siya dito. Kaya hinayaan na niyang mauna itong umalis. Paalis na sana siya ng may maulinigan siyang may umiiyak na bata. Hinahanap ang Mama at Papa nito. Wala namang pag aalinlangan na nilapitan niya ito at kinausap. "Hello, little Angel."ngiti niya sa bata. "Nawawala ka ba? Hinahanap mo ang Mommy at Daddy mo? Huwag ka ng umiyak. Hahanapin natin sila,okay?"malambing niyang sabi sa bata at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi nito. Tinitigan niya ang bata. Subrang cute na cute nito. Sarap panggigilan ang pisngi. Habang hinahaplos ang pisngi ng bata. Unti-unti namang tumigil ito sa pag-iyak at tumitig sa mga mata niya. Napasinghap siya ng makitang magkaparehas sila ng kulay ng mata. Ganito din ako noong bata pa ako. May bangs at mahaba ang buhok. Mas dark lang ng kunti ang buhok ko kumpara sa Brown na buhok ng Bata. Magaganda din ang pilik mata ng bata na kapareha niya. Curious tuloy siya kung sino ang mga magulang ng bata. Habang nakaupo sila ng Bata sa labas ng toilet may mga pasadyang upuan kasi doon. Kaya doon niya naisipan na hintayin ang mga magulang ng bata. Sigurado siyang dito nila ito naiwan. "How old are you little Angel?"malambing niyang tanong sa bata habang hinahaplos ang mahaba nitong buhok. Pinakita naman ng bata ang daliri nito. Hindi siya sure kung if dalawa or tatlo hindi kasi magkakapantay ang tatlo nitong daliri. "Ganito ba?"pinakita niya ang tatlo niyang daliri at tumango naman ang bata. Mga ilang minuto din silang naghihintay bago nakita ng bata ang mga magulang niya. Agad itong bumaba sa kinauupuan nito at patakbong lumapit sa mga magulang niya. "Mommy, Daddy!"masayang sigaw ng bata. Patakbong lumapit sa mga magulang niya at yumakap agad ito. "Oh my God, my baby!"mangiyak-iyak na sabi ng Ina nito. "Don't do that again, okay? I'm so worried."pinatakan nito ng maliliit na halik ang mukha ng bata. Halata sa mukha nito ang pag aalala sa pagkawala ng anak nito. Napangiti siya ng marinig ang paghagikhik ng bata sa ginagawa ng Ina nito sa kanya. Bahagyan siyang nagulat ng may tumikhim sa harapan niya. Napalingon siya at nakita niya ang ama ng bata na kanina pa nakatingin sa kaniya. Nagulat ulit siya sa pagkakatama ng kanilang mga mata. Parang kilala niya ito pero ngayon lang naman niya nakita. Pero ang puso niya parang kilalang niya ito. Napatulala siya ng makitang magkaparehas sila ng mga mata. Parang may kamukha ito pero hindi niya masabi kung sino. Ang pakiramdam niya'y parang may ugnayan silang dalawa. Iba yung pakiramdam ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Kamag-anak ko kaya ito. Pero hindi lang naman ako ang may ganitong mata. Mukha din foreigner ang lalaki. Kaya malabong magkamag-anak kami. Sa loob-loob niya. "Thank you so much for companioning to my daughter. Tatanawin namin itong malaking utang na loob sa'yo."sensiro namang sabi ng lalaki. "Walang anoman po." "Daddy, she called me, little Angel and I like it."masayang sabi naman ng bata. "I'm Ciarra Louise po."pagpapakilala pa ng bata sa kaniya. May Louise din sa pangalan ng Bata sa isip-isip niya. "I'm Charmy."maikli naman niyang sagot. Hindi na lang niya sinabi ang buo niyang pangalan. At hinalikan niya sa pisngi ang bata. Paglingon niya sa babae mas lalong nagulat siya dahil ito lang naman ang kinababaliwan daw ni Gray, ang ex-fiancèe niya, si Lorraine. Paanong hindi ko makilala eh wala naman nagbago sa picture o sa personal man lang. Very simple but super pretty. Napakaamo ang mukha nito. Ipinakita sa'kin dati nila ate Pea ang mga pictures nilang dalawa ni Gray. I felt insecure dahil bagay na bagay silang dalawa. Hayyyy. May asawa na nga itong babae nainsecure ka pa! Sita niya sa sarili niya. "Ahm... excuse me. Ahmm..a-alis na ako baka hinahanap na ako ng mga kasama ko."nahihiya niyang sabi at binalingan ang bata. "Magpapakabait ka, okay. Always listen to your parents."hinalikan niya muna sa pisngi bago dali daling umalis sa harapan nila. Napapaisip parin siya sa nararamdaman niya sa lalaking kaharap niya kanina. Parang magkakilala kami. Ang gaan ng pakiramdam niya sa lalaki. Nagagalak ang puso niya sa unang pagkikita nila. Kailangan kong iwaglit ang bumabagabag sa aking sarili. Agad siyang lumapit sa mga kapatid niyang hanggang ngayon kumakain parin sila. "Sorry, natagalan ako. May Isang batang nawawala kasi kaya tinulungan ko munang mahanap ang parents niya."agad niyang paliwanag sa mga ito. "Mabuti naman at nahanap ng mga magulang niya." "Oo, pasaway na bata. Tinakasan daw niya ang mga magulang niya."natatawang sabi ni Charmy. "Tapos iiyak iyak kasi hindi na niya alam kung saan pupunta at hindi mahanap kung saan na parents niya."iiling niyang sabi. "Parang ikaw lang din yan ate. Pasaway ka daw noong bata ka pa! Kwento ni Nanay."natatawang sabi ni Carlden. "Tsk! Sa'kin nanaman napunta ang usapan. Bilisan niyong kumain. Kanina pa kayo!"ingos niya sa mga kapatid. Natawa naman si Gray. "Normal lang ba sa ate niyo ang kadaldalan niya?"tanong pa ni Gray sa mga kapatid niya. "Yes, Kuya Abo. Sobra. At saka masanay kana din po na tawagin ka niya sa iba't ibang pangalan."Sabi pa ni Carlden. "And she's so funny sometimes. Minsan baliw din."Sabi naman ni Carson, sabay silang lahat na tumawa. "I agree!"agad naman sabi ni Gray, na natatawa parin. Lumingon pa ito kay Charmy at kinindatan niya ito. "Sigurado Kuya, hindi Abo ang totoo mong pangalan. Baka gawa-gawa lang na naman ni ate noh?"tanong ni Carlden. "Yeah. She called me a lot of names."iiling niyang sabi. "Sometimes, I confused. Ako na pala ang tinatawag niya sa mga pangit na pangalan!"sabay tawa niya. Pinamulahan naman siya ng mukha. Totoo naman kasi iyon. Para makabawi inirapan niya ito. Kanina niyo pa ako pinagkakaisahan huh! Bilisan niyong kumain ng makauwi na tayo!"kunwari'y galit siya. "Di'ba po, maglilibot pa tayo?"malungkot na tanong naman ni Charissan. "Kaya nga. Hindi na kami makakapunta dito next time ate Chaming."nakangusong sabi naman ni Carson. "Kaya sulitin na natin habang andito pa tayo."Segundo naman ni Carlden. "Oo nga pagbigyan mo na sila. Pikunin ka talaga!"pang aasar pa ni Gray kay Charmy. Sinamaan niya ng tingin ang binata. "Ide mamasyal pa kayo, ah! Maglalakad na lang ako pauwi. Maabutan niyo pa naman niyo siguro ako sa daan pag tapos na kayo sa pamamasyal."seryoso pa niyang sabi. Kita niya sa mga mata ng mga kapatid niya ang pagkalungkot at panghihinayang. "Ate naman!"sabay pa na sabi ng kambal nasa mukha nila ang pagkadismaya. Tumayo siya at nilingon ang mga ito. Wala silang imik. Nakonsensiya naman siya dahil lahat ng kasiyahan sa mukha nila biglang naglaho. Naiiyak na din ang bunso nila. "Tsk! Ang papangit niyong sumimangot! Nagbibiro lang naman ako. Oh d'ba nakaganti na din ako sa inyo!"humagalpak siya ng tawa. Agad naman siyang niyakap ng mga kapatid niya para ipitin siya. Nagtawanan silang lahat. "Ipitin pa natin siya. Kuya Abo, sali ka din. Pina-prank niya kami."Sabi Ng bunso. Wala naman itong pag aalinlangan na niyakap siya ng mahigpit. "AAAHH TAMA NA..."sigaw niya dahil ipit na ipit na siya. Hindi na din siya makahinga. Binitawan naman siya ng mga ito. Masaya ulit sila. Marami silang pinuntahan pinasyalan at nagfoodtrip din sila. Siyempre hindi nawawala ang pagkuha ng mga litrato at video. Si Gray ang ginawa nilang photographer. Game na game naman ito. Minsa nagrerequest ito na magsolo picture kaming dalawa. Papakipot pa ba ako. Mabuti na rin iyong para may remembrance ako saknya. Naiwaglit niya kahit papano ang nakita niyang ex-fiancèe ni Gray. Ayaw niya itong sabihin sa binata dahil hindi naman nababanggit pa ni Gray ang tungkol sa ex niya. She sighed. But she knows that he is still into that woman. Sh!t goodness! I'm jealous...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD