Chapter Twenty One

1450 Words
Chapter Twenty One Simula ng araw na nagkita ulit sila at pinapasok niya sa apartment nila si Gray. Lage na siya nitong sinusundo. Minsan sabay na din sila kumakain sa labas. O kaya'y sa apartment na siya makikain. Suggestions iyon ng mga ate niya. Alam kung subrang busy nito pero pinipilit parin niyang masundo ako palage. Nagiging sobrang attached na din siya sa binata. 'Yong lihim niyang pagmamahal sa binata mas lalong lumalalim dahil sa ipinapakita niyang kabutihan sa'kin. Malambing talaga ito. Maalaga at super maalalahanin. Hindi man niya tahasang ipinapakita at pinapahalata ramdam niya iyon sa mga kilos ng binata. Siguro motto niya is "Action speak louder than words."Napahagikhik siya sa naisip. Kasalukuyan siyang kumakain ng tumunog ang cellphone niya. It's Gray. Tumatawag na naman ito sa kaniya. Ano na naman kaya ang sasabihin nito. Excited niya itong sinagot ang tawag ni Gray. *On the phone* "Hello, Abo!" "Butter, nandito ako sa office ng Boss mo. Come, meet me here. Sabay na tayo mag-lunch."walang paligoy ligoy niyang sabi kay Charmy. "Kumakain na ako." "What! Bakit hindi mo ako hinintay?" "Wala ka naman sinabing hintayin kita na kumain, ah!"simangot niya kahit hindi naman siya nakikita ni Gray. "Okay fine, dalhin mo na dito iyang pagkain mo. Sabayan mo kami. Marami akong inorder na pagkain."utos niya kay Charmy. "Alam mo makapag-utos ka wagas! AYOKO!"kunwari'y galit siya. "Butter, please! Nagpunta lang ako dito para makasabay ka lang kumain. You know, I've always give you time, para lang makasama kita. Don't you know that?!"kunwari'y nagtatampo siya. "Fine! Ang drama mo! Nakakainis ka! Wait lang. 10mins. K bye!" inis niyang sabi sa binata at pinatayan na niya ang tawag. But honestly, excited siyang makita ulit ang binata kahit lagi naman silang nagkikita. Ganito ako kunwari ayaw pero gustong gusto naman. Inayos na niya ang baon niya at agad nagtungo sa office ng Boss niya. Kumatok muna siya at hinintay ang sagot sa loob ng office ng Boss, niya bago pumasok sa loob. Sinalubong siya agad ni Gray, ng yakap at smack kiss sa labi na ikinagulat niya. Dahil baka makita sila ng Boss niya na naglalandian sa loob ng office niya. Nakakahiya! Lihim niya itong kinurot sa tagiliran na ikinapitlag ni Gray. "Bakit nang hahalik ka nalang bigla ha!"bulong niyang singhal kay Gray. "What?! Wala naman masama sa ginawa ko, ah!"painosente niyang sabi. "Nakakainis ka!"gigil niyang bulong sa binata. "Tabi-tabi po, may tao po dito!"malakas na sabi ni Zyndon sa kanilang dalawa. "Mahiya naman kayo sa amin na single. Respeto naman please!"Sabi naman ni Jakob "Ginawa niyo nang motel ang opisina ko. Get a room you two."dagdag namang sabi ni Axer. Namula naman ang mukha ng dalaga sa sinabi ng mga kaibigan ni Gray. Kaya hinampas niya ito sa balikat. Nakakahiya. Makayakap at makahalik kasi ito sa'kin...Nakooo lang talaga. Nang gigil niyang sa isipan niya. "Nakakahiya! Nakakainis ka! Napaka-PDA mo talaga!"sikmat niya sa binata. Tatalikod na sana siya at hindi na papasok sa loob ng pigilan siya ng binata. "Don't mind them, okay! Come on."sabay hila sa kanya papasok sa loob. Nahihiya siyang bumati sa mga ito. Hindi siya makatingin ng diretso dahil sa mga mapanoring tingin nila sa aming dalawa ni Gray. "Stop that looks, guys! You guys make her uncomfortable!"sita ni Gray sa mga kaibigan niya. "Maka-PDA ka naman kasi wagas! Sa harapan pa namin. Nananadiya ka ba, bro?"naiilang na sabi ni Jakob. "Gayahin mo ako. Para naman magka-love life kana. Ang torpe mo naman kasi. Ilang years na hindi ka pa din gumagawa ng da-moves mo. Hihintayin mo pa bang magka-boyfriend siya bago ka kumilos."makahulungang sabi ni Gray. Nagulat si Jakob pero hindi niya pinahalata. Paano nalaman ng lalaking ito ang matagal na niyang lihim na pagmamahal sa dalagang iyon. Napailing na lang siya at hindi na umimik. "Whoah...Bakit hindi ko alam yan! Sino siya?" agad na tanong ni Axer. "Lihiman na pala ngayon huh!"Sabi naman ni Zyndon. "Tsk!! I'm hungry! Hindi tayo pumunta dito para magchismis. Let's eat!"pang lilihis ni Jakob sa usapan. "Mabuti pa nga kanina pa ako nagugutom sa inyo."singit naman ni Charmy. "Hey! Give me a kiss first before we eat."Sabi ni Zyndon kay Charmy. Nilapitan niya ang dalaga at akmang hahalikan niya ito sa pisngi ng takpan ni Gray ang labi nito gamit ang