Chapter Twenty
Napapangiti siya kapag naaalala ang halikan nila ni Charmy kamakailan lamang. Expect ko talagang magagalit ito sa kaniya at sasampalin siya. But to his surprised wala itong ginawa kundi magulat at matulala lang sa kaniya. Since I can't resist her innocent reaction. Hindi ko napigilan na halikan ulit ito.
Naalala ko pa na ako pala ang first kiss nito sa bus pa 'yon nangyari dati. Mas lumawak pa ang pagkakangiti niya ng maalala ang engkwentro nila sa bus. She's really that naturally talkative. Dahilan kaya ko siya hinalikan that day. Simula noong engkwentro nila sa bus. Hindi na ito nawala sa sestema niya. And now that we know each other already. I have now the previlege to kiss her when ever I want. She's mine. Tsk...it sounds so possessive, but the hell I care. She is mine now. Whether she like it or not. He sheepishly smirked.
Ganoon siya naabutan ng pinsan niyang si josh.
"Whoah! Bro...napapadalas yata ang pagkakangiti natin, ah! Naka ilang score kaba at mukhang ang saya-saya mo? Noong Isang araw ka pa ganyan, ha! Ang creepy, Bro!"nakangiwi niyang saad sa pinsan niya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Gray.
"Anong score ang pinagsasabi mo! Huwag mo akong igaya sa'yo gag*!" Sabay bato sa pinsan ang hawak na ballpen. Nasa naman niya ito at natatawang lumapit sa lamesa niya at pasalampak na umupo sa visitors chair na nasa harapan lang ng lamesa ni Gray.
"Ang weird mo kasi tignan. Para kang teenager na kinikilig diyan. Hindi bagay sa'yo. Tsk. nakakasuka!"pambubuska niya sa pinsan at humagalpak ng tawa.
Para kasing gumaan ang pakiramdam niya kapag naaalala niya ang dalaga. Particular na sa pinagsaluhan nilang halik. Excited na naman siyang makita ang dalaga at mahalikan ulit ito. Nakakamis ang kaingayan nito. At sa Isang iglap lang nawala lahat ang agam-agam niya sa sarili. Ang mga hinanakit, pagkabigo at galit sa mundo. Lahat ng mga iyon nawala na parang bula. Gumaan din ang katawan niya at naging relax nalang ngayon. Dahil ito kay Charmy. Sa ang dahilan ng lahat ng pag babago sa sarili ko. Mayayakap ko ito ng mahigpit kapag nagkita kami. Sa loob-loob niya.
Napatikhim ang pinsan niya. "Saan ka umabot, Bro? Ang layo ng narating siguro ng isip mo, noh! Narating mo ba ang kinaroroonan ng irog mo?"pang aasar nito sa pinsan niya.
Panira talaga ang lalaki na ito. Kaya sinimangutan na lang niya. "Ano bang ginagawa mo dito?! Nang-iistorbo ka, eh!"simangot niya na kinatawa lang ng pinsan niya.
"Kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig sa akin. Naku, malala na yan, Bro. Baka mabaliw ka!"ngisi niyang sabi kay Gray.
Pipilitin niyang mabisita at maihatid ang dalaga mamaya. Ilang araw ng hindi ko siya nakita at nakasama. Hindi naman sapat sa'kin ang text at tawag lang. Mamaya na kita iisipin sabi nito sa sarili niya. Tumingin siya sa pinsan niyang nawiwirduhan sa kaniya.
"Anong meron?" agad niyang tanong dito.
"Wala bang ibinalita sa'yo si Kuya Xander?"tanong nito.
"Wala pa naman. Subrang busy niya lately to the point na nawawalan na siya ng oras sa pamilya niya at sa sarili niya."
"Naiintindihan naman siguro siya ni ate Shelly. We need to find out kung sino ang sumabotahe sa shipping ng orders abroad. Bakit hanggang ngayon hindi parin nadi-deliver on time since naayos naman na ang lahat."seryosong sabi ng pinsan niya na ikinagulat ko.
"WHAT?!! Paanong nangyari iyon, eh, naaprubahan na iyon. I-deliver nalang abroad dapat nga nakalayag na at nai-deliver na ito since almost one month na!" Galit niyang sabi sa pinsan niya.
"Akala ko nga alam mo ito. Nalaman ko lang ito sa isang board member. Actually narinig ko kaya nagtanong na ako. Baka hindi pa alam ito ni Kuya Xander."
"May inutusan ka na bang nag-inspeksiyon doon?" nastress na naman siya sa nalaman.
"Oo dalawa. Sinabi kong magpanggap silang trabahador para mag-obserba sa loob ng barko. Pakiramdam ko din kung hindi ko narinig ang usapan ng dalawang board member natin, wala silang balak na sabihin o ibalita ito sa nakakataas. I smell fishy. Hinala ko na may kinalaman dito ang ibang board member at ibang nakakataas na posisyon." mahabang sabi ng pinsan niya.
"That's bullsh!t!! Hindi ko hahayaan na isabotahe nila ang kompanyang pinaghirapan ni Daddy at Tito! Wala silang karapatan na pabagsakin ang kompanyang ito para lang sa pansarili nilang interes. Mapapatunayan lang natin na tama talaga ang kutob natin. Sisiguraduhin kong mabubulok sila sa kulungan." Nanggagalaiti siya sa galit. Napahilamos siya ng mukha dahil sa matinding stress na naman na dumating sa kompanya nila.
Marami pa silang napag-usapan na magpinsan. Hanggang sa nagpaalam na din itong umalis na sa office niya. Bago umalis ito inasar asar pa niya si Gray. Kaya nag middle finger siya dito na ikinatawa lang ng pinsan niya. Iiling siyang ibinalik ang atensiyon sa trabaho niya. Napabuntong hininga siya bago nagpukos sa ginagawa niya.
Ang bilis ng oras hindi niya namamalayang gabi na pala. Sa subrang busy niya sa trabaho, pati kumain ng tanghali at gabi nakalimutan na din niya. Wala na kasi yung nambubulabog sa opisina niya para dalhan siya ng lunch. He sighed. "I miss her."bulong niya. Kung hindi pa tumunog ng malakas ang tiyan niya, Hindi parin siya magpapaawat at titigil sa binabasa niyang mga reports.
Napatigil siya ng maalalang gusto niya palang sunduin at ihatid ang dalaga. Napatingin siya sa orasan. Napa tsk ng makitang alas nuwebe mediya na ng gabi. Kaya nag mamadali na siyang nagligpit at inayos ang mga papel sa lamesa niya. Sinigurado niya munang shutdown lahat bago siya tuluyan na umalis sa opisina niya.
Pasakay na siya ng sasakyan niya ng maalalang i-check kung may messages ang dalaga sa kaniya. Meron dalawa pa. Napangiti siya at agad na binasa ang messages ng dalaga sa kaniya.
Saltik:Hoy Abo! Kumain kana diyan! Huwag kang magpapalipas ng gutom kundi babatukan kita pag nakita Kita!!!!
Napailing siya. Wala man lang kasweetan sa katawan ang babae na ito. Ang brutal niya talaga kahit sa message wala man lang nagbago. Naiiling niyang sabi sa sarili. Binuksan niya ang isa pang message nito.
Saltik:no pansin kana sa akin hmmppp!! Nagpagutom ka na naman siguro noh! Kaya dedma mo na lang mga message ko sa'yo! Pati kagandahan ko dedma mo na din. Pwee! Bahalakajan!!!!
Napangiti siya sa kakulitan ng dalaga. Nakakagigil. Kaya kahit bungangera ito. Maalalahanin naman, kahit hindi siya sweet. Ako na lang ang mag-aadjust. Okay lang, dahil nakakawala naman ito ng pagud at stress. I want to see her now. Kaya agad na niyang pinaharurot ang sasakyan niya. Pupuntahan niya ang dalaga sigurado naman na gising pa ito sa ganitong oras.
Pasalamat siya dahil hindi masyadong traffic. Kaya agad siyang nakarating sa apartment ng dalaga. Tinawagan muna niya ito. Para makasigurong gising pa ito. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya.
"Hello! Sino 'to?"Masungit niyang bungad agad kunwari'y di niya ito kilala.
"Tsk... Nakalimutan mo na ba ako? Ako lang naman 'yong taong namimiss mo. Nami-miss mo na din for sure ang halik ko sa'yo! Kaya ka nagsusungit ngayon."Natatawa niyang pang gagatong sa pagsusungit ng dalaga.
"Hoy, Abo! Bwes!t ka! Ang kapal mo talaga. Literal! At kelan ka pa naging madaldal, hah!!"Sigaw ng dalaga sa kabilang linya. Natatawa nalang siya sa dalaga. She's really my stress reliever.. Siguradong naiinis na naman ito saknya.
"E'di nakilala mo din ako. Nahawa lang naman ako sa'yo, Butter, obviously!"natatawa niyang sabi sa dalaga.
"Tseee...Napatawag ka? May kailangan ka ba?" tanong niya kay Gray.
"Nandito ako sa labas ng apartment niyo. Makikikain na din sana ako sainyo."naiiling siya sa sinabi. Mas inuna pa kasi niyang puntahan ang dalaga kesa ang kumain muna.
"Baliw ka ba! Hindi ko naman ninakaw ang mga kaldero niyo para dito ka makikain sa bahay namin! Naku! Kung binasa mo lang sana kasi mga message ko sa'yo, para hindi ka nalipasan ng gutom. Kaso dedmabels ka nalang sa'kin. Tsk!" Lumapit siya sa pintuan at sumilip siya doon sa maliit na butas sa pintuan kung andoon talaga ang lalaki. Nakita niya ang sasakyan nito sa labas.
Napahalakhak naman ang binata sa kaseryosohan ng dalaga sa pagkakasabi ng ninakaw na kaldero. 'Yong natural kang matatawa dahil sa mga pinagsasabi nito. Indeed she's really my stress reliever. Kung pwede ko lang itong kidnapin at ikulong ko sa condo ko. Napangiti siya. Someday I'll gonna do that. He smirk.
"Do you think, I can go in inside your apartment? Hindi ba magagalit mga ate mo diyan?" Tanong niya sa dalaga. " I mean, papapasukin mo ba ako diyan sa loob?"
"Teka lang damuho at tatanungin ko sila ate."
Napatsk siya ng hindi man lang takpan ang phone niya. Lakas ng boses niya. Nananadya ba ang babae na ito. Pero bigla na naman siyang natawa sa dalaga dahil sa sinabi nito sa mga kasamahan niya sa loob.
"Ate Sese, may darating na bwesita makikikain daw! Ate Pea, 'wag mong ubusin yang ulam tirhan mo kami ng bwesita ko. Lalabas lang ako saglit."
"Oy, Abo, nandyan ka pa? Labas na ako. Off ko na ang tawag sayang load. K bye!" At nagmamadali ng lumabas ng bahay. Hindi na rin niya hinintay pang sumagot ang binata. Tinungo na niya ang nakaparadang sasakyan ng binata.
Nakita niyang agad itong lumabas ng sasakyan nito ang binata. Pagkalapit palang niya sa binata agad niyang pinalo ang ulo nito.
"Ouch! What's that for?" Sabay himas sa ulo niyang binatukan ng dalaga. Bigat talaga ng kamay nito.
"Hindi mo parin ba nabasa ang message ko sa'yo kaninang tanghali?"simangot niya sa binata.
"Kababasa ko lang kanina. Hindi ko naman akalain na tutuhanin mong batukan ako. Napakabrutal mo talaga sa'kin."Napakamot tuloy siya sa batok niya.
"Tama lang yan sa'yo!" Nagulat siya ng bigla siyang hilain ni Gray at yakapin siya nito. Wala sa sariling napayakap din siya sa binata. At isinandig pa niya ang ulo sa matigas na dibdib ng binata. Ganito ba talaga ako karupok. Dapat tinutulak ko siya at tumatanggi ako, eh! Pero hindi ko naman magawa at hindi makatanggi. Namiss ko din kasi ang yakap ng damuhong ito. 'Saka nalang ako mag-inarte. Grab nalang the opportunity na mayakap ang masarap nitong katawan. "Wait what!! nalasahan mo ang katawan niya?!"sita niya sa sarili.
"May sinasabi ka?"tanong ng binata.
"W-Wala. Tama na ang yakap, baka makita tayo nila ate ko."sabay kalas sa pagkakayakap nito sa binata.
"Namiss lang kita. Can we stay like this for a while?"hinila niya ulit ang dalaga at niyakap niya ito ulit ng mas mahigpit.
Nagpatianod na lang siya sa gusto ng binata. After all namiss ko din naman siya. Pero hindi ako aamin. Baka asarin na naman niya ako. Tsk!
"Tignan mo, Ikaw lang naman pala ang nakakamiss sa akin. Kunwari ka pa! Asar ka!"hampas nito sa balikat ng binata. "Tara na sa loob." kumalas na siya at nagpatiuna na siyang naglakad. Sumunod naman ang binata sa kaniya.
Hindi niya alam na kilala ng mga ate niya si Gray. Model din pala ito kaya kilala siya ng mga ate niya. Ilang beses na din palang itong na features sa mga business magazines at sa iba't ibang magazines dito sa bansa. Hindi lang daw dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa pa.
Big-time nga naman talaga ang lalaking inaaway niya, sinusungitan niya, hinahampas at tinatawag niya sa kung ano anong mga pangalan. Bigla siyang nahiya sa sarili. Pero sa Isang banda nagpakatotoo lang naman siya. I think, I can stay that way. Bahala siyang itapon niya ako sa Mars. She smirked.
Bumalik sa ala-ala niya yung kwentuhan ng dalawang katrabaho niya. Na nagmo-model si Gray, pero sa gawa lang ng kapatid niyang designer, na kahit madami siyang offer dito at sa abroad kaso nga lang daw dini-declined niya lahat ng ito. Bakit d'ko yun naalala. Tanong pa niya sa sarili niya.