Chapter Nineteen

2510 Words
Chapter Nineteen "I'm sorry."bulong ni Gray malapit sa may punong tinga niya. Kinilabutan naman siya sa tumatamang init ng hininga ng binata sa balat niya. May kiliti pa siya sa tinga na mas lalong nagpainit sa katawan niya. Magsasalita na sana siya ng halikan ulit siya ng binata. Langya hindi pa nga normal ang paghinga ko ito na naman siya. Sinakop na naman niya ang buong labi ko. bulong ng isip niya. Sa pangalawang paghalik nito ay kakaiba kumpara sa unang halik na iginawad nito. May halong gigil, kagat at pagsipsip na parang pinaparusahan ang labi ko sa paraan ng halik niya sa una. Ngayon naman banayag ang pagkakahalik niya akin. Masuyo, masarap at nakakaadik ang paraan niya. Parang ayaw ko ng matapos pa. Ganito pala kasarap mahalikan. Sana ganito nalang kami palagi. Halikan araw-araw. Sa isip-isip niya. Napayakap na rin siya sa batok ng binata. Ginaya niya ang galaw ng labi ng binata na lalong nagpasabik sa binata. Nalulunod na siya sa sarap ng pagkakahalik sa kaniya ni Gray. First time niya itong maramdaman at subrang nagugustuhan niya ang paraan ng paghalik sa kanya ng binata. Ang pagrereklamo niya kanina na hindi siya makahinga sa panghahalik nito. Ngayon naman parang mas gusto pa niyang mas tumagal pa ang halikan nilang dalawa. Nakakaliyo, Nakakaadik at nakakakiliti sa buong sistema niya ang bawat hagud ng labi ng binata sa labi niya. Gusto pa sana niyang magreklamo at bahagyan pa niyang nahabol ang labi ng binata ng magkahiwalay ang mga labi nila. Gusto pa niyang pagdikitin ulit ang mga labi nila. Napangiti ang binata sa reaksyon ng dalaga. Pinagdikit niya ang mga noo nilang dalawa. At tinitigan niya ito. "That is my punishment to you for being so noisy and loud voice!" Napapikit nalang siya sa pagtama ng hininga ng binata sa mukha niya. Pati ang hininga niya'y nakakaadik din ang bango. Lahat sa kaniya mabango. Bigla tuloy siyang naconscious sa sarili. Napapaisip siya kung mabango din ba ang hininga niya. Bahagyan niyang inilayo ang sarili sa binata ng makitang mariin siya nitong tinititigan. Hindi niya mabasa ang nasa mga mata nito. Ayaw niyang pangalanan ang mga nakikita niya sa mga mata nito. Baka magkamali lang siya ng hula at masaktan lang siya. Nabibingi na din siya sa subrang lakas ng t***k ng puso niya dahil sa paraan ng pagkakatitig ng binata sa kaniya. Napaatras siya bigla ng makitang papalapit ulit sa kanya si Gray. Nako, kahit gustong gusto ko ang paraan niya ng pagkakahalik sa'kin, hinding hindi na ako magpapahalik pa! Baka kung ano pa ang iisipin ng lalaking ito sa akin. Kahit naiilang na siya at hindi na comfortable sa paraan ng pagtitig ng binata sa kaniya. Nilakasan parin niya ang loob na magsalita. "Anong gagawin mo? 'Wag kang lumapit sa'kin. Lumabas ka na nga dito sa toilet!" Sabay atras niya. Dahil patuloy parin ito sa paglapit na parang walang naririnig. Wala na siyang aatrasan pa dahil pader na ang nasa likuran niya. Naisiksik nalang niya ang sarili sa pader. Napapikit siya ng ilagay ni Gray ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ng kanyang mukha. Dahil nakapikit parin siya ng mariin. Hinawakan ni Gray ang baba niya para magpantay ang mukha nilang dalawa. "Louise, please open your eyes."malambing niyang utos sa dalaga. Nag-alangan siyang imulat ang mga mata niya. Kaya dahan-dahan niyang iminulat ang isa niyang mata. Kalauna'y ang isang mata naman niya ang iminulat niya. Halos mawalan siya ng hininga sa lapit ng mukha nilang dalawa. Mas malakas pa ang t***k ng dibdib niya kisa kanina. Sumabay pa ang mga paru-paru na parang naghahabulan sa loob ng tiyan niya. Ano ba itong nararamdaman ko? Pakiramdam ko bibigay na ako. Sabi niya sa kanyang isipan. "I'm sorry I can't resist to kiss you again." Bago pa siya umiwas nahawakan na siya ni Gray sa magkabilang pisngi