Chapter Twenty Two

2161 Words
Chapter Twenty Two Ngayon araw ang pagdating ng mga kapatid niya galing probinsya. Pero alas sais palang nandito na sa apartment si Gray. Nagpresinta kasi ito na siya na ang magsusundo sa mga kapatid niya. Para hindi daw sila mahirapan sumakay. Pero ang aga ng dating niya. Jusmiyo! Ginising lang ako ni ate Pea, na nandito na daw ang sundo ko. Tumingin ako sa alarm clock ko saktong alas sais palang ng umaga. Ang usapan namin alas siyete niya ako susunduin. Subrang excited naman itong magsundo. Sa isip-isip niya. Bumangon na siya at agad na nagtungo sa sala, kung saan prenting nakaupo doon si Gray. Wala na siyang pakialam kung wala pa siyang mumog at hilamos sa mukha. At magulo pa ng bahagyan ang buhok niya. Lumapit siya dito at namaywang sa harapan ng binata na nakapikit. Tinitigan niya ito. Subrang gwapo pa rin niya kahit nakapikit. Ang amo din pala ang mukha niya parang batang natutulog lang. Ang cute. Bigla siyang napangiti. Nawala agad ang pagkainis niya sa binata. Pansin din niyang mukhang pagud ito at walang tulog at pahinga. Nag over time na naman siguro ito sa opisina niya. Napailing siya. "Oy, Abo!" panggigising niya sa binata. Hindi ito natinag. Mukhang naka tulog nga ito sa sofa. "Pasaway na lalaki!"iiling iling niyang bulong. "Abo!" Medyo nilakasan na niya ng kunti ang boses niya. Unti-unti namang nagmulat ng mga mata ang binata. Maya-maya'y napansin niyang napatulala ito. Kumunot naman ang noo niya sa pagkakatulala nito. "Hoy, Abo! Tulala ka na diyan." Ba't ang aga mong pumunta dito. Excited ka masyado magsundo!"nakapamaywang niyang sabi sa harapan ng binata. "Nice view!" Wala sa sariling sagot lang ni Gray, na nakatulala lang sa harap niya. Nakatutok ang mga paningin nito sa dibdib ng dalaga. Napatingin din siya sa tinitignan ng binata. Huli na nang napagtanto niyang wala siyang suot na bra. Bakat na bakat sa sandong suot niya ang mayayaman nitong dibdib. Agad niyang itinakip ang dalawa niyang braso sa kaniyang dibdib. Pinamulahan na din siya ng pisngi dahil sa pagkapahiya dito. "Bastos!!"sigaw niya at agad tumalikod. Patakbong pumasok siya ulit sa loob ng kwarto niya. Narinig pa niyang tumawa ang binata. Langya talaga! Ramdam niyang subrang nag-iinit ang buong mukha niya sa kahihiyan. "Sa excited mong makita si Gray, nakalimutan mo ng isuot ang bra mo!"sita niya sa sarili. "Nakooo! Paano na ako makikisama nito sa kanya. Siguradong tutuksuhin lang ako ng lalaking iyon! Nakakaloka. Nakakahiya!"maktol niya sa sarili. Agad siyang nagtungo sa banyo para maligo na. At para mahimasmasan sa kahihiyan sa harapan ng binata kanina. Mabilis lang din siyang naligo. At agad ng nagbihis para ready to go nalang mamaya. Nagsuot lang siya ng short at maluwang na t-shirt. Magsusundo lang naman sila. Kaya hindi na kailangan pang magpaganda at magpasexy pa! Wala silang imikan habang nasa daan na sila para sunduin ang mga kapatid niya sa terminal ng bus station sa Pasay. Panay ang text ni Charmy, sa kapatid niya para mawala ang pagkailang niya kay Gray. Nakatutok lang naman si Gray sa kalsada. Naiilang siya dito dahil sa nangyaring eksena kanina. Napabuntong hininga siya. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan ni Gray. Napatikhim ang binata. At saglit na liningon ang dalaga. "Charmy, Babe?"Mahina niyang bigkas para makuha ang atensiyon ng dalaga. "Next time, don't do that again!"seryoso niyang sabi habang nakatutok parin sa kalsada ang paningin. Naguluhan naman ang dalaga sa sinabi ng binata sa kaniya. Kaya napatingin siya dito. "Do what?" "Don't come out in your room without wearing a bra!"seryoso niyang pahayag sa dalaga. Napanganga nalang siya sa tinuran ng binata. Hindi rin niya maiwasang pamulahan ng mukha. Nakakahiya! "Alam ko na! Kaya huwag mo ng babanggitin ulit."inis niyang sabi. Kala ko okay na kanina ei. Kala ko nakalimutan na niya 'yong eksena kanina. Asar! Bahagyan natawa ng mahina ang binata. "Sa akin mo lang pweding ibalandra ang sarili mo. Huwag sa ibang tao. That's for my eyes only!"kindat niya sa dalaga. "Anong 'that's for my eyes only' ang pinagsasabi mo! Talipandas ka! Manyak nito!"sabay hampas sa balikat nito. Natawa naman ang binata sa reaksyon niya. "Sakit no'n, ah!" Natatawang sabi nito. "Magdrive ka nalang. At please lang. Huwag kang magsasalita kung wala ka naman magandang sasabihin. Entiendes!"gigil niyang turan sa binata. "Ayaw kung mapanisan ng laway. At saka wala naman masama sa sinabi ko,ah!" Infact, you are mine already!"taas baba Ang kilay niyang tingin sa dalaga. "Huh!"Napapikit siya ng mariin. Saan ba pinaglihi ang kumag na 'to. Subrang assuming. Sobrang bilib sa sarili. Sobrang kapal. Nakakagigil talaga ito. Makaangkin wagas. Inis na bulong ng isip niya. Pero honestly lihim siyang kinikilig. Napakagaling lang niyang itago ang nararamdaman para sa binata. "Speechless ka na! Alam ko naman na kinikilig ka sa'kin."malakas ang kumpinsiya niya sa sarili. "Kapal mo!"Irap niya dito. Wala na talaga akong masabi, ganito na talaga ito kakapal ang mukha. Totoo naman na wala na siyang masabi. Dahil sa tuwing babanat ito sa'kin. Biglang uurong ang dila niya. Natatamaan siya minsan dahil nga totoo ang akusa niya sa akin. Ayaw ko lang aminin. Ano siya sini-swerte. Manigas siya! Dahil sa sobrang traffic nakatulog siya sa biyahe. Naramdaman na lang niya na may mahinang tumatapik sa pisngi niya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at mukha ni Gray ang nabungaran niya. Bahagyan pa niyang nai-usog ang ulo dahil sa lapit ng mukha nito sa kanyang mukha. Nakakaduling. Nagulat siya ng biglang dampihan siya ng halik sa labi. Mabilis lang iyon. Dahil sa gulat nasabunutan niya ito ng wala sa oras. Natawa lang din ang binata sa pananabunot sa kaniya ni Charmy. Kaya imbes na mapalayo ang mukha niya sa binata mas lalo lamang itong napalapit dahil sa pananabunot niya sa buhok nito. Wala namang inaksayang oras ang binata. Agad siya nitong sinunggaban ng mapusok na halik sa labi. Napatikom siya sa bibig niya ng kagatin ng binata ito dahilan para maibuka niya ang kaniyang mga labi. Mas lalong idiniin ng binata ang labi sa labi ng dalaga. Marubdob niya itong hinalikan. Nawala na naman siya sa katinuan pagdating sa mga halik ng binata. Nawala na din sa isip niya ang mga kapatid niya na susunduin nila. Tinugon niya ang mga halik ng binata. Sarap na sarap na siya sa paraan ng panghahalik ng binata sa kaniya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Doon lang siya natauhan at agad na bumitaw sa binata. Pinamulahan na naman siya ng mukha dahil naging marupok na naman siya pagdating sa mga halik nito sa kaniya. Napapamura nalang siya sa isip niya. Agad niyang sinagot ang tawag ng makitang kapatid niya ang tumatawag. Nandito na daw sila sa bus station kanina pa daw sila. Agad siyang lumingon sa binata na nasa harapan na ng pintuan ng sasakyan nito. "Nandito na tayo. Ang hirap mong gisingin."ngiti niya sa dalaga. "Pasensiya na!"yuko niyang sabi. Naconscious at nahiya siya bigla sa binata. Hindi makatingin ng diretso sa binata at agad ng bumaba sa kotse nito. Itinigil lang nito sa tabi ang sasakyan dahil masikip na sa loob at maraming taong pasahero na naghihintay ng bus at nakapila para sa bilihan ng ticket pauwing probinsya. Nakiusap muna ang binata sa nagbabantay do'n, dahil bawal pala ang magpark sa labas ng terminal ng bus. Pagkatapos nilang nakipag-usap agad na silang pumasok sa loob para hanapin ang mga kapatid niya. Agad naman niyang nakita ang mga ito. Nahabag pa siya sa bunso nila dahil halatang hindi sanay sa biyahe. Parang lantang gulay ito. Nakapatong ang ulo nito sa bag na nasa kandungan ng kuya niya. Kaya agad siyang lumapit sa mga ito. Lumiwanag agad ang mukha ng mga ito ng makita siya. "Ate Chamingming!" agad nilang bigkas na halos sabay-sabay pa silang tatlo. Napangiwi naman siya sa lakas ng pagbigkas sa pangalan ko. Chamingming, talaga madalas ang tawag ng mga ito sa kaniya. Narinig ko pang mahinang tumawa ang binata na nasa tabi ko. Agad silang tumayo at niyakap siya. "Sobrang namiss ka po namin ate. Ang ganda-ganda mo na lalo."nakangiting sabi ng bunso nilang si Charissan. Napangiti din siya sa tinuran nito saknya. At Isa-isa niyang hinalikan sa pisngi ang mga kapatid. "Kumusta sila nanay at tatay doon? Kayo kumusta kayo? Nagugutom na ba kayo?"malambing niyang tanong sa mga kapatid. "Okay, lang naman kami at sila nanay at tatay doon? Hindi pa naman gaano ate. Kumakain naman kami pag stop over ng sinasakyan naming bus kanina. Si bunso lang panay suka sa loob ng bus. Hindi sanay sa biyahe."agad ko itong liningon at niyakap sabay haplos sa ulo ng kapatid niya. "Tara na! Sumakay na kayo sa kotse para makapagpahinga na kayo kaagad."singit naman ni Gray. "Saan ang mga gamit niyo?"tanong agad ni Charmy. Tinuro naman nila. May dalawang karton pa silang dala na pinadala ng mga magulang nila. Mga gulay iyon at prutas. Agad naman silang nagtulungan sa pagbuhat para ipasok sa loob ng sasakyan ni Gray. Mabuti nalang malaki ang kotseng gamit ng binata ngayon. Nagkasya lahat ang dala nilang gamit sa likod. Nasa biyahe na sila ng maalalang hindi pa pala niya naipakilala ang binata sa mga kapatid. Nakalimutan niya dahil sa excitement na nararamdaman ng makita ang mga kapatid niya. "Abo! Hindi pa pala kita naipakilala sa kanila. Sorry! Mamaya na lang."mahina niyang sabi kay Gray. "It's okay, Butter."ngiti niya sa dalaga. "Ate, boyfriend mo po siya?"Hindi nakatiis na tanong ng kapatid niyang si Carson. Sa kanilang apat na magkakapatid ito ang may pagkatsismoso at pala tanong. Curious siya sa lahat ng bagay na nakikita nito. "Hindi!"agad niyang sagot. "Narinig ko po, Abo, ang itinawag mong pangalan niya ate."singit naman ng bunso. "Ano iyon, Abo sayyaf?"natatawang sabi ni Carson. Natawa nalang din ang binata sa sinabi ng kapatid niya. "Shhhh..."agad na pigil ng dalaga sa kapatid. "And he called you, Butter! That's cringe ate."kantyaw naman ni Carlden sa kaniya. "No. It's not cringed at all kuya. I think kuya Abo, referring to Buttercup in the Powerpuff girls. Short for Butter."sabi naman ni Charissan. Natawa na siya sa mga pinagsasabi ng mga kapatid niya. At inglesira at inglesiro na ang mga ito. "Yeah right! Because Buttercup is like ate Chamingming, the toughest one among the Powerpuff girls."Sabi naman ni Carson. "And also she's a Fighter and Bravest one!"dagdag ni Charissan. Mahilig sila sa mga cartoons movie at palabas sa TV. Kaya alam nila ito. I keep them speak English too. Ito ang punishment nila kapag may mali silang ginawa sa loob bahay. And I think it's all worth it. Dahil natutoto na sila at naging madali nalang sa kanila ang makipag- communicate sa ibang tao. Nahahasa din sila para maging mas fluent pa sila lalo. At malaking bagay ito dahil nagagamit pa nila ito sa paaralan. "So, clever of you guys." naamaze na singit naman ni Gray, sa kanila. "Thanks to ate. Siya ang inspiration namin. She's so smart. We want to be like her."proud na sabi ng bunso niyang kapatid. "Yeah!"sabay na sang-ayon ng dalawa niyang kapatid na lalaki. Masaya na ulit silang nagkwekwentuhan. Panay ang tawa nila sa loob ng sasakyan. Hanggang sa may mabanggit ang kapatid about kay Niren at Dasmond. "What about them?"agad na tanong ni Charmy sa kapatid. "Don't mind them ate. They only want to make you feel jealous. And dahhh...ang feeling niya. Ang arte pa! Kala mo kagandahan. Sorry ate, pero nakakainis ang suplada na iyon."inis na sabi ng bunso nila. "Ang babait ng parents pero yung ugali niya asal kalye."sigunda naman ni Carson. "Punta sila sa bahay at tinanong ka ate. Like for what d'ba?! Ano pa ba ang gusto nilang palabasin. Eh, nananahimik ka na nga! At ito pa ate, nagbigay sila ng invitation para daw sa kasal nila ni tukmol na Dasmond na iyon!"gigil na sabi ni Carlden. "After all what they did to you, ate. May gana pa silang i-invite ka! Ang kakapal ng mukha. Sila ang dahilan kung bakit ka nagtatrabaho sa malayo. Kung hindi dahil sa kanila hindi ka sana napalayo sa amin."dagdag pa nito. "Tama! She even grab your first position. Eh, hindi naman siya matalino."Sabi naman ni Carson. "Tama na yan! Ang importante lang naman sa'kin ay kayo. Huwag niyo nalang sila pansinin, okay?!"Mahinahon niyang sabi pero deep inside nangingitngit siya sa inis sa dalawang iyon. Tahimik lang din na nakikinig si Gray. Napapaisip siya kung sino ang Niren na sinasabi nila. Kilala niya si Dasmond ito nga ang boyfriend ng pinsan niyang si Niren. Gusto sana niyang magtanong pero sasarilihin nalang niya ang lahat. Nakikain muna siya sa apartment nila Charmy, bago nagpaalam na umuwi na. May importante na tawag kasi siyang natanggap mula sa pinsan. Bago siya umalis sinabihan niya ang mga kapatid ni Charmy na ipapasyal niya ang mga ito sa enchanted kingdom sa Laguna. Excited naman sila lalo na si bunso. Matagal na niyang inuungot iyon kay nanay. Hindi na ako nakakontra Ng makitang masaya at excited ang mga mukha nila. Ayaw kong sirain iyon. Kaya Wala siya choice um-oo na lang siya kanina. ***author note*** HAPPY CHINESE NEW YEAR
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD