Chapter 32

1056 Words

Sa hindi kalayuan kung saan nagpipiknik sina Mariah ay may lihim naman na nakatanaw. Nakasuot ito ng sumbrero na kulay itim. Kinakain na ng selos ang puso nito lalo na nang lumapit na ang isang gwapo at kilalang lalaki sa pinagtatrabahuhan ni Mariah. Nakakubli ito sa isang puno ng malabong na puno ng mangga. Hindi na ito mapakali nang may dumaan na dalawang batang lalaki sa harapan niya. Mukhang galing ang mga ito sa kabilang bakod ng kinaroroonan niya. Halatang kung saan-saan nagsusuot ang mga ito base sa itsura ng damit at dungis ng katawan ng mga ito. Napunta ang pansin niya sa tirador na nasa leeg ng isang batang lalaki. May kapilyuhan siyang naisip. Sinipulan niya ang mga ito at nilingon siya. "Boy, napakaganda naman ng tirador mo." Nilapitan niya ang mga ito. "Sinong gumawa?" nakan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD