Hanggang sa mag-breaktime ay naging maganda para sa kanya ang araw dahil nga sa hindi na siya nade-delay. Dati ay sina Ate Donna lamang niya at ang ilang kasama nito ang kasama niya na nagbe-break sa canteen. Ngayon ay kasama na rin niya sina Anna at Jen. Nang matapos na silang kumain ay nagkwentuhan muna sila sa garden ng kumpanya. "Uy, Mariah. Pasensya ka na ha, kung kanina ka lamang namin kinausap. Alam mo kasi kapag ganoon na may nade-delay sa conveyor ay madaling mag-init ang ulo ni Ate Tess sa mga nagdadaldalan. At saka alangan kaming pansinin ka ni Jen noong una. Akala kasi namin ay suplada ka. Hindi ka rin kasi nagsasalita. Hindi namin alam na madaldal ka rin naman pala," mahabang wika ni Anna sa kanya na sinang-ayunan naman ni Jen. "Hehehe, ganoon ba? A-ako naman akala ko ay a