niya at maalab siyang hinalikan muli. Gustong tumutol ang isip niya pero ang katawan at puso niya gustong gusto ang ginagawa ni Gray sa kanya. Wala din sa sarili na tumugon siya sa halik ng binata. Kung gaano ito kapusok humalik ganoon din siya tumugon. Feeling niya expert na siya sa paghalik gayong ito palang ang lalaking nakahalik sa knya. Lunod na lunod na siya. Humigpit din ang pagkakayakap niya sa batok ng binata para hindi siya mabuwal. Nanlalambot Ang mga tuhod niya dahil sa ipinapalasap ng binata sa kaniya. Wala na siyang pakialam mamaya pagkatapos ang intense na halikan nila. Saka na niya iisipin mamaya kung paano niya ito pakikitunguhan. Sa ngayon enjoyin niya muna ang sarap sa pakiramdam na ngayon lang niya naramdaman sa tanan ng buhay niya. Huminto lang sila ng makarinig sila ng sunod-sunod na katok sa pintuan. Agad siyang kumalas sa dito at bahagyang lumayo sa binata. "Ma-may tao sa labas. B-baka i-importante iyon."nauutal niyang pagtataboy sa binata. Hindi siya makatingin ng diretso dito. "Hayaan mo silang kumatok hangga't magsawa sila!" sabay hila at yakap niya ng mahigpit sa dalaga. Isinubsob pa nito ang mukha sa may leeg niya at dinampian ng halik na ikinakiliti niya at kilabot sa buo niyang katawan. Masarap sa pakiramdam pero kailangan kong iwaksi ang anomang nararamdaman ko. This is not right. Bulong ng isip niya. Hinampas niya ito sa balikat at pilit kumakawala sa pagkakayakap ni Gray sa kanya. "Gray, ano ba kasi! Ang harot mo! Bitawan mo na nga kasi ako. Panay tsansing mo na sa'kin, ah! Kapag ito malaman ng mga secretary mo at itsismis nila ako sa iba, huh! Hinding hindi na kita papansinin. Alis na! Hoy Abo!" sabay tulak niya sa binata. Pilit niya itong pinapalabas sa loob ng CR. Tumitig sa kaniya ang binata na may pagnanasa sa mga mata nito. Sh!t pagnanasa? Sana pagmamahal na lang. Sa isip-isip niya. "I like it, when you are blushing. Mas lalo kang gumaganda."anas nito sa dalaga. Kalma self, huwag kang kiligin. Pero yung puso niya subrang kinikilig na. Kaya kahit naghuhumirantado ang puso niya dahil sa mga malalagkit niyang titig at mga sinasabi ng binata sakanya kailangan niya muna ng time out. Gusto niya muna pakalmahin ang puso niya na subrang nagwawala na. Kulang nalang lumabas ito sa loob ng katawan niya at magtatalon talon ito sa tuwa dahil sa kilig. "Nakahalik kana! Kaya 'wag mo na akong bolahin pa! At saka sadyang Rosy cheeks lang talaga ang mga pisngi ko. Hindi ako nagba-blush! Shuuu...layas na dito ng makalinis na ako ng toilet mo!"irap niya dito. "Lumabas kana, oy, kanina pa yong kumakatok doon sa labas."Pumunta siya sa likod ng binata at pilit niya itong pinapalabas. Napatili pa siya sa gulat ng biglang humarap sa kanya si Gray, na may balak ulit itong halikan siya. Buti at maagap siya. Itinakip niya ang isang palad niya sa labi ng binata. "Hep! Hihirit ka pa ha!"Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Naramdaman niya itong ngumisi saknya dahil nakatakip parin ang palad niya sa labi ng binata. Nagulat siya ng dilaan ng binata ang palad niyang nakatakip sa labi nito. Agad niya itong inalis at pinaghahampas niya ang binata. "Nakakadiri ka! Bastos ka!"sigaw niya sa binata. Tawa naman ito ng tawa at sinasalag ang mga hampas ng dalaga sa kanya. "Anong nakakadiri?! Hindi ka nga nandiri kaninang hinahalikan kita. Gustong gusto mo pa nga."tudyo niya sa dalaga. Bigla nanaman siyang pinamulahan ng mukha sa sinabi nito. Aminado naman siya doon. Matalim niya itong tinignan at inirapan. Sigurado siya subrang pulang pula na ang mukha niya. Bwesit na lalaking ito! Gigil niyang turan sa kanyang isip. "Lumabas ka na nga kasi! May kumakatok na naman. Baka kung ano ang isipin nilang ginagawa natin dito sa loob. Nakakainis!" maktol niya dahil hindi niya mapaalis ang binata kahit anong tulak niya dito. "Ito na! Lalabas na ako babe!"pang aasar niya sa dalaga sabay kindat pa nito. Natutuwa siyang nakikitang naiinis ito saknya. Ang cute lang kasi niyang tignan, lalo na't namumula ang mga pisngi nito. "Anong babe?! Babe mong mukha mo!" kunwari'y galit siya. Pero deep inside kilig na kilig siya. "Butter then? Since you love Butter. So, you are my Butter now."Ngisi niya sa dalaga. Napahawak pa siya sa baba niya habang nakatingin sa kanya. "Hmmm...not bad, right?"tanong pa niya sa dalaga. He knows that I love Butter very much. Pagsabay sila mag almusal, nagrerequest siya ng butter garlic bread or pancakes with butter. "Ewan ko sa'yo! Ang dami mong alam! Ang corny mo. Kinilabutan ako sa mga pinagsasabi mo."kelan pa naging corny ang lalaking ito. Agad siyang nag-iwas ng tingin dito. Hindi niya kayang tagalan ang kakaibang titig nito sa kanya. Please lumabas ka na. Pipi niyang panalangin. Sasabog ba ang puso ko sa lakas ng t***k nito. Bago siya lumabas mabilis muna siyang lumapit kay Charmy, at hinalikan niya ito sa noo. Napatulala nalang siya sa ginawad niyang halik sa noo niya. Pagkalabas ng binata agad niyang sinara at ni-lock ang pintuan. Napasandal agad sa likod ng pintuan pagkasara niya. OMG... bulalas niya. Napabuga pa siya ng marahas na hangin. Pakiramdam niya sobrang pula parin ang mukha niya. Paano ko pa siya pakikitunguhan. Alam ko mamaya magiging awkward na ang pakikitungo namin sa isa't isa. Ewan ko lang sa lalaking 'yon. Sa isip-isip niya. ****** Tahimik lang sila ng nasa sasakyan na siya ng binata. Ihahatid na kasi siya pauwi. Hindi naman awkward kanina, actually nag aasaran pa nga silang dalawa na parang walang nangyari na halikang naganap. Tahimik siya kasi hindi na niya ito makakasama araw-araw. Mamimiss niya ang mukong na ito ng subra. Busy na daw kasi ito ulit. Baka matagal tagal bago ulit sila magkita. Parang gusto kung maglupasay sa iyak. Iyong feeling na parang mag-aabroad ito at matagal itong uuwi ng pilipinas. Magiging textmate at callmate nalang sila. Haayyy... Ganito talaga ang buhay. Life goes on. Napaigtad siya ng magsalita ang binata. Nakakagulat naman ito. Bulong niya. "Louise, sabihan mo ako kung kelan darating mga kapatid mo dito. Sasamahan kang sunduin sila para hindi na kayo mahirapan pa sumakay, hmmm." "Hindi ba nakakahiya. Ayaw kong maabala ka sa trabaho mo." "It's okay, Basta sabihan mo ako." "Okay, ikaw bahala."wika niya dito. Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa makarating na sila sa apartment nila Charmy. Pagkatigil ng sasakyan ni Gray, sa tapat ng apartment nila Charmy, hindi niya muna in-unlock ang pintuan ng sasakyan niya. Humarap siya kay Charmy, at pinakatitigan niya ito. Wala din sa sariling hinaplos niya ang mukha ng dalaga. Bahagyan namang napapikit ang dalaga sa paghaplos nito sa mukha niya. "I'm going to miss you, Butter."anas ng binata sa kaniya. Pinanindigan talaga ng lalaking ito na simula ngayon tatawagin na niya akong Butter. It's cringe. It's so corny. Reklamo ng utak niya. Nakagat nalang niya ang ibabang labi niya para masupil ang pagkakangiti niya sa labi. "Pero pipilitin ko parin na masundo kita gabi-gabi. Huwag ka basta sasama kung sino-sino lang. H'wag ka din masyadong friendly sa mga customers niyo lalo na sa mga lalaki. Baka makakabali ako ng leeg ng wala sa oras."mahina nalang ang pagkakasabi nito sa huli. Malinaw parin naman iyon sa pandinig ng dalaga. Kinunotan niya ito ng noo. "Abo, hindi kita tatay para pagsabihan ako. Alam ko ang ginagawa ko, ok! Pero salamat parin." Sabay tanggal sa kamay ng binata na nakahawak parin sa magkabilang pisngi niya. Bigla naman sumama ang mukha ng binata sa sinabing yon ni Charmy sa kaniya. "Hindi mo naman siguro magugustuhan ang mangyayari kapag may nakita akong kausap kang lalaki!"mariin niyang sabi sa dalaga. "Huwag mo nga akong tinatakot diyan! Wala akong pakialam kung ano man ang gagawin mo sa mga lalaking kakausapin ko! At saka single naman ako, walang masama sa pakikipag usap ko sa mga lalaki."simangot niya. "Try me, Charmyjin Louise!"seryoso niyang sabi. Napalunok siya sa kaseryosohan ng mukha at boses nito. First time niyang makita na ganito ito kaseryoso. Nakakatakot. Nagagalit ito sa'kin minsan pero hindi katulad ngayon na kakaiba ang aura niya pag galit na talaga. Lalo na sa pagbigkas niya sa buo kong pangalan. Nakakakilabot iba ang dating ng boses niya. Mukhang seryoso nga ito sa sinabi niya. Pero hindi naman siya nito pag aari. Tapos pagbabawalan niya ako. Baliw ba siya. Inis na bulong ng isip niya. "Paki buksan na ang pintuan ng sasakyan mo lalabas na ako."simangot niyang sabi. "Naintindihan mo ba ang sinabi ko ha!"seryoso parin niyang tanong sa dalaga. "Ewan ko sa'yo. Hindi mo ako pag-aari kaya wala kang karapatan na higpitan ako."bulalas ni Charmy. Marahan siyang hinawakan ni Gray sa mukha at mariin siya nitong tinitigan sa mata. "Simula noong nakita ulit kita, pagmamay-ari na kita. Whether you like it or not, you are mine!"titig niya sa dalaga at ngumiti ito saknya. Nawala nanaman siya sa huwisyo ng ngitian siya ng binata. Ang gwapo talaga ng damuhong ito lalo na pagngumingiti. Nakakakilig siya. Tili ng isip niya. "Huh!! Kanina lang galit ka! Ngayon naman nakangiti ka na sa'kin. Bipolar ka ba talaga? Para kang ba.....uhmmm."Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil mariin na naman siya nitong hinalikan sa labi. Hinawakan pa nito ang batok niya para mas mapalalim ang pang hahalik nito sa kanya. Nalulunod na naman siya sa mga halik ng binata. Natigilan lang siya ng maalalang nasa harapan sila ng apartment nila. Baka makita sila ng mga ate niya. Kaya malakas niya itong itinulak palayo sakanya. "Ikaw ha! Nakakarami kana!"Sabay hampas sa ulo ng binata. "Palabasin mo na ako, Abo!"kulang nalang magmakaawa siya dito. Natawa naman ito sabay sapo sa ulo niyang hinampas ng dalaga. "Grabi ka makapanakit sa'kin."iiling niyang sabi. Hindi rin nagtagal bumaba na siya at pinagbuksan ng pintuan si Charmy. Bago pa siya hahakbang paalis na ng pigilan siya ng binata sa isang braso niya. Kaya napalingon siya. "Ano na naman ba, Abo!"inis niyang sabi dito. Lumapit naman ito sakanya. Napaatras pa siya ng hawakan nito ang magkabilang pisngi niya. Napapikit siya ng makitang nilalapit nanaman ng binata ang mukha nito saknya. Lakas nanaman Ang t***k ng puso niya. Pati mga laman loob niya nagwawala na din. Excited nanaman siyang mahalikan. Marupok talaga. Parang nadismaya siya dahil hindi siya nito hinalikan sa labi. Hindi nalang niya pinahalata. "Goodnight, Butter, dream of me tonight."bulong ng binata sa punong tinga niya. Kasabay noon ang paghalik nito sa noo niya na tumagal ng ilang segundo. Napatulala siya saglit. Sh!t! Ginagayuma ba ako ng lalaking ito. Sa loob-loob niya. "Pumasok ka na sa loob."utos nito. Doon siya natauhan. Hinarap niya ito at nagpasalamat. "Goodnight, Abo! Mag-iingat ka sa pagdadrive."ngumiti siya bago humakbang na papasok sa loob ng gate. Kumaway siya muna bago tuluyan ng pumasok sa loob ng apartment nila. Kumaway pabalik ang binata sa kaniya. Sa may kalayuan may isang taong nakamasid sa kanila. Nangingitngit sa galit. Matalim ang tingin nito sa dalawa. "Hindi ko hahayaan na mapunta ka lang sa iba! Pinaghirapan kitang agawin! Tapos ngayon sa iba ka na naman mapupunta! Hell! No way!" Galit niyang sabi sa kawalan. Nang makitang pinaandar ni Gray ang sasakyan nito. Sumunod naman na siyang umalis doon.. *****author note**** full of kisses in this chapter and I can't properly express the right and nice way of kissing with feeling. Hindi ako marunong sorna.HAHAHAHA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD