Chapter Eighteen
Pagkatapos niyang maihatid si Charmy, diretso na siyang nagtungo sa club nilang magkakaibigan. Doon nila paguusapan ang plano nilang gawin sa nabili nilang lupa sa Tagaytay.
They want it as a sanctuary, a place that provides safety, security and protection from difficult situations. We make sure to provides by a safety place soon.
"The Sevenity Club." I hope they all agree with this name. It combination of Seven and Infinity. The seven is us, we are seven best friends and Infinity is like a friend friendship without limits, eternal and never-ending. That's why I called Sevenity Club.
Dagdag pagkakabisihan na naman ito. Pero hindi ko hahayaan na mawawalan ako ng time kay Louise. I think I like her. Nakakawala siya ng stress. Pero hindi ko maiwasan na magalit at mainis sa dalaga. Kung ano-ano pinagsasabi sa mga empleyado ko. A very talkative and crazy woman. Napangiti siya bigla ng maalala ang pagsigaw niya noong nasa office siya nito. I know that movie, it Frozen my niece favorite movie. Naiiling na lang siya sa kabaliwan ng babae na 'yon.
Napabuntong hininga siya ng maalala si Kena. Napakakulit na babae, walang respeto sa sarili. Ama nito ang COO ng kompanya. Ito ang pumalit sa pwesto ng kanyang pumanaw na Tito ko na kaisa isang kapatid ni Daddy. Ang anak sana ng Tito ko ang pumalit dito. Pero karamihan sa board members ay si Mr.Smithfield ang gusto nilang pumalit kay Tito, kaya sa CCO naitalaga ang pinsan niya.
Pag mamay-ari ng amo ko na si Arfredo Montenor || ang Montenor Empire. Na namana nito sa yumao niyang ama at pinalago ito ang kompanya hanggang sa dumami ang branch nito sa pilipinas at sa buong Asia. Meron narin branches sa America at Europe.
Ang kuya niyang si Arlexander Gley ang CEO ng Montenor Empire. Sa akin naman nakaatang ang Hotels and Restaurant. Pero may posisyon parin ako sa kompanya. Kailangan kong manatili doon dahil sa mga anumalyang nangyayari sa loob ng kompanya. Kailangan kong tulungan ang kuya ko dahil subrang stress na ito dahil sa mga nangyayari sa kompanya.
May hinala na kami ng pinsan ko pero kailangan kong magimbestiga ng mabuti para mapatunayan namin ng pinasan kong si josh ang natuklasan namin. Isa din itong agent at hanggang ngayon wala pa silang nakukuhang ebidensya sa pagkamatay ng ama nito. He sighed.
Nagpapark na siya ng tumunog ang cellphone niya. Sino nanaman kaya ang tumatawag. Bulong niya. Bumuntong hininga siya ng makitang ang Ina niya ang tumatawag.
"Yes Mom."
"Where are you? Bakit wala ka dito sa party ni Kena? Bakit hindi ka dumalo?" sunod-sunod na tanong ng Ina niya. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ito. "Sinabi niyang personal ka pa niyang pinuntahan sa office mo. Pero pinagtabuyan mo lang siya!"may inis sa boses ng kanyang Ina.
"Mom, anong gagawin ko diyan? Tutunganga? Makikipagplastikan? Ayokong gawin ako ng babaeng iyan na Pole stand na kung makakapit kala mo wala ng bukas! You know, already Mom, that I don't like her! Bakit niyo po ba ipinagpipilitan ang gusto niyo!"irritable niyang wika sa kanyang Ina.
"Anak, bakit kasi ayaw mo munang kilalanin siya. Bago mo siya husgahan. I know her, I'm her mother best friend. Hindi ko siya irereto sa'yo kung hindi ko siya kilala."
Paanong hindi ko kilala ang babae na iyon. Pinaimbestigahan ko na siya noon. Alam ko lahat ang kalukuhan niya sa buhay. Hinala ko din na Isa siya sa dahilan kung bakit nagback out ang fiancèe ko sa kasal namin. Sila ng ama nito. Mapatunayan ko lang talaga na kayo ang may kagagawan ang lahat! Huh! Sinisiguro kong pagsisisihan niyo ang ginawa niyo samin ng ex-fiancèe ko. Nanggagalaiti niyang bulong sa kawalan.
"Hijo!" galit ng sabi ng Ina niya.
"Mom, I have to go. May meeting kami ng mga kaibigan ko. See you, on Sunday. Love you Mom. Bye!" agad niyang ini-off ang cellphone niya. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapan nilang mag-ina. Maririndi lang siya sa kakulitan ng Ina niya.
*****
As usual ako na naman ang huli sa meeting naming magkakaibigan. May rason naman ako. Pinakita ko pa ang katatapos lang naming pag uusap ng aking Ina.
Naging maganda ang pag uusap nila na pitong magkakaibigan. Lahat sila agree sa pangalan na sinabi ko. Nagustuhan nilang lahat. Since I told to them the meaning of "The Sevenity Club." at dahil pito kami magpapamember kami ng seventy person. We agree to allowed woman as members too, but it's just a few only. Because we don't want to call us chauvinistic.
Marami silang plano na gagawin at mga libangan na gusto nilang ipatayo. Subrang lawak ang lupa pwede na nilang gawing isang barangay. Ang maganda pa'y may falls din na mas lalong nagustuhan naming magkakaibigan. Pwede rin naming gawin Isa na atraksyon doon.
Excited silang lahat sa outcome ng mga idea nila na gagawin doon. Maybe One Year or Two Year and half matatapos na ito.
Si Louise agad-agad ang nasa isip niyang isasama sa opening ng The Sevenity Club soon. Excited na siya hindi pa nga nasisimulan. Natawa na lang siya sa sarili niya.
*******
Last day na niya ngayon sa restaurant ni Gray. Nalulungkot siyang hindi na niya ito makakasama ng buong araw. Ang makasama itong kumain. Ang mga bangayan nila at asaran. Ang laging pang iinis nila sa isa't isa. Ang pang aalila niya saknya sa opisina nito. Mas lalo na iyong pang aasikaso niya sa binata na feeling niya magjowa sila. Ang assumera ko. Well, wala naman masama. Ang importante 'wag umasa.
Mamimiss ko siya. Napabuntong hininga siya. Ito na siya late na niya akong nasundo.
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Ang pangit mo pala kapag nakasimangot." Pang aasar niya sa dalaga. "Hindi mo man lang ba ako babatiin?" dagdag pa niya.
"Paano kita babatiin, eh, nauna ng bumungad sa akin ang pang aasar mo!"ingos niya Kay Gray.
"Iyan ang mukhang bumungad sa'kin eh. May problema ba?"
"Wala naman. Napapaisip lang ako kong bakit ayaw nila nanay na uuwi ako next month sa ilocos. D'ba mga ilang days nalang Christmas na. Kaya hindi ko maiwasan na mag isip at malungkot." Hindi niya alam kung anong dahilan bakit bigla nalang sasabihin ng nanay niya na 'wag siya munang uuwi doon. Ang mga kapatid ko ang luluwas dito manila para makasama ko sila sa Christmas at New Year. Pero Nanay at Tatay hindi namin sila kasama. Napabuga na lang siya ng hangin.
"Problema ba yun. Ide sila ang papuntahin mo dito. Kung gusto mo ipapasundo ko pa sila para sayo?"presinta pa ni Gray.
"Eh, kaso nga ayaw nila. Mga kapatid ko lang ang pupunta dito para makasama ko sila. Pero hindi kasama parents ko."napabuntong hininga siya. Ang weird lang pakiramdam ko may tinatago sila sakin....Haayyyy.
"Okay, lang yan. Makaimot ka diyan akala mo wala ng susunod na taon. At next month pa naman iyon very advance ka mag-isip at malungkot."iiling niyang wika.
"Walang pakialamanan pwedi! Hindi ko lang maiwasang mag-isip. Hindi naman siguro utos iyon ni Lola, kasi matagal naman na kaming hindi umuuwi doon kapag tuwing pasko at bagong taon."clueless parin siya sa nangyayari.
"Why? I mean what do you mean? Ayaw ba sainyo ng Lola at Lolo niyo?"curious niyang tanong kay Louise.
"Ako lang ang ayaw nila. Hindi ko din alam kong bakit ayaw nila sakin. Nahihiwagaan ako sa pagkatao ko. Pero kamukha ko naman si Nanay, kaya hindi ko iniisip na baka ampon lang ako. Tsaka mas magkamukha daw kami ng kakambal ni Nanay, dahil pareho kaming may nunal sa gilid ng kilay namin. Pero wala na siya ngayon sa picture ko lang siya nakikita." mahaba niyang kwento sa binata.
"Don't worry, nandito naman ako. I will protect you, from all the people who want to hurt you. You know, you can count on me."ngiti niya sa dalaga. Hindi kasi siya sanay na makitang malungkot ito.
"Sa-salamat."mahina niyang sabi na sakto lang sa pandinig ng binata.
Pagbaba nila ng sasakyan agad siyang hinila ng binata patungo sa private elevator paakyat sa opisina nito.
"Boss, last duty ko na po ngayon dito. Kaya sana hayaan mo muna ako sa restaurant makichika sa kusina. I mean magtrabaho."bawi niya agad sa sinabi niya.
"Tssk... Doon ka sa opisina ko magtrabaho. Sabi mo nga last day mo na di ba."ngiti niya sa dalaga.
Naku lang. Mukhang hindi maganda na naman ang mangyayari. Hanggang last day ko ba naman laging may pasabog ang damuho na 'to. Bulong ng isip niya.
"Alam mo Boss, waitress ako. Hindi taga linis ng opisina mo. Hindi watcher mo o taga silbi ng mga pagkain mo! I'm W-A-I-T-R-E-S-S = waitress po! Sure akong correct ang spelling niyan." nanlalaking mga mata niyang bulalas sa harap ng binata.
Nangingiti at naiiling na lang siya sa dalaga. Wala talagang dull moment kapag kasama niya ito. Nasanay na siya sa kadaldalan nito. To the point na parang ayaw na niyang paalisin pa dito. At alukin na lang na dito na magtrabaho.
"Pareho lang naman yan. Naglilinis ka din doon. Nakatayo ka din at nakatunganga pag walang customers. At least dito swerte mo dahil solong solo mo ang gwapong katulad ko."tumaas baba pa ang mga kilay nitong nakatingin sa kaniya. Nginitian pa siya nito na dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso niya.
"Ang hangin mo Boss. Pwede ka na magbawas ng upuan sa ulo mo. Ang hangin mo na masyado."
Kunwari ka pa! Gustong gusto mo nga akong tinititigan eh, hinahayaan lang kita. Alam ko kasing nage-enjoy ka."pang aasar ni Gray sa dalaga.
"Ang kapal mo!"sabay hampas sa balikat nito. Natatawa namang umilag ang binata ng makitang hahampasin ulit siya no Charmy.
"Anong gagawin ko?" Agad na tanong ni Charmy ng nasa opisina na sila ni Gray.
"Help me to clean my toilet."agad namang sagot nito.
"WHAT?!" malakas niyang sigaw. "Paglilinisin mo ako ng toilet? Seriously, Abo?!"masamang tingin ang ipinukol niya kay Gray.
Ngumisi lang ang binata."Bakit nagrereklamo ka? Double naman ang sahod mo, ah! At saka nakikigamit ka din naman sa toilet ko. Kaya may karapatan kang linisan iyan."lumapit na ito papalapit sa may likuran niya at itinulak niya ito papasok sa loob ng toilet.
"Maglinis kana. Huwag ka ng umarte diyan."ngisi niya sa dalaga.
"Bwesit ka!"inambaan niya ito ng suntok pero mabilis na nakalayo ang binata na natatawa sa kanya.
"Nakakainis ka talagang lalaki ka! Kahapon lang pinaglinis mo ako ng glass wall, ah! Dalawang beses mo akong pinaglinis. Tapos pinag vacuum mo ako sa sulok ng opisina mo noong nakaraan! Pinag ayos mo ako sa mga kalat mong mga papel dahil burara ka!" sigaw niya sa binata na nasa labas habang ngsisimula na siyang maglinis ng toilet.
"Kung sana hinayaan mo akong mag serve sa baba dahil iyon naman talaga ang trabaho ko! Waitress! Sana madami na akong nakilalang bigating tao. Mga mayayaman. Baka may magiging textmate, callmate and chatmate na din sana ako! Malay mo nasa mga customers lang pala ang destiny ko!" Malakas niyang wika. Kung ano-ano nalang lumalabas sa bibig niya. Nakakainis kasi ang lalaki na ito!
"Nakakainis ka talagang damuho ka!" sigaw niya sa loob ng toilet.
"May araw ka din sa'kin! Huwag na huwag mo akong kakausapin, kahit ang pansinin ako kapag nakita mo ako sa labas! Ito na ang huli nating pagkikita! Naintindihan mo ba ha! GRAY, kulay abo! Kahit an...."nagulat siya at hindi na niya natapos ang sasabihin dahil may humila na sa kanya at isinandig siya sa pader sa loob ng toilet.
Magsasalita na sana siya ulit ng sunggaban ni Gray ang labi mga niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Nanigas ang buo niyang katawan sa pagkabigla dahil sa panghahalik saknya ng binata. Imbes na itulak niya ito ng natigilan na naman siya. Mas Lalo kasi nitong pinailalim ang paghalik nito sa kanya. Diin na diin na din siya sa pagitan ng katawan ni Gray, at ang pader sa likod ko. Mapusok siya nitong hinahalikan wari'y sinasabi ng labi ng binata na tumugon siya sa halik nito sa kanya..
**author note**
mahirap magtype haha.. SALAMAT sa nagbabasa ng story ko. i Appreciate it so much..
Wala pala ito edit. Raw and alots of error.