Bumungad nga sa kanya ang antipatikong si brown eyes na nagpaasim sa mukha niya. Ang h*d*s nagpa-cute pa sa kanya. Nagulat pa siya nang ang mukha ni Ate Donna niya ay nasa mismong harapan na niya. "Ate, bakit?" walang anuman na tanong niya. "Alam mo, Maya, sa lahat ng babaeng binigyan ng tingin ni James ay bukod tanging ikaw lang ang hindi ko kinakitaan ng kilig. Bagkus ay maasim na mukha ang nakita ko sa'yo. Alam mo bang si James ang tinaguriang the bachelor hunk of production three. Sikat iyang si James dito. Crush ng lahat. Matinik sa chicks iyan. "Ha? Talaga, Ate?" walang anuman na wika niya. Hindi niya ipapaalam dito na maging siya ay nagkaroon ng crush dito. Pero na-turn off siya dahil sa taglay nitong kayabangan. "Hindi ka man lamang ba na-hook sa kagwapuhan niya?" tanong nito