kaliwa niyang kamay sabay tulak ang mukha nito palayo kay Charmy. "F*ck off! seryoso niyang sabi kay Zyndon. Natawa nalang ang dalawa nitong kaibigan. "Apaka manyak mo naman kasi!" natatawang sabi ni Axer. "Kain na po tayo mga kuya!"malakas na sabi ni Charmy na ikinatingin nilang apat sa kaniya. "KUYA??"halos sabay-sabay nilang bigkas. Nasa mga mukha nila ang hindi makapaniwalang tingin. "Kuya, Brother, Manong, Oppa, ano pa ba?" tanong niya sa mga ito. Gusto niyang bumunghalit ng tawa dahil sa reaksyon ng mukha nila pero pinipigilan niyang matawa. Kaya nag ngiting aso nalang siya at nag peace sign. "Kain na tayo mga Sirs! Ang OA niyo makareact ha! I'm just 21 years old, natural mag kuya ako sa inyo. Tsk!!"ulit niya at naupo na sa harapan ng lamesa na maraming pagkain. Malawak din pala ang opisina ng Boss niya. Hindi niya naigala ang paningin noong unang pasok niya sa loob ng opisina nito dahil sa galit ng Boss niya sa'amin dalawa ni Mara dati. Hindi na niya pinansin ang mga ito. Inilabas niya ang mga hindi kalakihang Tupperware sa lamesa. Ang baon niya iyon. "Anong mga laman niyan?"tanong ng Boss niya. "Mga specialty na luto ng mga ate ko. Pork chops with butter, honey and garlic. Luto ng ate Sese ko," sabay bukas niya. "Ito naman ay igado, luto ni ate Jalyn. The last one is Dynamite Lumpia specialty ng ate Pea ko. Napainit ko na mga ito kanina. And I have a extra nuggets here too."masaya niyang sabi sa mga ito na parang nagre-recite lang sa teacher niya. "Wow! Pahingi ako sa igado, please?"agad na sabi ni Jakob. "Me too. I like the dynamite lumpia." si Zyndon. "Can you share the pork chops to me?"her Boss Axer ask. "I want that nuggets too."si Gray. Natawa siya sa mga inakto ng mga ito. Parang mga batang nakakita ng mga paborito nilang pagkain. "Hindi ko daw pweding ishare sa kahit na sino ang mga pagkain ko."biro niya sa mga kaibigan ni Gray. "Oy, bawal magdamot hindi ka pagpapalain."sabi ni Jakob, sabay kuha sa Tupperware na may lamang igado. Ganoon din ang tatlo kanya kanyang kuha na din sila. Napasimangot nalang siya. "Tirhan niyo ako, Oy! Hindi ko pa yan natitikman. Ngayon lang din sila nagluto ng mga peborit nilang ulam. At saka sariling version nila ang mga yan na luto. It might be different from the original taste of that dish. Kaya tirhan niyo ako." simangot niyang sabi sa mga ito. Nagshare lang ng kaunti si Jakob sa'kin. Ganoon din kay Zyndon na hinati pa ang isang dynamite lumpia bago niya binigay sakin. Same goes to Sir Axer. Pero kay Gray, inubos niya yun nuggets lahat. Favorite ko iyon, eh. Napasimangot nalang siya. Gusto niya sanang awayin ang mga ito pero nasa hapag kainan sila masama pa naman iyon. Okay na rin iyon dahil paborito naman niya ang ibang nakahaing na pagkain sa lamesa. Masaya ang tanghalian nila puno ng tawanan, kalukuhan at asaran nila. Sayang wala iyong tatlo. Ang saya pala nila kasama. Mga seryoso lang talaga sila pagdating sa trabaho mga masusungit at suplado pa. Pero pag sila lang pala, doon nila nailalabas ang totoong sila. Mga kalukuhan at kapilyuhan nila. Nag-enjoy talaga siya ng sobra kahit kinain ng mga ito ang baon niyang ulam. Nauna na siyang nagpaalam lumabas sa opisina ng Boss niya ng malapit na ang break time niya. Nagpasalamat naman sila kahit papaano sa akin dahil sa ulam na dala ko. Agad naman siyang hinatid ni Gray hanggang sa may pintuan. Bago pa siya makatalikod paalis ng hilain siya ni Gray, palapit sa kaniya. At walang sabi-sabing hinalikan siya nito sa labi. Sa harapan pa ng mga kaibigan nito at Boss niya. Jusko! Ang harot! Nag-init bigla ang mukha niya. Ramdam niyang subrang pula na ang buong mukha niya sa hiya. Napatulala nalang siya sa ginawa ng binata. Nang mahimasmasan, pinalo niya ito sa braso. "Hindi kana nahiya sa mga kaibigan mo! Basta ka nalang nang hahalik diyan!"inis niyang sambit sa binata. "I just missed you, Butter! Salamat sa food. Sunduin kita mamaya."hinila pa siya nito at niyakap sabay halik sa tuktok ng ulo niya. Hindi talaga marunong tumanggi ang katawan ko pagdating kay Gray. Malakas ang impact niya sa'kin. Umirap na lang siya at agad na kumalas sa pagkakayakap niya kay Gray, agad ng umalis sa opisina ng Boss niya. Narinig pa niyang kinakantiyawan nila ito ng mga kaibigan ni Gray. Napapailing nalang siya at nangingiti..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD